logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Her Own Brand of Hero

Her Own Brand of Hero

SofiaPHR


HOBH 1

“Lintik lang ang walang ganti,” angil ni Sia habang nakasakay ng taxi papunta sa SM Mall of Asia.
Mahilo-hilo pa si Verona at di alam kung paano patutuyuin ang basa pa niyang buhok. “Bakit naman ako nasali diyan sa paghihiganti mo?”
“I am your friend. Dapat damayan mo ako habang naghihinagpis ako kay Loveydoods. Come on. Konting simpatya naman. Isipin mo, usapan namin ako ang isasama niya sa Hong Kong pero ang isinama niya ay ‘yung sekretarya niyang pagka-arte-arte at ginagawa ang lahat para akitin siya. Silang dalawa lang.” Pumadyak ito at kinalabit pa ang taxi driver nila. “Di ba, Manong? Sobrang unfair talaga ninyong mga lalaki. Bakit kayo ganyan?”
“Ay! Huwag naman po akong idamay, Ma’am. Di naman po ako ganoong klaseng lalaki. Tapat po ako sa asawa ko. Pero nakakatampo po kundi man kayo naisama sa Hong Kong. Maganda po sa Disneyland,” anang matandang driver.
Umikot ang mga mata ni Verona. Sulsol pa itong driver sa halip na payuhan nang tama ang kaibigan niya. Katanghaliang-tapat at natutulog para magpahinga mula sa ine-edit na manuscript sa apartment kung saan magkasama silang nangungupahan ng kaibigan ay basta na lang siya nitong ginising at pilit na pinapaligo. Habang nagsa-shower siya ay ikinukwento ng kaibigan niya ang sentimyento nito sa nobyo.
Isang receptionist sa isang construction company si Sia. Natigil ito sa pag-aaral dahil na-realize nito na mas maganda ang buhay kung magtatrabaho na lang ito. Habang ang amo naman nito ay Vice President for Operations ng kompanya. May fifteen years din ang age gap ng mga ito. Maganda ang kaibigan niya at sexy. Pwede nga itong maging modelo kaya natipuhan ng boss nito. Ang kaso ay isip-bata pa talaga ito. Parang laging naghahanap ng atensiyon. Kapag di naibigay ang gusto nito, lagi itong nagmamaktol.
Gusto sana niyang ipaalala kay Sia na natural na sekretarya ang isama ng nobyo nito. Receptionist ito at wala naman sa job desigation nito ang makasama sa conference. Pero ayaw naman niyang mapahiya ang kaibigan sa taxi driver kaya nanahimik na lang siya.
“Alam mo, sana itinulog mo na lang iyan o kaya nanood ka na lang ng DVD. Madami akong documentaries sa bahay. O kaya nagbasa ka ng libro,” suhestiyon niya.
“Ano? Ubos na ‘yung romance novels na complimentary ng opisina mo. Pati nga ‘yung for editing mo pinatos ko.”
“Yung historical collection ko.”
“Historical na naman?” angal ng kaibigan niya at tumirik ang mga mata. “Please. Kailangan ko ng kilig sa katawan. Ikaw na lang ang kinikilig sa mga taong patay na. Kaya di ka magka-boyfriend.”
“Di ko kailangan ng kilig sa katawan. Kailangan kong magtrabaho. Nakatambak ang editing ko doon. Kailangang ipasa ko iyon bago mag-Manila International Book Fair. May deadline kami. Di na nga natutulog mga kasama ko.”
“Hindi ka naman matatanggal sa trabaho kung magde-day off ka kahit isang araw lang.” Lumabi ito na parang nagpapaawa. “Ang trabaho napapalitan pero hindi ang kaibigan. Nag-iisa lang akong bestfriend mo.”
Halos kakambal na niya si Sia. Pareho silang iniwan sa bahay ampunan pagkapanganak pa lang sa kanila. Matanda lang ito ng isang taon sa kanya. Nang mag-disiotso ito ay nauna itong lumabas sa kanya ng ampunan at nakahanap ng trabaho. Nang lumabas siya ng ampunan at nagpatuloy sa pag-aaral ay dito siya tumuloy at ito ang sumuporta sa kanya. Minsan nga, pakiramdam niya ay isinantabi nito ang pagkakataong makapag-aral maka-graduate siya. Kaya sa mga ganitong simpleng pagkakataon ay hindi niya ito basta-basta maiwan.
Nang makarating sa SM Mall of Asia ay naningkit ang mata niya nang ibaba sila sa mainit-init na bungad ng MOA Concert Ground. “Bakit dito tayo ibinaba? Ang init-init. Saan ba tayo pupunta?”
“Cosmo Bachelor Bash!” tili ng kaibigan. “Tiba-tiba tayo doon sa mga lalaki.”
“L-Lalaki?”
“Hindi lang kung sinu-sinong lalaki,” sabi nito at kinaladkad siya papasok ng concert ground. “Nandoon ang lahat na pinaka-hot na kalalakihan sa Pilipinas. Mga lalaking di mo basta-basta nakikita at sa panaginip mo lang matatagpuan bukod sa billboard, magazines, at pang-romance novel na kaguwapuhan.” Saka nito ipinakita ang dalawang ticket sa guwardiya.
Pinigilan niya ang kamay ng kaibigan nang papasok na. “Sandali. Alam ba ng boyfriend mo na dito ka pupunta?”
“Di ko naman kailangang magpaalam sa kanya na manlalalaki tayo. Tutal di rin naman siya nagpaalam sa akin nang isinama niya ang malanding sekretarya niyang si Rochel sa Hong Kong. Nagpapakasaya sila kaya nagpapakasaya din ako.”
Gusto pa sana ni Verona na makipag-argumento sa kaibigan pero natakot na siya sa matalim na tingin ng security sa kanya. Napilitan na lang siyang magpatangay sa kaibigan papasok sa concert ground. Alas kuwatro na noon ng hapon at di na ganoon kainit pero parang masisilaw siya sa mga nagguguwapuhang kalalakihan na nakabalandra sa paligid. Hindi lang basta guwapo ang mga ito. They were perfect - mula sa buhok pababa sa guwapong mukha hanggang sa namumutok at well-defined na mga muscles. Parang gusto na niyang mahirinan sa dami ng mala-pandesal na abs na nagkalat sa venue.
Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa dami ng hubad na katawang nakikita niya. They were demigods. Nalipat na ba ang Mt. Olympus sa Pilipinas? At ang mga katawan ng mga ito, mas nakakasilaw pa sa sikat ng araw. Malayo sa payatot na katawan o parang buteteng katawan ng mga tambay at sunog-baga sa baranggay nila.
Hindi ito demigod ng Mt. Olympus. Mas bagay itong si Lam-ang, ang bida sa isang Ilocano epic tale na mahaba ang buhok at matipuno ang katawan gaya ng lalaki. Kulang na lang ay magbahag ito at bagay na bagay na dito ang karakter.
Whew! Ang init! At tumutok ang mga mata niya sa isang lalaking mahaba ang buhok pero may manipis na bigote. Kahit na ilang metro sa kanya ay umaabot sa kinatatayuan niya ang kakisigan nito. Pinagkakaguluhan ito ng mga fans na halos maputol ang litid sa katitili. At ang muscles niya...ang washboard abs... Walong gilit ng pandesal, parang pwedeng makatunaw ng Star Margarine. Ano kayang pakiramdam na haplusin ang abs niya? At ano kaya ang nakatago sa ilalim ng red pants niya?
Natigilan siya sa tinatakbo ng utak niya. Nagnanasa siya sa isang lalaki. Hindi ito katanggap-tanggap. Mula pagkabata ay naitanim niya sa isip na di siya magpapakahangal sa isang lalaki. Ayaw niyang gumaya sa batang ina na iniwan ng nobyo at di ito pinangatawanan kaya iniwan na lang siya sa ampunan. Sabi niya sa sarili niya, kapag pipili siya ng lalaki, gagamitin niya ang utak at hindi siya magpapaakit sa pisikal na anyo nito. At dahil konserbatibo din ang mga madre na nagpalaki sa kanila sa ampunan kaya hindi rin siya sanay na makakita ng mga hubad na lalaki.
Lagi niyang ipinagmamalaki na hindi siya basta-basta nagpapaakit sa mga lalaki. Katwiran niya ay kaya naman niyang alagaan ang sarili kaysa naman bumagsak siya sa maling lalaki na iiwan lang siya sa huli. Hindi siya basta-basta nagpapadala sa tawag ng laman. At para makaiwas sa mga lalaki, pinili din niyang magmukhang manang para di magkainteres angmga ito sa kanya.
Praning na kung praning pero ang sabi nga ng paborito niyang madre na si Sister Leonora, ang simpleng halik o yakap ay maaring makabuo ng bata. Wild kasi ito noong teenager at nabuntis sa edad na disisiyete. Nakunan ito at muntik nang mamatay. Kaya naman inalay nito ang buhay sa pag-aalaga sa mga batang naulila at sa pagsisilbi sa Diyos. Hindi na ito nag-asawa pa at iyon ang leksyong tinatandaan niya.
Ipinikit niya ang mga mata para di siya matukso at napadasal nang wala sa oras. Sana talaga ay makaalis na siya doon. Ayaw niyang magpaakit. Ayaw niyang magkasala. Ngayon ay alam na niya kung ano ang kahulugan ng pagnanasa. Kailangang maiwasan na iyon at malabanan bago pa mahuli an lahat.
“Tao pa ba ang mga iyan? Gosh! Perpekto ang lahat sa kanila. Hindi ko alam kung sino ang una kong pipiliin. Kahit isa sa kanila maiuwi ko ngayong gabi lang. Jezkelerd! Lusaw na ang ovaries ko! Kahit isang gabi lang,” sigaw ni Sia at itinaas ang mga kamay.
Pinigilan niya ang braso ng kaibigan. “Huwag ka ngang maingay. Nakakahiya sa mga taong makakarinig ng sinasabi mo.”
“Naku! Pakialam ba nila sa sinasabi ko? Mas matitindi pa malamang ang pagnanasang ginagawa nila sa mga lalaki dito. Iyan ang napapala mo sa bahay-trabaho. Let loose, girl. Mas maganda ito kaysa sa romance novels na binabasa mo. Welcome to the real world. At sa araw na ito, magtatampisaw tayo sa mga boys.”
Kung siya ay konserbatibo at maingat, mistula naman itong ibong nakawala sa hawla at walang kinatatakutan mula nang makalabas ng ampunan. At kapag sobrang impulsive nito, nakakagawa ito ng mga pagkakamali.
“Umuwi na tayo. Ayoko ng makamundong mga bagay.” Di kaya ng dibdib niya ang pangha-harass ng mga kababaihan at feeling kababaihan sa mga boys. At nagagawa pang ngumiti ng mga ito? Ayaw niyang matulad sa mga ito. “Baka makita pa ng boyfriend mo ang pictures mo dito, tiyak na mag-aaway kayo. Gusto mo bang maghiwalay kayo?” tanong niya.
“Wala akong pakialam. Kung ayaw niya ng away, sana ako ang isinama niya sa Hong Kong. Oras na para malaman niyang hindi lang siya ang lalaki sa mundo.”
At nagmartsa ito papunta sa isa sa mga bachelors na matangkad, puro muscles at puno rin ng tattoo ang katawan. “Hey, handsome! Can we have a selfie?” tanong ni Sia at sinadyang idikit ang katawan sa lalaki na sa palagay naman niya ay di na kailangan. “Can I also get your number and meet you after the show?”
“Sure,” sabi ng lalaki at kinuha ang cellphone ni Sia para ilagay doon ang numero.
No. Hindi ito tama. Nagrerebelde na ang kaibigan niya sa nobyo nito sa puntong makikipag-date ito sa ibang lalaki. May pagka-liberated ang kaibigan at nakailang nobyo na ito bago ang kasalukuyan nitong boyfriend. Kahit pa sabihing inosenteng date iyon, posibleng ikapahamak iyon ng kaibigan at masira ang buhay nito. Di siya papayag na mapahamak si Sia. Kailangan niyang pigilan ang kabaliwan nito.
“S-Sia, bumalik ka dito!” sigaw niya. Subalit hindi siya pinansin ng kaibigan at lumipat sa ibang modelo. “Sia, nahihilo ako.”
Nagpatibuwal siya at inaasahang babagsak siya sa maalikabok na lupa ng concert grounds. Pero sa halip na matumba ay napasandig siya sa mainit, pawisan at matipunong katawan ng isang lalaki. “Miss, are you okay?” tanong ng lalaki.

Bình Luận Sách (84)

  • avatar
    Donna Jane Antiporta

    I loveeee this sooo much... yung mapapatawa ka ng malakas , then kikiligin then pasasakitin ang puso 🤗 I love itttt

    27/02/2022

      4
  • avatar
    Octores jrPedro

    nice

    03/08

      0
  • avatar
    Thnh T

    5000 điểm

    30/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất