logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

LTFC 5

"YES! I got here on time."
Pakiramdam ni Lexie ay nanalo siya sa Olympics nang makatapak ang paa sa lobby ng Brava Hotel wala pang alas otso ng umaga. Sa wakas ay magagawa na niya ang trabaho niya. First thing first, she must brew some coffee. Sa tantiya niya ay alas ocho y media dumadating si Aiden. Sapat na ang oras para makapaghanda siya sa pagdating ng binata.
Wala pang ibang tao sa opisina. She was an early bird. It was eerily quiet but the sound was welcoming. Gusto niya kapag siya ang nauuna sa opisina kahit sa dati niyang trabaho. She loved being first. Ibig sabihin ay eager na gawin sa trabaho. Babawi siya mula sa kapalpakan niya nang nagdaang araw nang ma-late siya at siya pa ang ipinagtimpla ng kape ni Aiden.
Napansin agad ng dalaga ang cattleya orchids na nakalagay sa crystal vase sa desk niya pagdating niya. Sino kaya ang naglagay niyon? Wala namang nakalagay na card o note na may mensahe.
Wala naman siguro siyang secret admirer na dadating nang ganoon kaaga? Hindi rin mura ang ganoong klaseng bulaklak o ang arrangement.
Hindi orchids ang karaniwang ibinibigay ng mga lalaking nagpapakita ng paghanga. Mas madalas ay rose ang ibinibigay.
Kapareho ng mga bulaklak sa kuwarto ni Sir Aiden. Sa kanya kaya galing?
Nope. Iba ‘yung pinuri niya ang ganda ko o ang pabango. Pasok na pasok iyon sa gaydar. Kung bibigyan niya ako ng bulaklak, it doesn’t make sense. Hindi ko alam kung paano papasok sa gaydar iyon.
Puno pa rin ng tanong ang isipan ng dalaga nang pumunta sa pantry para magtimpla ng kape. Pero nagulat siya nang makitang nandoon na si Aiden at
nagsasalang ng kape sa coffee maker.
“Sir Aiden!” singhap ni Lexie.
"Good morning!" nakangiting bati nito sa kanya. "I am glad you are here early. Too early."
"Not as early as you. Alas otso pa lang pero mas maaga pa kayo sa akin, Sir. Umuuwi pa ba kayo sa condo ninyo?" tanong niya. Ang alam niya ay may condo ito sa bandang Taguig.
"Yes, I do. Hindi ba sabay pa tayong umalis ng opisina kahapon?”
Naitanong lang naman niya. May sarili rin itong kuwarto sa hotel pero pinipili nito na umuwi sa sarili nitong condo.
"May importante ba kayong gagawin? Baka makatulong ako sa inyo,” marahan na tanong ng dalaga.
May inilabas na dalawang mug ang binata. "Nah! Maaga lang akong pumasok para makita kang ngumiti kapag nakita mo ang bulaklak sa desk mo."
"What?" bulalas niya. Dito galing ang bulaklak. Kumabog ang dibd
"Nakita mo na ang bulaklak, hindi ba? Cattleya really suits you. You are rare and unique beauty. Hopefully it can cheer you up."
Flowers on her desk. Mga lalaki lang na may interes sa babae ang gumagawa ng ganoon. Ibig sabihin interesado ito sa kanya?
Must be another trap. Para di ko mahalata na isa siyang pamintang nakakabahing. Paasa level 9999999.
"Hindi naman ninyo kailangang gawin, Sir.”
"But I want to. Too bad I missed to see your smile. I didn't expect you coming this early."
Ngumiwi siya. Iniisip siguro nito na lagi siyang late. "Gusto kong nandito na ako at naka-ready na rin ang kape ninyo pagdating mo, Sir."
She wanted to be a perfect employee. And she was failing every single time. Ibang klase kasi si Aiden. Kumabaga sa Olympics, nakarami na ito ng gold medal. Hindi niya mabasa ang kilos ng lalaking ito.
Nagkibit-balikat ito. "No big deal. Mas gusto ko lang magtimpla ng sarili kong kape kapag maaga ako. Nakasanayan ko na. Coffee and flowers are perfect to start our day at work. Nakakagaan ng loob. Here.” At inabot nito ang mug sa kanya.
Na-touch ang dalaga nang makita ang mug na may pangalan niya. That was sweet. Noong una ay iniisip niya na baka hindi siya nito gusto bilang assistant nito dahil hindi naman ito ang nag-hire sa ngayon. Pero nag-abala pa itong magpagawang personalized mug niya.
"Thank you sa bulaklak, sa mug at sa kape, Sir. Salamat po sa pag-welcome. I really appreciate it,” anang dalaga at humigop ng kape.
"Anong bulaklak ang gusto mo bukas? Or do you want me to surprise you?"
Maang niya itong pinagmasdan. Iba na talaga ito. "Sir, hindi ninyo ako kailangang bigyan ng bulaklak araw-araw. Ayokong mapag-usapan tayo ng mga tao at isipin nila na nililigawan ninyo ako o interesado kayo sa akin kaya kinuha ninyo ako para magtrabaho sa inyo."
"Dahil lang sa bulaklak? I don't care. I want you to start your day great with flowers and a cup of coffee," nakangiti nitong sabi at ipinagsalin ang sarili ng kape mula sa percolator.
Wala itong pakialam dahil lalaki ito. Di naman ito ang mapupulaan ng mga tao kung hindi siya. Kahit na hindi siya ang nagpakita ng interes, iisipin ng mga tao na siya ang nang-akit. Na para bang lagi na lang biktima ang mga lalaki.
"Totally unnecessary, Sir. Hindi ako mahilig sa bulaklak. Sayang lang,” aniya at pilit na ngumiti.
"So, what can make you happy? Chocolates?"
Do I look like a teenager to you? Duh!
“Hmmmm… Let me see. Huge money on my bank account and having my own resort or hotel someday,” aniya at malapad na ngumiti.
"Parang mahirap kang pangitiin. At mahal. How about boyfriend? Or a Prince Charming?” he asked in an expectant tone. “How about your ideal man? Sabi mo wala kang balak makipag-date. Pero siguro naman may hinahanap ka sa isang lalaki.”
Umasim ang mukha niya. “Walang forever, Sir.”
“Life is short. Don't be so hard on your self."
"Individual differences. Just be happy that with my driving passion, I will surely give my best. And I will try to be the best employee."
“Well, my brother picked you because of that. Pero araw-araw pa rin akong maglalagay ng bulaklak at ipagtitimpla ka ng kape hanggang makita kitang ngumiti. ‘Yung totoong ngiti dahil napasaya kita at hindi lang dahil kailangan.”
Nagkibit-balikat ang dalaga. “You are more than welcome to try, Sir. Babalik na po ako sa desk ko.”
Sumige lang ito sa pagpapalambot sa kanya at natitiyak ng dalaga na hindi ito magtatagumpay.
Pero nang makita niya ang bulaklak sa mesa at pinagmasdan iyon habang umiinom ng kape ay di niya mapigilang ngumiti. Hindi naman kailangang malaman ni Aiden na napangiti siya nito, hindi ba?

Bình Luận Sách (37)

  • avatar
    SOMARE

    Hindi talaga ako magsasawang magbasa ng mga story mo Miss Sofia! Ang gaganda talaga. Para lang akong nagbabasa ulit ng pocketbook pero ngayon ay sa phone na. Nakakatuwa lang.

    10/02/2022

      3
  • avatar
    Pinera-SeguiRowena

    eto pang isa sa favorite kong basahin nang paulit-ulit🥰 at my age, kinikilig pa rin ako🤣

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Johncel Ormillo

    hahahahahahahahahhahaahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahqhqhqhqhqhqhahahahqhqhqhhqhqhahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahhahahahahahahahahhahahahahahahahahahahhahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahhahaha sana magkarononako ng dias para makoha Kona gusto Kong skin hahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahaahaaaaaaaahhhhahahahaahhahahahahaahahahhaahahhaahhahahahahaha

    13/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất