logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 The Crashlanding

Third Person POV
"Saan tayo pupunta!?"
Inside a medium size spacecraft, there were the twelve guardians. The spacecraft is only enough for them twelve to fit in. Napakaraming buton doon na mabilis nilang pinindot kahit hindi na tignan nang maigi isa-isa, para bang kabisadong-kabisado na nila ang mga iyon. Professionals.
Tatlo ang nakaupo sa unahan, sila ang nagaasikaso para paliparin iyon. Mula sa loob ay ramdam nila ang malalakas na pagsabog at ang nagaganap na laban sa labas, making the spacecraft shaking. They can even hear the shaky, loud, crying shouts of all the living things outside. Enough to make electricity crawl in their spines and give them goosebumps and fear.
Dama ang napakabigat na tension sa loob at labas man ng kanilang sasakyan.
"Ready!!" Aniya ng isang nasa gitna.
May tattoo iyon sa kanang binti na hugis tubig, kulay asul iyon.
"Let's go!" Saad ng isa pa, bago hinawakan ang manibela.
Dahan-dahang umaangat ang spacecraft. Sa isang pindot ng isa pang nakaupo roon ay mabilis na lumipad ito. In a flash, and now they are now at the outerspace. Hindi na sila nag-abala pang pabagalin ang takbo nito. Walang oras ang dapat na masayang.
"Ano sa palagay n'yo ang m-mangyayare?" Aniya ng isa habang nakatanaw sa kanilang mundo. Ilang minuto pa lamang ang lumipas ay makikita na sa mga mata nito ang pangungulila sa sariling tahan—sariling mundo. Their home.
Paliit nang paliit ang imahe nito habang sila ay papalayo nang papalayo.
"Babalik naman tayo, hindi ba?" Tanong niya muli at hinarap ang mga kasama. Hinawakan niya nang mahigpit ang isang transparent glass na kahon, sa loob nito ay may isang bolang kristal na naglalabas ng iba't-ibang kulay.
"Walang kasiguraduhan, Lay" aniya ng nasa gitnang upuan. "Ang kristal ang importante sa ngayon—" Natigil ang pagsasalita nito nang biglang yumanig ang kanilang sinasakyan. Biglang lumitaw sa screen ang isang tekstong naka-encode sa pulang kulay.
Under attack
Ilang beses iyon kumurap-kurap sa harapan ng kanilang screen bago mawala.
"Shit, they're here! How did they followed us!?" Aniya ng isang may hikaw sa kaliwang tainga.
Mas hinigpitan ni Lay ang pagkakayakap niya sa kahon.
Patuloy na umatake ang kalaban. Mas malaki ang sasakyan nito kumpara sa kanila. Halatang madedehado sila 'pag nagkataon.
"Yeol! Fire what we've got!!"
Mabilis na may pinindot ang nasa kaliwang nakaupo.
Mula sa ilalim ng kanilang sasakyan ay may lumabas na dalawang missiles. Itinira nila iyon at saktong tumama sa magkabilang gilid ng sasakyan ng kalaban. Pero, mabilis na umatake muli ang kalaban. Inilabas nito ang limang maliliit na hugis pentagon. Para itong may sariling buhay na sinusundan sila sa kahit na anong direksyon. Ipinihit ng nasa gitna nang pakaliwa ang manibel para iwasan ang isa, kaliwa, pataas, pababa, maging mapaikot ay ginawa nila. Ngunit naroroon pa rin ang mga iyon at hindi sila tinatantanan.
May inilabas na dalawang missiles ang kalaban dahilan para mas lalo silang kabahan. Ang kaninang humahabol sa kanila, may dalawa doong ngayon ay pasalubong naman sa kanila. Mamamatay sila kapag nakasalubong nila iyon, kasabay ng missiles na nasa likuran at papalapit na sa kanila.
"Suho!!"
Naalarma ang lahat. Ngunit sa kabila nito ay sumilay ang isang ngisi sa mga labi ni Suho. Mukhang alam niya ang gagawin. Hinintay niya ang tamang tyempo para doon.
Malapit na.
Kaunting distansya na lang ay maabot na sila.
"SUHO!!" The rest said in chorus.
Sa isang iglap ay mabilis na umikot ang spacecraft pataas. Ang apat na bomba ang nagsalpukan at sumabog sa mismong harapan ng sasakyan ng kalaban. Malakas ang pagsabog na iyon, dahilan para masira ang harapan nito.
Makikita sa pagmumukha nang lahat ang maluwang na paghinga. Iba-iba na rin ang kanilang posisyon at pwesto dahil sa biglaang galaw ng sasakyan nila. Hindi sila nakakapit kaagad nang maigi, ayan tuloy at para silang nagkalat.
"How dare you!" aniya at hinimas ang pisnge. Marahil ay nakatama ito.
"You're welcome, Tao" tumawa ito. Bago binilisan pa ang takbo kaya't mas lumawak ang distansya nila sa kalaban.
Tatlo na lang.
Mayroong malalaking bato sa daraanan nila. Para sa kanila ay magiging madali iyon. Mas binilisan nila ang pagpapatakbo, kaya naman ang dalawang humahabol sa kanila ay tumama sa mga batong iyon. Kaya lamang, dahil sa malakas na pagsabog ay tumilapon ang ibang malalaking bato. Kailangan na nilang makalabas doon. Nagdudulot ng chain reaction ang pagsabog na iyon.
May dalawang malaking bato ang papalapit sa kanila, mabilis silang umiwas doon pero nakatama sila sa isang mas maliit na bato. Naging dahilan iyon para mawala sa balanse ang sasakyan nila. Nakalagpas sila sa mga iyon pero nandoon parin ang humabahol sa kanila.
"Shit!!" nahihirapan ito sa manibela.
Gayunpaman ay mabilis parin ang takbo sasakyan, iyon nga lang ay hindi makontrol ng maayos. Mula sa kinaroroonan nila ay tanaw nila ang isang planeta. Nilagpasan nila iyon, hanggang sa mayroon na naman at nagpatuloy iyon.
"Saan tayo hihinto?" Tanong ni Yeol. "I guess it's a crashlanding, ey"
"It's still following us!!" Sigaw ng isa.
Akala nila ay nakaligtas na sila roon. Nagkamali sila. Hindi sila nito nilulubayan. Dahil hindi iyon titigil hangga't hindi tumatama sa isang bagay—sa kanilang target.
"There!" itinuro ng isa ang isang planetang kapareho ng kanila.
Nagtataka man pero wala silang magagawa. Kailangan nilang iligtas ang kristal na mas mahalaga pa sa mga buhay nila. Sa kanila iyon ipinagkatiwala ng diwata ng Wisteria.
Hindi sila nabigong makapasok. Kaya lamang ay naabutan sila. Umusok iyong huling humahabol sa kanila sa ilalim ng kanilang sasakyan, dahilan para sumabog iyon ng malakas.
Nagkawatak-watak ang sasakyan. Tumilapon silang lahat at walang malay na nahuhulog na pala. Ang pinakamahalagang kristal na pinakaiingatan nila ay unti-unting nagkaroon ng biak. Sa hindi malamang dahilan, unti-unti at isa-isa silang nahihigop ng kristal. Para silang mga abo na tuluyang hinigop nito. Matapos ang lahat, ang kaunting biak nito ay mas lumaki pa. Nahati ang mga kulay nito at nagkawatak-watak.
~~~
Magkakaibang lugar ang binagsakan ng mga iyon. Ang mga hugis nito ay bilog, at mayroong tatak. Kung titignan ay para itong mga maliliit na bolang laruan lamang. Mayroong sumabog pagkabagsak, at ang iba naman ay nagkaroon ng biak. Mabuti na lamang dahil ang mga iyon ay napunta sa lugar na walang mga tao. Ang iba ay sa kasamaang palad na napunta sa mataong lugar. May isang ale na nakuha ang dalawang iyon at itinago.
Ang mga piraso ng kanilang sasakyan ay nagsibagsakan sa iisang lugar. Maraming mga tao ang nagulantang dahil doon at agad na nagsilapit. Kanya-kanyang kuha ng litrato at konklusyon sa nangyare.
"End of the world na ba?"
"Baka may experimentation na naman ang mga scientist"
"Hindi ba spaceship 'yan?"
"Baka may aliens na!"
Mabilis na dumating ang mga responde at pinaalis ang mga tao roon. Agad na inilagay ang yellow tape na may nakalagay na caution, warning signs, at ang mga traffic cones.
Isang babaeng officer ang lumusot sa yellow tape at kunot-noong pinasadahan ng tingin ang bagay na iyon. Nakasuot ito ng itim na pants at puting shirt, kasabay ng itim na jacket, and gloves.
Napakalaki nang pinsala nito dahil nahagip nito ang isang shop. Pastry shop. Napapikit siya sa inis dahil doon. Kilala niya ang may-ari ng pastry shop.
May lumapit na lalakeng police sa babae. "Officer! Tignan niyo 'to" may inilahad ito sa kanyang nakalagay sa isang transparent plastic. Kinuha niya naman iyon.
Pinagmasdan niya ang ibinigay nito. Isa iyong kwintas na purong ginto ang kulay, may tatak iyong hexagon shape, sa loob ng hexagon ay isang pigura ng puno. "Akin na muna 'to" She put it inside her pocket.
Tumalikod ito at naglakad patungong motor niya. "Tabi, makikiraan. Tabi nga po." saad niya sa mga taong naroroon na nagkukumpulan at tila hindi siya naririnig. " Tsk"
Inalis niya ang gloves at isinilid sa bulsa niya. She immediately start and run her motor as fast as she could.
Sa daan, sa hindi kalayuan ay may naaninag itong kumikinang. Dahan-dahan niyang tunungo iyon. Huminto siya at hinanap kung saan iyon. Nagpalinga-linga siya sa paligid pero wala naman siyang makita. Tanging abandonadong bodega lamang ang naroroon. Napalingon siya sa may tambak na basura, humakbang siya ng isang beses pero agad din naman napahinto ng kuminang muli iyon. Tinatamaan ng sikat ng araw kaya ganoon. Inalis niya ang nakapatong na itim na plastic bag, doon bumungad sa kanya ang isang kulay abong bola na kasya lamang sa kamay niya. Kinuha niya iyon at sinuri.
"Ano 'to? Laruan?"
Itatapon na sana niya ito pabalik nang bigla ay nakita niya ang isang pamilyar na tatak.
"Teka?" naisip niyang pareho iyon ng sa kwintas na hawak niya.
Itinapon niya iyon sa ere at sinalo. Saka siya naglakad pabalik sa motor niya. Muli niya itong pinagmasdan bago isilid sa bulsa ng jacket niya. Iniisip niya na baka may kinalaman iyon sa bumagsak na bagay o sasakyan man na sinusuri ngayon. Mabilis niyang pinandar ang motor.
Hindi niya namalayan na umilaw pala sa bulsa niya ang munting bola na iyon.

Bình Luận Sách (26)

  • avatar
    Ella Mae Badua

    Galaxy

    17/07

      0
  • avatar
    Ingredy Padella

    amei

    03/07

      0
  • avatar
    Marynel Alada Panolin

    marynel Panolin

    08/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất