logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

“Hindi ako fangirl or stalker, okay? Never akong naging or magiging ganoon. 'Yung may-ari ng kotseng 'yan muntik na akong mabangga kahapon!” Hindi ko maiwasang tumaas ang boses dahilan upang mas maraming mapatingin sa gawi namin lalo na at nasa harap pa kami entrance.
Walang sumagot pero biglang may nagsalita mula sa likuran ko, “Is that why you destroy my side mirror?”
Mga matatalim na tingin ang ang sumalubong sa akin ng lumingon ako. Napakulimlim ng awra niya na para bang gusto niyang pilipitin ang leeg ko.
‘Ang gwapo talaga’
Mas gwapo pa siya ngayong nakikita ko na ang mukha niya ng malapitan. Ang kinis ng mukha niya, tila ba walang bakas ng pimples. May itim na itim siyang mga mata na bumagay sa makapal niyang kilay, matangos na ilong at pangang makalaglag panty kumbaga. Idagdag pa ang mga labi nito parang ang lambot, ano kayang lasa?
Ipinilig ang aking ulo, hindi ito ang oras para purihin ko ang perpektong mukhang nasa harapan  ko.
Hindi ko alam kung galit ba ito dahil wala namang ekspresyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Habang ako palihim pang pinagnanasaan ito. Malala na nga yata ako.
“Hindi ko sinasadya," tanggi ko. Oo na, sinungaling na ako pero kailangang malusutan ko ang kinasasangkutan kong gulo ngayon. Lagi naman akong nasasabit sa gulo kaya sanay na akong lumusot.
“Anong hindi sinasadya? H'wag kang sinungaling, miss,” singit ng lalaking nakatalo ko kanina. Ito talaga ang lantarang ipinapakita ang asar sa akin base sa naniningkit na mga mata nito tuwing kakausapin ako.
“Shut up! I told you to park my car but what happened? I didn’t pay you to be just a useless.” Hindi pasigaw ang boses nito pero mas malamig pa sa north pole ang paraan nang pagsasalita nito.
Ang iba kapag galit parang mga dragon na handang lamunin ang bwitre sa harapan nila pero ito tingin pa lang manlalamig kana. Pero hindi ako gaya ng iba na madaling masindak ng mga taong may cold attitude, kaya binalewala ko lang ang pagiging malamig niya. Isa pa hindi naman siya sa akin galit, ’di ba? 'Di ba?
“Oo, siya talaga ang may kasalanan, atribida kasi. Tinatanong ko lang ang dami na agad sinasabi. Lalaking tao pero ang bunganga daig pa ang tsismosa sa kanto.” sang-ayon ko habang itunuturo ang atribidang lalaki kanina na parang basang sisiw na nakayuko na ngayon.
Hindi ko naman talaga sinasadya, nabigla lang ako dahil sa init ng ulo ko.
“Oh, you didn't mean to smash my side mirror by your pointed heel,” sarcastic at walang emosyon pa ring saad nito na habang matamang nakatingin sa akin.
'Pati boses ang sexy!'
Gusto ko na talaga  batukan ang sarili ko. Kailan pa ako naging malandi? Lalaki lang itong nasa harapan ko kahit pa sabihing mala-adonis hindi dapat ako naaapektuhan.
Pero ang lakas kasi ng dating nito parang natatangay palagi ang katinuan ko.
“Dala lang ng init ng ulo, hindi ko sinasadya,” pagdadahilan ko pero iyon talaga ang totoo.
Napaka-atribida kasi ng lalaking napagtanungan ko. Tapos may kasalan pa siya sa akin. Kaya nagawa ko iyon.
“I don’t care about your temper but you have to pay the damage, Ms. Warfreak,” wika nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tila ba sinusuri nito ang hitsura ko, taas noo ko namang sinalubong ang mga mata nito. Maganda ako kaya wala akong dapat ikahiya kahit pa medyo pawisan na ako dahil sa init ng araw.
Biglang kumunot ang noo nito.
“Let her go,” utos nito sa dalawang lalaki na may hawak sa akin. Agad naman akong pinakawalan ng mga ito. Tila ba isa itong dyos kung maka-utos.
Marahan kong minasahe ang mga pulso kong mamaga yata sa higpit ng hawak ng dalawa. Mga makahawak parang hindi ako babae.
“Give me your phone,” utos naman nito sa kanya at inilahad ang kamay sa harapan ko.
Bossy masyado. Sino ito para utusan ako?
“Aanhin mo? Sorry pero hindi ko basta basta ibinibigay ang number ko sa kung sino-sino lang. Kahit na gwapo ka pa, hindi ako gaya ng inaakala mo,” tuloy tuloy na saad ko. Kahit gwapo siya hindi ko ibibigay ang number ko sa kanga lalo na at hindi ko siya kilala. Hindi naman ako easy-to-get na tayo.
Naningkit ang mga mata nito. “You are crazy.”
Baliw? Ako tinawag na baliw? Aba, nakakarami na sa akin ang lalaking ito.  Kung ano-ano na lang tinatawag niya sa akin. Hindi ako baliw, pero malapit na akong mabaliw dahil sa mga ganap ngayong araw sa buhay ko.
“Hindi ako baliw. Ikaw nga itong kaskaserong muntik nang makabangga pero hindi ka man lang nagsorry. Bakit? Dahil ba mayaman ka kaya feeling mo may-ari kana ng kalsada? Paano pala kung nabanggaan mo ako kahapon? Tatakbuhan mo na lang ako? Ganoon ba iyon?” pagbubunganga ko habang nakamaywang pa. Sa aming dalawa siya ang may kasalanan. Tama siya nga. Kung hindi niya ako muntik mabundol kagapon hindi ko naman gagantihan ang sexy niyang kotse. Gumanti lang ako.
“You talk a lot. Are you going to pay or I'll sue you?” tila inip ng tanong nito. Mukhang ito ang tipo ng taong hindi palasalita. Tapos kong magsasalita pa flat lagi ang tono, kaya hindi mo alam kung galit ba ito o hindi.
Wala akong pambayad. Hindi pa ako mayaman kaya wala akong pera. Hindi ko pa nakukuha ang aking mana dahil buhay pa ang tatay kong walang kwenta. Hindi rin naman ako papayag  kasuhan nito. Hindi siya pwedeng makulong. Hindi ako pwedeng magkaroon ng bad record.
Car Vandalism is a crime. Bakit ba hindi pumasok sa utak ko ang bagay na iyon? Madalas talaga nasa huli ang pagsisi.
Tumingin ako sa paligid, bago ko pasimpleng hinubad ang isa ko pang sapatos. Hindi ako pwedeng tumakbo ng paika-ika dahil isang sapatos lang ang suot ko ang isa kasi ay hawak pa rin ng isa sa mga bodyguard na nakabantay sa amin.
Wala itong pakialam kung muntik na akong masagasaan kahapon kaya wala rin akong pakialam sa nabasag kong side mirror ng kotse nito. Quits na kami.
“Ano bang gusto mo? Cash o card?” pagsakay ko rito pero inihahanda ko na ang sarili ko para sa gagawin kong pagtakas. Kasi wala ako pareho noon.
“Wait lang." Kunwari ay sinimulan kong halungkatin ang bag ko upang kunin ang wallet ko. Kita ko naman sa mukha niya na tila inip na inip na siya.
“Three thousand dollars,” biglang saad nito na kinalaglag ng panga niya.
Ganoon kamahal? Ginto ba ang kotse niya? Oo, kasi luxury car lang naman ang nabasag ko, hindi biro ang halaga pero dahil tanga ako hindi ko naisip iyon ng maaga.
Kung peso kaya ko pang bayaran, hulugan nga lang pero dolyar! Saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga.  Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa.
Dahil hindi naman na ako hawak ng dalawang bodyguards, itinulak ko ang lalaking nakatalo ko kanina, napabalandra ito sa kotse saka ako mabilis na tumakbo. Partida nakayapak pa ako. Masakit sa paa dahil sa mainit at magaspang na kalsada. But I need to run. Kailangan ko na munang kalimutan ang poise ko.
Matulin na ang takbo ko pero nang lumingon  ako nakasunod pa rin sa akin ang tatlong lalaki, malapit na akong kapusin ng hininga pero mukhang wala silang balak na tantanan ako. Mukha akong holdaper na hinahabol ng pulis sa bilis ng takbo ko, meron pa akong muntik mabangga.
Ang layo na ng tinakbo ko pero nakabuntot pa rin sila sa akin pero kung minamalas ka nga naman hinabol  na ako maging ng kotseng binasag ko ang side mirror. Maabutan na sana ako nito ng bigla akong lumiko sa isang maliit na iskinita. Kaya hindi na ito nakasunod pero ang mga alipores niya tila wala ring kapaguran. Kailan ba nila ako tatantanan, malapit ng bumigay ang mga tuhod ko.
Kulang na lang lumawit ang dila ko ngunit paglabas ko sa dulo ng iskinita biglang may dumaang taxi kaya hinarang ko na ito, muntik pa nga akong mahagip ng huminto ito. Dali -dali akong sumakay.
“Saan po kayo, ma'am?”
“Manong, just drive!” saad ko ng hindi pa ito nagsisimulang umandar na tila hinihintay ang sagot ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng sumunod ito.
“Manong, pakibilis!” utos ko pa sa driver.
“Ma’am, hindi po pwede may speed limit po baka mahuli tayo,” sagot ng driver na ikinaasar ko. Bakit ba kung kailan ako tumatakas saka pa ako nakasakay sa taxing akala mo karo ang takbo sa sobrang bagal?
Paglingon ko sa likod ng sasakyan nanlaking muli ang aking mga mata. The Rolls-royce is still following us.
At anytime maabutan na kami. Sports car ang humahabol sa amin samantalang sinaunang taxi pa yata itong nasakyan ko.
“Manong wla na bang ibibilis ’to?”
“Ma'am, anong bilis pa po ba ang gusto n’yo?”
“Byaheng langit sana, Manong kapag naabutan niya tayo, kayo ang malalagot sa akin,” banta ko dito pero umiling lang ito.
“Bakit po ba hinahabol kayo?”
Tsismoso pa. Kung nagda-drive na lang siya hindi puro tanong.
“Stalker ko siya. Pwede ba mag-drive na lang kayo," saad ko habang nakatingin sa likod ng sasakyan.
Buti na lang talaga traffic lagi dahil kung walang traffic baka humarurot na naman ang sasakyang humahabol sa amin at kanina pa kami naabutan.
Buti na lang sa crossing nakatawid kami bago magred light habang naiwan naman siya upang hintaying matapos ang green light.
Nakahinga ako ng maluwag. Save. Akala ko maabutan na kami, muntikan na.

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    concepcionmichael

    I love this story

    28d

      0
  • avatar
    Jima Handumon

    koooo

    19/01

      0
  • avatar
    Jerwell Zamora

    Thankyou

    29/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất