logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER TWO: Mother’s Love

“Magkaiba ang gusto sa ginusto. Kaya’t hanggang maaari ay huwag lukuhin ang  iyong sarili.”
T R I S T A N
Napamulat ako ng aking mga mata at napatingin sa kisame ng aking kwarto. Medyo may bigat pa sa aking dibdib pero hindi na iyong gaano at maayos na akong nakahihinga.
Pinauwi na ako ng Doctor sa clinic nang magkamalay ako upang sa bahay na raw ako makapagpahinga. Hindi ko na namalayang tinurukan na pala ako ng gamot para sa allergies ko nang tulog ako.
Kung tutuusin masarap naman talaga ang karne ng baboy, subalit hindi ko alam kung bakit hindi tanggap ng katawan ko. May kakaiba kasi itong reaksyon sa akin at nahihirapan na akong huminga.
Hinang-hina pa ako nang dalhin nila ako sa bahay. Tumambad naman agad si Lola Maria sa amin na kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mga mata kahit hindi niya iyon sabihin.
Hindi na ako pumasok pa sa school at buong araw na lang akong nagpahinga sa kwarto ko. At ito, nagising akong medyo okay na ang pakiramdam.
Agad na akong pumunta sa kusina sapagkat nagugutom na ako. Halos isang araw rin kasi akong hindi nakakain. Nang makababa ay  nadatnan ko naman si Lola Maria sa dinning na nagkakape.
“Oh, apo, buti naman at nagising kana, kumusta ang pakiramdam mo?” Napangiti ako sa kaniya at lumapit nang bahagya.
Umupo ako sa tabi niya at nakihigop na ng kape. “Susmaryusep, batang ito, ang pasaway, sa akin iyan,” saway nito sa akin.
Napangiwi ako dahil na rin sa napakapait ng kape niya. “Okay na ako, La. Medyo mabigat lang sa dibdib, kasalanan ito ni Ian eh. Kung hindi ba naman ako pakainin ng pork,” biro ko pero seneryoso ni lola ang mga sinabi ko.
“Naninisi pa, humingi na ng paumanhin iyon sa akin kahapon, tulog ka pa kasi. Kitang-kita ko pag-aalala niya sa‘yo, hindi niya gusto ang nangyari,” pagtatanggol ni Lola Maria kay Ian.
Alam ko naman iyon gusto ko lang asarin si Lola Maria.
“Ako agrabiyado, La. Bakit doon ka kumakampi?” biro ko sa kaniya pero kurot niya lang ako sa pisngi. Napaangat ako sapagkat ang higpit ng kapit niya roon.
“Kaibigan mo iyon, kahit anong mangyari, huwag kang gagawa ng bagay na ikasisira ng pagkakaibigan niyong tatlo nina Yssay.” Bumitaw siya sa pisngi ko at muling hinawakan ang basong may Kape. “S’ya, mamaya aalis ako at pupunta kina Mareng Teresa,” usal niya sa akin.
“Makikipag-tsismis na naman iyan doon,” saway ko sa kaniya.
Napangiti ito sa biro ko. “Ginoo, hindi, kakamustahin ko lang at makikipagkwentuhan, pasaway ka talaga. Ikaw, mamayang hapon pumasok ka na, tutal magaling ka na rin.”
Napalaki na lang ako ng aking mga mata. Ayaw ko pang pumasok, saka tinatamad na akong pumasok kasi alam kung maboboring lang ako sa topic namin.
Paulit-ulit na lang din kasi ang mga sinasabi ng mga teksto. May iba’t ibang depenasyon lang at may dinadagdag na kaunti.
“La...” Pumunta na ako sa kaniyang likuran at hinawakan siya sa balikat at unti-unti iyong minasahe. “Pwede bang, hindi na muna? Magpapahinga na muna ako, hindi pa ako magaling oh.”
“Ginoo! Gagaling ka na iyan doon sa school niyo. Pumasok ka mamaya,” matigas nitong sambit.
“La.” Yumakap na ako at inilagay ang baba ko sa balikat niya. “Please, ako na maghuhugas ng plato, pati maglilinis ng bahay.”
“Pag-iisipan ko,” sagot nito kaya napanguso ako.
“Please, I love you, La.” Napangiti ito sa kaniyang narinig. Lumalambot talaga si Lola Maria kapag ganito. Ang manipulative ko talaga, pero hindi ko ito nagagawa kay Mama. Naki-cringe ako saka pinapa-push up at jogging lang ako palibot sa bahay.
“Hindi papasok ka, pero depende sa sweetness ng I love you,” sambit nito sa akin.
“Eh? La. Please...”
“Oo na, sige na...” Napangiti ako. Tagumpay na naman ako sa pagiging manipulative ko. Ang totoo, wala naman talaga akong balak maghugas at maglinis ng bahay. Gusto ko lang magmokmok sa kwarto ko at magbasa ng libro. Iyon din kasi ang nakahiligan ko kapag mag-isa.
Wala na akong inaksayang oras at pumunta na agad ako sa loob ng kwarto ko at kinuha ang mga librong nasa shelves ng aking kama. Puro koleksyon ko ng libro ang nandito, hindi ko lang nagawang basahin lahat, pero sinisimulan ko ng isa-isahin.
Makalipas ang ilang oras ay narinig ko na naman ang matinis na tinig ni Lola Mula sa baba. “Tantan! Aalis na ako ha?! Mamalengke  na ako diretso, ikaw na bahala rito sa bahay,” usal niya.
Lumabas muna ako sa kwarto at tinigna si Lola Maria na lumabas. “Sige po, La,” tugon ko.
“Maglinis ka rito, kun’di, tatamaan iyang siopao mong pisngi,” banta niya sa akin.
Napahalakhak na lang ako sa kaniyang mga sinabi, “Oo na po, La. Ingat po,” usal ko pa.
Kumaway pa siya bago lisanin ang bahay at naiwan akong mag-isa. Agad akong pumasok muli sa aking kwarto at nagpatuloy sa pagbabasa.
Halos nangangalahati na ako sa aking binabasa nang biglang marinig ko ang tinig ni Mama mula sa baba.
“Ma?! I am home!”
Napalaki ako ng mga mata at dali-daling ibinalik ang libro sa shelves. Dahan-dahan akong pumunta sa hagdan upang patunayang tama ang iniisip ko.
Nakalapag ang bag ni Mama sa semento habang siya ay nagpunta sa kusina kaharap ang refrigerator. Napangiti na lang ako nang malapad nang makitang si Mama nga. Umiinom ito ng tubig kaya dahan-dahan akong pumuslit sa kaniyang likod.
Napangisi pa ako hanggang sa bigla akong yumakap sa beywang ni Mama. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinilipit iyon, sinuko niya ako at tumama iyon sa dibdib ko kaya napaubo ako. Napaupo na lang ako sa dining.
“Ma?!” sigaw ko sa kaniya.
“Naku, I am sorry, I thought you are a theif anak. Sorry.” Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko.
“Magnanakaw? Ako? Grabi ka, Ma? Itong gwapo mong anak?” tugon ko sa kaniya.
“Sorry na nga, saan masakit, akin. Ki-kiss ko dali,” sambit nito at umaktong hahalikan ang dibdib ko.
“Ma?! Binata na kaya ako oh,” sambit ko saka itinaas ang mga kamay ko sa ere.
Natawa ito sa sinabi ko sa kaniya saka kumalas sa pagkakasapo sa pisngi ko. “Para sa akin, ikaw pa rin ang baby ko. Tika? Ang lola mo? Saka, bakit hindi ka pumasok? Absent ka na naman? Hay, pasaway ka talaga, baka binibigyan mo ng konsomisyon lola mo ha?”
Napakamot ako sa aking batok sa aking narinig. Ito na naman si Mama ang dami-daming tanong. Alin ba ang uunahin kong sasagutin?
“Si Lola umalis, pupunta raw kina Manang Teresa, ako naman... kaya absent... Kasi nagka-sakit ako. Si Ian kasi Ma, may pork pala iyong burger na binigay sa akin.”
Biglang nanlaki ang mata ni Mama sa kaniyang narinig. “Ha? Ano? Okay ka na ba? Wala na bang masakit sa iyo ngayon? Magkakasama pa rin talaga kayong tatlo ha?” sunod-sunod niyang tanong.
Ang dami niya talagang tanong. Napaka-interrogative talaga ni Mama.
“Opo, Ma. No choice, sila lang mayroon ako Ma eh,” tugon ko sa huli niyang tanong kung magkakasama pa ba kaming magkakaibigan. “Wala na po, Ma, wala ng masakit sa akin. Magpapahinga na raw muna ako sabi ng doctor sa Clinic. Ikaw ba, Ma? Bakit ka nandito? Wala na ba kayong duty ngayon?” balik na tanong ko sa kaniya.
“Mayroon pa, kumuha lang ako ng passes, two days lang din ang binigay sa akin. Okay na, para makakuha na rin ako ng mga requirements na pinakukuha sa akin,” tugon naman nito sa akin. “Bibisitahin natin Papa mo mamaya sa puntod niya ha? Samahan mo ako, tutal hindi ka na rin naman pumasok,” she said. Napangiti na lang ako sa kaniya bihira na lang din kasi akong makadalawa sa puntod ni Papa kaya hindi na ako tumanggi sa kaniya.
Ganito lagi si Mama kapag umuuwi ito rito. Sinusulit ang bawat oras na kasama niya ako kaya hindi ko magawang magrebelde sa kaniya eh. Ayaw kong magkasira kami lalo pa at alam ko ang trabahong pinasok niya at napakadelikado iyon. Lalo pa at babae ito. Malayo ako sa kaniya para protektahan at bantayan siya.
Hindi ko rin alam kay Mama kung bakit hindi pa siya naghahanap ng makakasama sa buhay. Honestly, payag naman na akong magkaroon ng asawa si Mama eh, pero ayaw niya na raw. Kontento na raw siyang mag-isa kasama ako.
“Isasama po ba natin si Lola?” tanong ko sa kaniya.
Umayos ng tayo si Mama at naupo sa kaharap kong upuan. “Hindina siguro, masyado ng matanda si Mama para rito, maiiwan na muna siya rito, baka mapagod pa iyon sa byahe.”
“Ah Ma, ang lupit po ng trabaho niyo ano? Pero Ma, what if pumasok na kaya ako sa PMA after ko mag-fourth year. Less gastos na, Ma saka, gusto kong maging tulad niyo, Ma. Gusto kong sundan ang yapak niyo.”
“Hindi,” mabilis na tugon niya sa akin. “Napag-usapan na natin ito hindi ba? Mag-education ka or you can take what ever you want peri huwag kang papasok sa military services, understand?”
“Pero, Ma. Gusto ko pong magsundalo. Hindi po dahil malaki ang sweldo sa pagsusundalo o nagiging attractive ang lalake kapag nagsundalo, kung hindi dahil, dito po ako masaya Ma, dito ko pa nakikita ang sarili ko. Gusto ko pong protektahan ang bayan natin at ang mga taong naninirahan dito,” paliwanag ko sa kaniya.
“Tantan, ayaw kong mahirapan ka, nangako ako sa Papa mo. Sa propesyong ito hindi lang dapat masaya ka, ayaw kong pagsisihan mo ang desisyon mo. Ayaw kong makita kang nahihirapan. Mahirap kapag nakita mo ang mga ka-tropa mo na namamatay sa harap mo at wala kang magawa para isalba sila. Ayaw kong maranasan mo iyon, saka baka mawalan ka na ng time para sa amin ng lola mo. Ayaw ko Tantan. Ayaw ko... Saka, you can still protect our nation and the people who live on it kung magiging mabuti mamayan ka lang, kahit hindi ka na pumasok sa military.” Nagsimulang mamuo ang luha sa kaniyang mga mata.
Hindi ko alam sa tuwing binubuksan ko ang usapang ito ay ganito ang nagiging reaksyon ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang rason niya.
“Pero, Ma. Alam mong kaya ko naman iyon hindi ba? Wala po ba kayong tiwala sa akin. Ayaw ko pong mag-teacher, Ma.” Napayuko na lang ako habang sinasabi ang mga kataga.
Hinawakan ako ni Mama sa balikat. Gamit ang kaniyang kanang kamay ay iniangat niya ang mukha ko at nagtama ang mga mata naming dalawa.
“Makinig ka na lang sa akin, Tantan. Ha? Pakiusap, ikaw na lang ang mayroon ako. Ayaw kong mawala ka pa sa akin. Mas okay ng ako lang ang nasa military, baka hindi ko kayanin pa,” sambit nito kasabay ang paglandas ng kaniyang mga luha pababa sa mga pisngi.
Hindi na lang ako sumagot. Alam ko namang wala akong magawa kahit pa ipilit ko ang gusto ko. Napag-usapan na namin ito ni Mama noon pa pero sadya yatang hindi ko lang matanggap.
Hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto kong magsundalo sa kabila ng nakaambang panganib sa propesyong ito. Siguro ay dahil dito ko nakikita ang aking sariling masaya. Ganoon siguro talaga kapag mahal mo ang propesyong gusto mo, iyong tipong mahirap para sa iba, pero para sa iyo, libangan na lang iyon. Napayakap na lang sa akin si Mama nang mahigpit at hinayaan ko na lang siya.
Nang makabalik si Lola Maria sa bahay ay siya namang pagpaalam naming dalawa upang pumunta sa puntod ni Papa.
Nang makarating kaming dalawa ni Mama ay agad naming inilagay ang hawak naming mga bulaklak at nagsindi na rin ng kandila.
Hinawi pa ni Mama ang damong nakatabon sa pangalan ni Papa.
“Bayle, sorry ha, minsan na lang kami makadalawa ng anak mo rito,” usal ni Mama.
“Don’t worry, Pa. Gagalingan at babantayan ko si Mama, para sa iyo. Sana payagan niya na akong pumasok sa military,” sabat ko pero biglang humangin nang malakas. “Joke lang, Pa. Ito naman.”
“Iyan, siya iyong ayaw na magsundalo ka, Tantan. Itong anak mo, Bayle napakapasaway, manang-mana sa iyo. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang magsundalo, pero hindi ko iyon hahayaan. Tulad ng pinangako ko sa iyo, tulad ng hiling mi” paliwanag ni Mama.
Napatingin na lang ako kay Mama. Hiling pala ni Papa na huwag akong magsundalo. Hindi ko rin masisisi si Papa, hindi ko naman magawang magtanim ng sama ng loob sapagkat mahal na mahal ko sila. Ayaw kong masira ang tiwala nila sa akin.
“Pinagkakaisan niyo naman po ako eh. Plano niyo na talaga ito sa akin eh noon pa. Pero, Pa. When this profession calls me, sana payagan niyo na ako, ni Mama. Gusto ko ang propesyong ito sapagkat gusto kong ipagtanggol ang mga taong walang lakas  ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mapang-api.”
Napatingin sa akin si Mama at niyakap na lang niya ako. Hinalikan niya ako sa aking ulo saka sabay pa kaming nangiti habang nakatingin sa puntod ni Papa.
Itutuloy...

Bình Luận Sách (37)

  • avatar
    ThoofCuptean

    It is really interesting lalo na it talks about the real friendship. I can wait to see more chapters to be uploaded and read it again. Make it more exciting I really love how the story is going in conflict. 👍🏿

    24/01/2022

      0
  • avatar
    GordilloRodolfo

    es muy bien👍

    23h

      0
  • avatar
    AV

    i need cp in call of duty

    2d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất