logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER THREE: Time Bomb Attitude

“Hindi kabawasan sa pagkatao natin kung matototo tayong humingi ng tawad sa pagkakamaling nating nagawa.”
T R I S T A N
Pagkatapos ng araw na iyon ay kung saan-saan na kami namasyal ni Mama. Halos lahat yata ng pasyalan sa lugar nalibot na namin. Sinusulit talaga nito ang araw na kasama ako.
Ito rin ang paraan ni Mama para makapag-bonding kaming dalawa. Kaya nga hindi kong magawang suwain ang hiling niya sa akin. Ayaw kong makita siyang nasasaktan. Okay nang ako ang masaktan huwag lang si Mama. Ayaw ko ng dumadag sa problema niya sa trabaho.
Kapag nandito si Mama, nagigising talaga ako nang maaga. Pinapaluhod kasi ako sa asin kung hindi naman kaya pinapa-jogging palibot sa aming bahay kapag hindi pa ako magigising.
May kasama pa iyong sermon ha, pero kapag si lola, hinahayaan ko na lang. Kasi alam kong pababayaan lang ako niyan. Pero hindi siya nagkukulang sa paalala na tumatatak talaga sa aking puso at isipan.
Minsan na nga akong ipagtanggol niyan kay Mama nang hampasin ako ng sinturon. Tumakbo ako  kay Lola at nagtago sa likod habang umiiyak. Iba magalit si Mama. Parang dragon na nagbubuga ng apoy.
Umaga pa lang ay handa na ako at kumakain na sa hapag kasama si Mama. Naka-uniform na rin ako hanggang sa dumating na rin sina Yssay at Ian.
Nagpaalam na agad ako kay Mama at Lola, gayon din sina Yssay at Ian. Tulad ng nakagawian namin ay naglalakad na kami patungo sa school pero mabagal lang kaming tatlo.
“Ano ba iyan?! Kakairita ka naman, Tan! Maaga ka ngang nagising pero ang kupad mong maglakad para kang pagong!” bulyaw sa akin ni Yssay.
Siya lang talaga ang kontra sa akin sa aming tatlo. Si Ian kasi support lang ang ginagawa niya sa akin.
“Ngayon lang ako sasang-ayon kay Yssay, Tantan. Ang kupad mo,” pagsang-ayon ni Ian.
Napatingin ako sa dalawa. “Pati ba naman ikaw, Ian? Pero ikaw ha? Hindi pa ako nakababawi sa iyo sa binigay mong Burger, dahil diyan, ikaw gagawa ng mga requirements ko ha,” paliwanag ko.
“Ulol, magalit ka na sa akin, pero hindi ko gagawin mga requirements mo.”
“Ay ang lupit mo,” tugon ko sa kaniya kaya napangisi na lang siya sa akin.
“Sa ating tatlo ikaw lang talaga iyong walang dalang bag? Anong gagawin mo sa school, pa-pogi lang?” usal nito para maiba ang usapan.
Napangiti ako sa kaniya. “Parang hindi niyo ako kilala. Alam niyo namang tamad ako magsulat, umaasa ako sa stock knowledge ko lang. Saka, aanhin ko pa ang notebook at bag kung wala rin namang silbi para sa akin? Saka nandiyan naman kayo,” sagot ko.
Tinatamad kasi akong magsulat eh. Saka, wala kasi sa bokabularyo ko ang mga awards. Ang akin lang ginagawa ko lang ang parte ko bilang student at okay na iyon. Bonus na lang para sa akin ang mapabilang sa mga top student.
Si Yssay lang nga nakapagpapasulat sa akin eh. Ginagawa akong secretary, kapalit ng panlilibre. Sino ang tatangi roon?
“Tama na nga kayo riyan! Bilisan na natin! Mala-late tayo, sasaraduhan tayo ng gate niyan eh. Ayaw kong umakyat sa bakod ano?!” saway ni Yssay sa aming dalawa kaya napahalakhak ako.
“Isipin mo, Yssay. Mag-Law ka pero rule breaker ka.” Humagalpak ako ng tawa kaya natawa na rin si Ian.
“Tse! Kasalanan mo ito. Ikaw nga magsusundalo pero, lagi kang late, huwag ako. Ian, iyong napag-usapan natin kanina, ngayon na!” sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko, may plano silang hindi ko alam? Ano na naman kaya iyon?
“Sige!” Bigla na lang akong niyapos ni Ian kaya nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Ian mula sa likod.
“Itong sa iyo! Ito... Ito... Ito...” Kasabay noon ay pinaghahampas ni Yssay sa akin ang dala niyang bag.
Napapikit na lang ako, mabuti na lang at panay foam yata laman ng kaniyang bag. Hindi iyon gaanong masakit.
Bigla rin akong pinakawalan ni Ian at tumakbo silang dalawa. Mga walanghiya, pinagka-isahan ako!
Hinayaan ko na lang silang tumakbo habang may mga nakakaasar na tawa.
“Tatamaan kayo sa akin mamaya, mga walanghiya!” sigaw ko pa sa kanila pero hindi sila natinag.
Tumakbo na lang din ako para habulin silang dalawa. Gaganti ako sa kanilang dalawa, mga hinayupak!
Nakarating nga ako sa loob ng homeroom at nakita ko roon sina Yssay at Ian. May bakanteng upuan sa pagitan nila na iniwan talaga nila para sa akin.
May mga nakakaasar pa silang titig sa akin. Lumapit at umupo ako sa kanila.
Uumupusan ko na sana silang gantihan pero biglang dumating ang aming guro sa unang subject. Kaya umayos na ako ng upo. Oo, pasaway ako pero pormal naman ako kapag nasa loob na ng klase. Hanggang sa nasundan pa ng ilang guro.
Nakaramdam ako ng antok kaya humiga muna ako sa balikat ni Yssay, pero pinitik niya ang ulo ko kaya ibinaling ko naman kay Ian. Nasa likod kaming tatlo habang ang guro ay nagsusulat sa lamesa niya at may pinapaliwanag.
Hindi ko na pinakingan sapagkat tinamaan na naman ako ng katamaran.
“Nakatingin si Ma’am,” usal ni Yssay pero hindi ko pinansin at nagtulog-tulugan pa.
“Tan, si Ma’am.” Iginalaw niya ang balikat niya. Ngumisi lang ako sa kaniya.
“Ihampas mo iyong ulo sa arm chair, para magising,” utos ni Yssay kaya napamulat ako at napatingin sa kaniya.
Gusto kong humagalpak sa tawa pero naisip kong nasa loob pala kami ng paaralan. Napatawa na rin ng marahan si Ian dahilan kaya mas natawag ang atensyon ng aming guro.
Maya-maya lang ay bigla na lang akong binato ng aming guro ng hawak niyang tsok. Tumama iyon sa noo ko at gumuhit nang pahaba sa ilong ko.
Imbis na matakot ay natawa na lang ako. “Mister Camp, tumayo ka!” bulyaw ni Ma’am.
“Buti nga sa iyo,” sabay na bulong ng dalawa. Sinamaan ko lang sila ng tingin.
Napakamot pa ako ng ulo saka dahan-dahang tumayo.
“Sorry po, Ma’am,” agad kong bungad. Napatingin ako sa blackboard at nakitang Science na pala namin at ito ang huli naming subject sa umaga.
“Nakikinig ka ba sa pinapaliwanag ko sa board?! Kanina pa ako nagdadaldal dito akala mo hindi ko alam na tinutulugan mo lang ako?!” Nanlaki ang mga mata ng guro namin sa akin.
“Sorry po, na-boring lang po ka—”
“So, sinasabi mong boring ang subject ko? Ang pagtuturo ko?”
Hinila ni Yssay ang kamay ko para balaan akong huwag ng sumagot.
“Hindi naman po sa ganoon, Ma’am,” tugon ko sa mahinahon kong tinig.
“Well, let have a deal. Kung... Maipapaliwanag mo ang lesson na ito ngayon, maaari ka ng tulog-tulugan ako sa klase ko, pero kung hindi...” Ngumisi ito sa akin. “Tatayo ka lang sa tuwing oras ng klase ko. Deal?”
Napatingin ako sa lesson sa harap at tumutukoy iyon sa infection sa katawan. Kahit papaano may background ako kaya ngumiti ako sa kaniya na ikinausok ng ilong ni Ma’am.
“Game po ako,” bungad ko sa kaniya.
Napatingin ang mga classmates ko sa akin
Maging sina Yssay at Ian ay natotok din sa akin.
“You can start, what this all about?” Itinuro niya ang pisara.
“The Topic talk about the infection which is the Ulcer. It is a kind of infection po found in our body,” paliwanag ko, pero tila hindi satisfied si Ma’am sa inusal kong paliwanag.
“Uhuh, iyon lang? Eh binasa mo lang itong nasa board eh. So simple...” masungit niyang sambit.
“Kapag po kasi sinabing Ulcer doesn't mean po na infection na agad sa tiyan. Ulcer is a term use as alternative for wound or rashes. Iyong pagbabalat po ng labi natin, it can label as ulcer po.” Napatigil si Ma’am sa narinig niya at napabuka na lang ng bibig.
Natawag din ang atensyon ng mga kaklase ko at tila naging interesado sa mga sasabihin ko.
Si Ian at Yssay napayuko na lang sapagkat alam nilang gumagawa na lang ako ng sarili kong conclusion. Desidido na ako ano? Ayaw kong mapatayo sa klase buong oras.
“Talaga, Tristan?” tanong ng ilan sa mga classmates ko.
Hinayaan na lang din ako ng guro sa pagpapaliwanag ko at napangiti na lang sa akin, hudyat na gusto niya akong magpatuloy.
“Yes po, basically may tatlong uri ng Ulcer. Ulcer from small intestine, sa large at iyong tinatawag na stress ulcer.”
Sa akin na sila nakatingin at tutok na tutok sa mga kasinungalingan ko. Buti naman umipekto iyon. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko dahil sa narinig ko lang din iyon sa radyo at nabasa ko lang sa editoryal sa dyaryo.
“Stress Ulcer? Mayroon ba niyon?”
Natawa ako nang bahagya sapagkat hindi rin ako sigurado. Pero kailangan kong manindigan. Wala na rin kasi sa topic namin ang mga sinasabi ko.
“Yes, apparently it happens po kapag nasobrahan tayo sa stress. Kumikipot kasi ang stomach natin at nahihirapang maglabas ng enzymes iyong bituka dahilan kaya napupudpud iyon ng acid sa katawan natin na supposedly dapat pagkain iyon tinutunaw.”
“Okay na, Mister. Diyan ka na muna, masyado ka ng advance sa topic. Para sa next week na iyang sinasabi mo. Panalo ka na,” sambit ng aming guro kaya napangisi ako.
Nagtagumpay ako, pero nakokonsensya rin ako. Alam kong kasalanan ko nanan talagang tulugan siya sa klase. Tiyak na papaluhurin ako ni Mama sa asin kapag nalaman niyang nakipagsagutan ako sa teacher ko. Sana lang ay hindi ako ibuko ng dalawa kong kaibigan.
“Salamat po, Ma’am.” Naupo na ako sa aking upuan.
Nagpatuloy naman ang aming guro sa pagpapaliwanag at may ilan sa mga classmates na namin ang nagtanong at naging interesado sa topic ng aming guro. Naging interactive ang klase namin kaya medyo napangiti si Ma’am at makikita ang galak habang sinagsagot ang mga tanong.
Hindi kasi ganito ka-interactive kanina habang nagpapaliwanag ito at nagsusulat. Isang sulyap pa ang binigay sa akin ng aming guro at nakita ko sa kaniyang mata ang kinang. Hindi iyon galit kung hindi galak na may halong pasasalamat.
“Saan galing iyon, Tan? Ang galing,” bulong ni Ian sa akin.
Nangisi ako sa kaniya. “Narinig ko lang sa radyo.”
“Pasaway,” sabat ni Yssay.
Nang matapos ang klase ay hindi ako nakontento. Gusto kong kausapin ang guro namin. Pasaway lang ako pero ramdam ko ang konsensya sa pagsagot-sagot ko sa kaniya kanina.
Kaya nang makalabas ito ay nagpaalam ako kina Yssay at Ian na pupuntahan ko na muna ang guro namin sa Science para humingi ng tawad.
Tumakbo na ako para mahabol ko siya sa paglalakad. Napahinto rin ito nang mapansin niyang nakasunod ako sa kaniya.
Agad niya akong hinarap nang may mga ngiti sa kaniyang mga labi.
“Ma’am, gusto ko lang pong humingi ng tawad kanina sa pagsagot ko. Don’t worry po, hindi na po ako matutulog sa klase niyo, alam ko namang kasalanan ko po iyon eh. Patawad po,” agad kong bungad. Napayuko na lang ako pero hinawakan lang ako ni Ma’am sa balikat kaya napaangat ako ng aking paningin.
“Alam ko. Sinadya ko talaga ang bagay na iyon. Naging effective naman dahil sa naging active ang klase natin dahil sa iyo. Hindi ko alam na advance ka na at may prior knowledge ka pa ukol sa topic Hindi ko rin namang gagawin patatayuin ka sa klase. I just use theory of scolding, pero never kong gagawin,” paliwanag niya sa akin kaya napalaki ako ng aking mga mata.
Planado niya pala lahat, pati ang pagbato niya ng chalk sa akin. Ang hirap intindihin, theory of scolding pala tawag niya doon. So, kailangan pa kaming saktan? Pagalitan? Iyon nga ang ginawa niya sa akin kanina pero naging effective.
“Tiwala naman akong masasagot mo talaga iyon, Tristan. Apologize accepted, ikaw lang ang estudyante kong sumagot sa akin ng ganoon.” Natawa ito sa akin at hinawakan ang noo ko pababa sa ilong ko. “Iyong chalk nandito pa.”
Natawa na lang ako, hindi ko pala iyon napunasan. “Salamat po, Ma’am.”
“You are welcome! Next time ikaw magpaliwanag ha, mas nagiging interesado ang topic kapag ikaw nagsasalita. Nagiging active mga classmates mo,” sambit nito.
“Pwede po, pero gusto ko pong isama sina Yssay at Ian.”
“Hmmm... Good idea. Mas mainam nga, para sa performance niyo na rin, susunod ko mga classmates niyo para maging aktibo ang klase natin.”
“Opo, salamat, Ma’am. Alis na po ako ha? Naghihintay na po iyong dalawa sa akin. Sasabihin ko na rin po sa kanila.”
Tumango lamang ang gurong kausap ko. Inawan ko na rin siya pagkatapos ng usapan.
Ang swerte namin sa mga nagiging guro namin. May mga pagka-strict pero napakahusay nilang magturo.
Saludo ako sa mga guro, napaka-dedicated nila sa trabaho at mababakas mo ang passion nila sa kanilang ginagawa.
Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na malakas na nakikipagtawanan kina Yssay at Ian sa paborito naming parke.
Sarap talagang maging totoo sa mga taong tanggap ang buong pagkatao mo. Kahit gumawa ka man ng mabuti at masama, hindi ka iiwan. Susupurtahan ka pa sa ginagawa mo.
Itutuloy...

Bình Luận Sách (37)

  • avatar
    ThoofCuptean

    It is really interesting lalo na it talks about the real friendship. I can wait to see more chapters to be uploaded and read it again. Make it more exciting I really love how the story is going in conflict. 👍🏿

    24/01/2022

      0
  • avatar
    GordilloRodolfo

    es muy bien👍

    21h

      0
  • avatar
    AV

    i need cp in call of duty

    2d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất