logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

LTMWAH 7

Nagmamadali niya iyong inilapag sa mesita sa tabi ng papag ang tray. Saka niya ito inalalayan upang makaupo nang maayos sa papag. Umungol ito. Dala marahil ng pananakit ng katawan.
“Anong masakit sa iyo?” tanong niya.
Sinapo nito ang ulo. “I’m hurting all over,” usal nito sa baritonong boses. Kahit na nasasaktan ay makapangyarihan pa rin ang tinig nito. Iginala nito ang mata sa paligid. “N-Nasaan ako?”
“Sa bahay ko. Nandito sa San Luis. Dito ka namin itinuloy matapos kitang sagipin sa ilog kanina. Akala nga namin patay ka na.”
Ipinikit ng lalaki ang mga mata at isinandal ang ulo headboard ng papag. “Nagmamaneho ako ng kotse. Patawid ako sa tulay. Malakas ang agos at umaapaw na ang tulay sa tubig pero hindi ko pinansin iyon. Hindi ko alam na ganoon karupok ang tulay na kahoy at nahati iyon. Nahulog ako sa ilog at ang sasakyan ko.” Nagmulat ito ng mga mata na parang nagulat. “Damn! Where the hell is my car?” galit nitong tanong.
Muli niya itong itinulak pasandal. “Huwag mo nang isipin ang kotse mo. Wala ka nang magagawa doon. Malamang nakalubog na iyon sa ilog.”
Naiinis siya dahil nagawa pa nitong isipin ang kotse kaysa pahalagahan ang buhay. Materyal na bagay lang iyon. Madaling palitan.
“But that is my favorite car,” argumento nito.
“Alam mo, kung nakita kong inaanod ang kotse mo sa ilog, hindi ko sasagipin iyon. Mas mahalaga ang buhay ng tao dahil di iyon napapalitan. Magpasalamat ka na lang dahil buhay ka pa,” paangil niyang sabi.
Kumunot ang noo nito na parang hindi natuwa sa sinabi niya. Tumutok ang mata nito sa kanya. Ang kulay kape nitong mga mata. Mataman siya nitong tiningnan na parang inuuri siya. Nakakailang ang paraan ng pagtingin nito subalit hindi niya iniiwas ang tingin dito. Hindi pa siya nailang o naging mahina sa pagharap sa isang lalaki kahit kailan.
“Sino ka?” tanong nito.
“Esmeralda Solomon,” pagpapakilala niya sa sarili. “Ako ang nagligtas sa iyo.”
Napaawang ang mga labi nito na animo’y hindi makapaniwala. “I-Ikaw ang nagligtas sa akin?” Pumikit ito at muling napaungol sa sakit. “Bakit ikaw ang nagligtas sa akin?” tanong nito na parang di nagustuhan ang ibinalita niya. “Why?”
Tumaas ang kilay niya. Hindi niya alam kung kabilang ito sa mga lalaking ayaw na ayaw na tinutulungan ng isang babae o wala lang itong utang na loob. Ni hindi man lang nagpasalamat sa pagliligtas niya dito. Pa-English-English pa.
“Nagkataon lang naman na wala sa mga lalaking kasama ko ang gustong magbuwis ng buhay nila para sa iyo. Kaya tumalon ako sa tubig at sinagip ka. May problema ba doon?” may bahid ng iritasyon niyang tanong.
Muli nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa kanya na parang nakakaramdam ng sakit. Dahan-dahan itong tumayo. “K-Kailangan ko nang umalis.”
Mabilis niya itong dinaluhan dahil mabuway pa ang tayo nito. At kung hindi siya maagap ay baka bumagsak ito sa sahig. “Huwag kang masyadong kumilos. Hindi ka pa malakas. Hindi ka rin pwedeng umalis dahil malakas ang bagyo sa…”
Natigilan siya nang madikit siya sa halos hubad nitong katawan. Tanging ang shorts na ipinahiram dito ni Topher ang suot nito. Hindi pa siya naging ganito kalapit sa isang lalaki. Sa isang halos hubad nang estranghero. Nakadama siya ng kakaibang init. Init na hindi basta-basta naglalaho.
Nang tingalain niya ito ay nakatingin din ito sa kanya. Matangkad ito. Sa palagay niya ay nasa anim na pulgada ang taas, kasingtangkad ni Aiden.
Nakatingin ang mga mata nito sa kanya. Magkakasamang emosyon ang naramdaman niya-takot, kaba at …pagnanasa? Nagkaroon siya ng simbuyo na lumayo dito.
Iniiwas ni Esmeralda ang tingin at inalalayan itong umupo sa kama. “Mas mabuti kung humigop ka muna ng sabaw. Kailangan mong lamnan ang sikmura mo. Hindi ka makakaalis dito kung mahina ka pa.”
Walang pagtutol itong sumunod bagamat hindi ito masaya sa naging desisyon. Parang sinisilihan itong lumayo sa lugar na iyon. Malayo sa kanya.
“Ayoko nang maging abala pa sa iyo,” sabi nito at sumandal.
Hinila ni Esmeralda ang lalaki palapit sa kama ang bangko at kinuha ang mangkok ng mainit na sabaw. “Hindi ka abala sa akin. Hindi ko pwedeng pabayaan ang isang taong nangangailangan ng tulong.”
Iniumang niya sa bibig ng lalaki ang kutsara ng sabaw na malugod naman nitong tinangggap. Ni hindi ito kumontra kahit siya pa ang nagsusubo dito na parang isa itong batang paslit. Marahil ay pagod na rin itong makipagtalo sa kanya dahil alam nitong mahina ito at hindi mananalo sa kanya.
“Esmeralda,” sabi nito matapos niyang painumin ng tubig.
Nilingon niya ito. “Bakit?”
Ngumiti ito. “Salamat sa pagliligtas mo sa akin,” sabi nito. “Kanina akala ko hindi na ako mabubuhay pa o di na maririnig ng Diyos ang dasal ko. Salamat. And I hope you will forgive me for being crass. I am just not used to being helpless before. S-Sanay lang ako na gawin ang lahat ng bagay nang mag-isa.”
Parang naengkanto ang dalaga habang nakatitig dito. Sa mababang tono ng boses nito at nang mawala ang bakas ng kaarogantehan nito ay mistula itong isang maamong anghel. At nakangiti ito.
Iyon na yata ang pinaka-magandang ngiting nakita niya. Kung guwapo ito sa paningin niya kanina ay mas naging guwapo pa ito. Hindi siya makapaniwala na ang supladong lalaki ay marunong ngumiti at marunong ding magpasalamat.
“Walang anuman…” Natigilan siya nang matuklasang hindi niya alam kung ano ang pangalan nito. “Ano nga pala ang pangalan mo?” nahihiya niyang tanong.
Ilang sandali niya itong tinitigan. Mahabang sandali ng katahimikan na parang hindi nito alam ang isasagot. Naisip niyang baka hindi nito alam kung ano ang pangalan at nagka-partial amnesia ito. Mukhang malaki ang magiging problema niya.
“Richard. Richard Infante,” usal nito at ipinikit ang mga mata.
“SAAN ka ba nanggaling, amang? At ano naman ang sadya mo dito sa bayan namin?” tanong ni Mang Kadyo kay Richard. Nang dalhan ito ni Esmeralda ng hapunan kinagabihan ay sumama ang ilan sa kababaryo nila para makita ito. Natural nang matanong ang mga tao doon lalo na’t may estrangherong dumating.
Patuloy pa rin ang pag-aalimpuyo ng bagyo sa labas. Lumakas pa ang ulan pero lahat sila ay ligtas sa loob ng bahay ng dalaga. Ang kapatid niyang si Jeremy ay kakwentuhan ang ibang mga bata sa kuwarto nito.

Bình Luận Sách (78)

  • avatar
    carapatanmarife

    im a fan of yours since my teenage years ❣️❣️ i love collecting stallion series that time,, ilove all your works po ❤️❤️❤️

    28/03/2022

      0
  • avatar
    Nhetz Villarino

    Thanks Miss Sofia...Im an avid reader of you..Waitin for Stallion Island and the7 lords story and also prince Rostam and Jammilah's story too..

    21/01/2022

      1
  • avatar
    AlburoArlyn

    🥰🎉🎉🎉

    4d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất