logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 The Deceived

"Hindi ang kapatid mo na si Mamoru ang nagha-hallucinate, Fumiko - kundi ikaw," kompronta ko sa kaniya at kinagat ang ibabang labi ko habang nakapikit ng mariin.
Ayokong makita ang magiging reaksyon niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung masasaktan ko siya.
Noong lapitan ko ang kapatid niya at hawakan ang kamay nito, wala akong naramdaman kundi ang lamig nito. Nang umihip ang malakas at malamig na hangin, tinangay nito ang kurtina, dahilan para makita ko ang tutoo.
Mukhang matagal na siyang patay at para hindi tuluyang maagnas at mabulok ay ginawa nila itong mummified.
"Senichi...(coughing) anong klaseng kalokohan naman iyang sinasabi mo?" Natatawang sabi niya pero bakas ang pagkabalisa sa boses niya.
Binuksan ko ang mga mata ko at hinarap siya.
"Fumiko, alam ko na hindi ito kapani-paniwala para sa iyo..." Bulong ko at dahan-dahang lumapit sa kaniya.
Napa-atras naman siya upang lumayo sa akin.
Alam kong nabigla siya sa katotohanan.
"Paano ako maniniwala sa iyo, ayan (coughing)...nakikita mismo ng mga mata ko na buhay si Mamoru...buhay ang kapatid ko," pilit niya pero impit ang tinig na tila naguguluhan sa kung ano ang kathang-isip lamang.
"Iyun ay dahil ikaw ang nag-ha-hallucinate, Fumiko," sagot ko sa kaniya at hinawakan ang kuwintas ko kung nasaan ang bote ng gamot.
"A-anong gagawin mo? (Coughing) nagkakamali ka, Senichi. AAAAAH!" Sigaw niya at napasabunot sa buhok niya.
"Huwag kang mag-alala, Fumiko. Kailangan mo lang inumin ang gamot na ito at matatapos na ang lahat," pagpapahinahon ko sa kaniya.
"Hindi! Sinungaling ka! Akin na 'yan! Para sa kapatid ko 'yan!" Tila nawala na siya sa sarili niya at bigla tumakbo papalapit sa akin.
Napahiga ako dahil sa lakas ng pagsugod niya sa akin. Nakapatong siya sa akin at pilit na hinahablot ang bote sa kamay ko.
"AAAAAAH! IBIGAY MO SA AKIN 'YAN!" Iyak niya.
Wala akong laban sa kan'ya, kaya naman binuhos ko ang lahat ng natitirang lakas ko para bumangon at itulak siya pahiga - dahilan para magkapalit kami ng pwesto. Siya na ngayon ang nakahiga at ako ang nasa ibabaw niya.
"Patawarin mo ako, Fumiko, pero tapusin na natin ang sakit," bulong ko sa kaniya bago buksan ang bote at inumin ang laman nito.
"Iluwa mo 'yan, Sen-" hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makatapos sa pagsasalita.
Patawarin mo ulit ako dito, Fumiko, wala na akong maisip na ibang paraan para mapainom ka ng gamot.
"Mmmmh!" Ingit niya habang nakalapat ang mga labi ko sa kaniya.
Unti-unti kong sinasalin sa bibig niya ang gamot. Kahit kaunti ay makakainom siya at magagamot na siya.
"AAAAACK!" Ingit niya matapos kong putulin ang halik na iyun.
"Fumiko!" Nag-aalalang tawag ko sa kaniya.
"AAAACK!" At hindi pa nagtatagal ay nagsuka na siya sa sahig.
"Ma-Mamoru..." Iyun ang huli niyang binigkas bago tuluyang mawalan ng malay.
Tila hindi ako makagalaw. Napahawak ako sa ulo ko na mabigat sa pakiramdam.
"Kailangan ko tulungan si Fumiko," sabi ko sa sarili bago tumayo at buhatin siya papunta sa higaan.
Kinumutan ko siya at hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha niya.
"Mukhang parehas din pala tayong nakaranas ng impyerno," bulong ko sa kaniya.
Sa pagbabalak ko na linisin ang suka niya sa lapag ay nakita ko ang puno't-dulo ng lahat.
Mukha itong malapot na laway. Malamang ay galing ito sa isang spirit animal user -nakakasigurado ako. Ang normal na cane toad ay walang kontrol sa hallucinations ng biktima nito. Hindi rin nagtatagal ang epekto nito ng matagal. Pero sa kaso ni Fumiko... Umabot ito ng walong buwan. Simula noong nakaramdam siya ng pag-ubo kahit wala siyang ibang sakit - sakto sa panahon kung kailan ibinalik sa kaniya ang kapatid niya.
Bukod pa doon, nakontrol nila ang hallucinations ni Fumiko. Maayos ang pag-iisip niya maliban sa nakikita niya na buhay pa ang kapatid niya.
Patay na si Mamoru, nagsinungaling sa kaniya ang guild na nagsabing nakaligtas ang kapatid niya sa sakit at nagkaroon lang ng hallucinations. Si Fumiko ang biktima ng hallucinations, para saan? Para magamit nila siya? Kahit ano pa ang dahilan nila isa lang ang natutunan ko mula sa pangyayari na ito...
Spirit pact...ang pagkuha ng isang spirit animal ay nakatatakot. Paanong ang simpleng tao ay makakagawa nito? Gamit ang spirit pact nagkakaroon ng kapangyarihan ang mga tao na gamitin ang kakayahan ng mga hayop para sa sarili nilang intensyon.
Lumingon ako kay Fumiko na mahimbing na natutulog.
"Ito lang magagawa ko para sa iyo. Kung magagalit ka man sa akin pagkatapos ay tatanggapin ko," sabi ko sa kaniya kahit na alam kong hindi n'ya ako naririnig.

"Hmmmm" ingit ko ng masilaw sa liwanag.
Napadilat ako ng dahan-dahan at nakita ang bukas na bintana at isang pigurang nakatayo dito.
"Fu-Fumiko...ang kapatid mo-" napatigil ako sa balak kong pagpapaliwanag.
Dapat bang magsalita agad ako? Mahirap pang tanggapin ang lahat para kay Fumiko, ayokong budburan ng asin ang sugat niya.
"Senichi...pwede bang dalhin mo ako kung nasaan siya?" Malumanay na pakiusap niya sa akin.
Lumingon siya sa akin at parang ibang tao ang nakaharap sa akin. Tila sa isang haplos lang ay mawawal siya sa harap ko.
Tumango ako at wala nang sinabi pang iba.

"Alam mo ba? Masayahing bata si Mamoru? Minsan nga nagtataka ang mga tao kung kapatid ko ba talaga siya," kuwento niya sa akin habang nakaupo sa damuhan at nakaharap sa isang tabon ng lupa kung nasaan nakalibing ang pinakamamahal niyang kapatid.
"Hindi ko rin alam noon kung kapatid ko ba talaga siya. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa bahay ampunan. Doon, nakilala ko si Mamoru, at sa unang pagkikita namin alam ko na na kapatid ko siya," sambit niya na may malungkot na ngiti. Sa sobrang lungkot nito ay tila hindi na isang ngiti.
"Sa dami ng mga ulilang bata sa bahay ampunan hindi na nakayanan pa kaming sustentuhan ng mga donasyon kaya naman balak na kami ibenta sa mga bumibili ng alipin. Ayokong mabuhay ng ganun si Mamoru, kaya tumakas kami at nabuhay sa kalsada para mamalimos. Pero, hindi iyun sasapat. Gusto ko siyang bigyan ng normal na buhay," pagpapatuloy niya at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"Kaya ba pumasok ka bilang mercenary?" Tanong ko sa kaniya.
Tumango siya at hinawakan ang puntod ni Mamoru.
"Kakayanin ko lahat para lang mabuhay siya. Nakilala ako dahil sa madalas kong pagtanggap ng kahit anong trabaho. Hanggang sa alukin ako ng isang guild na magtrabaho ng eksklosibo para sa kanila. Malilimitahan niyun ang alok na trabaho sa akin pero kapalit niyun ang tulong nila na ihanap kami ng tirahan at doktor si Mamoru noong magkasakit siya. Araw gabi nagtatrabaho ako para sa guild at ang kinikita ko ay napupunta sa bayad sa bahay at sa doktor ng kapatid ko," paliwanag niya.
Napakuyom ang kamao ko. Mukhang alam ko na kung ano ang ginawa nila.
"Hanggang sa isang araw - walong buwan na ang nakalilipas, ibinalik nila sa akin si Mamoru, sabi nila magaling na siya pero nakararanas ng hallucinations. Doon ako nagsimula makaramdam ng sakit sa lalamunan ko. Patuloy parin ang pagbabayad ko sa nayon ng pera para sa dalawang tao bilang tax. Patuloy pa rin ang pagbabayad ko sa guild para sa paghahanap nila ng lunas sa hallucinations ng kapatid ko," iyak niya.
Tama nga ako ng hinala. Ginamit nila si Fumiko at ang kahinaan niya - ang pagmamahal niya sa kapatid niya. Siguro ay hindi nila talaga kinuha ng doktor si Mamoru at inangkin lang ang pera na binibigay ni Fumiko. Ibinalik nila si Mamoru na isang bangkay at niloko ulit si Fumiko para bigyan pa sila ng pera. Pati ang mga tao sa nayon na ito ay hindi nagsalita dahil nakinabang din sila. Nagbabayad si Fumiko ng taripa para sa dalawang tao gayung patay na si Mamoru.
Ang mga tao sa labas...nakakatakot sila.
"Sa loob ng isang gabi parang nabaliktad ang mundo ko. Ang mga tao na inaakala kong tinutulungan ako ang nagsasamantala sa kahinaan ko. Ang mga tao sa paligid ko, hindi nila ako tinulungan. Pinanood lang nila akong mabaliw. Paano ko pa magagawang magtiwala sa ibang tao? Wala na akong gustong paniwalaan...Senichi, natatakot ako, anong dapat kong gawin?"
Nanlaki ang mata ko ng tumingin siya sa akin ng humahagulgol.
Naramdaman ko na lang ang katawan ko na gumalaw ng kusa.
Niyakap ko siya ng mahigpit at hinimas ang buhok niya habang patuloy siyang umiiyak sa balikat ko.
"Patawarin mo rin ako, Fumiko. Alam ko kung gaano mo kamahal ang kapatid mo pero nilibing ko siya ng hindi nagpapaalam sa iyo," bulong ko sa kaniya.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang luha niya.
"Huwag kang mag-alala. Sa tutoo lang gusto kong magpasalamat, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung sakaling makita ko kung anong ginawa sa kaniya ng mga walang hiya na iyun. Sa ganitong paraan, maaalala ko siya noong buhay pa siya - noong nakangiti pa siya," sagot niya at pinilit ngumiti.
Ngumiti din ako pabalik para mawala ang bigat sa loob niya.
"Gusto ko din siya makita - si Mamoru sa isipan mo, siguro kasing ganda din ng ngiti mo ang kan'ya," sambit ko.
Nakita ko na nanlaki ang mata niya at namula ang pisngi.
"Huwag mo ibahin ang usapan! sa pagkakatanda ko hindi iyun ang dapat mong ihingi ng tawad!" Depensa niya sa akin.
At doon ko naalala ang ginawa kong paghalik sa kaniya kagabi
"Eh..Ah...maghunos dili ka muna...hi-hihingi naman talaga ako ng tawad eh hahaha," natatakot kong sabi sa kaniya.
"Pft-hahahahaha! Biro lang 'yun Senichi. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin," sabi niya at yumuko bilang pagpapasalamat.
"Huwag mo na intindihin iyun, kung si inay din ang nandoon, ililigtas ka din niya," sagot ko sa kaniya na nakangiti.
Nagtaka naman ako dahil natahimik si Fumiko.
Nanlaki ang mata niya at parang may naalalang hindi maganda.
"Fumiko?" Tawag ko sa kaniya.
Tinignan niya ako na may pagkabalisa.
"Senichi...mapapatawad mo ba ako?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?!" Sigaw ko sa kaniya sa gitna ng pagtakbo niya sa kapatagan.
"Pa-patawarin mo ako, Senichi. Ngayon ko lang napagtanto na iyun ang balak nila," iyak niya.
Hindi ko na magawang sabihin na tumahan siya. Isa lang ang nasa isip ko ngayon - Inay! Hisa!
«Flashback
"Anong nangyari? Fumiko!" Tila natataranta na rin ako. Nakaramdam ako ng masamang kutob simula ng magbago ang ekspresyon niya.
Napatakip siya sa bibig niya na tila hindi makapaniwala sa naisip niya.
"Fumiko, bilisan mo! Sabihin mo sa akin ano iyun?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa kaniya.
"Se-Senichi, baka nasa panganib ang inay mo at iyung agila na kasama mo - si Hisa," sambit niya na bakas ang pagkabalisa.
Tila umikot naman ang paningin ko.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ko siya sa balikat.
"Naisip ko na may kakaiba sa mga nangyari..." Panimula niya.
"Sinabi ko sa iyo noon na kaya ko nalaman ang tungkol sa halamang gamot para sa hallucination na meron sa Tori mountain ay dahil sa nabanggit sa akin ng isang hunter sa guild...ang hunter na iyun...siya ang nangako sa akin na gagaling si Mamoru," paliwanag niya.
"...ang hunter na iyun, ano ang spirit animal niya?" Kinakabahan kong tanong.
"Cane toad," sagot niya.
Nanlaki ang mata ko at naalala na ang hallucinations na nagagamot ng bird of paradise ay ang nagmula sa isang cane toad. Gumana ang gamot na iyun kay Fumiko. Ang ibig sabihin nito...
"Siya ang kumokontrol sa hallucinations mo Fumiko," sabi ko sa kaniya.
"Ku-kung ganoon, bakit niya ituturo sa akin ang lunas?" Takang tanong niya.
"Para gamitin ka..." Bulong ko.
"Gamitin...ako? Para saan-" napatigil siya at tila may naalala na naman.
"Para makuha ang gusto nila...'yung male eagle," sabi niya sa sarili niya.
"Si Hisa?!" Gulat na tanong ko.
Tumango siya.
"Sinasabi ko na nga ba nakita ko na ang agila na 'yun. Nakita ko na iyun sa isang poster sa guild namin. Isang misyon na pinaskil mismo ng royal castle. Balita ng iba para daw sa isang prinsipe - para gawing spirit animal niya. Binili ng royal family sa black market, pero noong oras na para magkaroon ng spirit pact ay bigla na lang nawala ang agila. Nagpatong ng malaking halaga ang palasyo sa guild na makakahuli o makakapagturo kung nasaan ang agila, pero may balita na natagpuan ito sa Tori mountain. Dahil sa panganib na nakakabit sa pag-akyat nito walang gustong kumuha ng misyon...at -" pinutol ko siya at hindi na pinatapos.
"Babalik na tayo doon," bulong ko habang nakayuko.
"Pero, Senichi-"
"Ngayon din!"
End of Flashback»
Ginamit nila si Fumiko para mapag-aralan ang pag-akyat ng ligtas sa Tori mountain. Hindi ako nakakasigurado pero malamang ang cane toad na lumitaw noong matagpuan ko siya sa gubat at ang nakita kong tinitigan ni Hisa ay ang spirit animal ng hunter na kumontrol kay Fumiko.
Malamang ay narinig niya ang mga usapan namin. Malamang ay nalaman na niyang kapag taglamig ay naghi-hibernate ang mga hayop sa gubat. Ginamit niya ang pagiging desperado ni Fumiko para masiguradong hindi tutoo ang mga hak-haka na bumabalot sa bundok.
Nangalit ang mga ngipin ko. Mapapahamak si inay at si Hisa kung sakaling pupunta ang mga Hunters sa bahay namin.
"Patawarin mo ako, Senichi," paulit-ulit na bulong niya habang patuloy na umiiyak at tumatakbo paakyat sa bundok.
"Huwag ka na humingi ng tawad, dahil wala nang magagawa pa iyun."

Bình Luận Sách (30)

  • avatar
    Chariz Pantinople

    I like it 😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😊😊😊😊😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄

    18/06

      0
  • avatar
    PintangAeron juls

    eieueuevfvjhygtrrttsfmtitttyufdugdfitjreuehrhrhhrjrjriri4i4ieirirjrrjrjrheu2iro2shsb29 736bzuu3t8wyeieteieeieroeyiedhisoeyerrreruwiwrwieyieteiwyeueyeuehfjrrfeiirurueyro3hrteururieurririrruei3ieieueueieu3eeeeee3kehgriegrieheoehiehrieueuejejuejejeueeeuhehegeoegejeheh gdiftrdyxyfyfbb j4vrj3hrurhru4u3638ef38 yzvei3ye83y2ihr 7272yieuruevr92y38e48ehriri3u39eyeugeieryieye84ye0eyeueuuehe8ueueurheiegeuehrururururhrururfrurhrheiehrheugeheiegehieuehegeigeieyeueieueyioougiugufuguuyufututugyfutytyii33rrrerer

    05/06

      0
  • avatar
    sosoOussama

    good 🏅🥇

    05/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất