logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 He is a Guardian

Arlene POV
"AAAAHHH!!"
Kapaparada ko palang ng motor ko nang madinig ko ang sigaw ng dalawa mula sa loob ng bahay.
Mabilis kong tinanggal ang helmet at tumakbo papasok. Nadatnan kong maraming nagkalat na pagkain sa sahig. Mayroon ding basag na mga gamit.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, kasalanan ko kung bakit iniwan ko pa sila kasama ang isang lalakeng hindi kilala. Binabalot tuloy ako nang matinding konsensya.
"ARLENE HUHUHUHU!!!!" tumakbo papalapit sa akin si Solenn at mabilis na niyakap ako.
"Teka ano ba!?" Pilit kong inaalis ang pagkakakapit niya sa braso ko. Oo nag-aalala ako, pero hindi ako mahilig sa mga yakap. "Solenn!!?"
"Arlene!!!!" napalingon ako kay Larmine na patiling nasigaw ng makita ako. Ang sakit sa tenga, sobra. "Sinasabi ko na nga bang dapat hindi mo kami iniwan dito! Look what that crazy man have done!! Gosh, my precious house!!! My expensive things!!"nahapahawak ito sa ulo na para bang mababaliw na.
Lumabas ang lalake mula sa isang kwarto. "Nasaan ang mga kasama ko!? Ano ang ginawa niyo sa kanila!?" Napahawak ito sa kanyang ulo. "Tsaka bakit ako nandito!? Ang k-kwintas ko 'asan!?"lumapit ito sa amin. Awtomatikong nagtago ang dalawa sa likod ko dahil sa takot.
Ngumisi ako. "Ikaw dapat ang una naming tinatanong. Sino ka at bakit ka lumabas sa isang bola? Teleportation na naman ba? Kung ganoon ay marami pala kayo. Sino-sino pa? Alam niyo bang maraming inosenteng tao ang nadadamay dahil sa mga pinaggagawa niyo!?" Dahan-dahan kong kinapa ang posas sa likod ng pants ko.
Kumunot ang noo niya."A-anong ibig mong s-sabihin?"
"Huwag mo nang ipagkaila. Nagsisimula na naman ang grupo niyo sa isang eksperimento. Isa kang lead, kaya naman…" Inilabas ko ang posas at ipinakita sa kanya. "Sa presinto ka na lang magpaliwanag…"
Lumapit ako sa kanya para posasan siya, kaya lamang ay napatigil ako sa sunod niyang inasta. Hindi siya nagpumiglas man lang nang kunin ko ang kamay niya. May mga luha ring dumaloy sa mga mata niya.
Walang ano-ano'y bumulong ito sa hangin. "M-may mga n-nadamay dahil sa'min? Paano na ang h-hari at reyna, pati ang p-prinsesa?" nakatingin ito sa kawalan. Napaupo ito sa sahig na may mga bubog. Hindi niya alintana kung masugatan man lang.
"Hoy" sita ni Larmine. "Pogi may bubog d'yan"
Wala itong pakialam. Para bang may iniisip ito na mas mahalaga pa sa kung ano man.
Humikbi ito. "Ang…ang mga sinisilbihan namin. Walang kaming nagawa, ano ang nangyare sa ibang guardians? Ang Wisteria?" kinakausap nito ang sarili.
"See Arlene, I really think he's crazy" ani Larmine.
"Arlene, hindi dapat sa presinto 'yan, e. Sa mental hospital s'ya bagay"suhestiyon ni Solenn.
Napabuntong-hininga ako.
Nilingon niya kaming tatlo. "Tulungan niyo ako…pakiusap" may mga luha paring dumadaloy sa mga mata niya.
Itinago ko ang posas, lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang makatayo.
Mahahalata na vulnerable siyang tao. Naapektuhan ako dahil 'dun.
"Tutulungan mo ako?" Aniya na para bang inosenteng bata. "Tutulungan mo ba akong mahanap sila?" Pinaupo ko siya sa sofa. Pinunasan niya ang iilang mga luha niya.
Lumapit sa akin si Solenn, itinapat niya ang bibig niya sa tenga ko. "Kunin ko lang ang first aid kit, a" tumango ako bilang tugon.
Buntonghiningang tinignan ko ito sa mga mata niya "O-oo" sagot ko. "Pero isa ka paring suspect" tumango ito, dahilan para magtaka ako.
He's…wierd.
Iba ang reaksyon at emosyon nakikita sa kanya. "Kung ano man 'yon, sana tulungan mo akong mahanap sila, a" aniya, bago malungkot na lumingon sa bintana sa labas.
Nakagat ko ang ibabang labi ko.
"H-Hindi ko alam kung dapat kong itanong 'to pero…" Nagkatinginan kami ni Larmine. "Alam mo ba ang… suspect?"
Umiling siya. "H-Hindi" na dismaya ako sa sagot nito. Lumapit ako kay Larmine.
Namulsa ako habang nakatingin parin sa kanya "Ano ba 'yon?" Pinunasan niya ulit ang mga luha niya.
Dismayadong nagsalita si Larmine. "See, gwapo sana pero parang nawalan ng isang turnilyo. It's my first time seeing a handsome man in that state, I feel pity. Alagaan ko kaya, 'no?"
"No way!" Biglang sambit ni Solenn na nasa likuran na pala namin, at may bitbit na first aid kit. " Baka kung ano pang gawin mo d'yan. Mapanganib ka sa mga gwapo. Halimaw"
Namewang si Larmine "What!? Bitch!"
"Ito na!!" ipinakita sa amin ni Solenn ang dala niya "I volunteer!" Aniya at itinaas ang kamay.
Lumapit ito sa lalake. Inilabas nito ang mga gamit, saka inilapag sa sahig. Umupo si Solenn sa sahig katapat ng lalake. Kaya lamang ay bigla itong natigilan. Bigla itong naging aligagang tinignan ilalim ng mga kamay at paa ng lalake.
"A-asan na mga sugat mo?" nilingon niya kami. "Ang sugat niya nawala bigla, hindi naman ako namamalik mata, 'di ba? 'Wag n'yong sabihin na illusion lang 'yon?"
"What are you saying?" Lumapit si Larmine at tinignan niya rin. "O MY! What the hell are you!?" Hinila niya si Solenn papalayo. Nagtataka naman ang lalake sa inasta nitong dalawa.
Agad kong kinapa ang baril ko.
"Guardian ako…" napalunok ito. " …Sa mundo namin. Bumagsak kami rito, nakita 'nyo ba? Kailangan ko ring mahanap ang kristal—" tumayo siya at akmang lalapit ng tutukan ko ito ng baril.
"Umupo ka" sinenyasan ko siya gamit ang baril. "Magsabi ka nang totoo kung ayaw mong paputukan kita ngayon."
"N-nagsasabi ako ng totoo, 'yung mga sugat ko hindi ko alam kung bakit parang… naghilom—" napatayo ito. "Paano 'nyo ba ako nahanap?!"
"Umupo ka!!" bahagya siyang napaatras, bago marahang umupo. "Matigas ulo mo, a!"
"Wala akong gagawing masama, pakiusap tulungan mo ako…" tinitigan kong maigi ang mga mata niya, nangungusap ang mga mata nito.
Para bang hinahatak akong maniwala—
Hindi.
"S-Sabihin mo muna ang tungkol sainyo" hinawakan ko ng maigi ang baril.
Marahang tumango ito. "Erioesnemia, 'yan ang pangalan ng mundong pinagmulan namin. Katulad din dito sa mundo niyo ay namumuhay din ang mga tao, may malaking pagkakaiba lamang sa mga bagay-bagay. Tumatakas kami dahil may nagtangkang kunin ang kristal na bumubuhay sa mundo namin. Makapangyarihan ang kristal, marahil ay 'yon ang gusto niyang makuha. Habang tumatakas kami ay nakita namin ito, kay lang ay nahabol kami ng isang bomba at sumabog ang sasakyan namin. Nalaman ko na lang ay nandito ako kaharap niyo. Kailangan ko rin ang kwintas na ginto, bigay sa 'kin 'yon ng hari, mahalaga 'yon sa 'kin" sabi niya at ipinagdikit ang dalawang kamay na parang nagsusumamo. "Totoo ang sinasabi ko…"
Napaisip ako sa mga sinabi nito, may mga tugma mula sa imbestigasyon, sa nahanap na kwintas at ang space craft.
"Anong kwintas?"
"Ginto 'yon at may simbolo ng tree of life. Mayroon itong hugis na may anim na sides. Please tulungan niyo ako!" Halatang desperado na ito.
Kinamot ko ang sentido ko ng dulo ng baril.
Mukhang masisiraan ako ng ulo
Bilang isang imbestigador, it does make sense, base on what he is spilling out, and his alibies…
Inilabas ko ang kwintas at ipinakita sa kanya. "Ito ba?"
"Oo!! Salamat!!" napatayo ito at akmang lalapit, pinigilan ko ito at tinutukan ulit ng baril. "B-Bakit?"
"Hindi ako madaling maniwala, pero mukha kang kapani-paniwala. It does makes sense…but on the second thought, to see is to believe"
"T-totoo–"
"How did you came out from that, ahm…small ball thingy. Pa-effects pa with smoke, a?" aniya Larmine.
Inosenteng nilingon niya si Larmine.
"Bola…?"
"Hindi mo alam? Akala ko nga pokemon ka , e, pero mala dragon balls pala kasi may lumalabas na spirit" aniya Solenn, nakatago pa rin ito sa lukiran ko.
"Anong bola?"
Bumuntonghininga ako. "May nakita akong isang maliit na bola, kasya lang ang size sa kamao ko. Kulay abo 'yon. Binasag ko dahil akala ko ay may laman, matapos ay bigla ka nalang lumabas, naglaho rin ang kulay ng bola. Kung makikita mo sa sahig, ang ilang piraso 'dyan ay sa bola" pinakatitigan ko ang magiging reaksyon niya.
Kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko. Kung ganoon ay hindi niya alam ang tungkol doon?
"Ang akala ko ay natagpuan 'nyo lang ang katawan ko. Kaya nga nagtataka ako kung bakit wala dito ang mga kasama ko. Sa pagkakatanda ko ay nawalan ko ng malay at nahuhulog kami—ang kristal! Wala ba kayong nakitang kristal!? Hindi pwedeng masira 'yon dahil sa oras na ganoon nga ang mangyare ay magugunaw ang mundo namin! Wala na kaming babalikan pa!"isa-isa niya kaming tinitigan. "Ang kristal ay isang malaking bola na mayroon iba't-ibang kulay. Ang mga kulay ay nagsisimbolo sa kapangyarihang taglay nito! Tulungan 'nyo ako!"
Nagtinginan kaming tatlo. Masyadong nakakabaliw ang mga pinagsasabi nito. Ibinaba ko muna ang baril ko at nag-isip.
Bigla na lang pumapasok sa isipan ko ang kaninang mga sugat niya, ang kwintas at ang mundo nila.
Sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin noon ng lolo ko.
Dahil bata pa lang ay mahilig akong makinig sa mga istorya niya. Isang tumatak sa akin ay mayroon daw isang mundong dapat na kinabibilangan namin, dahil doon nagmula si lola. Maganda raw doon at mayroong hari at reyna. Ang mundong iyon ay hindi matatagpuan dito kundi sa labas ng mundo at sobrang layo. Tinanong ko noon kung bakit doon galing si lola, tanging sagot lamang niya ay magkakaroon daw si lola ng apong di natatangi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon maintindihan.
Napatawa ako ng bahagya. "Kalokohan"tinignan ko siya. "Masyado ka nang matanda para maghilig pa sa pantasya"
"Ano ba ang dapat kong gawin para maniwala ka!?"
"Tinatablan ka ba ng… bala?" itinutok ko ulit sa kanya ang baril. This time, hinawakan ko na trigger, dahilan para maalarma ang dalawang katabi ko.
Bigla akong hinarang ni Solenn. "A-Arlene, you're not serious, aren't you?"
"Hypothesis" sagot ko.
"H-hypothesis?" Tanong ni Solenn.
"Tabi" hindi ito nakinig. "Tabi, Solenn!"
"TABI!!"
Hinila na siya ni Larmine papalayo.
"A-anong g-gagawin mo?" bakas sa mga mukha nitong lalake ang gulat.
Halatang kinakabahan ito. Sino ba ang hindi kung nakatutok sa 'yo ang baril?
Walang konsensyang pinaputok ko ang baril. Tumama iyon sa kaliwang balikat niya. Bahagya pa iting napaatras dahil sa impact ng bala rito. Napatulala ito sa akin nang matagal. Kita ko ang sakit sa mga mata niya, naging mapungay ang mga iyon na tila ba ay hindi makapaniwala sa aking ginawa.
Kung ganoon na lamang ang gulat niya, ay mas doble—hindi, triple ang gulat na sa amin ang ibinigay niya.
Hindi maaari…
Para bang may sariling buhay na naghilom ang sugat niya. Ang balang pumasok sa katawan niya ay iniluwa iyon. Wala man lang galos na mahahalata.
Tama ang hinala ko…?

Bình Luận Sách (26)

  • avatar
    Ella Mae Badua

    Galaxy

    17/07

      0
  • avatar
    Ingredy Padella

    amei

    03/07

      0
  • avatar
    Marynel Alada Panolin

    marynel Panolin

    08/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất