logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 3 Smoking Hot

Arlene POV
"Alam ko na!!" Mabilis na kinuha sa akin ni Solenn ang kulay gray na bolang napulot ko kanina.
Puwesto siya at nag-ayos ng postura. Huminga ito nang malalim at pumikit "Pokemon!! Go!!" pinagulong niya iyon sa sahig.
Para akong nakarinig nang huni ng kuliglig sa pinaggagawa ng babae ito.
Nakangiwi ko siyang pinagmasdan. "Ano 'bang ginagawa mo, Solenn?" Pinulot ko iyon at ipinunas sa jacket ko.
"Arlene, are you sure about that thing?"huminto siya sa pagencode sa laptop niya. Ipinaikot niya ang swivel chair paharap sa amin. "I've searched on internet. Walang results, even 'yung sinasabi mo gold necklace na may kaparehas ng design niyan, it's none. Maybe pinasadya lang 'yan"
"Better find out what happen Arlene. My Pastry shop is ruined! Paying me money doesn't deserve my blood, sweat, and tears for my dream shop!" aniya na naiiyak at sumubo ng cake. Sinabi ko kaagad sa kanya ang nangyare pagkarating ko rito. "I need justice!"
Si Solenn ang nagmamay-ari ng sikat na pastry shop na iyon.
Itinuon ko na lang ang pansin sa kulay abong bola na hawak ko. Ipaubaya ko na lang sa mga kasama ko ang bagay na ito.
I sighed.
Pinasadahan ng tingin ni Larmine si Solenn "Hey Solenn, wag kang magkalat ng cake mo dito sa kwarto ko. I hate ants"
"Yes, missy" sagot nito, bago sumubo ulit.
I let out a hard sigh. "Look what you've done Solenn" ipinakita ko sa kanya ang may crack na bahagi ng bola. "Your childish act wins again"
"Biakin mo na lang kaya. Maybe there's something inside?" Suhestiyon niya.
"Yeah, she is right. Sa salas tayo 'wag dito sa kwarto ko, please"
Sumang-ayon ako sa kanila. Sabay kaming bumaba ng salas. Ni-off ko muna ang cellphone ko dahil puro tawag na naman sa opisina. Hinahanap na ako dahil kailangan pang mag-imbestiga.
Tsk!
'Pag maliliit na kaso ako sa akin palagi.
Simula kasi noong muntikan na akong mamatay dahil sa malaking kasong na assign na sakin ay nag-ingat na sila. Sabi ay hindi dapat mawala ang ace ng team. Sinasama lang nila ako sa deductions and investigations pero sa pagcorner sa kalaban ay hindi, the thing that I love na ipinagkait nila sa 'kin. Katulad ngayon, utak ko lang ang kailangan nila. Para saan pa ang galing ko sa martial arts at mukhang kinakalawang na. Ginagawa lang nila akong martial arts trainor ng mga newbies. Nakakatamad!
"Dito na lang, hindi naman siguro mababasag ang sahig, 'no? Mahal pa naman 'yan" Larmine. "Here, here" turo niya sa sahig.
"Okay" bigla kong ibinagsak ang bola.
Nagkawatak-watak ito. Ang nakakapagtaka lang ay bigla naglaho ang kulay nito. Wala din itong laman. Naging transparent. iyon. Mukha na itong glass, o kaya naman ay salamin.
"Weird thing. Kainis ka Solenn!"Larmine. "Lalo ka na Arlene!" Turo nito sa akin.
Kumunot ang noo ko. "W-what? Why? Ikaw ang nagyaya dito sa salas mo"
Padabog niyang pinulot isa-isa ang kalat sa sahig. Hindi ko rin maintindihan minsan ang takbo ng utak ng isang 'to. Malabo.
"Busy na ako ngayon sa work ko dahil pinapagalitan na ako ng mga secretaries ko. Puro lang daw ako utos!? Heck, how dare them?"
"Mabuti na 'yon. Napakatuso mo kasi!"aniya Solenn at tinulungan siyang maglinis.
"Dagdag lilinisin lang—w-wait, what's that?" Nabitawan niya ang mga pinulot niya at tinakpan ang tenga.
"Alin?" Solenn asked.
"Naririnig niyo ba? T-That voice! A girl, i-it's singing! You know I don't believe on g-ghosts"
Kumunot ang noo ko.
"Naka-drugs ka ba, Larmine?"Nakangiwing saad ni Solenn. Napalingon naman siya sa akin at pinasadahan ako ng nagtatakang tingin. "O, ikaw ba't parang natulalang ewan? Natatae ka?"
"N-naririnig ko rin" I said.
"Huh!?"
It seems like a girl who's humming a beautiful melody. I don't know kung anong kanta iyon, the song can make you feel the paradise' presence. Nakakarelax, at the same time nakakapangilabot.
"Oh my, ako rin!" Ani Solene. Nagkatinginan kaming tatlo. "It's singing—no, humming. Singerist din pala ang multo, paturo nga ako."
"A beautiful melody" I said.
"It's creeping the hell out of me! Do I need to call a priest!?" aniya ng nagpapanic na si Larmine.
Bigla ay nataranta kami ng may lumabas na usok mula sa pira-piraso ng bola. Nagtago ang dalawa sa likod ko ng biglang gumalaw ang mga usok na para bang may sariling buhay. Unti-unti itong bumuo ng isang pigura. Sa una ay hindi namin maintindihan kung ano iyon, hanggang sa maging hugis tao iyon. What the hell!?
"I do believe on GHOST NOW!"
"Shut up, Larmine!" suway ko rito.
Paano ko ba naging mga matalik na kaibigan 'tong mga baliw na 'to!?
Napasigaw silang dalawa nang bumagsak sa sahig ang katawan ng isang lalake. Unti-unti na ring naglaho ang usok na bumalot sa katawan nito. Lalapitan ko sana iyon kaya lamang ay mahigpit na nakayakap sa akin si Solenn, nakapikit pa rin ito.
"Solenn pwede mo na siguro akong bitawan? D'yan lang kayo." Sumunod naman ang mga ito.
"Yes, miss weird" aniya Solenn.
"Arlene lalapitan mo 'yan? Sama ako, mukhang gwapo, e! "
Hindi ko na pinansin si Larmine at lumapit na lang dito. Bahagya kong sinipa ang braso nito, nagbabakasakaling makakuha ng response. Nang mabigo ay nagsquat ako at tinignan ang mukha niya. Is this really a human? Bakit mula sa usok? Advance technology again from mad scientists maybe, damn people!
Hindi ko magawang kabahan dahil hindi ito ang unang nakakita ako ng mga imbensyon. Sa isang kasong muntik na akong mamatay ay iyon ang subject namin. Mga imbensyon ng siraulong inventors at scientist na ibinebenta sa illegal na auction.
Gayunpaman, ngayon lang ako nakakita ng ganito na kaya ilabas ang isang tao.
Tinapik ko ang mukha niya. "S-Sir"
Itinapat ko ang tainga ko sa ilong niya at tinignan ko chest niya. Sabay naman sa hinga nito ang paggalawa ng dibdib niya. Mukha namang maayos siya. Nakaputing polo at black pants. Nicheck ko rin ang pulso at maayos din ito . Para lang itong natutulog.
"Ano, Arlene?" Ani Solenn
Nilingon ko sila. "Halika tulungan niyo akong buhatin 'to. Doon natin sa sofa. Mukhang tulog lang, e"
"Ok lang ba? Tao naman 'yan, 'no?"Larmine asked. Tumango lang ako. "Ang creepy naman, ba't galing usok. Amoy inihaw tuloy, gwapo pa naman. Smoked handsome"
Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi nito.
Tinulungan nila akong buhatin siya sa sofa. Maliit lang ang katawan nito pero ang bigat.
"Babalik muna ako sa presinto, tawagan niyo ako agad 'pag may nangyare. Hainan niyo na lang ng pagkain pagkagising, para maganda ang salubong tsaka kayo magtago" saad ko at nag-inat. Nilingon ko saglit itong lalakeng nakahiga ngayon sa sofa, bago ako naglakad paalis.
"What!? Arlene ano ba ang sinasabi mo!?" Solenn, habang sinusundan ako hanggang palabas ng bahay.
"Aasikasuhin ko rin ang shop mo Solenn, bye!" sabi ko. Lumabas na ako ng tuluyan sa gate nila.
"ARLENE!!"
"Huwag mo kaming iwan DITO!!"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali akong pumunta ng presinto. Kailangan kong alamin ang konklusyon nila dito. Maaaring mayroon ding natitira doon na nakita nila. Baka ilegal na namang gawain ito, pasimuno ng mga nahuli namin noon.
"Ayan dumating ka rin!" bungad sa akin pagkadating ko. Iiling-iling akong pinasadahan ng tingin.
Tinitigan ko siya sa mga mata niya. "Ano na ang lead?"
"Sarap mo ring pektusan, 'no?"Namewang ito at humarap sa mga kasama namin. "Gaya ng pinag-usapan namin. Ang mga materyales na bumubuo sa spacecraft na 'yon ay maaaring hindi katulad ng mayroon tayo. Ibinigay na namin sa forensics ang mga nakuha namin, pati na rin ang ginto kwintas na nakuha. Sinisimulan na ang pagiimbestiga roon, lahat ng jewelry shops ay maiging kinokontak na. Dahil maaaring may records doon ang taong bumili ng kwintas-"
"Sandali" nakabusangot niya akong tinignan. Marahil sa isip nito ay bastos na naman ang pag-uugali ko. "Sir Evans, may iba pa ba kayong nakuha 'dun sa spacecraft? Mga…hugis bolang may kulay at tatak or symbol ba 'yun?"
Umiling ito. "Wala, bakit may nakita ka ba? Kasi may iniwan kaming team 'dun para maglibot pa sa paligid" tumango ako. "May napansin ka ba?"
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Do you think, may kaugnayan 'to sa…nakalipas nating kaso? I have something, but it's peculiarity is far away from our imaginations, or even technologies. I think, only those stupid people na anak ng auctions at adik sa biddings lang ang mayroon"
"Bakit parang kinakabahan at ako sa sinasabi mo Arlene. Inubos na natin sila, wala nang traces, ikaw pa nga ang nagsabi 'nun" wala akong sinagot at tinitigan lang siya. "Oh, c'mon. 'Wag mong sabihing pipigain mo ang mga 'yun? Umayos ka Arlene, manghuhukay ka?"
Umupo ako at nagbuntong-hininga. "Sorry, naisip ko lang naman, pero parang imposible nga"
Nagtagal ang pagpupulong tungkol sa kaso. Kanya-kanyang bigay ng ideya at opinion. Wala rin kaming mabigay na talagang makakatulong dahil investigation pa lang naman. Hindi ko rin masabi sa kanila kung ano ang nakita ko sa bahay nila Larmine. Sisiguraduhin ko muna ang isng bagay bago ko ito i-turn over.
Sa gitna ng pagpupulong ay bigla naman nag-ring ang phone ko kaya nagpaalam akong sasagutin ko muna. Lumayo ako sa mga kasamahan ko.
"O, bakit? Ano Larmine gising na?"
[ "Arlene huhu, bumalik ka na dito, hindi kami nagkakaintindihan e. Nakakatakot kaya!" ]
"Ano? M-may ginawa ba s'ya sainyo?" kinabahan ako sa tono ng pananalita ni Larmine.
Ngayon ko lang na realize ang katangahan ko. Dapat hindi ko sila iniwan dahil una, lalake iyon, pangalawa hindi namin kilala, at pangatlo, marahil ay mapanganib ang taong iyon dahil sa paraan ng kung paano namin siya nakita.
[ "He keeps on talking about his members and his necklace, I don't know! Wala naman kaming masabi dahil natatakot kami. A-and he's like a mad man" ]
"Teka hindi kita maintindihan"
[ "Para siyang tanga na giliw na giliw sa hotdogs at bacon! Basta pumunta ka na dito please, nahihirapan na si Solenn kausapin 'yun" ]
Napangiwi ako. Hindi ko pa nga natatapos ang duty ko dito babalik na naman ako doon. Mapapagalitan ako nang sobra dahil dito. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na lang ang mga kaibigan ko kasama ang baliw na tao, baka akung ano pa ang mangyari sa kanila.
Sa huli ay napagdesisyunan kong bumalik na lang. Hindi ko muna sinabi ang tungkol sa nakita namin. Itatago ko muna pansamantala hanggang sa makumpirma kong tama o mali ba ang hinala ko.
Hindi naman pwedeng magkaroon ng ganoong teknolohiya dito. Masyado nang maraming alam gawin ang mga tao. Higit pa roon ay ginagawa nila iyon para sa ikasasaya lang nila, hindi sa ikabubuti ng iba. Maraming inosenteng tao ang nadamay dahil sa eksperimentong iyon, walang pinalagpas, dahil maging hayop ay ginagamit nila. Kaya ako nagagalit sa mga taong katulad nila.

Bình Luận Sách (26)

  • avatar
    Ella Mae Badua

    Galaxy

    17/07

      0
  • avatar
    Ingredy Padella

    amei

    03/07

      0
  • avatar
    Marynel Alada Panolin

    marynel Panolin

    08/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất