logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 6: Misunderstanding

(NATHANIEL'S POV):
"Have you paid their Hospital Bill?" tanong ko sa Driver kong tangang magmaneho kaya tuloy nakabangga ng shameless girl habang hinahatid n'ya ako kanina papunta sa Campus.
Kasalukuyan nga pala akong nakaupo sa passenger seat ng Lexus na nakabangga sa isang babae kanina. Pauwi na ako ngayon sa Mansion namin galing sa school. It's my unlucky day!
"Yes po, Young Master" tugon ni Mang Jepoy sa tanong ko kanina.
Honestly, hindi ko talaga gustong ipagdrive pa ako nito kaso anong magagawa ko, I'm only 17 years old that's why they cannot allowed me to get a driver's license.
"Okay Good, but next time na makadisgrasya ka ulit, I will fired you! Do you understood?" sermon ko sa personal stupid driver ko.
"Y-yes po Young Master, hindi na po mauulit" nauutal na pagsang-ayon n'ya naman sa'kin.
Ayaw kong madawit pa ulit ang pangalan ko dahil sure akong madi-disappoint si Dad kapag nangyari pa ulit 'yun, ngayon pa nga lang ay siguradong grounded na ako pag-uwi.
****
Nakarating na rin kami dito sa boring naming Mansion, automatic ng nagbukas ang gate para makapasok na ang sasakyan namin.
Pagkababa ko sa car ay agad akong sinalubong ng anim naming staff at kinuha na ang mga dala kong gamit.
"I heard what happened earlier." pagsalubong sa akin ni Dad na nakapamulsa sa may lounge ng aming mansion.
"Don't asking me for what happened earlier, ask that to my stupid Driver" pabalang kong sagot sa kanya at lumakad na ako palayo kay Dad, bahala na sila mag-usap ni Mang Jepoy.
"Nathaniel Thompson, you're grounded until tomorrow!" pabulyaw sa'kin ni Dad, alam ko ng sasabihin n'ya 'yan kaya hindi ko na s'ya pinansin at pinag-aksayahan ng oras para makipagtalo.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagshower para makatulog na agad.
Bweset 'tong araw na 'to, bakit ba hindi pa ako makatulog?
Dahil hindi pa ako makatulog ay kinuha ko muna ang cellphone ko at tiningnan ang huling picture namin ni Mom bago s'ya mawala.
Miss ko na si Mom, simula ng mawala s'ya dahil kay Dad ay nagsimula ng masira ang buhay ko. Namatay si Mom ng hindi manlang dumalaw sa kanya si Dad kahit man lang sa burol at libing nito.
Nalaman ko nalang na namatay s'ya dahil nahuli n'ya si Dad na kahalikan ang secretary nito na naging dahilan ng Heart Attack n'ya.
Kinaumagahan, paggising ko ay naghilamos at nagsuot na ako ng black long-sleeved at pants dahil naalala ko palang may hang-out kami ngayon ng mga sira-ulo kong barkada.
"Young Master Nathaniel, pinagbawalan po kayong lumabas ng Mansion na 'to ni Chairman." malungkot na pagsaway sa akin ni Manang Dolores nang nagmamadali na akong makaalis, si Manang Dolores ang s'yang mayordoma sa Mansiong ito.
Tumuloy lang ako habang nilalagpasan si Manang nang biglang may humarang sa akin na apat na bodyguard.
"Don't block my way!" nanggigil kong utos sa apat.
Pero patuloy pa rin sila sa pagharang sa daraanan ko.
"Hindi n'yo ba narinig ang sinabi ko? I said, don't block my way!" napipikon na ako sa kanilang apat kaya binigyan ko ng malakas na sapak ang isa sa kanila.
"STOP IT!"
"Wala ka na bang ibang alam gawin kundi parating gumawa ng problema, Nathaniel?!" ang boses ng magaling kong Daddy.
Agad naman akong tumigil at kinuyos ang palad ko para kumalma ng saglit. Lumapit sa akin si Dad at binigyan ako ng isang malakas na sapak sa pisngi dahilan para mawalan ako ng balanse at dumugo ang gilid ng labi ko.
"Chairman, 'wag n'yo na pong patulan si Young Master." pag-awat ni Manang kay Dad.
Tumayo naman kaagad ako at lumapit kay Dad para bigyan s'ya ng Death glare, pagkatapos nun ay padabog akong umalis sa harapan n'ya at umakyat ng hagdan pabalik sa kwarto ko.
Dahil sa matinding inis at galit na nararamdaman ko ay sinuntok ko ang pader at pinantadyakan ang ilan kong gamit sa kwarto nang biglang may pumasok, si Manang Dolores.
"Iho, kailangan nating gamutin ang sugat mo, sayang naman ang gwapo mong mukha." pagbibiro ni Manang habang kinukuha ang isang bulak at betadine para ilagay sa sugat ko sa labi.
"Thank you Manang, but I can handle this." tugon ko kay Manang at akmang kukuhanin ko na ang hawak n'yang bulak.
"Iho, hayaan mo na si Manang na gamutin ang sugat mo ha?" saad sa akin ni Manang na may ngiti.
Nginitian ko nalang si Manang at hinayaan s'yang gamutin ang sugat ko.
Si Manang nalang ang nag-aalala at gumagabay sa akin simula ng mawala si Mom dahil simula't sapul na ipinanganak ako ay ni hindi ko man lang naranasang kalingain ng aking ama puro lang bussiness ang alam n'ya sa buhay.
I'm not a little child anymore, kaya marami ng nagbago sa ugali ko pero kahit ma ganun ay si Manang lang ang nagtit'yaga sa ugali.
Kinabukasan,
Maaga akong nagising para pumasok na sa school, lalo pa't absent ako kahapon dahil nga Grounded ako kaya maraming subject ang kailangan kong i-review.
Ngayon ay pumasok na ang sasakyan namin sa loob ng School Campus pero sa kasamaang palad ay marami na namang Girls na nagkakandarapa para lang daw matingnan ang gwapo kong mukha.
"Ihinto mo na, dito na lang ako bababa" utos ko sa driver.
Inihinto naman ng Stupid Driver ko ang sasakyan kaya Itinigil ko na rin ang pagbabasa ko ng libro at binuksan na ang pinto ng sasakyan para na bumaba.
Nang makababa na ako ay agad na nagtilian ang mga nakakarindeng girls, ang iba pa sa kanila ay may hawak-hawak na regalo na iniaabot nila sa akin pero hindi ko sila pinapansin at agad na akong umakyat ng 2nd Floor kung nasaan ang section ko, ang Section A.
Hanggang sa pag-akyat ko ay hindi pa rin ako tinitigilan ng mga babaeng estudyante para abangan ang Handsome Face ko.
Pagpasok ko ng Classroom ay agad akong naupo sa upuan ko sa may bintana at naglagay ng Bluetooth Earbuds sa taenga ko ng biglang may lumapit sa harapan kong parang pamilyar na babae at nagtatalak-talak.
"Excuse, upuan ko 'yang inuupuan mo!" pagpapaalis sa akin ng isang cheap girl na nabangga ni Mang Jepoy nung isang araw.
Hindi ko lang pinansin ang babaeng 'yun dahil sa tingin ko ay isa lang s'ya sa mga babaeng naghahabol sa'kin dito sa Campus.
Habang nagpapatugtog ako ay nabigla nalang ako ng kunin n'ya ang bag ko at ihagis ito, Sh*t 'tong babaeng 'to masyadong papansin kaya nagdidilim na ang paningin ko, sa buong buhay ko ay wala pang sinuman ang naglakas-loob na bastusin ako nang ganito.
Kahit na asar na asar na ako ay pinigilan ko ang sarili kong makapanakit ulit ng babae nang sa ganun hindi na madagdagan pa ang problema ko, kaya naman tahimik kong pinulot ang aking bag at inilagay muli sa aking upuan habang nakatingin sa akin ang ilan naming mga kaklase.
Akala ko matatapos na ang lahat sa babaeng 'yun ng dumating na si Ma'am, but probably it doesn't happened.
"Good Morning po Mrs. Gonzaga!" pagbati namin sa Science Teacher namin kahit halata namang hindi maganda ang umaga ko.
"Okay Class, take your seats." utos ni Ma'am kaya umupo na ako sa upuan ko bahala na ang shameless girl na 'yun kung saan s'ya uupo.
"Oh Ms. Alvarez, bakit nakatayo ka pa?" tinanong ni Ma'am ang babaeng parating naninira ng umaga ko.
Damn it! What the hell are she doing?! Bweset 'tong babaeng 'to, anong kahangalan ang pumasok sa utak n'ya at bigla n'yang inupuan ang hita ko?! Mukha ba akong chair sa kanya?! She ruined my morning!
Ang bigat n'ya ah!
Napipikon na ako sa babaeng 'to ah, parang gusto ko nang itulak paghindi pa 'to umalis dito, I will make sure that she can get injured from pushing her from my lap!
1.....2......
Sa wakas, the fool like her has a plan to stand up from my lap because of embarrassment she did. Thanks to God!
"I'm sorry po ma'am, umupo lang naman po ako sa upu..." the begging by a fool girl.
At salamat nagsalita na rin si ma'am.
"Okay Miss. Alvarez, pwede bang lumabas ka muna ng klase ko?" pag-utos ni Ma'am sa kanya habang tinuturo ang pinto palabas.
Napatawa ako ng bahagya dahil dun lalo't s'ya lang din naman talaga ang nagpahiya sa sarili n'ya, wala na rin s'yang nagawa at dahan-dahang naglakad papalabas habang pinagtitingnan ng mga kaklase namin. Dahil sa pagkatuliro n'ya ay hindi n'ya namalayang may pumatid na pala sa kanya, si Charice, isa sa mga babaeng patay na patay sa'kin.
Dahil sa pagtisod sa kanya ay bigla na lang s'yang nadapa at pinagtawanan ng mga kaklase namin pero bigla s'yang tumayo sabay tumakbo papalabas ng Classroom.
Pagkatapos ng lahat ng nangyaring 'yun ay pakiramdam ko'y bumalik na sa lahat ang dati, tama lang 'yun sa kanya para matauhan s'ya.
Ang lakas ng loob n'yang ipahiya ako, she will pay later for embarrassing me in front of our classmates.

Bình Luận Sách (424)

  • avatar
    Fe Canuday Ardena

    nakakabitin naman.ano baya.saan na .

    1d

      0
  • avatar
    JENJEN

    parang di kona magawa pag ligo dahil dito😫

    1d

      0
  • avatar
    Jonamie Fano Gardose

    nice

    5d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất