logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER FOUR

Tumutulong si Adonis sa mga batang nagsasampay ng mga kubre kama ng mga ito. Linggo ngayon at talagang nakaplano ang pagbisita niya at ang pamilya ni Kairi sa bahay ampunan na pinanggalingan niya. Isang beses sa isang buwan sila pumupunta doon upang mag abot ng tulong sa pamamagitan ng charity ng ama ng dalaga.
"Ate Kairi, may boyfriend ka na po ba?" Tanong ng limang taong bata na si Miya sa dalaga. Inaayusan iyon ng dalaga ng buhok.
Dalawang linggo rin itong naiwas sa kanya. Tuwing nakakasalubong niya ito sa daan ay agad itong lumilihis. Hindi niya alam kung may nagawa siyang hindi nito ikinagusto. Patuloy pa rin siya sa pagpapadala ng mga liham dito ngunit ni isang sagot ay wala siyang natatanggap mula dito.
Gusto niya kutusan ang bata. Ke bata bata pa lang, boyfriend agad ang inaalam. Kung nagpapaturo ito magbasa, mas matutuwa pa siya.
"Ha? Bakit mo naman natanong?" Sagot ng dalaga kay Miya.
"Kasi ang ganda ganda mo po. Para po kayong si ate Ara." Tukoy nito sa kakambal ni Kairi na si Kiara.
Natawa naman ang dalaga. Tila musika sa tenga niya ang tawa nito. Lumapit pa siya sa mga ito upang marinig ang usapan ng dalawa.
"Kakambal ko si ate Ara kaya magkamukha kami." Paliwanag ng dalaga.
"Pero may boyfriend na po kayo? Si ate Ara meron na po eh." Nilingon niya si Kiara na nakikipaghabulan sa mga bata. Parang ito ang gusto niyang kutusan. Kung ano ano ang itinuturo sa mga bata.
"Hmmm.." Tila nag-isip si Kairi. "Nagkaboyfriend na ako noon. Pero ngayon wala na."
Nagulat siya sa turan ng dalaga. Nagkaroon na pala ito ng nobyo. Marahil noong nag-aaral pa ito sa UK. Hindi naman niya masisisi ang dalaga. Kasalanan din niya iyon. Ngunit laking pasalamat din niya kay Miya at nalaman niyang wala itong nobyo ngayon.
"Mabait po ba sya?" Tanong ulit ni Miya. Natapos na ang pag aayos ng buhok ni Kairi dito. Nakaharap na ito sa dalaga.
Ngumiti ang dalaga dito at tumango sa bata.
"Bakit po kayo naghiwalay kung mabait sya?" Halos pigil hininga din sya habang hinihintay sumagot ang dalaga.
Marahang pinisil lang ng dalaga ang ilong ni Miya. "Ang bata bata mo pa. Huwag muna puro boyfriend ang alamin mo. Dapat nagbabasa ka pa lang ng libro ngayon." Dismayado siya nang walang narinig na sagot mula sa dalaga. Nakakapagtaka din kung bakit naghiwalay ang dalawa gayong lahat ng hihilingin mo sa isang babae ay na kay Kairi na.
Gusto niyang alamin kung sino ang lalaking iyon. Hindi siya makakapayag kung sinaktan ito ng dating nobyo.
"Kuya Bry!" Tawag sa kanya ni Miya nang mapansin siya nito sa gilid.
Kumaway siya doon at lumapit sa dalawa."Ang ganda ganda mo naman Miya!" Masayang puna niya sa bata.
Nagpa-cute ito sa kanya. "Inayos po ni ate Kairi buhok ko!"
"Talaga?" Tumingin siya sa dalaga na agad naman iniwas ang tingin sa kanya. "Ikaw gumawa ny--" Hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone nito. Inilabas iyon ng dalaga upang tignan kung sino ang natawag. Pasimpleng sumilip siya sa cellphone nito.
Nakaramdam siya ng sakit nang mabasa ang pangalan ng caller sa screen nito. Love na meron pang tatlong puso ang nakapangalan doon. Agad naman sinagot iyon ng dalaga at lumayo sa kanila. Tinanaw niya ito habang nakikipag usap sa telepono. Mukhang seryoso ang usapan ng mga ito base na rin sa reaksyon na nakikita niya sa mukha ng dalaga.
Akala niya wala itong nobyo. Ibig sabihin nagsinungaling ito sa bata? Hindi niya mawari ang nararamdaman. Nasasaktan siya sa nalaman.
Natapos na ito nakipag usap. Lumapit ito sa mga magulang nito at marahang iniwestro nito ang cell phone sa mga magulang. Hindi nagtagal ay umalis na ito lulan ng sasakyan ng kapatid nito.
Inimbitahan siya ng magulang ng dalaga upang doon na maghapunan sa tahanan ng mga ito sapagkat dumating rin daw ang kaibigan nito na mula sa England. Kaya siguro nagmamadaling umalis ang dalaga. Maaaring iyon ang nobyo ni Kairi. Hindi niya maaatim makaharap ang nobyo nito. Isipin pa lamang ay nagngingitngit na ang kalooban niya.
Napagpasyahan niyang manatili na muna sa bahay ampunan kung saan siya lumaki. Tumutulong siya sa pagluluto ng hapunan ng mga bata nang sumilip sa kusina ang mother superior ng bahay ampunan. Isa si Mother Ana sa mga madreng nag-alaga sa kanya.
"Bry, kung tapos na ikaw riyan, pakitulungan akong magbuhat ng mga gamit sa bodega."
"Sige ho, Mother superior." Tugon niya sa matandang madre. Sumunod siya rito patungo sa bodega. Nakita niya ang ilang malalaking kahon doon. Nais raw ng madre itapon na ang ibang gamit doon na matagal nang nakatambak at hindi na napapakinabangan.
Sinimulan na niyang isalansan ang mga gamit na pwede pa at hindi na. Nang mapuno niya ang isang kahon para sa hindi na mapapakinabangang gamit, binuhat niya iyon at hindi inaasahang matatamaan niya ang estante. Nagbaksan ang iba pang mga kahon sa ibabaw nito. Ninenerbyos na nagtawag ng tulong ang punong madre. Talimang tinilungan naman siya ng hardinerong si Mang Baste upang makuha ang buhat nyang kahon.
"Aba'y ayos ka lang ba, iho?" Tanong ng matandang lalaki sa kanya.
Nahihiyang kakamot kamot ng ulo ngumiti siya doon. "Oho. Hindi na ho kasi ako sanay magbuhat ng mabibigat." Paliwanag niya
"Ay nako! Hala itigil mo na iyan. Baka mabaliaan ka ng buto, susmaryosep." Saad ni mother Ana at nagtanda pa ito ng krus. Natatawang iiling iling naman ang matandang hardinero at nagpaalam na itong itatambak na sa likod ng bahay ampunan ang karton nang sa gayon ay makuha ng maghahakot ng basura kinabukasan.
"Ayos lang ho. Aayusin ko na lang ho ito." Napakaraming nagkalat na papel at kung ano ano pang dokyumento doon.
Halos nakakalahati na siya sa pagliligpit ng mga nagkalat na papel nang mapansin ang isang pamilyar na asul na sobre. Dinampot niya iyon at sinipat. Hindi nga siya nagkakamali. Liham ni Kairi ito sa kanya. Sulat iyon noong panahong nasa ibang bansa ito nag aaral. Sinuri niya ang bawat kahon na may iba pang dokyumento. Nakakuha pa siya ng limang liham na nagmula sa dalaga. Wala siyang sinayang na oras. Minadali niya ang pagligpit doon.
Pagkahapunan ay nagpaalam na siya sa mga bata pati na rin sa mga madre. Nasasabik na umuwi siya baon ang ilang sulat na mula kay Kairi. Nagpagtanto niyang hindi huling liham ang kanyang natanggap. Datapwat, patunay lamang na ang mga nakuha niyang mga liham sa bodega sa bahay ampunan ay ang panahong nasa abroad ito upang mag aral.
Sinimulan niyang basahin ang mga liham base sa petsa nito.
Dear Adonis,
Kumusta ka na? Walang araw na hindi kita naaalala. Sorry for being mad at you. Siguro namimiss lang kita. Hindi ko alam kung bakit hindi ka na tumutugon sa mga sulat ko. Dahil ba sa pagtatapat ko sayo na gusto kita? Oo, gusto kita. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko man lang napagmasdan ang itsura mo noong iniligtas mo ako. Masasabing katangahan na siguro ang nararamdaman ko para sayo.
Andito na pala ako sa England. Natanggap ako sa scholarship. Ang saya saya ko! Mukhang mababait naman ang mga tao dito. Nagkaroon na pala ako ng isang kaibigan. International student din gaya ko. Nakakalungkot lang na umalis ako ng bansa na hindi ka nasisilayan.
Sana nasa mabuti kang kalagayan.
Kairi
Napangiti siya. Hanggang sa pagsungkit nito ng mga nararating ay talagang ipinapaalam nito sa kanya. Masasabi niyang napakaswerte niyang noong mga panahong halos araw araw ito magpadala sa kanya ng mga liham. Isang maalalahanin at mapagmahal si Kairi.
Dear Adonis,
Hi Tanda!!! Happy happy birthday. I wish you all the best in life. I don't know what to say. It's been months since the last time I sent you letter. And here I am, sending one again. Possible bang makalimutan ko ang kaarawan ng lalaking gusto ko? You don't know how excited I am. Nagcount down pa ako sa calendar ko. Mukha lang akong engot.
And because it's your birthday, may sasabihin akong secret kong super lupet. Lahat naman alam mo e. Ikaw lang naman hindi nagsasabi sakin. Pero okay lang. For the past years, hindi na kita masyadong nakakausap. I don't know if you're busy or what. So ayun, kahit busy ka you're still the Adonis Bryant de Guzman na gusto ko. Tuwing nakikita ko name mo, ewan sobra akong na-eexcite. Kahit name mo lang. And yes! I doodled your name everywhere! I-deny ko man sayo, pero hindi ko matago tago. Infatuation ba yun? O sadyang parte lang ng kabaliwan ko? Before nahihiya akong magreturn back ng letters kasi alam kong ayaw mo lang maging snob sakin. Kasi kaibigan mo ko. Friend zoned and sister zoned ako sayo. Kasi I'm like a sister you never had, diba. Yeah, I still remember. Matandain ako pagdating sayo e. Kausapin ko kaya si lola no? Sabihin niya sa parents mo na kumbinsihin ka. Sana ako na lang. Bakit kasi hindi na lang ako? .
Anyway, I hope I made your day, my lovely Adonis. I miss you!
Yours,
Kairi
Hindi niya alam kung matatawa siya sa dalaga. Halos sa mga huling sulat nito sa kanya tila nagpaparamdam na ito sa kanya ng pagtingin na iniignora niya noong una. Kalaunan, hindi niya mapigilan ang sariling mahulog din dito.
Nakalakip sa liham ang mga parte ng kalendaryo na minarkahan nito patunay na hinihintay nito ang kaarawan niya. Sa lahat ng liham ng dalaga naglalaman iyon kung gaano ito nangungulila sa kanya. Kung paano nito pinapakita ang pagmamahal nito sa kanya kahit walang kasiguraduhan kung kelan siya tutugon sa mga liham na ipinapadala nito.
Binuksan niya ang huling liham ng dalaga. Kinakabahan man sapagkat ito na ata ang huling pininadala ni Kairi sa kanya subalit gusto niya malaman kung ano ang nilalaman nun.
Dear Adonis,
Hi, Kuya. Going back to calling you kuya again. This will be my last letter for you. Medyo nakakapagod na maghintay sa walang kasiguraduhan. I don't know. I'm still hoping, but maybe sasarilinin ko na lang yun.
I know you'll be proud of me when you hear this. I got my undergrad degree in Accountancy! My professors told me to take exams for the qualifications for acquiring a degree. And yes, I passed. They held a party for me. But I wasn't happy. I achieve a lot even if I'm young. Something was missing. And it was you. You weren't here to celebrate with me. Before, you used to be so happy when I achieved little things. What happened? I guess that's my fault.
I'm sorry. I didn't mean to fall in love with you. Please, don't ignore me na, kuya. I need you. I need you in my life. Ano ba yan. Nalulungkot na naman ako.I should be happy, di'ba?
Anyway, I'm taking another course here. Business Management. Tatay needs a successor. Kiara doesn't want to study anymore. Nanay and Tatay were angry at first. Later on, they just accepted it.
This will be the first and last time I will say this, Ich liebe dich, Adonis.
Your little sister,
Kairi
Napabuntong hininga siya. Hindi niya alam na sobra niyang nasaktan si Kairi. Ngayon, hindi niya alam kung paano mapapaniwala si Kairi na mahal din niya ito kung gayong ito na kusang sumuko sa kanila. Palagay niya hindi siya makakatulog ngayong gabi. Nasaktan niya ang dalaga at nasasaktan din siya para dito.
Napagpasyahan niyang bumaba sa malapit na bar ng kanyang condo unit. Alas onse na ng gabi. Marami nang tao sa naturang bar. May mga kabataan pa rin. Animo mga walang klase ang mga ito kinabukasan. Kuntentong pinagmamasdan na lamang niya ang mga kabataang nagsasayaw sa gitna ng dance floor habang sumisimsim siya ng inorder na whiskey.
Namataan niya ang isang dalaga na todo bigay sa pag sayaw. Nakatalikod ito sa kanya. Nakalugay ang buhok nito na hanggang balikat. Agaw pansin ang suot nitong itim na backless. Masasabi niyang sexy iyon base sa hubog ng katawan. Nakamaong naman ito. Pero nakadagdag appeal nito ang suot na pulang heels. May iilang lalaki na sumubok isayaw ito ngunit itinutulak iyon ng babae palayo o kusa na itong tumatalikod.
Napakunoot ang noo niya nang humarap ito sa gawi nya. Sa unang tingin aakalain niyang si Kiara ang sumayaw. Ngunit napagtanto niyang si Kairi iyon. Hindi niya maisip na makikita niya dito ang dalaga sa ganung pananamit. Halos malalaking damit ang madalas isinusuot nito. Wala rin itong suot na salamin.
Pansin niyang may lalaking pumwesto sa likod nito. Halata ang pagkaasiwa sa mukha ng dalaga. Walang pagdadalawang isip na pinuntahan niya ito upang bakuran. Susuplahin sana siya ng dalaga ngunit ng mamukhaan siya ay agad ito ngumiti ng malapad.
"Mr. Bachli!"
Itinaas nito ang dalawang kamay sa balikat niya at sumayaw. Nagulat siya sa ginawa nito. Halos nararamdaman na din nya ang pagdunggol ng suso nito sa kanyang dibdib sa tuwing gumigiling ito. Hindi pa nakuntento ang dalaga at kinuha nito ang dalawang kamay nya upang ipatong ito sa bewang nito.
"Let's dance, Mr. Bachli!" Halos pasigaw na sabi nito sa kanya.
Yumuko siya sa tapat ng tenga nito. "Are you drunk, Kairi?"
"What?!" Tanong sa kanya ng dalaga habang patuloy pa din sa paggiling. Hindi siya kumikilos. Pakiramdam niya, kahit anong oras tatayo ang sandata niya sa ginagawa ng dalaga. Nagmumukha na siyang tuod sa gitna ng dancefloor na iyon.
"I said if you're drunk?" Tanong uli niya dito. Umiling ito at hinawakan ang batok niya. Wala sabi sabing hinalikan siya nito. Langhap niya ang amoy alak dito. Sandali lang siya nabigla ngunit agad ding tumugon sa halik nito. Unti unting naging mapusok ang halik nito sa kanya.
Nang matauhan sa ginagawa ay agad siyang kumalas dito. Hindi tama pagsamantalahan niya ang epekto ng alak dito. Kita naman ang pagkadismaya sa mukha ng dalaga.
"Don't you want me, Mr. Bachli?" Malambing na tanong nito sa kanya. Muling hahalikan siya nito subalit tumayo siya ng tuwid at iginiya ito sa bar upang mahimasmasan ito.
Humingi siya ng malamig na tubig sa bartender at ipinainom iyon sa dalaga. Sinunod naman iyon ng dalaga at malapad ang ngiting ipinukol nito. "Let's dance again!" Aya pa nito sa kanya.
Pinigilan niya ito. "That's enough, Kairi. You're drunk." Tumawa ang dalaga at sinabing hindi ito lasing. Ngunit hindi nagtagal ay bigla itong nasuka sa dibdib niya. Amoy niya ang asim at init ng suka nito. Halos napalayo ang mga tao sa paligid nila.
"Fuck, Kairi." hindi niya makapaniwalang usal. She look wasted. Nakasandal na lamang ito sa kanya. Binuhat niya ang dalaga palabas ng bar. Sinubukan niyang tawagan ang kakambal nito ngunit hindi man lang iyon sumasagot. Marahil tulog na ito dahil alas dos na din ng umaga.
Wala siyang nagawa kundi dalhin ito sa kanyang condo at doon linisan. Pinagmasdan niya ang natutulog na dalaga. Napaka-amo ng mukha nito. Mapupulang labi na kay sarap halikan. Mamula mula rin ang mukha nito na siyang epekto ng alak.

Bình Luận Sách (94)

  • avatar
    Lyn Dequilla

    kind

    5d

      0
  • avatar
    Nathaniel Cordero

    .ndjdjeiheheh

    5d

      0
  • avatar
    Florence Gimang

    ncstory

    18/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất