logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 6 Hellbound Chains

«Fumiko»
"AAAAAH! TU-TULONG!"
"HALIMAW! LUMAYO KA! AAAACK!"
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at napapikit rin ako kaagad dahil sa nakasisislaw na liwanag na tumambad sa akin.
"Anong...nangyayare?" Bulong ko sa sarili na tila wala pa sa ulirat.
"Huwag ninyo kaming iwan! Sir Daichi!"
Ano ang maliwanag na iyun...tila sumasayaw ito sa saliw ng ihip ng malamig na hangin...
Apoy...sunog!
"Saglit lang...si Senichi! Miss Hayami!" Sigaw ko ng maalala kung ano ang nasusunog na iyun.
Iyun ang bahay nila. Nakatakas na ba silang dalawa? Ligtas ba sila? Si Hisa?
"Senichi! Hayami!" Sigaw ko ng buong lakas.
Kailangan ko sila iligtas!
Sinubukan kong igalaw ang mga braso ko pero parang may pumipigil sa akin.
Napayuko ako at tinignan ang kalagayan ko.
Naalala ko na. Matapos nila akong bugbugin itinali nila ako sa puno para hindi makawala.
"AAAAH! pakawalan ninyo ako!" Sigaw ko pero tila hindi nila ako naririnig dahil nagkakagulo din sila.
Patawarin mo ako...Senichi, Miss Hayami...ako ang may kasalanan bakit nangyari sa inyo ito...
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko habang pinagmamasdan ang kaguluhan at ang nasusunog na bahay nila Senichi.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa mga nangyare...hindi kailanman.
"Fumiko!" Naputol ang pag-iisip ko ng biglang lumitaw sa harapan ko si Fujimoto.
Tila umakyat ang dugo ko sa ulo at naramdaman na naman ang galit ko.
"Anong kailangan mo sa akin?!" Sigaw ko sa kaniya.
Hindi naman siya nasindak sa akin at tila balisang-balisa na para matakot pa sa pagbabanta ko.
"Fumiko...alam kong galit ka sa akin - sa amin. Pero pakiusap, isangtabi mo muna iyan, kailangan nating maka-alis dito! Iligtas mo ako sa bangungot na ito!" Napahinto ako dahil sa desperadong paghingi niya ng tulong.
"Anong...ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Tyaka ko na ipapaliwanag. Kailangan natin magmadali!" Natatarantang sabi niya ata pumunta sa likod para sana tanggalin ang tali ng lubid ko.
Sa pag alis niya sa harapan ko ay tila kumaway sa akin ang kamatayan.
"A...Ano iyun?" Nauutal na bulong ko habang nakatitig sa isang pigura.
"AAAAH! HUWAG MO AKONG PAPATAYIN!" Napalingon ako sa likod ko at nakita na nanginginig sa takot si Fujimoto.
"Nasaan na sila sir Daichi!"
"I-iniwan na nila tayo! Iniwan nila tayo dito!"
Tila isang senaryo sa impyerno ang pinapanood ko.
Hindi...nagkatawang tao ang impyerno.
Nakita ko ang pigura niya na nakatayo sa gitna ng nasusunog na bahay.
Ang apoy na akala ko'y sumasayaw kasabay ng hangin ay ang mga pakpak niya pala.
Isang anghel na pinatapon ng langit...
"Na-nakita mo ba iyun Fumiko?! Kailangan ko makalayo sa halimaw na iyun!" Natatarantang sabi ni Fujimoto at tuluyan akong pinakawalan sa pagkakatali.
"Huwag mo akong saktan! May anak ako at pamilya! Para mo nang aw- AAAAAAH!!!" Napapitlag ako ng sa simpleng paghawak niya sa leeg ng isang hunter ay nagliyab ito ng buhay.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko kahit na wala na akong gapos.
"Gumising ka!"
Napahawak ako sa pisngi ko ng sampalin ako ng malakas ni Fujimoto na nagbalik sa akin sa kasalukuyan.
"Tumayo ka na diyan! Iligtas mo ako! Ayoko pa mamatay!" Pakiusap niya sa akin at hinawakan ang dalawa kong balikat para pilitin akong tumayo mula sa pagkakasalampak.
Pero, hindi ako nagpatinag. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin at tinabig palayo ang kamay niya.
"Wala akong pakielam kung mamatay ka! Iyun lang bagay sa'yo dimonyo ka! Sinusundo na siguro kayo ni kamatayan dahil sa kawalangyaan ninyo!" Sigaw ko sa kaniya.
"AAAAAAH!" Napatili ako ng bigla niyang hablutin ang buhok ko at kaladkarin ako sa lupa.
"Huwag mo akong astahan ngayon bata! Sasama ka sa akin at ibababa mo ako sa bundok na ito!" Galit na sagot niya sa akin.
"Hindi ako susunod sa iyo! Kailangan ko iligtas si Senichi at Miss Hayami!" Sabi ko habang nagpupumiglas sa pagkakasabunot niya sa akin.
Nakatalikod ako sa kaniya pero alam kong nakangisi siya.
"Hahahaha! Iyung mag-ina ba? Patay na sila! Sinunog namin sila ng buhay sa loob ng bahay nila!" Napatigil ako sa pagpupumiglas at nanlamig ang mga kamay.
Natulala ako sa madilim na langit habang nasa likuran ko ang nagliliwanag na apoy.
"Kung ganun...patayin n'yo na rin ako. Hayaan n'yo na ako mamatay dito kasama sila," bulong ko na walang lakas.
Nawala na ako ng ganang mabuhay pa kung ang kapalit niyun ay araw-araw kong maalala ang kasalanan ko kay Senichi at sa inay niya.
"Huh?! Nababaliw ka na ba? May kapangyarihan ka para makatakas dito! Kung gusto mo mamatay, pagkababa natin sa bundok na ito ako mismo ang papatay sa iyo," sagot niya sa akin.
Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
Sa susunod na buhay ko...pangako ko sa'yo Senichi...ibibigay ko ang lahat-lahat sa'yo - kahit pa kapalit niyun ang buhay ko.
"Bilisan mo na diyan, tumayo ka na at- Ack!"
Agad akong napadilat ng nawala ang pagkakahawak niya sa buhok ko at mauntog ako sa lupa.
Tumingin ako kung anong nangyari, ngunit dapat ay hindi na lang pala... Dapat hindi na ako lumingon...
"Fu-Fumiko...Tu-tulong..." Nakadilat ang mga mata niya habang kumakalat ang apoy sa katawan niya.
Nakita ko ang kamay ni kamatayan na nakatagos sa dibdib niya.
Mahaba ang mg kuko niya na tila talim ng kuko ng isang agila.
Pinagmasdan ko kung paano niya hugutin ang kamay niya at ang matira na lang ay ang butas na katawan ni Fujimoto at tuluyan itong bumagsak sa malamig na lupa.
Nagliliwanag ang katawan niya na tila nagbabagang bulkan.
Nakatitig ako sa paanan niya kung nasaan ang bangkay ni Fujimoto.
Nanigas ang katawan ko.
Naramdaman ko ang init na dala niya.
Pakiramdam ko ay nasa harapan ko ang araw at isang hakbang pa nito papalapit sa akin ay magiging abo ako.
Dahan-dahan akong tumingala at bahagyang nakita ang mukha niya.
Pula ang kanang mata niya pero puti ang kaliwa.
"Se... Senichi," bulong ko sa sarili ko.
Malapit na ulit tayo magkita sa kabilang buhay...Senichi... Pero sa nagawa kong kasalanan, mukhang hindi ako mapupunta pa sa paraiso.
Patawad... Senichi.

"...miko.."
"...Fumiko..."
Ah...ang boses na iyun...
"...miko..."
Senichi...nasaan ka? Kailangan ko kayo iligtas ng inay mo!
"...Fumiko..."
Senichi!
"Fumiko!"
Napadilat ako ng may maramdamang malamig na dumapo sa pisngi ko.
Ang langit na kanina ay balot ng kadiliman ay lumuluha ng puting-puting nyebe...
Balot na ang kagubatan ng manipis na kumot na kulay puti.
"Hay...buti naman at gumising ka na," naramdaman ko ang isang mainit na kamay na hinaplos ang pisngi ko.
Lumingon ako sa kanan ko at nakita ang mukha ng lalaking akala ko ay hindi ko na ulit makikita kahit sa panaginip.
Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang mukha niya na may kaunting init.
"Fu...miko?" Nagtatakang tawag niya sa pangalan ko.
At tila may kumurot sa puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko.
"Senichi..." Iyak ko at hindi na napigilan pa ang bugso ng damdamin ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa lupa at itinapon ang sarili ko sa kaniya para yakapin siya.
"Huh? Fumiko...may problema ba?" Naguguluhang tanong niya.
"(Sob) Senichi... (Sob) akala ko hindi na kita (sob) makikita ulit," hagulgol ko sa balikat niya.
"Ano...Fumiko, hindi ata ito ang tamang oras para diyan..." Sabi niya at kumalas sa yakap ko.
Ang tanga ko. Syempre galit siya sa akin dahil sa ginawa ko.
"Senichi! Gusto kong-" pero hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng may mapansin ako.
"B...bakit...Bakit wala kang suot?" Nauutal na tanong ko at tila umakyat ang dugo ko sa mukha ko.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at umikot ang paningin ko.
"Fumiko!" Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

"Hmmm" ingit ko nang masilaw sa liwanag na tila tumatama sa mukha ko.
Sinuportahan ko ang sarili ko para makaupo. Inilibot ko ang paningin para malaman kung nasaan ba ako.
Sa gubat...puno ng puno ang paligid ko, ngunit kulay puti ito dahil sa nyebe.
Yumuko ako para tignan kung nasaan ako nakahiga - parang isa itong malaking pugad.
"Nasaan ako? Bakit ako nandito?" Nalilito kong tanong sa sarili at napahawak sa noo ko.
Ang huli kong naalala ay si...
"Fumiko! Gising ka na pala!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.
Nakita ko si Senichi mula sa malayo na papalapit dito.
Otomatiko namang namula ang pisngi ko.
Panaginip lang iyun hindi ba?! Teka...bakit naman ako magkakaroon ng ganoong panaginip?!
"Fumiko, ayos na ba ang pakiramdam mo? Lalagyan ko pa lang sana ng gamot ang mga lapnos at sugat mo," sabi niya sa akin pero hindi ko magawa siyang tignan sa mukha dahil sa nahihiya pa ako.
"Ma-maayos naman ang pakiramdam ko...salamat," mahinang tugon ko.
Umupo siya sa tabi ko at inabot ang kamay ko.
Napapitlag ako dahil doon.
"Pasensya ka na, masakit ba?" Tanong niya sa akin na nag-aalala.
Namula pa lalo ang pisngi ko.
Umayos ka Fumiko! Hindi ito ang oras para sa biruan.
"Hindi, ayos lang ako..." Sagot ko sa kaniya.
"Kung ganun, pwede ko bang gamutin ang mga sugat mo?" Malumanay na tanong niya sa akin at inilahad ang kamay niya para humingi ng permiso.
Inabot ko ang kamay ko sa kaniya.
Noon ko lang napansin na sa pulso ko ay may bakas ng lapnos.
Nagsimula na si Senichi na pahiran ng gamot ang mga sugat ko sa braso.
Hindi ko magawang tumingin sa kaniya...
Sa kabila ng ginawa ko sa pamilya niya... Nandito siya at ginagamot ako.
"Saan mo nakuha ang gamot na iyan?" Tanong ko sa kaniya.
"Ah, ito ba? Ginawa ko ito. Mahilig talaga ako gumawa ng mga gamot galing sa halaman," sagot niya habang naka-tuon pa rin sa pag papahid sa akin ng gamot.
Kaya pala alam din niya kung ano ang lunas sa hallucinations at kung paano iyun gawin.
"Kahit na walang nagturo sa iyo nagawa mo pa ring matuto sa sarili mo," sambit ko.
"Ang tutoo niyan tinuruan lang ako ni Inay. Tinuro niya sa akin ang lahat ng nalalaman niya. Sabi niya kasi palagi daw nagkakasugat si ama noon kaya natuto siyang manggamot," sagot niya.
Hindi ako nakaimik.
Ano bang ginawa ko?! Ngayon napaalala ko na naman sa kaniya ang inay niya.
Kakamatay lang ng inay niya...hindi pa naghihilom ang sugat na meron siya...
"Senichi...gusto kong...humingi ng tawad," bulong ko at napakagat sa labi ko.
Napahinto naman siya sa ginagawa niya.
"Akin na 'yung isa mong braso," sambit niya.
Mukhang hindi na niya ako mapapatawad. Pero iyun lang naman ang bagay sa akin. Walang kapatawaran ang ginawa ko.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad," bulong niya.
Parang huminto ang tibok ng puso ko.
"Anong ibig mong sabihin? Ako ang dahilan kung bakit nahanap kayo ng..." Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang bigla siyang tumayo.
"Ayan, tapos na. Halos tatlong araw na rin simula noong ginamot kita kaya pagaling na rin ang mga sugat mo," paliwanag niya at tumalikod.
Lalakad na sana siya paalis pero kailangan ko siya kausapin.
"Saglit lang, Senichi! Hindi ko kakayanin na magpatuloy sa buhay gayung alam ko na hinatak ko kayo ng inay mo sa panganib. Ga-gagawin ko lahat! Pakiusap?" Pagmamakaawa ko sa kaniya habang nakahawak sa dibdib ko.
Hindi mahuhugasan ang bigat ng pagkakasala ko sa kanila sa simpleng pagpapatawad lamang...dahil...dahil parang pinatay ko ang inay niya sa ginawa ko.
Umikot siya para harapin ako. Pinagmasdan ko ang inosenteng mukha niya. At doon ko napagtanto ang isang bagay...
"Senichi! Ang kaliwa mong mata!" Napasinghap ako nang makitang naging kulay puti ito.
Napahawak siya sa kaliwang bahagi ng mukha niya at tila inaalala kung bakit nga ba ganun ang mata niya.
"Nasaktan ka ba? Patawad!" Bulalas ko at lalapitan sana siya.
"Ah, ito ba? Huwag ka na mag-alala, maliit na kabayaran lang ito para maisalba ko ang buhay ko," sagot niya at ngumiti sa akin.
Ganun pala...hindi ko alam anong nangyari sa kanila nang mga sandaling iyun. Malamang ay pinatakas siya ng inay niya para mabuhay.
"Patawarin mo ako," tila bigla na lang binibigkas ng labi ko ang salita na iyun sa tuwing maaalala ko ang nangyari.
Handa akong gawin ang lahat para pagbayaran ang kasalanan ko.
"Sabi ko tama na ang paghingi ng tawad, magpahinga ka na muna at maghahanda na ako ng makakain," sabi niya sa akin at ngumiti bago tuluyang umalis.
Pinagmasdan ko siya habang lumalakad palayo. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o ano? Pero may nag-iba sa kaniya.

Lumipas ang tatlong araw simula nang magising ako sa may gubat. Sabi sa akin ni Senichi, tatlong araw akong walang malay, kung ganun nasa isang linggo na rin pala simula noong insidente ng sunog.
Nakakalakad na ako ng maayos at bumalik na rin sa normal ang lakas ko. Epektibo ang gamot na binigay sa akin ni Senichi kaya napabilis ang paggaling ko.
Siguro, maaaring maging doktor si Senichi...pero...kahit anong halamang gamot pa ang meron sa bundok ng Tori...walang makakabuhay sa patay.
Nakatayo ako ngayon sa harapan ng dating bahay nila Senichi...na ngayon ay tumpok na lang ng abo na humalo sa makapal na nyebe.
Naaalala ko pa ang itsura nito noon. Sa pagpikit ng mata ko parang normal lang ang lahat.
Nagluluto si Senichi sa labas ng bahay nila habang ang inay niya ay nasa loob at nananahi ng mga damit.
Wala akong mga magulang dahil sa bahay ampunan ako lumaki.
Simula pa noong bata ako kailangan kong magpakatatag dahil may inaalagaan akong nakababatang kapatid. Kaya noong nahimatay ako dahil sa pagod at sakit ng katawan sa bundok na ito, tinanggap ko na na iyun na ang katapusan ko. Hanggang sa dumating silang mag-ina para alagan ang estrangherong katulad ko.
Sana nakilala ko sila sa ibang pagkakataon. Sana pala hindi na ako pumirma ng kontrata sa guild at sa halip ay pinagamot ang kapatid ko ng ako mismo ang nakabantay. Sana pala maaga kaming lumipat sa nayon para maabutan namin ang pagbaba nila Senichi at Miss Hayami sa bundok at ipagtanggol sila sa mga mapagsamantalang tao.
Sana pala...noon pa tayo nagkita... Senichi...
"Nakatulog ka ba?" Napadilat naman ako ng marinig na nagsalita si Senichi sa tabi ko.
"Senichi..." Bulong ko at tumingin ulit sa abo ng nakaraan.
"Magaling ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman, salamat sa iyo magaling na ako," sagot ko.
"Kung ganun, pwede ba akong humingi ng pabor?" Sabi niya at humarap sa akin.
"Oo naman! Sabihin mo, kahit ano!" Nakangiting tugon ko.
"Huwag ka mag-alala, magiging madali lang ito para sa'yo."

Hindi ko alam kung anong kailangan ni Senichi sa nayon o sa bahay ko, pero wala ako sa posisyon para magtanong.
"Sigurado ka ba na komportable ka sa posisyon na iyan?" Tanong ko sa kaniya at tumingala.
Nagulat naman ako dahil nakayuko siya at nakatingin sa akin habang nakangiti.
"Oo naman! Salamat Fumiko!" Natutuwang sagot niya.
Nakapasan siya sa likod ko - ang mga paa niya ay nakatungtong sa dalawang palad ko at nakakapit siya sa balikat ko.
Mas mahirap magbuhat sa ganitong posisyon pero dahil magaan lang si Senichi at mas maliit siya sa akin hindi naman problema iyun. Isa pa, malakas ako at ibibigay ko lahat ng lakas ko sa kaniya.
"Ilang oras lang makakarating na tayo sa nayon, sabihan mo ako kapag nangalay ka na sa posisyon na iyan," sabi ko sa kaniya.
Pero tila hindi siya nakikinig dahil abala siyang namnamin ang sandali.
Napangiti ako, ito ang unang beses na napangiti ako simula ng nangyareng insidente.
Masaya akong nakakangiti na ulit si Senichi.
Kinaya niya ang lahat ng pagsubok at nagawa pa ring patawarin ang tulad ko.
Sana maging kasing lakas din ako ni Senichi.
"Fumiko, sabi mo gagawin mo ang lahat para sa akin hindi ba?" Tanong niya.
Napatingala ako sa kaniya na nagtataka.
"Oo naman, gagawin ko ang lahat - lahat-lahat."

"Ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Senichi sa akin.
Nagsimula ang pagbagsak ng nyebe at sinabayan pa ng malakas na hangin.
"Oo, malapit na tayo, kaya ko pa," sagot ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagtakbo.
Ilang saglit lang ay nasa nayon na kami.
"Magmadali na tayo pumasok," sabi niya sa akin at hinatak ako papunta sa bahay.
Napakunot ang noo ko.
May kakaiba kay Senichi...
"Ah...ayoko talaga ng taglamig," bulong niya matapos namin makapasok.
Napahinto ako sa sinabi niya. Dahil ba ganitong panahon din noong bumaba sila ng inay niya sa nayon?
Tanging malalamig na ala-ala lang ang binibigay ng taglamig sa kaniya.
"Kukuha muna ako ng tuwalya at damit para makapagpalit ka," sabi ko sa kaniya at nagtungo sa aparador kung nasaan ang mga gamit namin.
Kinuha ko ang isang pares ng damit ni Mamoru atsaka ito inabot sa kaniya.
"Magpalit ka at baka magkasakit ka pa," sabi ko sa kaniya.
Natigilan naman siya at napatingin sa akin.
"Sigurado ka ba? Kay Mamoru ito hindi ba?" Nag-aalangang tanong niya.
Ngumiti ako at tumango sa kaniya.
"Kung ikaw, wala akong problema," sagot ko at tumingin sa ibang direksyon.
Nararamdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko.
"Fumiko...handa ka ba talaga gawin lahat para sa akin?" Napabalik ang tingin ko sa kaniya ng magtanong siya.
Pero agad din akong tumalikod ng makitang wala siyang pang itaas.
"Ma-magbihis ka na muna," nauutal na tugon ko habang namumula ang pisngi.
"Pft- hahahahaha! Bakit gan'yan ang reaksyon mo Fumiko? Hindi ba nakita mo naman na ang lahat?" Napatigil ako sa sinabi niya.
Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko. Dahil ba sa lamig?
"Wa-wala akong nakita! Pangako!" Depensa ko sa kaniya.
Akala ko ay tatawa siya sa akin pero...
"Wala ka ba talagang...nakita?" Napako ako sa kinatatayuan ko habang nanginginig.
Mainit ang hininga niya sa tabi ng tainga ko nang bumulong siya.
"Se...Senichi," bulong ko.
"Sabi mo gagawin mo ang lahat para sa akin, hindi ba?" Muntik na ako mapapitlag nang laruin niya ang hibla ng buhok ko.
Ayokong lumingon, ayokong makita kung sino ang nasa likod ko.
"Gagawin ko ang lahat...para sa'yo," mahinang sagot ko.
"Namatay ang inay mo, muntik ka mamatay dahil nadawit kayo sa akin gagawin ko lahat para makabayad ako sa kasalanan ko," dagdag ko habang bumibigat ang paghinga.
"Hmmm...tama ka naman - halos. Hindi ako 'muntik' mamatay," sagot niya.
"Huh? Pero..." Nagtataka kong sambit.
"Namatay ako ng gabing iyun, Fumiko. Kasama akong namatay ni inay sa sunog," paliwanag niya.
Nanlaki ang mata ko at umikot para harapin siya.
"Ikaw..." Napatakip ako sa bibig ko.
Hindi... Imposible!
"Nakita mo ang lahat, tama ba ako, Fumiko?"
Habang nakatitig ako sa mga mata niya ay tila bumalik ako sa gabing iyun.
Ang mga mata niya...isang pula at isang puti.
Lumabas mula sa bahay na nasusunod ang halimaw na iyun at pinatay lahat. Nakita ko ang mga mata niya at katulad iyun ng kay Senichi.
/"Ah, ito ba? Huwag ka na mag-alala, maliit na kabayaran lang ito para maisalba ko ang buhay ko," sagot niya at ngumiti sa akin./
Ang napansin kong kakaiba sa kaniya habang papalakad siya palayo at hatakin niya ako sa bahay, nawala na ang pilay niya na meron siya simula pagkapanganak.
Nakita ko siyang nakahubad noong sandali akong magkamalay, pero wala siyang kahit anong galos o lapnos.
May lapnos ako sa mga pulso ko pero bakit ako lang ang buhay?
Ang nyebe...unang pagbagsak ng nyebe ng gabing iyun. Niligtas ba ako ng langit bago ako tuluyang masunog? O 'di kaya'y...
"Napagtanto mo na ba? Fumiko?" Tanong niya sa akin na suot ang maamo niyang ngiti.
"Si-sino ka?" Iyun ang unang lumabas sa mga labi ko.
Tila hindi ko na kilala ang lalaking nasa harapan ko.
"Ako si Senichi...gumapang lang ako pabalik mula sa impyerno. Siguro dahil nakita ko na ang kamatayan kaya nag-iba ako ng kaunti? Hahahaha" Sagot niya at lumakad palapit sa akin.
"Anong...anong kailangan mo sa akin?" Natatakot ako pero hindi ko magawang humakbang palayo.
"Ikaw...ibigay mo ang buong buhay mo sa akin. Lahat ng iyo - buong-buo," sagot niya at inabot ang kamay ko.
Hinalikan niya ang kamay ko atsaka ako tinignan sa mga mata.
"Samahan mo ako sa paglalakbay patungong impyerno, Fumiko. Maghiganti tayo sa mundo. Ito ang magiging kapatawaran mo."

Bình Luận Sách (30)

  • avatar
    Chariz Pantinople

    I like it 😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😊😊😊😊😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄

    18/06

      0
  • avatar
    PintangAeron juls

    eieueuevfvjhygtrrttsfmtitttyufdugdfitjreuehrhrhhrjrjriri4i4ieirirjrrjrjrheu2iro2shsb29 736bzuu3t8wyeieteieeieroeyiedhisoeyerrreruwiwrwieyieteiwyeueyeuehfjrrfeiirurueyro3hrteururieurririrruei3ieieueueieu3eeeeee3kehgriegrieheoehiehrieueuejejuejejeueeeuhehegeoegejeheh gdiftrdyxyfyfbb j4vrj3hrurhru4u3638ef38 yzvei3ye83y2ihr 7272yieuruevr92y38e48ehriri3u39eyeugeieryieye84ye0eyeueuuehe8ueueurheiegeuehrururururhrururfrurhrheiehrheugeheiegehieuehegeigeieyeueieueyioougiugufuguuyufututugyfutytyii33rrrerer

    05/06

      0
  • avatar
    sosoOussama

    good 🏅🥇

    05/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất