logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

"Kung mayroon mang may kasalanan dito ikaw 'yon Keith. This is all your fault! I can't even imagine na ikaw mismo ang sisira sa mga pangarap ko na kahit sarili mong kaibigan sinaktan mo." Gigil na sabi ni Alex sa kaharap niyang si Keith.
"Alex, parehas natin 'tong hindi ginusto. Pinigilan kita noong gabing 'yon pero hindi ka nakinig tapos ako sisisihin mo?"
"I'm drunk Keith and you know that. Kung pinilit ko man mangyari 'yon, ikaw ang hindi lasing sa mga oras na 'yon at alam mo naman siguro ang dapat gawin unless talagang may gusto kang mangyari sa pagitan nating dalawa." Sa sobrang galit ni Keith ay sinampal nito ang binata.
"Tama ka. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay ako 'yon pero hindi mo man lang ba naisip na kahit ano ang gawin mong pagtatakwil sa akin at sa magiging anak mo ay wala ka ng magagawa pa para bumalik sa'yo si Alli. Wake up Alex. Do you think maibabalik pa ang lahat? Kung ayaw mong panagutan ang bata hindi kita pipilitin dahil hindi ako 'yung taong pwedeng ikumpara sa aso na kapag lumayo ang buto ay pilit kong hahabulin para lang makakain. Don't you think that I'm too stupid para gawin ang bagay na 'yon?"
"Ginusto ko man o hindi ang nangyari Alex, hindi ko kailanman tatakasan ang responsibilidad ko bilang magulang ng batang 'to. Kung ipagpipilitan mong hanapin at ibalik sa buhay mo si Alli, gawin mo."
"Nagsisisi ako na ikaw ang magiging Ama ng anak ko, Alex." Ani Keith sa galit at mangiyak-ngiyak na boses. Hindi man kasi niya aminin pero nasasaktan siya sa nangyayari sa kaniya. Unti-unti siyang nilalayuan ng mga kaibigan niya at maging ang lalaking matagal na niyang ginugusto ay mawawala na sa kaniya ng tuluyan.
Umiiyak na umalis si Keith sa bahay ng binata, hindi niya alam kung saan pupunta ganoong pinalayas din siya ng kaniyang mga magulang dahil sa nangyari sa kaniya. Nagbakasakali kasi siya na tatanggapin siya ng binata matapos may mabuo sa nangyari sa pagitan nilang dalawa noong gabing 'yon. She was about to approach one lady in store nang muntik na itong masagasaan ng isang kotse na dumaan sa harap nito.
"What's wrong with you, Keith! Gusto mo na ba talagang mamatay?" Ani Jake, ang humila sa kaniya para maiwasan ang kotseng paparating.
"Let me go," pinigilan ni Keith ang sarili niyang magpakita na kailangan niya ng awa at tulungan ito ng binata. Imbes na kasi ipakita ang mukhang namumula na sa luha ay mas pinili na lang nito ang yumuko at hindi tingnan ang binata na kahit isang tingin.
"You don't need to cover your red face because I know everything Keith. Alam kong pinalayas ka nina Tita at Tito sa bahay n'yo at hindi ka-"
"Ayokong marinig ang pangalan niya Jake,"
"I see. Doon ka muna sa bahay mag-stay, wala naman sina Mommy at Daddy. Let's go," binitbit ng binata ang mga bag ng dalaga at sinakay sa kotse nito.
Halos kalahating oras din ang naging biyahe ng dalawa bago makarating sa bahay nina Jake. Ayaw man magpakatanga ng binata ay hindi niya magawang hayaang mag-isa sa kalye ang babaeng high school pa lang sila ay minamahal na niya. At habang nasa biyahe pa lang sila ay pina-ayos na ng binata ang isang guest room sa Yaya nito.
"Si Yaya na ang bahalang magbitbit ng gamit mo. You better take rest at ipahinga ang mga mata mo," anito as he opened the door. Inalalayan pa nito na makababa ang dalaga at inilagay ang kaliwang kamay sa taas ng kotse para hindi mabunggo ang ulo ng dalaga. Masyadong matangkad kasi si Keith kumpara sa kaniya.
"Yaya please pakidala na lang 'yung mga gamit ni Keith sa kwarto niya. Thank you," ani pa nito sa kaniya Yaya at dinala na niya ang dalaga sa kwarto.
Nasa first floor ang mga guest room ng kanilang bahay habang ang kwarto niya ay nasa second floor. Mayroong tatlong guest room ang bahay at apat na kwarto sa second floor para sa kanilang mag-anak. Bukod ang tulugan ng mga Yaya at driver nila, nasa bandang likuran ng bahay ang tulugan ng mga ito malapit sa laundry area.
Agad na inihiga ni Jake ang dalaga at inayos ang kumot. Ilang minuto pa ito nag-stay sa tabi ng dalaga bago ito lumabas ng kwarto.
"Hey! Ano iniisip mo?" bungad na sabi ni Claire sa kaibigang si Alli sa balkonahe ng kwarto nito.
"I just uhm, I'm just thinking if how's she right now?"
"I knew it. You already missed her then why don't you hug her and kiss her forehead? Come on, oras na para patawarin mo rin ang sarili mo Alli. Alam naman kasi na wala siyang alam sa nangyari eh come on, let's go please,"
"Pero bago 'yon, gusto muna kita yakapin Claire. Thank you sa pagpapaunawa n'yo sa akin ni Clara sa lahat. Thank you so much!" niyakap nito si Claire mula sa likuran ng kaibigan.
Pababa na ng hagdan ang dalawa nang makarinig sila ng ingay mula sa labas ng bahay.
"Hindi ka nga gusto makita ng pinsan ko hindi mo ba naiintindihan ang bagay na 'yon!"
"Please guys. Please Sam let me talk Alli,"
"Kapag hindi ka pa umalis tatawag ako ng police, you are tres passing Alex."
"Please Samantha, hindi ko kayang mawala si Alliah please," nagmamakaawang ani nito habang nakahawak sa braso ng dalaga.
"Kunin mo si Samantha, Kieffer go!" ani Angeline sa kapatid nang makita nitong nasasaktan na ang dalaga sa pagkakahawak sa braso nito.
"Bitawan mo si Sam!" Sabay tanggal sa kamay ni Alex sa braso ng dalaga at agad na inilayo ng binata ang dalaga sa nagwawalang si Alex.
"Are you okay?" anito nang maipunta niya ang dalaga malapit sa main door ng bahay.
"Yeah I'm okay," ani Sam sa nanginginig na boses.
"Umalis ka na Alex." Ano man ang gawin ng magbabarkada ay ayaw pa rin umalis ng binatang si Alex sa bahay nina Einstein.
"Ano'ng nangyayari-"
"Alli!"
"Luisa, Rachelle, Angeline pakipasok n'yo muna si Alliah sa loob bilis," ani Einstein sa kalmadong boses
"Hindi ako aalis dito Alli hanggang hindi mo ako pinapatawad. Hinding hindi ako aalis hanggang sa mapatawad mo ako. Gagawin ko ang lahat para maging ayos tayong dalawa Alli. Please let me explain. Give me a chance to fix it." Nagsisigaw na sabi nito habang pinipigalan siya ng mga kaibigan ni Einstein at maging ang mga security guard ay tumutulong na rin subalit wala silang lakas na pwersa para mapigilan ang determinadong si Alex makahingi lang ng tawad.
"Bitawan n'yo ako," ani Alli at pinuntahan ang binata.
"Alli please let me explain," anito sa papalapit ng dalaga. Halatang bumitaw si Ethan sa paga-awat sa binata at sinalubong ang dalaga.
"Hindi ka ba talaga napapagod ha, Alex? Wala ka na rin bang respeto sa may-ari ng bahay?" Pumagitna si Ethan sa dalawa habang nakahawak ang mga kamay nito sa dalaga.
"Please Alli,"
"Nakikiusap rin ako sa'yo Alex tigilan mo na ako! Nakakasawa nang makita pa ang itsura mo naiintindihan mo ba 'yon? Alis!"
"Umalis ka na kasi Alex." Ani Samantha.
"Ikaw ang nagsabing kung ano ang address ng bahay, Sam?"
"Hindi."
"Alam mo Sam, okay na sana eh pero pinakita mo lang sa akin na hindi na pwede at kayang ayusin ang pagkakaibigan nating dalawa."
"Alliah please, please maniwala ka hindi ko sinabi sa kaniya kung nasaan tayo please maniwala sa akin, Claire, Clara please maniwala kayo," umiiyak na pagpapaliwanag ng dalaga sa mga kaibigan habang na sa kaniyang tabi si Kieffer.
"Alli please," napaluhod na lang ito sa panghihina ng kaniyang katawan. Agad namang tinulungan ni Kieffer ang dalaga at pilit na pinapakalma ni Ethan si Alli sa tensyong namumuo sa pagitan nilang magkakaibigan.
"Nagtiwala ako sa'yo Sam. Pinilit kong intindihin na wala kang alam sa ginawang pananakit sa akin ng kapatid mo. Una pa lang hindi na kita sinisi sa kasalanan ng kapatid mo sa akin dahil alam kong wala kang alam sa ginawa niya but this time, pinatunayan mo lang na mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig." Hindi alam ng lahat ang gagawin sa mga sinabi ni Alli nang malaman nilang magkapatid sina Samantha at Alex. At maging si Einstein ay naguguluhan sa sinabi ng kaniyang pinsang ganoong tiwalang tiwala siya kay Sam na wala siyang kinalaman sa nangyaring panloloko ng boyfriend nito sa pinsan niya.
"Pinagkatiwalaan kita Sam pero bakit?" Dagdag nito sabay alis sa harapan ng lahat. Sinundan ni Ethan ang dalaga nang bumitaw ito sa pagkakahawak niya.
Malayo malayo rin ang narating ng dalawa sa paglayo sa gulo sa bahay ng pinsan. Sa hindi na niya napigilang sakit, napaupo na lang ito at napahagulgol sa iyak sa mismong gitna ng daan. Dumistansya ang binata ng ilang metro bago niya ito nilapitan at itinayo. Pilit nitong hinila ang dalaga at dinala sa tahimik na lugar at doon malaya siyang umiyak hanggang gusto niya. Sa bandang likuran ng park niya ito dinala at ini-upo sa isang upuang bakal 'di kalayuan sa punong malaki.
"Kaya pa ba? Sabi ko naman sa'yo hindi kita mako-comfort but I can approach you. Pero kung hindi mo kailangan, aalis na lang ako para makapag-isip isip ka ng dapat mong gawin. Pero sana maintindihan at maisip mo rin na walang alam si Sam sa kung paano nalaman ni Alex ang address ng bahay ng pinsan mo. Don't you remember your last post? You mentioned the address there and I think that was the reason why he knows it,"
He was about to leave her alone after he says everything as she hold his hand and she hug him tightly, "You should accept na mas tumatalino ang tao through the help of social media. Before you forgive others, forgive yourself first Alli dahil walang gagawa no'n kung 'di ikaw lang. Pero narito lang ako,"
"Tumahan ka na at baka pagkamalan akong sinasaktan ka rito ah ba ayoko pang malagay sa sitwasyon mo 'no?" patawa nitong sabi sa dalaga para patahanin ito.
"If you can't comfort me, can you hug me for a while Ethan?" halatang mas humigpit ang yakap ng dalaga sa binata at gano'n din ang ginawa ni Ethan.
Halos magga-gabi nang nakarating ng bahay ang dalawang hindi naabutan ang lahat.
"Señorita Alli, pinapasabi ni sir Einstein sumunod na lang daw po kayo sa ospital na 'to,"
"Hospital? Ano ginagawa nila roon?"
"Sinugod po nila si ma'am Samantha, naabutan po kasi ni sir Kieffer sa kwarto na ano,"
"Ano?"
"Umiinom po ng lason," hindi na nagplait pa ng damit si Alli at agad nang nagpunta sa ospital na sinabi ng yaya.
Halos kinse minuto rin ang layo ng ospital sa bahay kung walang traffic na haharang sa kanila.
"Nurse. Nurse, kwarto ng pasyenteng si Samantha Cruz?" bungad na pagtatanong ni Alliah sa isang nurse na nasa nurse station sa first floor ng ospital.
"Ms. Samantha Cruz? Under observation pa po siya kay Dr. Delmundo. Room 102 sa second floor bandang kanan ma'am, sir," anito sa dalawa.
Agad na pinuntahan ng dalawa ang sinabing kwarto ng nurse sa kanila at bumungad sa kanilang harapan ang umiiyak na sina Claire at Clara habang si Kieffer ay nakasandal sa pader at nakayuko, habang sila Einstein ay nakaupo sa upuan at naghihintay. Napahinto sa pagtakbo si Alliah malapit sa pwesto ng dalawa pa nitong kaibigan.
"Alli?" napatayong sambit ni Einstein at napatingin ang lahat sa kaniya.
"Ikaw. Kung hindi mo kayang magpatawad ng kaibigan mo, mas mabuti pang kalimutan mo na rin kami ni Clara. Pinilit kitang intindihin Alli. Pinilit ka naming maintindihan, inunawa dahil nasasaktan ka pero sa tingin mo ba hindi mo nasasaktan si Sam? Kung hindi mo kayang maramdaman ang presensya niya bilang kaibigan mo, sana naman bilang tao sapat na. Ang unfair mo Alli."
"Tama na. Please Claire nasa ospital tayo huwag dito okay?"
"Doc kamusta? Kamusta si Samantha?" agad na sabi ni Kieffer nang makita nito na lumabas ang doctor at ang dalawang nurse sa kwarto.
"Wala na kayong dapat pang ipag-alala. Nasa mabuting kalagayan na ang pasyente at sa ngayon hinihintay na lang siyang magising. Excuse us,"
"Thank you doc!"
"Tutal, ayaw mong maniwala sa kaniya. Hindi ka pwedeng pumasok sa loob at makita siya." Ani Claire bago pumasok sa loob.
Pilit na pinapakalma ni Ethan si Alliah at ini-upo ito sa upuan. Hindi mapahinto ng binata ang paa ng dalaga na magpapadyak sa sahig habang punas punas nito ang mukha gamit ang dalawang kamay.

Bình Luận Sách (79)

  • avatar
    Carissa Escarcha Velasquez

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    17d

      0
  • avatar
    Marian Bitualla

    most beautiful story I've read

    18/07

      0
  • avatar
    Shenna Mae Culaban

    good

    12/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất