logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

STFW 3

“Anong ginagawa ng mga tagapatag dito? Bakit hinahayaan ninyo sila na bungkalin ang mga bukirin natin?” Dumadagundong sa galit ang tinig ni Lakay Biano. Isa sa pitong intugtukon o lipon ng matatandang pinuno ng tribo. Tagapatag ang tawag nito sa mga taong nakatira sa bayan o mga taga-Maynila.
“Sinabi ko na po, Lakay Biano. Narito po ang mga tauhan ng gobyerno upang tulungan tayong mawala ang mga higanteng peste,” paliwanag ni Silang.
Ipinagbigay-alam niya sa pang-agrikulturang sangay ng gobyerno ang problema sa kanilang lupain. Nagpadala ang mga ito ng tagasuri na ang ilan ay mga kaibigan pa niya mula sa Manila. Belgian earthworms ang higanteng bulate na nagpapabuhaghag sa lupa na nagiging dahilan ng pagkatibag ng palayan. Hindi maintindihan kung paanong nagkaroon ng mga ito. Kadalasan daw ay nangyayari lang iyon sa mga palayan na gumagamit ng chemical pesticide. Samantalang pawang organiko at tradisyunal ang paraan ng pagtatanim nila.
Subalit problema din niya ang mga katribo. Mahigpit sa mga tagalabas ang mga ito. Ayaw ng mga ito na pinakikialaman lalo na ng mga tagalungsod ang problema nila. Kaya sumali siya sa pulong upang ibigay ang panig niya.
Nagdilim ang mukha ni Lakay Biano nang tingnan siya. “Tulong? Hindi natin kailangan ng tulong mula sa tagapatag. Pabalikin mo sila sa pinagmulan nila!”
“Hindi natin kailangan ng makabago nilang kaalaman at teknolohiya,” mayabang na sabi ni Lakay Ba-ay na isa ring miyembro ng intugtukon.“Ang dapat nating gawin ay magdasal sa mga anito para tuluyan nang mawala ang peste.”
“Pero ilang araw na tayong nagdadasal at patuloy pa rin sa pagsira sa ating mga bukid ang mga higanteng peste. Kung hindi sila mawawala, tuluyan na ring maglalaho ang kabuhayan natin,” katwiran ni Lakay Kabuguias. Isa ito sa mga sumusuporta sa kanya dahil naniniwala ito na malaki ang maitutulong sa kanila ng mga tauhan ng gobyerno. Mas mapag-aaralan ng mga ito ang pagsugpo sa peste.
Umiling si Lakay Biano. “Naiimpluwensiyahan ka na rin ng anak mo, Kabuguias. Palibhasa ay pinag-aral mo sa lungsod kaya nawawalan na ng sampalataya sa ating mga anito. Hindi kaya siya ang nagdala ng sumpa sa atin?”
“Wala kang karapatang pagsalitaan ang anak ko ng ganyan!” galit na bulalas ng kanyang ama. Walang mas masama sa kanilang tribo kundi ang paratangan na nagdadala ng sumpa at kamalasan.
“Mawalang galang na po, Lakay Biano. Wala po akong masamang intensiyon sa ating tribo. Nag-aral po ako sa Maynila dahil sa kagustuhan ko ring makatulong,” paliwanag niya. “Hindi po nila pipigilan ng mga anito ang isang tao na ang iniisip lang ay ang ikabubuti ng lahat.”
“Ado!” awat sa kanila ni Lakay Dutab, ang pinakamatandang intugtukon at nagsisilbing tagapamagitan. “Walang mangyayari sa pagtatalo ninyo.”
Natahimik ang lahat. Kapag nagsalita na si Lakay Dutab, hudyat na iyon upang ilatag nila ang solusyon sa problemang kinakaharap.
“Dapat ba nating ipagpatuloy ang pagdarasal?” tanong ni Lakay Pakso. “Kung kailangang ubusin ang lahat ng baboy at manok sa tribo natin upang ialay sa mga anito, mawala lang ang lahat ng kamalasang ito.”
Tumayo si Lakay Dutab at humarap sa mahiwagang bundok ng Teglawan. Naniniwala na dito namamahay ang ilang espiritu ng kanilang mga ninuno. “Nanaginip ako. Nasa kakahuyan ako at pauwi na mula sa pangangaso nang marinig ko ang tinig ng isang lalaki. Nang sundan ko ang tinig, natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng kuweba ng ating ninunong si Apo Makadse.”
Si Apo Makadse ay ang matapang na mangangaso ng kanilang lahi na nabuhay ilang daan-taon na ang nakalipas. Ito ang pinakamagaling na mangangaso sa kanilang tribo at pinaniniwalaang anak ito ng isang mortal at isang diyosa. Dati itong nakalibing sa isa sa mga kuweba ng Gangan. Pinaniniwalaan na dito nagsimula ang tradisyon ng kanilang tribo na pagpe-preserba sa katawan ng mga sumakabilang-buhay. Isa iyong pagkilala at pagpuri sa mga ninuno nilang namatay. Sa paniniwalang patuloy pa rin itong mamumuhay sa panibagong mundong patutunguhan nito. Subalit tatlong dekada na ang nakakaraan nang may nagnakaw sa labi ng kanilang ninuno. Ayon sa mga nakasaksi, isang helicopter ang lumapag sa kanilang lugar. Pag-alis niyon ay tangay na ang mga me’king o mummies. Isa na doon ang labi ni Apo Makadse.
“Ano ang sabi ng tinig?” tanong ni Lakay Ba-ay.
“Kailangang ibalik natin si Apo Makadse at ang iba pang mga me’king para matahimik sila. Kung hindi, patuloy pa rin tayong dadanas ng hirap dahil sa sumpa,” paliwanag ni Lakay Datub.
“Wala bang sinabi sa panaginip kung saan matatagpuan ang mga me’king?” Nang umiling si Lakay Dutab ay dumilim muli ang mukha ni Lakay Biano. “Ano bang klaseng panaginip iyan?”
Bahagyang napayuko si Lakay Dutab. “Wala akong magagawa. Iyon lang ang ibinigay na mensahe sa akin.”
“Paano natin maibabalik ang me’king?” tanong ni Lakay Pakso. “Mayaman at maimpluwensiya ang mga taong kumuha sa kanila. Ni hindi natin alam kung nasaan na ang mga ito ngayon.”
“Handa akong maghanap,” prisinta niya. Dating mataas na opisyal ng gobyerno ang nagpakana sa pagnanakaw sa mga me’king. Kaya natakot ang mga katribo niya na kalabanin ito noon.
Tumawa nang patuya si Lakay Biano. “Ano naman ang kaya mong gawin?”
“Maraming kakilala ang anak ko sa Maynila,” depensa ni Lakay Kabuguias. “Makakatulong sila sa paghahanap natin sa me’king.”
“Hihingi na naman tayo ng tulong sa mga tagapatag?” singhal ni Lakay Biano.
“May tiwala ako kay Silang,” anang si Lakay Pakso. Sumang-ayon din ang iba pang miyembro ng intugtukon. Kaya napilitan na ring sumang-ayon si Lakay Biano.
“Kung ganoon, ibinibigay namin sa iyo ang patnubay upang hanapin ang me’king,” anang si Lakay Datub at hinawakan siya sa balikat. “Ipagdarasal namin ang iyong kaligtasan at tagumpay.”
“AIESHA, KAY Aldrich mo lang ba ibibigay ang lahat bitbit natin?” namamanghang bulalas ni Portia, ang matalik niyang kaibigan. Mula sa mall ay dumiretso sila sa opisina ng boyfriend niyang si Aldrich. Mula ito sa isang prominenteng pamilya ng mga pulitiko at may-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng minahan sa bansa.
Nakangiti siyang tumango. “Gusto kong ako mismo ang bibili sa isusuot niya sa engagement party namin,” sabi niya.
Kumurba ang maganda niyang labi na in-apply-an ng shade ng brownish lipstick na pinakabago sa market nang ngitian ang ilang tauhan ni Aldrich na nakasalubong. Madalas siya sa opisina nito kaya kilala na siya ng lahat.
Sa edad na twenty two, kilala siya ng halos ng lahat dahil paborito laman ng mukha at pangalan niya, hindi lang society pages kundi maging sa fashion magazines. Ang light brown niyang mata ay pinalamlam ng mahaba at makapal na pilik-mata. Aristokrata ang matangos ang ilong at hugis puso ang mukha. Her jet-black hair was cut so the ends flipped up just as it reached her slender shoulders. Ang simpleng make ay sapat na upang I-empahasize ang mamula-mula niyang kutis at mataas niyang cheekbone. Kaya kahit wala siyang suot na mamahaling alahas maliban sa simpleng kuwintas na may anchor pendant at simpleng beige na slacks at maroon na sleeveless blouse lang ay sapat na upang makakuha siya ng atensiyon.

Bình Luận Sách (25)

  • avatar
    Neisteven Jacob

    khhjjjj you want it to be done 👍 I will be home tomorrow morning and get back with the day dady I didn't get a chance you po pahinging diamond 💍 I can help in that area of the kids are in that everything

    28/06

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Nice story 🫰🫰

    14/05

      0
  • avatar
    Ezekiel Abon

    love it

    09/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất