logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

STFW 7

“He is so sweet, Aiesha! Sa tingin ko siya na ang perfect guy para sa akin. Thank you sa pagpapakilala mo sa pinsan ni Aldrich sa akin. Excited na nga ako sa date namin mamayang gabi,” kwento ni Portia sa kanya.
Nasa isang café sila malapit sa art gallery. Walang gana niya itong tiningnan habang umiinom ng café latte. “Akala ko ba si Silang ang gusto mo?” Tapos ngayon ay hindi na nito inaalala pa ang lalaki. Samantalang siya ay hindi pa rin maialis si Silang sa isip. Ano na kaya ang nangyari dito?
Bumakas ang iritasyon sa mukha nito. “Hindi siya interesado sa akin. Bakit ako magtitiis kanya?” Malaking blow sa ego nito kung hindi ito pansinin ni Silang lalo na’t pinagkaguluhan ito ng mga lalaki noong engagement party niya.
“Babalik ka na ba sa art gallery?” tanong niya at iniwan sa mesa ang bayad sa in-order nila.
“Oo. Darating ang si Mrs. Hamasaki. Nagustuhan niya ang bamboo brushpots na gawa ni Leu. Oorder siya ng bago.”
“Ikaw na muna ang bahala sa mga kliyente natin.”
Tumayo ito. “May pupuntahan ka ba?”
“Dadalawin ko si Aldrich sa opisina niya,” aniya at tumayo na rin.
“Mabuti at magbabati na kayo.” Mula nang party ay hindi niya pinansin si Aldrich. Hindi pa kasi humuhupa ang inis niya dahil sa pagtataboy nito kay Silang.
“Malamig na ang ulo ko. Pwede na kaming mag-usap,” sabi niya.
Dumaan muna siya sa flower shop at um-order ng bouquet ng white roses bilang peace offering. May kasalanan nga marahil si Aldrich pero ilang araw na siya nitong sinuyo. Panahon na para tapusin ang gulo. Isa pa ay nami-miss na niya ito.
Papasok sa entrance ng building ng opisina ng Dominicano Mining nang nakita niya si Silang na nakikipag-argumento sa guwardiya. “What’s the problem?” tanong niya sa guwardiya paglapit.
“Siya po kasi, nagpipilit pumasok. Bilin po ni Sir Aldrich huwag siyang papapasukin. Ban po siya dito,” magalang na sabi ng guwardiya.
Mukhang importante ang pakay nito kay Aldrich. Kundi ay hindi ito magtitiis sa pakikipagtalo sa guwardiya. Naalala niya kung paano ito ipinagtabuyan ni Aldrich at wala siyang nagawa upang tulungan ito. Hindi siya papayag na hindi makabawi dito. Kailangang makausap nito si Aldrich.
Hinawakan niya ang kamay ni Silang. “Kasama ko siya.”
Hinarangan pa rin sila ng guwardiya. “Pero Ma’am, mahigpit po ang bilin ni Sir kahit daw po kayo pa ang kasama,” matigas na sabi nito at lumayo sa kanila. Kahit mismong guwardiya ay hindi niya magamitan ng karisma.
Tiningala niya si Silang. “Kung gusto mo, magse-set na lang ako ng appointment para sa inyo ni Aldrich. Some place neutral.Para hindi siya makatanggi.”
Binawi nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya. “Salamat sa tulong mo, Miss Wayne. Pero hindi mo na kailangang masangkot dito.”
“Alam ko na galit ka sa akin. Pero hindi ko intensiyong ipahiya ka.” Kung alam lang nito, tinikis niya si Aldrich dahil sa simpatya dito.
“Hindi ako galit sa iyo.” Malumanay ang boses nito. “Pero ayoko na ring abalahin ka pa. Babalik na lang ako sa ibang araw para kausapin si Mr. Dominicano.”
Pinigilan niya ang kamay nito. “You can talk to me.”
“Mga Dominicano lang ang gusto kong kausapin.”
Bahagya siyang ngumiti. “I will be a family soon. Pwede mong sabihin sa akin ang problema mo. Baka matulungan kita.”
Matagal na sandali siya nitong tinitigan pagkatapos ay inilayo ang tingin. “Sige. Baka sakaling ikaw ang makatulong sa amin.”
HINDI maialis ni Aiesha ang mga mata kay Silang habang ibinibigay nito sa waiter ang order. Nasa isang Italian restaurant sila. Naisip niyang lunch hour na rin at maaring kanina pa ito nagutom sa pakikipagtalo sa guwardiya. Pumayag lang ito na doon sila mag-usap sa kondisyong ito ang magbabayad sa kakainin nila.
“Portia is right. You are earthy and manly,” hindi sinasadyang may kalakasan niyang sabi. Madalang siyang pumuri sa lalaki. At ito ang unang pagkakataon na sabihin niya iyon nang harapan. Kahit kay Aldrich ay hindi siya ganoon ka-vocal.
Kumunot ang noo nito. “May sinasabi ka ba?”
“Gusto mo bang maging professional model? Marami akong kakilala na agent. Pwede kitang I-refer.” Kung pwede lang ay ipa-kontrata niya ito sa isa sa mga artist niya para gumawa ng portrait nito. He would be perfect to grace her art gallery.
“I have a job. Thank you. At hindi pa ako naghihirap para humanap ng ibang trabaho,” direktang sagot nito. “Wala sa bokabularyo ko ang pagmomodelo.”
Parang teenager siya na nangangarap at nangalumbaba. “Are you married? Do you have kids?” Baka kaya hindi ito interesado kay Portia ay dahil may pamilya na ito. Maswerte ang babaeng iyon. Tiyak niyang maganda ang mga anak nito. Maganda rin naman ang lahi niya. Kung ito ang magiging ama ng mga anak niya, tiyak niyang maganda at guwapo ang mga ito dahil sa kombinasyon nila.
“No to both questions,” malamig nitong sabi. “Pwede na ba nating ituloy ang pinag-uusapan natin kanina.”
Bigla siyang natauhan. “S-Sure.”
Nawawala siya sa sarili kapag kaharap ito. Bakit kay Silang niya naiisip ang pagkakaroon ng anak? Samantalang isang estranghero ito. “Ano ang kailangan mo sa kanila?” tanong niya nang idulot ng waiter ang soup. “Is it about the donation? Saang foundation ka ba?”
“Donation?” Umangat ang gilid ng labi nito. “Iyon ba ang sinabi ng boyfriend mo? Kung ganoon, nagsisinungaling siya.”
Natigilan siya. “Ibig sabihin, hindi ka part ng charity institution?”
Naging matigas ang itim nitong mga mata na animo’y itim na diyamante. “Miyembro ako ng tribo ng Gangan mula sa Cordillera. Simple lang ang pamumuhay sa tribo namin. Pero ngayon, sinasalantana kami ng maraming sakuna.”
“Gusto ninyong humingi ng calamity fund,” nakakaunawa niyang sabi. Hindi talaga maiiwasan ang mga sakuna lalo na sa Pilipinas.
“Hindi. Gusto naming ibalik ang ninakaw sa amin.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Government fund ba na dapat ay para sa inyo ang ninakaw nila?” Hindi maiiwasan ang katiwalian sa hanay ng gobyerno. Baka naniniwala ito na nagnakaw si Donato Dominicano nang administrasyon nito. “I can give you money in exchange for that.” Mahihirapan nga itong makipag-argumento kay Aldrich o kahit sa matandang Dominicano sa klase ng akusasyon nito.
Tumigas ang anyo nito. “Hindi namin kailangan ng pera. Gusto lang naming maibalik sa amin ang ninuno namin.”
“Ninuno? Bakit naman mawawala sa inyo ang ninuno ninyo? Pardon my words, pero sino ang magkaka-interes sa taong patay na?” Wala siyang ideya kung bakit hahanapin nito sa mga Dominicano ang mga ninuno nito.
“Ninakaw sa amin ang mga mummies ng ninuno namin.”
Nanlaki ang mata niya. “Mummies? May mummies ba sa Pilipinas?” Ang alam niya ay sa Egypt at sa Mayan civilization lang iyon matatagpuan.

Bình Luận Sách (25)

  • avatar
    Neisteven Jacob

    khhjjjj you want it to be done 👍 I will be home tomorrow morning and get back with the day dady I didn't get a chance you po pahinging diamond 💍 I can help in that area of the kids are in that everything

    28/06

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Nice story 🫰🫰

    14/05

      0
  • avatar
    Ezekiel Abon

    love it

    09/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất