logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 The Birth of The Eternal Fire

"Ilang oras bago tayo makarating doon?" Tanong ko sa kaniya.
"20 oras - kung hindi tayo hihinto," sagot niya.
Kanina pa siyang umaga nagsimula sa pagtakbo pero hindi ko magawang sabihin na huminto siya para magpahinga.
Sa ngayon walang ibang umiikot sa isip ko kung hindi si inay at si Hisa.
Malamang ay paakyat na rin ang mga hunters sa tuktok. Kung suswertehin kami ay maaabutan pa namin sila. Mukhang wala silang alam na nakatunog kami kaya mas mabilis ang takbo namin.

Malamig ang simoy ng hangin at maagang tinakpan ng kadiliman ang liwanag.
Tuwing taglamig ay umiikli ang araw at humahaba ang gabi.
Sa langit ay walang mga bituin, pati ang buwan ay nagtatago sa makapal na ulap at hamog sa gubat.
"Ha...ha...ha..." Rinig ko ang paghahabol ng hininga ni Fumiko sa gitna ng tulog na gubat. Pero hindi ko magawang sabihing huminto siya para magpahinga.
"Malapit na tayo, Senichi," bulong niya sa akin sa pagitan ng kaniyang hininga.
Pero tila bilang isang hudyat o babala ay narinig namin ang iyak ng mga ibon at paglipad nila sa ere na tila may tinatakasang halimaw sa gubat.
Napahinto si Fumiko at tumingin sa ere na may takot sa mga mata.
"Fumiko! Bilisan mo! Kailangan ko silang iligtas!" Sigaw ko at tila nagising naman si Fumiko.
Malapit na kami, kaunting-kaunti na lang.
At parang naramdaman ko na naman ang lamig ng araw na iyun. Noong paakyat ako sa bundok habang gumagapang palayo sa impyerno.
"Buksan mo sabi ang letsyeng pintong ito!" Sa kabila ng makapal na talahib at puno ay nagliliwanag ang mga sulo nila.
May ilan sa kanilang nakasakay sa mga kabayo at may suot na baluti at may nakabitin na espada sa mga baywang. Ang iba naman ay may pana, patalim at palakol.
Sa tabi nila ang ilang hunters na malamang ay galing sa guild nila Fumiko.
Bumaba ako mula sa likod niya at napahawak sa isang puno para humanap ng suporta.
"Galing silang sa palasyo...nandito sila para kunin si Hisa," sambit ni Fumiko.
Nangalit ang dibdib ko at agad na tumakbo para harapin sila.
"Umalis kayo dito!" Sigaw ko.
Napalingon naman sila sa akin.
"Sino ang bubwit na ito?" Tanong ng knight na kumakalabog sa pintuan namin.
"Ah! Siya yung tumulong kay Fumiko. Sa kaniya ko din nalaman na kapag taglamig ay ligtas umakyat dito, alaga niya 'yung agila na hinahanap natin sir Daichi!" Masiglang sabi ng isang lalaking matangkad at payat.
"IKAAAAAW!!!" Nagulat naman ako nang mula sa likuran ko ay lumitaw si Fumiko at sinugod ang lalaking iyun.
"Fujimoto! Niloko mo ako! Kayong lahat! Papatayin ko kayong lahat!" Nagngangalit na sigaw ni Fumiko at itimumba ang lalaki na sa palagay ko ay ang may spirit animal na cane toad.
"Fu-Fumiko! Ano bang g-ginagaw mo! AAACK!" Pinipilit niyang magsalita sa pagitan ng bawat bira ni Fumiko sa mukha niya.
"Demonya ka! Susunugin kita sa impyerno! AAAAAH!" Tila nawala na sa ulirat si Fumiko matapos makita ang salarin sa likod ng paghihirap nila ng kapatid niya.
"Sino naman ang batang iyan?!" Nakita ko na lumakad papunta sa kanila ang tinawag nilang Daichi - ang knight na pilit nagpapapasok sa bahay namin.
Sa sandaling pinipigilan nila si Fumiko ay kinuha ko na ang pagkakataon na iyun para pumislit ng dahan-dahan sa pintuan.
"B-Bitawan mo ako. Ack!" Sa paglingon ko sa kanila ay pinipilit ni Fumiko makawala sa pagkakasakal sa kaniya ni Daichi.
Hindi ko alam pero wala akong naramdamang awa. Isa lang ang nasa isip ko - ang iligtas si inay.
Sinilip ko sa bintana ang inay ko at nakita ko siyang may takot sa mukha.
Nanginginig siya. Malamang ay naguguluhan sa mga nangyayari.
"Inay!" Pabulong na sigaw ko sa kaniya.
Napalingon naman siya sa akin at tila gumaan ang pakiramdam.
"Ililigtas kita" bigkas ko sa kaniya atsaka dumiretsyo sa pintuan.
Dudukutin ko na sana ang susi sa bulsa ko nang...
"AAAACK!" Sigaw ko matapos makaramdam ng matinding kirot.
Parang umiikot ang paningin ko at lumalabo ang paningin.
"Inasikaso ko lang iyung babae mo, tatakas ka na agad? Magpaka-maginoo ka naman. Iniwan mong sinasakal 'yung nobya mo? Hahahahaha!" Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa mabigat na pakiramdam ko.
Umikot ako para harapin siya pero tila umaanog ang paligid. Dumodoble ang paningin ko sa kaniya pero nakita ko ang hawak niyang pulang patalim...
Napahawak ako sa tagiliran ko at nakaramdam ng kirot. Pinagmasdan ko ang palad ko na napintahan din ng mainit na pulang likido.
"Dugo mo 'yan bata, kakatasin ko bawat patak ng dugo mo kapag hindi mo ako pinapasok," pagbabanta niya sa akin.
"H-hindi kita..ha..hahayaang makapasok," humihingal na sagot ko sa kaniya.
"Kung ganun pala, kailangan lang kita idispatsya, tama ba?" Tanong niya atsaka umatras ng ilang hakbang at-
"AAAAACK! (coughing)" napapikit ako ng mariin matapos niya akong tadyakan sa sikmura dahilan para tumalsik ako sa pintuan.
"Ikaw mismo ang gagamitin kong pambukas ng pintuan na yan hanggang sa masira 'yan at maubusan ka ng hininga - hanggang sa malamig ka ng bangkay," giit niya at sinundan ng isang malakas na bira.
"Ba-bakit n'yo ba...ginagawa 'to? Ack! Sibilyan kami. Wala kaming...ki-kinalaman sa in- AAAAACK!" Napapikit ako ng mariin. Hindi siya nakikinig sa akin. Bakit ba walang gusto makinig sa amin.
"Senichi!" Napadilat ang mata ko ng marinig ang boses ni inay na tinatawag ako.
"Inay! H-huwag ka na mag-alala. Ka...kailangan ko lang kausapin ang...lalaking ito," sagot ko sa kaniya.
"Kausapin? Ha...hahahahahaha! Magandang ideya! Sinabi din iyan sa amin ng nanay mo noong sumilip kami dito. Pero noong banggitin namin ang tungkol sa agila hindi na siya sumagot," sigaw ng isa sa mga knights na kasama niya.
Napatingin ako sa direksyon nila at nakita ko si Fumiko na nakatali sa isang puno at walang malay.
"Kung gusto mo makipag-usap sa amin bata, diretsyuhin mo na kami - nasan ang pugad ng agila?" Seryosong tanong ni Daichi.
Napalunok ako at napakuyom ang kamao.
Kaya ko ba? Kaya ko ba talagang traydurin si Hisa?
Wala siyang ginawang masama, parehas kami na minaltrato ng mga tao...pero palagi...palagi naming pinipiling magtiwala pero sinasaksak sa likod ng paulit-ulit.
Inilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang mga itsura nila.
Nakangisi sila sa akin na tila inaabangan na magkamali ako.
Sa isip nila siguro'y tingin nila magiging katulad din nila ako.
"'yung agila..." Bulong ko.
"Oh! Sa wakas naman at matatapos na ang katatawanan na ito. Sabihin mo lang bata at magiging ligtas kayong mag-ina," sabi niya na naka ngisi at hinawakan ang balikat ko.
Tumingala ako para tignan siya sa mga mata at ngumisi pabalik.
"Hanapin mo kung kaya mo, gungong," sagot ko at dinuraan siya sa mukha na may halong dugo ko.
"AAAAACK!" Hiyaw ko matapos niya ako birahin ng sobrang lakas na tuluyang nagpagiba sa pintuan namin.
Nasa lapag ako at hindi makagalaw.
Nakita ko ang patak ng mga dugo sa sahig.
Nauubusan na ata ako ng dugo...hindi ko na kinakaya ang lamig.
"AAAARGH!" ingit ko ng tapakan niya ang mukha ko ng bota niya.
Hinawakan ko ang binti niya at pilit na pinapaalis sa mukha ko ang paa niya pero wala na akong lakas pa.
"Binigyan kita ng pagkakataon bata. Sinong nagsabi sayo na may karapatan kang umasta sa harapan ko ng ganiyan, huh?!" Sigaw niya sa akin.
Hindi ako makahiga!
"Se-Senichi! Pakawalan mo ang anak ko!" Rinig ko ang nagmamaka-awa na boses ni Inay.
Sa wakas ay tinanggal na niya ang paa niya sa mukha ko.
"I-Inay..." Tawag ko sa kaniya at pinilit gumapang papalapit sa kaniya. Halos hinihilahod ko na lang ang sarili ko.
"Tignan ninyo ang ginawa ninyo sa sarili ninyo. Simple lang naman ang hinihingi namin, sasagutin n'yo lang kung nasaan ang agila!" Naiiritang sambit niya.
"Senichi, ayos ka lang ba? Hindi ka dapat pumunta dito agad-agad. Dapat nanatili na lang kayo ni Fumiko sa nayon," sabi ni inay sa akin at inalalayan ako para maipatong ang ulo ko sa binti niya.
"Sinasayang n'yo lang ang oras nating lahat. Sabihin n'yo na lang kung nasaan ang agila!" Sigaw niya.
"Pakiusap, sir, hindi namin alam ang sinasabi ninyo!"sagot ni inay.
Lumakad papalapit sa amin si Daichi at tinadyakan si Inay dahilan para magdugo ang ilong niya.
"AAAAAH! INAY!" sigaw ko pinilit maupo at niyakap siya ng mahigpit.
"Akala n'yo ba makakaligtas kayo sa akin? Mag-isip-isip ulit kayo. Ako ang General ng palace knights at kumpara sa inyo mayroon akong rare beast bilang spirit animal ko. Hindi kayo makakapalag sa akin, imbes na lang kung nakatalo na kayo ng isang oso," pagyayabang niya.
Tinignan ko siya ng matalim.
Spirit animal. Bakit ba baliw na baliw ang mga tao sa kapangyarihang hindi naman binigay sa kanila? Ginawa ang tao na ganito dahil alam ng dyos na malalagay sa panganib ang lahat kung may higit pa tayong kapangyarihan.
"Kung ganun ka pala kagaling, bakit hindi mo hanapin sa sarili mo 'yung agila? O baka naman malaki lang ang katawan mo pero kinulang ka sa utak?" Nakangising hamon ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagngiwi niya at ang pamumula ng mukha sa galit.
"Ha! Gusto mo pala makita kung gaano ako katalino ah? May alam akong kasabihan bata, 'kung hindi mo mahanap, pausukan mo' ganun nga ba? Hindi ko na matandaan, paano kaya kung ipakita ko na lang sa iyo?" Sagot niya na may kakaibang ngiti.
Tila huminto sa pagtibok ang puso ko.
"Handa na kami dito, sir Daichi!" Sigaw ng isang lalaking nakasungaw sa bintana sa kaliwa.
"Handa na rin dito, general!" Sagot ng isa pa na nasa kanang bahagi naman ng bahay.
"Maigi. Ngayon... Kailangan na lang natin ng konting panggatong," bulong niya atsaka tumalikod at lumabas ng bahay habang tumatawa.
Sa paglabas niya nakita ko ang liwanag. Nakahilera ang mga knights na may palasong nagliliyab at sa kaliwa't-kanan ko ang iba na may tabang sulo.
"Senichi...tumakas ka na!" Sigaw ni inay sa akin.
Nakasandal siya sa kama niya at hindi makahinga ng maayos.
"Inay...hindi kita iiwan mag-isa," sagot ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
Ngumiti siya ng bahagya at umiling.
"Iligtas mo ang sarili mo, anak. Isama mo si Fumiko at pati na rin 'yung agila," bulong niya sa akin.
"Hindi! Makaka-alis tayo dito! Bubuhatin kita-" pero hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko ng mapansin ko ang pagliwanag ng paligid.
Tila nanlamig ang katawan ko nang makarandam ng init sa gitna ng gabi ng taglamig.
Narinig ko ang mga tawa nila, at mula sa pasilyo ay nakangisi sila sa amin.
Pinagtatawanan nila kami...
"Senichi, ayokong mamatay ka dito. Gusto ko na tumakbo ka ng mabilis, iligtas mo ang sarili mo," pakiusap sa akin ni inay habang nanlalabo ang paningin ko bunsod ng luha sa mga mata ko.
Pati ang mga mata ni inay ay napuno ng luha. Hinawakan niya ang pisngi ko para punasan ang luha ko.
"May pagkakataon pa (coughing) para makatakas ka. Iwanan mo na lang ako dito" paliwanag niya sa akin na may ngiti.
"Inay...ano bang kalokohan ang sinasabi mo? Hindi kita iiwan! Ililigtas kita!" Sagot ko sa kaniya.
Natabunan na ng ingay ng pagbagsak ng mga kahoy sa bahay ang hagulgol ko.
"Imposible na anak. Mabilis na kumakalat ang apoy dahil sa malakas na hangin. Kapag hindi ka pa umalis dito parehas tayong masusunog ng buhay," iyak niya sa akin.
"Tama na inay! Huwag ninyo sabihin iyan! Parehas tayo makakaligtas! Ililigtas kita! Malakas ako hindi ba? Kinaya ko lagpasan ang lahat, kaya din natin ito! Kaya ko-" Sigaw ko sa kaniya bilang pakiusap pero pinutol niya ako noong umiling siya.
"May iba't-ibang klase ng lakas anak, ang iyo ay nagmumula sa puso, Senichi. Iyun ang pinakamakapangyarihang lakas. Kaya kailangan mo makaligtas at mabuhay ng matagal, kaya nga Senichi ang pangalan mo hindi ba?" Sagot niya sa akin.
Nakatulala lang ako sa kaniya nang marinig ko ang isang peal call mula sa ere.
Tumingala ako at mula sa nasunog na bubungan namin ay natanaw ko si Hisa.
"Inalagan mo siya, hindi ba? ang pagmamahal mo ang pinaka malakas sa lahat," sambit ni inay.
"Hindi ko kailangan niyun," bulong ko.
"Hindi ko kailangan ng malinis na puso o matinding pagmamahal kung ang ibig sabihin pala niyun ay hindi ko magagawang iligtas kahit ang buhay ng sarili kong ina!" Sigaw ko.
Tila nagulat naman si inay sa sinabi ko.
"Senichi-" pinutol ko sya at tinignan siya ng diretsyo.
"Hindi ko kailangan ang lakas na iyun inay. Kailangan ko ng kapangyarihan. Kapangyarihan na lumaban sa kanila! Iyun ang kailangan ko!" Paliwanag ko.
"Senichi...huwag mo sabihin 'yan! Kailangan mo magpatawad anak," sagot niya sa akin.
Magpatawad? Matapos ang lahat ng ito?
Matapos ang lahat ng ginawa sa amin ng mga taong iyun...patawad?
Pinanood ko kung paano lamunin ng apoy ang mga bagay na nakapaligid sa akin.
Ang tahanan ko na puno ng mga masasayang ala-ala...
Pinagmasdan kong kunin ng apoy ang lahat ng pinahahalagahan ko...
Habang kumakalat ang apoy ay mas lalo akong nakakaramdam ng lamig.
Tila pinapatay nito ang init sa loob ng puso ko.
Naririnig ko ang pag-iyak ni Hisa sa ere at ang sigaw ng mga hunters at knights.
"Senichi...alis na...wala ka ng oras," mahinang bulong ni inay habang natutuyo ang luha bago pa ito pumatak sa lupa.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya diretsyo sa mga mata.
"Gusto kong mabuhay ulit...isa pang pagkakataon. Sa susunod na buhay na iyun magiging malakas na ako...sapat para sunugin ang lahat...lahat sila," bulong ko na may galit at poot sa puso.
Nakita ko ang pagkatakot, pangamba at lungkot sa mukha niya.
"Huwag...Senichi...Huwag...Ryugo...huwag mong hayaang lamunin ka ng galit mo..."
Iyun ang huling sinambit ng aking inay bago ko panoorin na tupukin siya ng apoy at gawing abo na bumagsak sa mga palad ko.
Itataga ko sa isip ko ang imahe na ito...sa ganung paraan, kahit sa kabilang buhay ay maaalala ko ang galit na naramdaman ko nang araw na ito...
"Nilalamig ako..." Bulong ko sa sarili bago maramdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at bago ako lamunin ng kadiliman.
...Sa loob ng kadiliman na iyun...narinig ko ang iyak ni Hisa...
Ah...Hisa...Buti naman at buhay ka...hindi ko na kailangan makita ang paghihirap mo. Ipangako mo sa akin na hindi ka magpapahuli sa kanila. Ipakita mo na malaya ka... Sa ganung paraan hindi ko pagsisisihan na namatay ako para sa iyo.
Ipagpatuloy mo ang buhay
"Ipagpatuloy mo ang buhay."
Sino 'yan? Kaninong boses ang narinig ko? Patahimikin ninyo na ako! Ayoko na bumalik doon...wala na akong babalikan pa roon.
"Akala ko ba gusto mong mabuhay ulit? - maging malakas?"
Oo...tama ka...pero huwag sa mundong iyun o sa panahon na 'yun. Ano pa bang gagawin ko sa lugar na iyun?
"Paghihiganti..."
Paghihiganti? Sinabi sa akin noon ni inay na ang pusong mapaghiganti ay hindi na magagawang humakbang pa muli.
"Paghihiganti...ang pusong mapaghiganti ang magtutulak sa iyo na humakbang muli. Kaya mong lagpasan ang lahat, pati ang kamatayan."
Ang...kamatayan?
"Hahayaan kitang gamitin ang kapangyarihan ko, Senichi. Ibibigay ko sa iyo ang lakas na hinahangad mo. Iyun ang magiging sandata mo."
Sino ka? Paano mo ako nakilala?
"Gusto mong maging malaya hindi ba? Gusto mong lumipad. Abutin mo ang ispitito ko. Bibigyan kita ng mga pakpak, Senichi."
At sa gitna ng kadiliman na iyun ay lumitaw ang isang umiilaw na baga.
Ito ba ang ispirito mo?
Inabot ko ito at naramdaman ko ang init na binibigay nito sa mga palad ko.
"Kainin mo ito, hayaan mong lamunin ka nito."
Hindi ko naramdaman ang pagdadalawang isip. Isinubo ko ang baga at nilunok ito ng buo.
Gumuhit ang init nito sa lalamunan ko hanggang sa dumaloy sa kaibuturan ng puso ko.
Naramdaman ko ang nag-liliyab na init - nakapapaso. At narinig ko ang sariling pagtibok ng puso ko.
"Ngayon...mabuhay ka ng walang hanggan, Senichi. Tupukin mo ng apoy ang mundo. Sunugin mo ang mga tao hanggang sa maging abo ang lahat sa paligid mo!"
Isa lang ang nasa isip ko at ng boses na iyun...
"The downfall of those insolent humans."

Bình Luận Sách (30)

  • avatar
    Chariz Pantinople

    I like it 😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😊😊😊😊😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄

    18/06

      0
  • avatar
    PintangAeron juls

    eieueuevfvjhygtrrttsfmtitttyufdugdfitjreuehrhrhhrjrjriri4i4ieirirjrrjrjrheu2iro2shsb29 736bzuu3t8wyeieteieeieroeyiedhisoeyerrreruwiwrwieyieteiwyeueyeuehfjrrfeiirurueyro3hrteururieurririrruei3ieieueueieu3eeeeee3kehgriegrieheoehiehrieueuejejuejejeueeeuhehegeoegejeheh gdiftrdyxyfyfbb j4vrj3hrurhru4u3638ef38 yzvei3ye83y2ihr 7272yieuruevr92y38e48ehriri3u39eyeugeieryieye84ye0eyeueuuehe8ueueurheiegeuehrururururhrururfrurhrheiehrheugeheiegehieuehegeigeieyeueieueyioougiugufuguuyufututugyfutytyii33rrrerer

    05/06

      0
  • avatar
    sosoOussama

    good 🏅🥇

    05/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất