logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 11 Closure

It's been 10 months simula ng muli naming pagkikita ni Zach. Hindi ko maitatangi na namimiss ko siya dahil halos araw-araw itong dumadalaw sa akin noong nandito pa siya sa pinas.
Naging karamay ko din ito ng hindi ko magawang bumangon sa sarili kong mga paa. Kahit ang cold nito ay nararamdaman ko naman yung pag aalala niya sa akin.
"I'll wait for you."
Napangiti ako sa naalala ko and at the same time nangangamba. Jeremy once told me that he will wait for me pero napagod at hindi ko naman siya masisi doon. And this time another man promised me that he will wait for me and God knows how much I prayed na sana hindi siya mapagod sa paghintay sa akin hanggang maging buo ulit ako.
Tama yung desisyon niyang hindi ako samahan sa pag buo sa sarili ko. Ayaw niyang masanay ako na laging umaasa sa iba. Gusto niyang mahalin ko mona ang sarili ko bago mag mahal ng iba. And that makes me want to meet him again.
"Iniisip mona naman ba si Zach, anak?" Saad ni daddy.
"O-of course not dad." Nahihiyang saad ko. Nag tawanan naman sila ni mommy.
"Kumusta ang studies mo sa paris?" Tanong ni dad ng makabawi ito sa pagtawa.
Nasa garden kami ngayon, naisipan naming dito mag agahan.  Para makalanghap naman daw kami ng sariwang hangin.
"So far okay naman po at kasama ko naman si Diana doon kaya medyo hindi ako na a-out of place." Nakangiti kong saad.
"I'm glad that you enjoy your stay there." Saad ni mommy.
"Of course mom. Di rin ako nalulungkot dahil halos araw-araw kayong pumupunta doon." Natatawa kong saad.
Totoo naman kasi, 2months palang ako doon sa paris ay halos araw-araw silang nandoon.
After Zach left ay napag desisyonan kong mag aral ulit, but this time ang kursong gusto kona ang kinuha ko. Noong una natatakot ako na baka hindi pumayag sila mommy pero dahil na din sa nangyari sa buhay ko natoto na akong sabihin ang mga bagay na gusto ko.
Nang masabi ko iyon sa pamilya ko ay agad silang sumangayon. Sila panga mismo ang nag ayos ng mga papeles ko.
Nag resign na din ako sa dati kong pinagtatrabahuhan. Nalungkot din ako sa pag alis ko doon dahil kahit naman hindi ko gusto ang pag a-abugada ay nag enjoy din ako dito kahit kaunti.
"Are you okay now, sweetie?" Alam ko kung ano ang gustong itanong ni mommy.
Ngumiti ako sa kanya.
"I won't lie mom. Mahal ko padin siya pero hindi na pariho ng dati." Saad ko.
Sa panahong wala si Zach ay ginugol ko ang sarili sa mga bagay bagay. Hindi ko din maiwasang hindi umiyak kapag naaalala ko si Jeremy kasi ang laking parti niya sa buhay ko kaya mahirap siyang kalimutan.
Sa sobrang busy ko hindi ko namalayan na unti unting bumabalik ang saya sa puso ko. Napapalitan na nito ang sakit na naibigay ng nakaraan.
"Oo nga pala mom, dad. May lakad kami ni Diana." Paalam ko.
"Hindi mo na kailangan ng permiso samin anak. You can do anything you want, just take care yourself. Okay?" Saad ni daddy. Napangiti naman ako.
Ang pag iwan sa akin ni Jeremy ay nag dulot ng magandang bagay sa buhay ko at iyon ang pagkaayos namin ng pamilya ko. Nakakalungkot nga lang at wala siya dito para masaksihan 'to.
Nag paalam na ako sa kanila upang makapaghanda para sa lakad namin ni Diana. Nakauwi lang kami dahil 1week kaming walang pasok dahil sa event doon sa pinag aaralan namin sa paris.
Nakakabagot namang mag stay doon kaya umuwi kaming dalawa dito sa pinas. At isa pa, namimiss ni Diana ang anak niya at si Mike kaya gusto talaga nitong umuwi. Iwan koba kung bakit ito sumama sakin ng mag aral ako sa paris kahit kapapanganak palang niya, sabi niya gusto niya din daw matutong mag design ng mga gowns para pag ikasal daw ako ay siya ang gagawa ng gown na isusuot ko.
After kong maligo ay nag suot ako ng simpling blouse at black fitted pants. Hindi ako masyadong nag ayos ngayon dahil tinamad ako. Saktong pag labas ko ay ang pag sulpot ni Diana.
"Sissy!" Sigaw nito. Kahit nanganak na ito ay hindi padin na wawala ang kasexysihan ng best friend ko.
"Tara na." Saad ko. Nag paalam lang kami kila mommy at daddy pagkatapos ay umalis na.
Una naming pinuntahan ay mall, ito ang second time na nag shopping kami ng kami lang dalawa. Noon kasi ay lagi naming kasama si Jeremy. Kahit saan ako mag punta ay lagi siyang nandun kaya ngayon sinasanay ko ang sarili na hindi siya kasama sa mga bagay na ginagawa namin noon. It's part of moving on.
"Keona doon tayo." Turo niya sa isang ice cream shop.
Agad naman kaming pumunta doon at umopo sa may glass kong saan kita namin ang mga dumadaan sa labas.
"Kumusta kana?" Tanong niya, natawa naman ako.
"Parang hindi tayo mag kasama kahapon ah." Natatawa kong saad.
"You know what I mean Keona." Saad niya at inirapan ako. Sarap sabunotan nito eh.
"Hindi pa okay pero hindi na masyadong masakit." Saad ko.
"Good to hear that. Mabuti naman at nakakamove on kana, excited na excited na kasi yung robot sa ibang bansa." Saad nya at kumain ng ice cream.
"Robot? You mean Zach?" Tumango ito. "Nag kakausap kayo?" Tanong ko.
"Oo, minsan pag may time sya. Kayo ba?" Umiling ako. Napa 'Ah' naman sya at nag patuloy sa pagkain.
Nakaramdam naman ako ng lungkot ng malaman kong nag kakatext sila ni Diana. Simula kasi ng umalis ito ay hindi na ito nag paramdam sa akin. Akala ko busy pero parang hindi naman.
"Oh, tahimik ka diyan? Miss mona si Zach?" Tanong nya.
"H-ha? Pinagsasabi mo. Kumain kana ngalang diyan." Saad ko at inirapan sya. Nakita ko namang ang pag ngisi nya.
"Okay, kunyari hindi ka halata." At nag patuloy na nga itong kumain.
Ng matapos kami sa pag kain ay nag shopping kami. At pumunta sa kung saan saan. Hangang sa sumapit ang gabi at na pag pasyahan naming umuwi.
"Keona, mauna na ako ha? Need ko mag video call with Mike, umiiyak daw yung junakis ko hinahanap ako. See yah sa flight natin tomorrow!" Saad nya sabay kiss sa pisngi ko.
Kumaway ako habang paalis ang sasakyan niya. Pag katapos ay tinungo ang kotse ko. Pero saktong pagliko ko ay may nakabunguan ako.
"Shit!" Saad ko dahil napaupo ako sa sahig.
"Sorry miss, okay kalang?" Agad akong napatingin sa nakabungo sa akin ng marinig ko ang boses nito.
I will never ever forget that voice.
"J-Jeremy?" Gulat kong saad.
Kita ko ang gulat sa mukha niya. Pariho naming hindi enexpect ang isat-isa na mag kikita dito.
"K-Keona..." Malumanay niyang saad.
Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Kinuha ko din ang bag na nahulog.
"M-mauna na ako." Saad ko at aktong lalagpasan na siya ay hinawakan niya ako sa braso.
"Sandali." Pagpigil nya sa akin.
Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Ng napansin niya na doon ako nakatingin ay agad nitong binitawan.
"Can we talk? Kahit saglit lang." He asked.
Wala naman akong dahilan para tumangi. Siguro pinagtagpo ulit kami ni God para bigyan ng closure ang isat-isa.
Kaya mabuti na din ito dahil masakit ang maghiwalay na walang closure.
"Sure." Saad ko. "Pero pwedeng dito nalang?" Tumango naman ito.
I sighed and look at me. How I miss those eyes.
"How are you?" Simpling salita lang pero grabing sakit ang ibinigay sa akin.
Tumingala ako para pigilan ang luhang nag babadyang lumabas. Hindi ko inisip na darating ang panahon na mag kikita kami sa isang daan at mag kakamustahan dahil hindi naging kami sa huli.
"I-I'm not fine as you can see." Saad ko.
"I'm sorry." Paghingi niya ng tawad. "I'm sorry for leaving you without saying anything." Patuloy nito.
"No. You clearly said it to me noong huli nating pagkikita. Pero ako lang yung umasang may babalikan pa ako."
"Keona..."
Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas na mag salita sa harapan niya. Gusto kong ilabas ang bigat sa dibdib na matagal konang dinaramdam.
"Jeremy, I was ready to fight kasama ka. I-I was ready to spend my whole life with you, but I was too late. And I'm sorry kung pinaghintay kita ng matagal. I'm sorry kung naging pabaya akong girlfriend sayo. I'm sorry sa mga pagkukulang ko sayo. I'm so sorry." I should clap myself for not crying while saying those words infront of him.
Nakita ko ang lungkot na dumalaw sa mata niya.
"I waited for you Keona. Hinintay kita pero hindi kona magawang mag hintay pa ng mas matagal sayo, masyado na akong nasaktan. When I asked you to marry me and you said No? Alam mo ba kong ilang beses na durog ang puso ko? Ng sinabi kong kailangan kita pero pinili mo ang parents mo, hindi naman kita masisisi dahil pamilya mo sila. Pero sana kahit isang beses lang, sana pinili mo din ako." Napayoko ako sa sinabi niya.
Naging sobrang kampante ako noon. Akala ko ang mahalin lang siya ay sapat na but I forgot that the next thing to love is sacrifice. Kapag nag mahal ka ay handa kang mag sakripisyo para sa taong mahal mo at yun ang hindi ko nagawa para kay Jeremy, para sa amin, that's why we end up like this.
"Sa mga oras na wala ka, Cara was always there for me kaya hindi mo ako masisi kung bakit nahulog ako sa kanya. She was there ng panahong hindi mo ako pinili." Kita ko ang saya at lungkot na nasa mga magaganda niyang mata.
"Jeremy, I'm really sorry." Tanging nasambit ko.
"But thank you for coming into my life. Thank you for loving me when I needed one. Thank you ng dahil sayo nahanap ko yung babaeng para sakin." Nakita ko ang pagmamahal sa mata niya, pero alam kong hindi na ito para sa akin at kailan man ay hindi na magiging akin.
Naramdaman ko ang pag tulo ng luha sa pisngi ko. Hindi kona ito napigilan. I am so hurt right now, sobrang sakit. He's thanking me, because he found his true love through our break up.
"I was there." Nahalata ko ang pag kalito sa mukha niya. "I was there when you proposed to her."
"What?" Gulat niyang tanong.
"I-I saw how you proposed to her, hindi na ako nag taka dahil kitang kita ko sayong mga mata ang pag mamahal na meron ka para sa kanya." Umiiyak kong saad. "I am so glad that she said Yes when you proposed to her. Naibigay niya din ang isang matamis na 'OO' na hindi ko magawa dahil sa kadowagan ko noon."
"Keona...I-I didn't know you were there, if only I know I would---" I cut him off.
"Gustong-gusto kitang bawiin sa kanya, pero wala ako sa lugar para gawin yun dahil ako ang dahilan kung bakit ka nawala sa akin." Pinahid ko ang luha sa aking mata at nginitian siya.
"I am also thankful na dumating ka sa buhay ko. Dahil sayo naramdaman ko ang mga bagay na ni minsan hindi ko naramdaman sa buong buhay ko. Kaya maraming salamat at pinaramdam mo sa akin kung paano ang mahalin at magmahal." Nanatili siyang tahimik at nakatingin lamang sa akin. "So let me tell you this one last time before I let you go."
Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mata. Sa mga mata na minsan ng tumingin sa akin na may pagmamahal.
"I love you so much, Jeremy. And I am sorry for hurting you. Ang tanging hiling kolang sa babaeng napili mo ay wag kang paluhain at alagaan ka niya ng mas higit pa sa pag aalaga ko noong nasa akin kapa." Kasabay ng pagkasabi ko ay siyang pag tulo ng kanyang luha.
Ilang minuto kaming natahimik at walang kibo. Pero kahit ganun ay walang awkward na nangyari sa amin. Tila pinag bibigyan lang namin ang aming sarili na makita ang bawat isa dahil alam namin na ito na ang magiging huli at wakas.
"Hon?"
Pariho kaming lumingon sa likod ko ng may nag salita, and it was Cara, his wife, the mother of his child.
"Keona?" Takang tanong nito.
Humarap ako sa kanya at nginitian siya, walang halong kaplastikan.
"Hi, it's nice meeting you again." Wika ko. This is the third time na nag kita kami, ang pinagkaiba ngalang asawa na siya ni Jeremy ngayon.
Nag aalangan naman siyang ngumiti pero binati niya padin ako.
"Same to you." Saad niya, binalingan naman niya si Jeremy. "Hon?" Tila nag hihintay ito ng paliwanag galing kay Jeremy.
Napayuko ako dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon. Pasimple kong pinunasan ang aking luha.
"We just give each other a closure, Hon." Paliwanag ni Jeremy
This is the reason why I love him, He is a honest man. Hindi siya marunong mag sinungaling kaya ang swerte ni Cara sa kanya.
"A-ah. I see, can you put this on our car?" Malambing na saad ni Cara.
Our
Napangiti ako ng walang laman. So it's official, sila na talaga. Akala ko hangang ngayon nananaginip padin ako.
"Sure Hon." Agad naman itong kinuha ni Jeremy at pumunta sa sasakyan nila na hindi masyadong malayo sa pwesto ng sasakyan ko.
Tumingin si Cara sa akin na nag aalangan. She look apologetic.
"Keona, I-I'm so sorry kung naging ganito ang hinantongan ng relasyon niyo. But I swear to God na hindi ko tinake advantage ang panahong kasama ko si Jeremy. I was there as his friend. Promise. Hindi ko siya nilandi kong yun ang inaakala mo. Hindi ko ginusto na maging ganito kayo kahit mahal ko si Jeremy, ayukong humantong na may masasaktan. Pero nasaktan ka padin kaya I'm sorry." Saad niya at yumoko pa.
Napangiti ako. I'm glad Jeremy marry this girl.
"Umayos ka ng tayo. Baka sabihin ni Jeremy inaaway kita." Natatawa kong saad.
Agad naman itong napaayos at tila naging balisa.
"I-Im so---"
"Thank you." Nagulat siya sa sinabi ko. "Thank you for always there for Jeremy when he needed someone on his side. Thank you for taking care of him when I was not there. Thank you for not hurting him. And lastly, Thank you for saying yes when he proposed to you." Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha.
Hindi niya ata inaasahan ang pag papasalamat ko sa kanya.
"W-why are you thanking me? I was the reason why you gu---"
"No. I am the reason why we ended up like this. Clearly Its was my fault. So stop saying that it's your fault. Wag mong akuin ang kasalanang hindi mo ginawa." Saad ko.
"Thank you Keona, Thank you for letting him go." This time nakangiti na ito sa akin at lumuluha. "Thank you dahil binigyan mo ako ng pagkakataon para mahalin si Jeremy. Thank you." Napangiti naman ako.
Ngayon panatag na akong ipaubaya si Jeremy sa kanya. Alam kong hindi niya sasaktan si Jeremy.
"You know what's funny?" Tanong ko. "I was a lawyer, lahat ng kasong hawak ko naipapanalo ko. Pero yung relasyon namin hindi ko naipanalo. But it's okay, masaya ako at sayo na punta si Jeremy." Saad ko.
"Cara, can you promise me one thing?" I asked.
"Sure. Ano yun?" Nakangiti niyang tanong.
"Don't leave him. Treasure him. Don't hurt him. Make him happy. Take care of him. And lastly love him more than I loved him." Mas naiyak siya sa sinabi ko pero nagawa niya paring sumagot.
"I will Keona, I promised." Saad niya habang umiiyak.
Hindi na ako nag paalam sa kanya at tinalikuran kona sya.
"Goodbye Keona. I will always pray na sana mahanap mona rin ang kasiyahan mo. Na sana mahanap mona rin ang para sayo. Salamat ulit!" Sigaw niya, nilingon ko siya at kumaway pagkatapos ay nag patuloy sa pag lakad patungo sa aking kotse.
_________
AUTHOR'S NOTE: Sorry sa mga wrong grammar. Wala na pong time mag Edit kasi busy sa work. Hope you understand.
Thank you also for reading my story. <3

Bình Luận Sách (39)

  • avatar
    Jenny Guerrero

    nice

    31/05

      0
  • avatar
    JA AY

    Nakapaganda

    03/06/2023

      0
  • avatar
    De VeraRayden

    so cute

    20/03/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất