logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

All Because of Skate

All Because of Skate

silent.writer


Chapter one: Starting to love you but I need to let you go!

[BELLIES POV]
"Chris!" rinig ko sigaw ng mga babaeng nanood din ng skating,
Nakaupo ako sa gilid at nanonood din ng skating, ibat-ibang klase ng skate ang nilalaro ng mga kabataan. Ang pagkakaiba ko sa mga babaeng sumisigaw ay hindi ako nanonood dahil sa mga poging skater, nanonood ako dahil mahal ko ang skating. Habang aliw na aliw ako sa panonood, may bigla akong narinig na sumisigaw na lalaki na parang nasa likoran ko at bigla akong lumingon,
"Tabi!" sigaw ng lalaki habang ako naman ay hindi alam ang gagawin, na para bang hindi ako makakilos, wala na akong magawa hindi ako makaisip ng maayos kaya pumikit nalang ako, pagkatapos non ay hindi ko na alam ang nangyari.
"Agh!" Pagkadilat ko ay naramadaman ko kaagad ang sakit sa paa ko,
"Miss okay kalang ba?" May isang poging lalaking tumanong sa akin,
"Aray!" Sigaw ko,
"Miss kaya mo bang tumayo?" tanong niya sa akin,
"Sa tinging mo ba kaya kong tumayo sa kalagayan kong ito?" pasungit kong sabi,
"Sorry miss! Kasi ang sabi ko tabi ang ginawa mo lang ay pumikit ng mata, kaya naman natamaan ang paa mo!" pasungit niya akong sinisi,
"At ako pa talaga ang may kasalanan?" pasungit kong tanong,
"Kasi bakit dito ka umuupo eh ang daming upuan dun!" pasungit niyang sabi,
"Eh bakit kasi dito naglalaro eh nandon ang skate park hindi dito at saka ang layo ko na nga sa dinadaanan mo dito kapa natumba! ang sabihin mo nag papapogi ka diyan sa mga babaeng sumisigaw!" pilosopo kong sabi,
"Oh! ibig sabihin pogi ako sa paningin mo!" Inasar niya ako,
"Pogi mo bunganga mo!" Pataray kong sagot,
"Tama na muna yan! Hawakan mo na muna ito at bubuhatin kita papuntang ospital!" Sabi niya at ibinigay sa akin ang kaniyang skateboard at saka binuhat ako,
"Hoy! Ibaba mo nga ako nakakahiya sa mga tao!" pabulong kong sabi sa kaniya,
"Tumahimik ka! Hayaan mo sila, hindi naman nila alam ang totong rason at hayaan mo na din silang magsabi ng kahit na ano as long as the both of us know the truth!" sabi niya at nag English pa,
"Okay fine!" sagot ko.
Dahil sa sinabi niya ay unti-unting nabuhayan ang loob ko, na para bang kaya kong gawin ang lahat gaya ng dati
Dali-dali niya rin akong dinala sa ospital.
"Doc nabagsakan po ng skateboard ang paa niya!" sabi niya sa doctor,
"Okay!" sagot ng doctor sa kaniya at parang may pinaguusapan silang dalawa ng doctor sa pamamagitan ng kanilang mga mata at nakita ko ring parang yumuko ng kunti ang ulo ng doctor, pero hinayaan ko nalang.
Pinagamot niya ako at ginabi kami sa hospital at dun na kami natulog. Pagkagising ko nakita ko siyang nakatulog sa kamay ko at hawak-hawak niya ang kamay ko, natulala ako dahil parang may kakaiba akong nararamdaman sa pagtitig ko sa mga mata niya na para bang hindi ko alam ang emosyon ng mga mata niya, hindi ko masabi kong masaya ba siya o hindi at gusto kong alamin. Sa kakaisip ko hindi ko na namalayan na gising na pala sya at nakatitig sa akin,
"Oh! gising kana pala!" sabi ko na parang okay lang ang lahat.
"Bakit ganon ka makatitig sa akin?" tanong niya,
"Ah wala yun!" sabi ko,
"Ow! Okay" sabi niya na parang nag sususpetya at ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam ang dahilan.
"Bibili na muna ako ng pagkain!" Sabi niya,
"Bakit dito ka natulog?" tanong ko,
"Hindi raw kita pwedeng pabayaan na mag-isa dito sabi ng doctor!" Sabi niya at umalis,
"Okay! pabulong kong sagot na parang hindi ko kayang maniwala sa sagot niya!" Sa tanong ko.
Makalipas ang ilang minuto.
"Huy! Huy bakit ka naka tulala sa bintana huyy!" sabi niya sa akin,
"Ah-eh-ah bakit?" Nagulat ako, hindi ko namalayang nakatulala pala ako,
"May nakikita kaba na hindi ko nakikita?" pang-asar niyang tanong at tumawa ng malakas
"Nang-asar kapa talaga!" Painis kong sabi na parang ngingiti ako na hindi ko naman kong ano ang dahilan,
"Kumain na nga tayo haha!" Sabi niya sakin at tumawa pa talaga ulit,
Hinapas ko balikat nya at bigla siyang naupo at hinihimas-himas ang balikat niya, yumuko na parang ang sakit sakit ng balikat niya,
"Oh anong nangyari sayo?" tanong ko habang dinadahang inaangat ulo niya,
"Wala lang to, pagkatumba ko kasi sa tabi mo kahapon tumama ako sa kahoy na sinasandalan mo!" Sabi niya,
"Sorry hindi ko alam na ma sakit pala balikat mo!" Sabi ko sa kaniya.
Sa tingin ko alam ko na kong bakit ganon ka lagkit ang tinginan nila ng doctor kahapon sabi ko sa isip ko,
"Okay lang yun kumain na nga tayo!" sabi niya,
"Sige ako na ang susubo sayo, parang hindi mo kayang igalaw ang kabilang kamay mo eh!" Sabi ko sa kaniya,
"Okay sige!" sabi niya,
"Teka-teka lumala yan ng dahil sa pagbuhat mo sa akin, tama ba ako?" Tanong ko,
"Hindi ah!" Pataranta niyang sabi kasabay ng paggalaw ng kanyang mata papunta sa kabila hindi niya nagawang tumingin ng diritso sa akin nung sumagot siya,
"Okay!" hinayaan ko na lang at sinubuan na siya,
"Tyanga pala sabi ng doctor pwede ka nang ma discharge ngayong araw, kaya pagkatapos nating mag almusal ay mag pa-file na ako dun sa receptionist para ma discharge kana!" sabi niya sa akin,
"Okay!" sagot ko.
Pagkatapos naming kumain,
"Sige itatapon ko na ito at didiretso na kaaagad sa front desk!" sabi niya,
"Okay!" sabi ko.
Makalipas ang ilang minuto at bumalik siya na may dala-dalang Crutches,
"Uuwi na tayo!" Sabi niya,
"Okay!" Sabi ko at dahan-dahan niya akong inalalayan sa pagtayo,
"Maraming Salamat!" Sabi ko,
Habang naglalakad kami papunta sa labas ng ospital ay nakasalubong ko ang doctor na gumamot sa akin,
"Hi Doc, Thank you po sa paggamot niyo sa akin!" Sabi ko at nag bow,
"Walang ano man yun, Gawain naming mga doctor ang pagalingin ang mga may nararamdamang sakit, at..." Sabi ng Doctor,
"Salamat po uli Doc!" hindi natapos ng doctor ang kanyang sasabihin dahil bigla itong nagsalita na para bang may tinatago,
"Okay! Walang ano man ulit, mag-ingat kayo ha!" sabi ng doctor at ngumiti sa lalaking maungit na ito,
"sige po Doc. Domingo, mag-ingat din kayo!" Sabi ko na may malaking ngiti sa aking mga labi.
Pagdating namin sa labas,
"Uuwi na ako salamat sa pag bantay sakin!" Sabi ko at lumakad ako ng may biglang naka bangga sakin, muntik ng akong matumba nang biglang may sumalo sakin, nakita ko siya ulit,
"Ah-eh, salamat!" Pahiya kong sabi,
"Ok lang, dito ka muna tuturuan ko lang ng leksyon yung lalaking iyon, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya!" sabi niya at mukhang galit,
"Ah.." hindi ko na siya napigilan kasi ayon na siya tumakbo na, ang bilis niyang tumakbo at lumakad ako papalapit sa kanila, nakita kong mahinahon naman niyang kinakausap yung lalaki, nagulat nalang ako na bigla siyang sinuntok nito,
"Waggggggg!" Napasigaw ako, tatakbo sana ako papunta sa kaniya kaso bigla akong na out-balance at natumba ako, nakita niya ako, nakita ko mukha niya, nanlaki mga mata niya at bigla niyang hinayaan ang lalaki at tumakbo patungo sakin, pinatayo niya ako at niyakap, damang-dama ko ang ibok ng puso niya dahil sa kaba,
"Sorry, sana hinayaan ko nalang siya para hindi kana nag-alala!" sabi niya habang niyayakap ako ng mahigpit,
"Okay lang!" sabi ko, gulat na gulat ako sa kaniya,
"Tara na ihahatid nalang kita baka may mangyari nanaman ulit sayo!" sabi niya sakin.
Lumakad na kami papunta sa bus station, grabi ang pagka higpit ng hawak niya sa bewang ko para lang alalayan ako, sa kalagitnaan ng paglalakad namin, may nakita siyang matandang lalaki na tatawid sa daan,
"Dito kana muna umupo wag na wag ka tatayo ha!" sabi niya sa akin,
At tumungo na siya sa matandang lalaki, at inaalayan niyang tumawid, habang naka tingin ako sa kaniya, pag dating nila sa kabila ng matanda, bumalik siya kaagad sa aking kinauupuan, habang nag lalakad sya patungo sakin nakingiti pa talaga siya, pa fall na lalaki ito, pagdating niya ay tinulungan niya ulit akong tumayu, sa bewang ko talaga siya nakawak para ma secure niya talaga na hindi ako matuba pag nabangga ulit ako at lumakad na kami ulit, habang nag lalakad kami tinanong niya ako,
"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong niya,
"Bellie Rid P. Santos, tawagin mo nalang akong bellie, eh ikaw anong pangalan mo?" sabi ko sa kaniya at syempre tinanong ko rin pangalan niya,
"Ako naman si Christian Gil B. Tolentino!" Sagot niya.
Pagdating namin sa bus station umupo muna kami sa gilid,
"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya sakin,
"Oo, palagi naman akong gutom eh haha!" walang hiya kong sabi,
"Halata naman eh haha!" pabiro niyang sabi at tumawa nanaman ulit,
Natulala na naman ulit ako sa kanya, umalis na siya para bumili, ng may biglang lumapit sa akin na isang lalaki, umupo siya sa tabi ko, ako naman mahigpit na yumayakap sa skateboard niya, natatakot ako dahil mukhang masamang tao ang tumabi sa akin, nakita kong nanginginig yung kamay niya, at hinay-hinay na lumalapit sa aking bewang, at dahil hindi ako maka galaw ng maayos dahil sa kaba sumigaw nalang ako,
[CHRISTIANS POV]
"Pabili.." bibili na sana ako ng may bigla akong narinig na sigaw na nagmumula sa kinauupuan ni Bellie, bigla akong tumakbo patungo sa kinauupuan niya at nakita ko ang isang lalaking nakadikit kay Bellie at nakita ko si Bellie na umiyak, tumakbo ako ng mabilis papunta sa kaniya at hinila ang lalaki at sinuntok,
"Anong ginagawa mo kay Bellie, bastos ka ah!" Galit na galit kong sinuntok ang lalaki,
"Tama na chris tama na yan, tama na please!" Nagmamakaawa sa akin si Bellie,
Paglingon ko, nakita kong basang-basa na siya ng luha niya, tumigil na ako sa pagsuntok sa tarantadong lalaking yun at nilapitan si Bellie at inangat ang ulo niya at niyakap ko siya ng mahigpit,
"Sorry, sana hindi na kitang hinayaan na mag-isa dito!" sabi ko kay Bellie,
"Sorry hindi ko kayang protektahan ang sarili ko sa ngayun!" sabi ni Bellie,
Pinatahan ko na siya at pinunasan ang luha niya, dumating na ang bus ay inalalayna ko na siya at sumakay na kami sa bus. Sa kalagitnaan ng byahe namin na kita kong parang inaantok na siya, hinawakan ko siya sa pisngi at isunandal ko ulo nya sa balikat ko,
"Matulog kana muna, mahaba pa naman siguro ang byahe natin papunta sa bahay niyo!" sabi ko sa kaniya.
[BELLIES POV]
"Bakit ganito ka sakin, nahuhulog na ako sayo!"  sabi ko sa utak ko,
Pagkagising ko nakita kong nakatulog rin pala siya at dahil malayo pa ang byahe, isinandal ko nalang muna yung ulo niya sa balikat ko para hindi sumakit yung liig niya, inamoy ko ang buhok niya ang bango, habang naka tinging ako sa labas, bigla kong naramdaman na parang gising na siya, paglingon ko nakita ko ang lapit ng mukha niya sakin, hindi ako makagalaw dahil sa hiya,
"Bakit ka namumula?" tanong niya sakin,
"Ah-eh, namumula ba ako? Hindi naman ah!" Sabi ko at tinulak ko siya,
Hindi na ako tumingin sa kaniya hanggang makababa kami ng bus, dahil lalakad pa kami ng kaunti para makarating sa bahay at hindi ko na kaya pang lumakad ng matagal dahil kumikirot nanaman ang paa ko, binuhat niya nalang ako papunta sa bahay,
"Baba mo na ako andito na ang bahay namin oh!" sabi ko sa kaniya, hiyang-hiya talaga ako, siya palang ang lalaking gumawa sakin nito at binaba na nya ako, pinahawak ko muna ang mga gamit sa kanya at binuksan ang gate, pag pasok namin sa gate kahit na nahihirapan na sya sa pag hawak ng mga gamit inalalayan parin niya ako at pumasok na kami, pinaupo niya ako sa upuan namin, inangat at pinatong niya sa isa pang upuan ang paa ko,
"Sandali lang kukuha lang ako ng towel at mainit natubig para sa paa mo!" sabi niya,
"Okay sige may towel dun sa banyo!" sabi ko sa kaniya, husband material talaga siya at magaling pang mag-alaga.
[CHRITIANS POV]
Pumasok ako sa banyo para kumuha ng towel, pagkapasok ko nakita ko yung bra at panty niyang nakasabit, nagulat ako ganito pala ang laman ng banyo ng mga babae hindi ko alam, dali-dali kong kinuha ang towel at lumabas,
"Hindi mo naman sinabi sa akin na nakasabit pala dun yung panty mo at bra sa tabi ng towel, inasar ko siya, pero nahihiya na ako dahil first time kong makakita nun, inasar ko lang siya para hindi niya mahalatang nahihiya at kinakabahan ako,
"Haaaaaaaa, sh*t nakalimutan ko hindi pala kita dapat pinapasok diyan!" gulat na gulat niyang sigaw sa akin, sabay hampas sa noo niya, natawa nalang ako sa kaniya ang cute niya talaga, at tumungo na ako sa kusina para ihanda ang mainit na tubig para sa paa niya.
[BELLIES POV]
"Sh*t nakakahiya naman!" sabi ko sa sarili ko,
Habang naka tingin ako sa kaniya nakita ko kong pano siya kumilos, maalagaing tao siya at sa tingin ko nahulog na nga ako sa kaniya, parang gusto ko siyang yakapin, thankful talaga ako sa kaniya dahil hindi niya ako pinababayaan, umiwas agad ako ng tingin ng bigla siyang lumingon at pumunta patungo sakin,
"Ako na gagawa nito!" sabi niya,
"Ah okay!" sabi ko,
Pagkatapos niyang punasan ang paa ko binuhat nya ako patungo sa kusina at pinaupo sa upuan,
"Umupo ka muna maglu-luto lang ako ng pagkain gabi na kasi hindi pa tayu kumakain at dito na muna ako matutulog habang nag papagaling ka, sabi niya!" Hindi na ako kumibo, wala akong magawa dahil gusto niyang siya na mag-alaga sakin, habang nag luluto siya narinig kong nag ring ang phone niya,
"May tumatawag ata sa phone mo!"  sabi ko sa kaniya at dali- dali siyang pumunta sa sala at kinuha ang phone niya at sinagot, gusto ko mang marining kong sino kausap niya hindi ko magawa kasi malayo ang sala sa kusina at hindi naman ako makatayo at makalakad ng maayos, pagbalik niya sa kusina nakangiti siya mukhang masaya siya kaya napa yuko nalang ako, nagseselos ata ako, hindi ko alam wala naman dapat akong ika-selos hindi niya naman ako girlfriend. Pagkatapos niyang mag luto kumain na kaagad kami at pagkatapos na pagkatapos kong kumain tumayo na kaagad ako at hindi na kumibo pumunta na kaagad ako sa kwarto ko, hindi na ako nag pa alalay pa sa kaniya.
$Sh*t bakit baa ko nagkakaganito!?" sabi ko sa sarili ko habang dinadama ang pagtibok ng puso ko,
[CHRISTIANS POV]
"Bakit kaya sya nagmamadali at hindi man lang ako sinabihan na pupunta na sya sa kwarto niya bakit parang galit sya!" sabi ko sa utak ko.
*MALAKAS NA TUNOG NG PAGSARA NG PINTO*
"Nakakatakot naman siya, bakit kaya siya galit?" Pumunta ako sa tapat ng pinto niya,
"Galit kaba?" tanong ko,
"Hindi!" sigaw niya,
"Papasok ako ha!" sabi ko,
Pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siyang naka balot sa loob ng kumot, umupo ako sa tabi niya,
"Bakit ka bigla nalang nagkaganyan?" tanong ko,
"Wala!" pasungit niyang sagot,
"Hindi ako naniniwala!" sabi ko sa kaniya,
"Wala nga!" sabi niya,
"Sige na sabihin mo na!" pinilit ko siyang sabihin sakin ang dahilan,
"Sino yung tumawag sayu? bakit ang saya mo pag katapos niyong mag usap? Ano mo ba yun girlfriend mo yun? ha?" sabi niya, laking gulat ko ng marinig ko yun,
"Bakit? Nag seselos ka?" pang-asar kong tanong sa kaniya,
"Ah-eh, hindi ano, bakit naman ako mag seselos!" sabi niya,
"Lumabas kana muna diyan sa kumot mo hindi ako nakakatakot ka kapag ganyan ka!" pinilit ko siyang lumabas, hinay-hinay ko siyang inalalayan para umupo, at hinawakan ang magkabilang pisngi niya,
"Gusto mong malaman kong sino yun?" tanong ko sa kaniya,
"Oo!" palambing niyang sagot,
"Barkada ko yun niyayaya nila akong mag skateboarding bukas ng gabi at ang sabi ko pass na muna ako may inaalagaan pa akong baboy ngayun eh haha!" sabi ko sa kaniya at tumawa ako ng malakas, nagulat ako na hinapas niya ako ng malakas, umarti ako na masakit nanaman balikat ko,
"Arayyy-arayyy ang sakit-sakit ng balikat ko arayy!!!" arte ko may pa sigaw-sigaw pa ako para mag mukhang totoo,
"Hala sorry na sorry na bakit kasi sinabi mong baboy inaalagaan mo, baboy ba ako?" sabi niya sabay iwas tingin,
"Baboy kanaman talaga ang takaw mo kayang kumain, at bakit ka naman nag seselos? Akala mo may girlfriend na ako no?" Biro ko sa kaniya,
"At sinong nag sabi nanagseselos ako?" nag taray nanaman ulit eh halata naman eh, ngumiti nalang ako sa kanya at pinahiga ko na siya ulit at lumabas na sa kwarto niya at nag ligpit ng pinagkainan at humiga narin sa sala, ng hindi ako makatulog, sumilip muna ako sa kwarto niya at pumasok para ayusin ang kumot niya, masaya talaga ako at unti-unti ko nang nakikita kong ano talaga sya, hindi ko hahayaang mawala ang babaeng ito. Ramdam ko rin na komportabli siya sa akin at ganon din ako sa kaniya. Laman ng utak ko. Nung papalabas na ako may nakita akong kahinahinalang notebook sa table niya, binasa ko ito at mas nakilala ko pa sya, pagkatapos kong basahin binalik ko na ito at lumabas at humiga na at natulog.
*IN THE MIDDLE OF THE NIGHT*
[BELLIES POV]
"Bakit kaya hindi ako makatulog ng maayos?" Tanong ko sa sarili, mamaya lang narinig kong sumigaw si Christian, dali-dali akong lumabas na parang hindi ko nararamdaman ang sakit ng paa ko dahil sa takot,
"Christian gumising ka!!" umiiyak ako habang ginigising siya, dahil ang tagal niyang gumising, pagkagising niya bigla niya akong niyakap ng mahigpit at sobrang basa ng likod niya, pinapatahan ko siya habang pinupunasan ang kaniyang pawis sa likod,
"Tahan na, tahan na!" sabi ko sa kaniya at tumigil naman sya sa pag-iyak, sa sobrang takot niya hindi ko na siya magawang iwan,
"Salamat at ginising mo ako Bellie!" sabi niya sakin,
"Ok lang yun, ano ba ang napanaginipan mo bakit takot na takot ka?" tanong ko sa kanya,
"Wag na muna ngayun ayaw kong pagusapan yun kapag madaling araw!" sabi niya at kumuha na muna ako ng tubig para ipainom sa kaniya para maka tulog siya ulit, pagkatapos niyang uminon ay inilagay ko na ang baso sa mesa, nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila at niyakap,
"Wag ka na munang pumasok sa kwarto mo dito kana muna matulog sa tabi ko!" sabi niya,
"Sige, tatabihan na kita dito, kunin ko na muna yung sapin ko sa kwarto dito na ako matutulog sa sahig!" sabi ko sa kaniya,
"Sige!" sagot niya at kinuha ang sapin ko at siya na ang nag hilatag ng sapin sa sahig at inalalayan niya ako para makahiga, nagulat nalang ako na bigla siyang tumabi sakin at niyakap niya ako,
"Dito na rin ako matutulog, ayoko na matulog ng walang katabi!" sabi niya.
[Christian's POV]
"Sa totoo lang gusto ko ng solohin tong babaeng to ngayon dahil hindi ko alam kong ano ang mangyayari sa amin kapag gumaling na siya, kaya naman sasamantalahin ko na ang pakakataong ito na yakapin siya." Sabi ko sa isip ko.
[Bellie's POV]
"Sige matulog kana dyan" sabi ko  habang nakatitig sa kaniya at parang may nararamdaman akong lungkot sa mga mata niya ngayon hindi ko alam kong ano ang iniisip niya,
Habang naka pikit siya nakatitig lang ako sa kaniya iniisip kong ano ba talaga ang na panaginipan niya bakit takot na takot siya, at bigla siyang humarap sakin, ang lapit-lapit ng mukha niya sakin, at bigla niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin,
"Matulog kana, wag kanang mag-isip ng malalim dyan bukas kona sasabihin sayo!" bulong niya sakin,
Natulog nalang ako, hanggang umaga nakayakap parin siya sakin at ang himbing ng tulog niya, hindi ako maka galaw at ayaw kong gumalaw baka ma storbo ko tulog niya, tumitig nalang ako sa kaniya hanggang magising siya, pagkagising niya ngumiti kaagad siya sa akin,
"Sana ganito na kami palagi" sabi ko sa isip ko,
Nauna siyang bumangon at binuhat ako papunta sa kusina at pinaupo sa upuan at nag handa na siya ng agahan, habang nag hahanda siya tinanong ko siya tungkol sa panaginip niya,
"Ano nga pala yung napanaginipan mo kaninang madaling araw?" tanong ko sa kaniya,
*Christians past*
Isa sa mga kilalang mayayamang pamilya ang pamilya ni Christian, siya ay nag-iisang anak, sa araw ng kaarawan ni  Christian sinundo siya ng kanyang mga magulang at nung tumatawid ang kaniyang amat ina may isang malaking truck na nawalan ng preno at nasagasaan ang kanyang mga magulang, naging isang masamang panaginip ito para kay Christian at dahil bata pa si Christian noong namatay ang kaniyang mga magulang, kinupkop siya ng matalik na kaibigan ng kanyang amat ina, ang kumupkop sa kaniya ay siya rin ang nakakaalam ng lahat ng mga ari-arian ng kanyang amat ina kaya inalagaan siya ng maiigi ng kaibigan ng amat ina niya para pag tung-tung niya ng 21 years old ay ipapasa na ang mga ari-arian ng mga magulang niya sa kaniya.
[CHRISTIANS POV]
"Yun ang nangyaari sakin nung bata pa ako at hanggang ngayun palagi ko paring napapanaginipan ang nangyari sa magulang ko, mabuti nalang at napakabait ng kumupkop sa akin, sa kasamaang palad ngayun ay patay narin siya kaya kailangan kong mamuhay ng mag-isa, nag papasalamat nga ako at marami akong kaibigan, at sobrang nag papasalamat ako sayo dahil ikaw palang ang unang nakapatahan sa akin at nakagising sakin habang nananaginip ako ng masama!" sabi ko kay Bellie, hindi ko namalayan na umiiyak na pala siya, dali-dali kong pinunasan ang luha niya,
"Bakit mo pa kasi kwenento sakin ang kwento ng buhay mo!" sabi niya habang tumatahan sa pag-iyak,
"Sabi mo sa akin i-kwento ko sayo, alam mo sa totoo lang ikaw pa nga lang ang nasabihan ko nito!" sabi ko sa kaniya,
"Sana hindi ko nalang tinanong naiyak tuloy ako!" sabi niya sa akin, ang cute niya talaga kapag ganito siya,
"Tahan kana nga diyan kumain na tayo!" sabi ko sa kaniya, at kumain na kami.
At dahil linggo ngayon nagdisisyon akong umuwi muna para kumuha ng mga damit ko, at pagbalik ko nakita ko syang nagliligpit kahit na nahihirapan siya,
"Anong ginagawa mo? bakit hindi mo ni-lock ang gate at ang pinto?" nagalit ako sa kaniya, hindi ko alam kong bakit ganito ako sa kaniya,
"Oh bakit ka nagagalit kapag ni-lock ko makakapasok kaba?" pang-asar niyang sabi,
"Nakalimutan mo ba na dinala ko yung susi dahil sabi ko sayo I-lock mo ang pinto at yung gate at saka wag na wag kang lalabas ng kwarto mo, inilagay ko na lahat ng kailangan mo dun sa tabi mo para hindi kana mahirapan at pagkatapos madadatnan ko ganito pa?" galit na galit na talaga ako dahil nangasar pa talag siya, dali-dali ko siyang binuhat,
"Umupo ka diyan, pano kong may pumasok dito at sinaktan ka? Ako na mag-liligpit nito!" sabi ko sa kaniya, hindi ko alam kong bakit ako ganito sa kaniya.
[BELLIES POV]      
"Bakit ganto makareact to eh wala namang nangyaring masama!" sabi ko sa utak ko, naiinis na siya dahil tawang-tawa ako habang nakatingin sa kaniya,
"Alam mo nakakatawa ka!" Sabi ko sa kaniya,
"Nang-aasar ka talaga no!" painis niyang sabi,
"Eh bakit kasi ganyan kang kumilos haha! sabi ko sabay tawa ulit,
"Hindi ko nga rin alam kong bakit ako nagkakaganito, tama na nga yan halika na nga rito at dun kana sa kwarto mo at mag bihis kana mag sisimba tayo!" binuhat niya ako at ipinasok sa kwarto at pinabihis,
"Maliligo pa ako sabi ko!" at bigla niya akong binuhat papuntang banyo, pagkatapos kong maligo lumabas ako ng banyo nakita ko siyang naka tayo sa gilid ng pinto ng banyo,
"Bakit ang tagal mo akala ko kong na pano kana diyan!" sabi niya, sabay buhat sa akin papuntang kwarto,
"Atat naman tong lalaking ito!" sabi ko sabay tirik ng mata,
Pagpasok namin sa kwaro nakita ko ang damit ko naka handa na, lumabas na siya at hinintay ulit ako sa labas ng pinto, ang kinuha niyang damit na susuotin ko ay ang dress na kulay grey na hanggang tuhod ang palagi kong suot kapag sisimba ako, pagkatapos kong mag bihis lumabas ako at nakita ko siyang hawak- hawak ang aking puting sapatos, alam nya talaga kong pano ako pomorma ha, inalalayan niya ako papunta sa sala at pinaupo, isinuot niya sakin ang sapatos ko, inalalayan niya ako palabas at nagulat ako na may sasakyan sa labas,
"Kaninong sasakyan yan?" tanong ko sa kaniya,
"Akin yan dinala ko na para hindi kana mahirapan!" sabi niya, at sumakay na kami at umalis na kaagad para pumunta ng simbahan, pag dating namin sa simbahan inalalayan niya ako papasok at sa unahan kami umupo, nakita ko kong paano siyang tumino sa loob ng simbahan, kahit gaano pa siya ka kulit at ka suplado minsan hindi mo ma-iisip na ganon sya pag dating sa simbahan. Pagkatapos naming mag samba umuwi na kaagad kami.
Sa loob ng tatlong buwang pabalik-balik namin sa eskwelahan na palagi niya akong inaalalayan ay bigla nalang nagbago, pagkagaling na pagkagaling ko ay dali-dali din siyang bumalik sa kaniyang mga ginagawa nung hindi pa kami nag kakilala, wala akong ideya kong bakit bigla-bigla nalang niya akong hindi pinapansin kaya sinabi ko sa sarili ko ilalaan ko nalang muna ang lahat ng oras ko sa pag-aaral, hindi kami nag pansinan simula noon, palagi akong pumupunta kong saan sila nag lalaro ng mga kaibigan niya at palihim ko siyang tinitingnan, isang araw kakausapin ko na sana siya pero pagdating ko dun sa nilalaruan nila nakita kong may isang babae na sobrang ganda ang babaeng yun ay famous sa school namin,
"Haha! ano ba ang iniisip mo Bellie haha! hindi kana nga niya kinakausap hindi ba? Kita mo yang babaeng yan? Ang ganda niya diba! haha!" sabi ko habang tumitingala sa langit at tumatawa na parang baliw habang dahan-dahan na pumapatak ang luha ko,
At ang kasakasama niyang babae ay si Ella sobrang layo namin sa isat-isa, matangkad, maputi, mahaba ang buhok, napakakinis ng balat at mukha, mapayat at sexy syang babae at ako naman ay ang kasalungat niya, nakita kong na ang saya-saya nila sa isat-isa kaya hinayaan ko na si Christian.
[CHRISTIANS POV]
"Sorry Bellie alam kong masasaktan ka kapag makikita mo ito, pero kailangan kong gawin ito, sana pagdating ng panahon ay mapatawad mo pa ako!" sabi ko sa utak ko dahil nakita ko papunta si Bellie sa akmin kaya naman kinausap ko si Ella ng mahimbing na para bang masaya ako.
[BELLIES POV]
Simula nung araw na iyon palagi nalang akong sumusulyap sa kanilang dalawa, palagi akong umiiyak sa bahay,
"halos lahat kay Christian ay nag bago na, parang hindi ko na siya kilala, haha! hindi ko nga pa pala siya kilala ng lubos, haha!" sabi ko sa utak ko, habang umiiyak. Hanggang maka graduate kami hindi kami nag pansinan.

Bình Luận Sách (24)

  • avatar
    Jinalyn Galang

    It's nice

    14d

      0
  • avatar
    Cyrus Digal

    Very nice

    07/07

      0
  • avatar
    Apple Rose Bulilan

    thank you bery much

    05/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất