logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3: Long-time Bestfriend

(ASHLEY'S POV):
Pag-uwi namin sa bahay ni Mama ay agad akong tumungo sa kwarto ko at biglang nahiga sa aking kama.
"Aray!" napasigaw ako ng bahagya dahil sa pagbagsak ko sa aking banig. Nagfeeling kasi akong foam ang babagsakan ko 'yan tuloy mukhang nadagdagan pa ang kamalasan ko.
Nakakailang kamalasan na ako ngayong araw na 'to ah. Halos magdikit na ang kilay ko sa inis.
"Mamarkahan ko ang makasaysayang araw na 'to sa buhay ko." bulong ko sa sarili ko sabay tayo at punta sa kalendaryo hawak-hawak ang isang Ballpen.
Pinuno ng kamalasan ang buhay ko ngayong araw dahil sa katangahan ko, literal na BAD DAY ang araw na ito para sa'kin. Minarkahan ko ang petsang 27 sa buwan ng Oktubre na pinakamalas na araw sa aking talambuhay at nahiga na sa pinakamamahal kong banig para matulog dahil maaga pa ang unang pasok ko bukas.
***
"Ashley dali na bumangon ka na d'yan para hindi ka malate!" nakakabusog sa tengang bulahaw ni Mama habang tinatawag ako para kumain.
S'yempre gaya ng nakasanayan ay kaagad akong bumabangon para hindi s'ya maging dragon, mahirap na baka hindi pa ako makapasok sa School.
"Ate, Okay ka na ba? may masakit pa ba sa'yo?" tanong ng magaling kong kapa... wait lang totoo ba 'to? nag-aalala s'ya sa'kin? Wow! Sana ganito nalang s'ya palagi, pero ano bang nakain n'ya? De bale itatanong ko nalang sa kanya.
"Anong nakain mo at biglang bumait ka sa'kin?" natatawa kong tanong sa kanya habang umuupo sa Monoblock.
Bigla namang naningkit ang mga mata n'ya at tinitigan ako ng masama.
"Bahala ka d'yan, nagwo-worry na nga sa'yo eh." matampuhin n'yang sagot sa akin.
Nakonsensya naman ako dahil dun.
"Oh s'ya sige na, Sorry na. Nagulat lang kasi talaga ako, pero seriously I'm Okay na." sagot ko naman na nagpaaliwas agad ng mukha n'ya, grabe 'yun lang pala ang makakapagkonsensya sa akin.. Hayystt!
Dahil sa ginawa ko ay napangiti ko si Mama.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako, mga ilang minuto lang ay natapos na akong naligo. WoW!
Himala bigla yatang nagbago ako ngayon ah?..
Nagawa ko na lahat ng kailangan kong gawin,
PagtoToothbrush, Check!
PagsuSuklay, Check!
PagsuSuot ng Uniform, Check!
Pag-aAyos ng gamit ko sa bag, Check!
Aalis na sana ako ng tinawag ako ni Mama at nagpasya s'yang ihatid na lang ako para hindi na maulit ang nangyari sa akin kahapon. Medyo masakit pa din kasi ang mga galos at pasa ko eh, atsaka kaya na naman ng kapatid kong 15 years old na pumasok sa School n'ya ng mag-isa.
S'yempre hindi na ako naglagay ng earphones sa tenga baka mabunggo ulit ako tapos sa'kin pa isisisi.
Nang nasa Highway na kami ni Mama ay bigla kong naalala ang nangyari kahapon, naiisip ko pa rin ang bwiset na nakabundol sa akin dahil tila ba wala itong konsensya sa ginawa n'ya, panigurado naman ako na ang amo n'ya ang nagbayad ng bill ko sa Ospital kahapon pero kulang pa rin 'yun.
"Ma, papasok na po ako sa School ha? Ingat po kayo sa pag-uwi! Ba-bye!" pagpapaalam ko kay Mama at hinalikan ko s'ya sa kanyang pisngi. May mga iilang estudyante ang nakatingin sa gawi namin dahilan para mahiya ako. Ngayon pa lang ba sila nakakakita ng Momma's Gurl na tulad ko?
"Sige na anak, uuwi na ako. Mag-iingat ka mamaya sa pag-uwi ha?"
"Opo Ma, I Love You!"
"I Love You too anak!"
Pagkatapos namin ni Mama magpaalam sa isa't-isa ay pumasok na ako ng Campus ng nakangiti pero may naririnig akong mga bulungan sa paligid tungkol sa akin.
"Di'ba s'ya ang bagong transferee dito, akala ko naman High Class"
"Sinabi mo pa at ang weirdo n'ya, galing siguro s'ya sa squatters area."
"Grabe nakakadiri s'ya"
"Bakit naman naisipan mag-aral ng poor na 'yan dito?"
Mga bulungan na naririnig ko,
Ano daw weirdo ako? Nakakaimbyerna ang mga to ah maturuan nga ng Good Manners.
Nang ambang lalapit na ako sa dalawang nagbubulungan tungkol sa akin ay biglang may tumawag sa akin na pamilyar ang boses mula sa likuran ko.
"Ashley!"
Lumingon naman ako kaagad upang alamin kung sino ang tumatawag sa akin.
"Hera?!" gulat kong tanong ng makita ko s'ya.
Kaagad kaming nagyakapan ni Hera na lalong tumawag ng pansin mula sa mga marites na estudyante.
"Bestie! Grabe dito ka na nag-aaral hindi ako makapaniwala!" masayang bati sa akin ng long-time BFF kong si Hera.
"Wow, mag-school mate na tayo bestie! Ang saya-saya ko!" napakasaya kong tugon sa kanya pakiramdam ko ay kung gaano ako kamalas kahapon ay ganun din ako kaswerte ngayon!
Wala na kaming inaksayang pagkakataon ni Hera at pumasok na kaming dalawa sa section namin. Yes, magkaklase kami ni Hera na talaga namang ikinasaya ko. Maaga-aga pa naman dahil 7:20 am palang at ang simula ng klase namin ay 8 o'clock in the morning.
Unting trivia lang muna kung paano ko naging Bestfriend ang makulit na gaya n'ya. Magkapitbahay kami noon ni Hera, mayroon silang maliit na sari-sari store nun pero unti-unti itong nalulugi. Kaklase ko rin s'ya nung Grade 6 ako kaya doon namin nabuo ang pagiging magbestfriend namin pero nawalan na kami ng contact sa isa't isa ng yumaman na sila, siguro itatanong n'yo kung paano sila biglang yumaman kahit na nalulugi na ang sari-sari store nila noh?.
Simple lang ang paliwanag, nanalo lang naman ang tatay n'ya sa Lotto ng 100 million. Oh diba ang swerte nila. Sana All!.
Simula nun ay lumipat na sila ng bahay at doon na ako nawalan ng balita sa kanya pagkatapos ng 5 years na hindi ko s'ya nakita, andito lang pala s'ya sa sosyal na School na ito.
***
"Kaya pala nakapasok ka rito dahil nakakuha ka ng Scholarship Program, WOW ang talino mo talaga!." pagpupuri sa akin ni Hera.
Namula naman ang pisngi ko sa papuring 'yun.
"S'yempre naman! Ako pa ba? Valedictorian yata ang bestfriend mo nung elementary!" pagmamalaki ko sa kanya, totoo naman eh. May taglay talaga akong utak.
Dahil sa pagkukuwentuhan namin ay hindi na namin namalayang dumating na pala ang Teacher namin sa Science.
"Good Morning Class." masayang pagbati sa amin ni ma'am.
Agad kaming tumayong lahat at nagbigay galang.
"Good Morning rin po Mrs.Gonzaga" sabay-sabay naming pagbati ng mga kaklase ko.
"Okay seat properly na." pagtugon ni Ma'am sa amin.
Kaagad naman kaming umupong lahat. Naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba ng tawagin ako ni Ma'am.
"Okay Class, may bago kayong kaklase, Her name is Ashley Nicole Alvares, Ms. Alvarez, can you stand up here to introduce yourself?." tanong ni ma'am nang ipakilala ako sa mga bago kong kaklase at utusan akong tumayo sa harapan upang ipakilala ang sarili ko.
Tumayo naman ako kaagad at tumango.
"Of course po Ma'am" at tumayo ako para ipakilala ang sarili ko sa harapan nilang lahat.
"Hello Everyone, I am Ashley Nicole Alvares and I'm 17 years old." pagpapakilala ko sa harapan, gaya ng inaasahan ay nagbulungan ang iba kong kaklase dahil nadisappoint sila kasi inaakala nilang High Class ako gaya nila.

Bình Luận Sách (424)

  • avatar
    Fe Canuday Ardena

    nakakabitin naman.ano baya.saan na .

    1d

      0
  • avatar
    JENJEN

    parang di kona magawa pag ligo dahil dito😫

    1d

      0
  • avatar
    Jonamie Fano Gardose

    nice

    5d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất