logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Tahimik akong nagmamasid habang kaharap ko si Papa at kumakain kami ng tanghalian. Parang ito na yata ang pinakapangit na tanghalian sa buhay ko. Ang hirap ibuka ng bibig ko tuwing kailangan kong ipasok ang kutsara at para bang wala akong malasahan, masarap naman sana ang kinakain namin. Ganito pala ang pakiramdam kapag may tinataguan.
Mabigat sa dibdib at halos hindi ka makagalaw nang maayos.
Hindi ko hinayaang magtagpo ang mga mata namin ni Papa, ni hindi ko nga siya magawang tingnan. Nasa plato lang nakatuon ang paningin ko. Natatakot akong magtagpo ang mga paningin namin at mabasa niya ang laman ng isipan ko. Natatakot ako sa lahat, natatakot ako na may magawa akong mali. Natatakot ako sa bawat galaw ko, nanginginig ang mga daliri ko. Natatakot akong may malaman si Papa.
Hinahanap ko si Mingming. Isa rin si Mingming sa dahilan ng kaba ko ngayon baka mahuli iyon ni Papa, mahirap na at baka itapon na naman niya ang alaga ko. Hindi pa naman bati ang dalawa.
Walang gana akong sumusubo ng pagkain. Kahit nanginginig ay ipinagpatuloy ko ang pagsubo. Ito lang yata ang araw na hindi ko gusto ang presensiya ni Papa, nais kong umalis na siya.
Wala sa pagkain ang atensiyon ko, lumilipad ang utak ko tungkol sa nangyari. Tungkol doon sa ginuhit kong bulaklak. Ang dami kong tanong. Paano naging totoong bulaklak iyon? Paano naging totoo ang ipininta ko?
Posible kayang may kapangyarihan ang paintbrush na ginamit ko? Umiling ako, imposible naman yata iyon. Hindi nga ako makapaniwala na naging totoong bulaklak iyon, mas lalong hindi ako maniniwalang may kapangyarihan ang paintbrush.
“Imposible,” mahinang bulong ko sa sarili.
“Ang alin, Ariyah?” tanong ni Papa na nagpayanig ng mundo ko. Agad akong umiling, dapat sa utak ko lang iyon eh.
Patuloy ako sa pagnguya at pagsubo hanggang matapos ako sa pagkain. Iniisip ko ang bulaklak na tinago ko sa ilalim ng unan, sana hindi `yon makita ni Papa kunʼdi lagot na naman ako.
Naunang tumayo si Papa at inayos ang mga gamit niya. Hindi na siya muling nagsalita, hindi na niya ako muling tinanong. Hindi niya ako pinapansin na para bang may ginawa na naman akong mali. Pagkatapos niyang maibalik ang mga gamit niya sa iisang sisidlan na palagi niyang dala ay humarap si Papa sa akin. Blangko ang kaniyang expresiyon at wala akong mabasa na kung anong emosiyon sa maiitim niyang mga mata.
“Alam kong may tinatago ka, Ariyah. Kilala kita,” wika niya at tinalikuran ako, nagpatuloy si Papa sa pagliligpit ng gamit. “Isa lang ang masasabi ko sa iyo at ito ang palaging itatak mo sa iyong isipan, oras na lumabas ka sa tore na ito ay makikita mo ang hinahanap mo.”
“Makikita ko ang kalayaan?”
Agad kong tinakpan ang bibig ko at napaatras palayo. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko? Bakit ako nagkakaganito?
“Kapahamakan,” pagtatama niya sa sinabi ko at hinarap ako. “Kung hindi mo talaga susundin ang mga utos ko, wala na ‘kong magagawa. Kung matigas talaga ang ulo mo, ikaw lang naman ang magdurusa. Tayong dalawa lang ang magkakampi rito, Ariyah.” Huminga nang malalim si Papa at nagkibit-balikat bago nagpatuloy, “Kung hindi mo talaga susundin ang utos ko at balak mong umalis dito, bahala ka sa buhay mo.”
Lumabas si Papa at hindi ginamit ang buhok ko upang makababa. Dati, sinundan ko siya pababa noʼng hindi pa masyadong mahaba ang buhok ko. Sa kagustuhan kong makalabas sa tore ay sinundan ko siya ngunit wala rin naman akong napala. Walang pintuan ang tore pero nakalabas si Papa.
Doon ko lang nalaman na may kapangyarihan si Papa. Tuwing hahawak si Papa sa parte na iyon ng tore ay kusang bubukas iyon at makalalabas si Papa pero noʼng sinubukan kong hawakan iyon ay wala namang nangyari.
Anong kapangyarihan ang mayroon si Papa?
Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko magawa, takot akong magalit na naman siya. Ayokong maulit ang ginawa niya sa akin dati.
Minsan, ayoko nang maniwala na kakampi ko si Papa na para bang lahat ng sinabi niya ay pawang kasinungalingan. Hindi ko kasi maintindihan ang takbo ng utak niya. Parang ang hirap niyang paniwalaan, parang hindi ko siya lubusang kilala.
Huminga ako nang malalim pagkatapos ay umiling. Mali ang iniisip ko. Si Papa lang dapat ang paniwalaan ko. Alam ni Papa ang lahat. Si Papa lang dapat ang sundin ko. Mas alam ni Papa ang tama at mali.
Bumalik ako sa kama at tinakpan ng kumot ang mukha ko. Marahan kong inamoy iyon na agad namang niyakap ng mabangong amoy ang ilong ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, hindi na tama ito.
Parang inuutusan ako na suwayin si Papa na siya namang ayaw ko talagang gawin. Kay Papa lang dapat ako maniwala, kay Papa lang dapat ako sumunod. Anong mangyayari sa akin kung susuwayin ko ang nag-iisang tao na nag-aruga sa akin? Anong mangyayari kung makalabas ako rito?
Pilit kong winaksi ang ideya na iyon, si Papa lang dapat ang sundin ko. Si Papa lang at wala ng iba.
Inalis ko ang kumot at agad akong sinalubong ng mataas na bubong ng tore, pinapaligiran iyon ng tatlong bombelya na nagsisilbing liwanag ko tuwing gabi. Tinitigan ko lamang ang mga iyon hanggang sa nakaramdam ako ng antok.
Napasigaw ako nang bigla akong dinaganan ng pusa ko, pumuwesto pa ito sa may bandang puson ko at doon mismo humiga. Hinaplos ko ang ulo ni Mingming at bumulong, “Isa na namang mahabang araw ito, Mingming.”
Bumuntonghininga ako at pumikit. “Hanggang kailan ako magiging ganito, Mingming? Wala ba talagang pag-asa na mayakap ako ng sariwang hangin at madapuan ng patak ng ulan? Wala ba talagang pag-asa?
“Bakit pakiramdam ko hindi ako totoong malaya? Bakit pakiramdam ko hindi talaga ako totoong masaya? Bakit pakiramdam ko nakakulong ako sa kahigpitan ni Papa? Bakit ganito, Mingming? Hindi naman ako ganito noon.”
Sinulyapan ko ang pusa na maganda na ang tulog sa tiyan ko. Kinuha ko ang unan at nilagay si Mingming sa dapat nitong puwesto. Pagkakuha ko sa unan ay siya namang paglaglag ng bulaklak na nakaipit dito. Bulaklak na siyang ipininta ko kanina.
Hindi nasira ang hitsura nito kahit nilagay ko ito sa unan kanina bunga ng pagkataranta ko sa pagdating ni Papa. Nasa ayos pa rin ang bulaklak gaya noong una kong hawak dito.
Pinagmasdan ko ang hugis puso nito sa gitna at wala sa sariling hinawakan iyon. Hinaplos ko ang linya at sinunod ang hugis hanggang sa nadaanan ko na ang lahat ng linya sa hugis puso. Laking pagtataka ko nang bigla iyong nagkulay ginto, katulad sa kulay ng aking buhok.
Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang bulaklak nang niyakap ng liwanag ang buong kuwarto ko. Katulad na katulad sa liwanag na naganap kanina nang biglang naging totoong bulaklak ang ginuhit ko.
Tinakpan ko ang aking mga mata dahil habang tumatagal ay mas nakasisilaw ang liwanag na hindi ko matukoy kung saan nagmula. Ang pagtakip na lamang ang kaya kong gawin. Hanggang sa aking pagpikit ay parang nakikita ko pa rin ang bulaklak na hawak ko kanina.
Bakit ang daming kababalaghan ang nangyayari ngayon? Hindi ko pa nga matanggap na naging totoong bulaklak ang pininta ko `tapos ngayon may nadagdag na naman. Ano ba itong nangyayari?
Hindi ko na maintindihan.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko noʼng sa tingin ko ay nawala na ang liwanag. Ilang segundo rin akong nakapikit, mukhang umabot nga iyon ng ilang minuto. Pakiramdam ko kanina, kung hindi ko ipipikit ang mga mata ko ay mabubulag ako dahil sa liwanag na iyon.
Isang mata muna ang binuksan ko, ang kaliwang mata ko, upang siyasatin kung bumalik na ba sa dati ang kuwarto ko. Agad akong napasigaw sa aking nakita at binuksan ang kanang mata ko. Ano itong nangyayari sa akin? Panaginip pa rin ba ito o bangungot na?
Isang babaing nakaputi ang nakatingin sa akin. Mahaba ang damit niya gaya sa suot ko ngayon na lampas talampakan. Mahaba rin ang buhok niya pero mas mahaba ang akin, kulay abo lang ang buhok ng babae. Ngumiti siya pero hindi nagbigkas kahit isang salita.
“Sino ka? Paano ka nakapasok sa silid ko?” tanong ko pero ngumiti lang ang babae.
Bumilis ang tibok ng puso ko at balak kong sumigaw. Naalala ko iyong kuwento sa akin ni Papa noong bata pa ako.
Hindi kaya multo itong kaharap ko? Ito ba `yong sabi ni Papa na white lady?
Sumigaw ako nang sumigaw at tinawag si Papa!

Bình Luận Sách (44)

  • avatar
    Nguyễn TuấnVũ

    nhsjfcehhdcf

    21d

      0
  • avatar
    martinezMatt andrie

    ayus sya maganda gamitin

    23/07

      0
  • avatar
    Lucas Mallari Satparam

    good

    20/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất