logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 6

Chapter 6
Jenny's Point of View
Dahil sa mga nalaman ko ay binalot ako ng kahihiyan, para tuloy akong nagmukhang tanga dahil sa pride ko...
"Huwag ka ng mahiya dahil ako naman talaga ang may kasalanan eh. Ako ang matanda saating dalawa kaya dapat ako ang nagpigil kaya may karapatan ka paring magalit" tiningnan ko  ito ngunit nasa kalsada lang ang buo niyang atensiyon.
Well, tulad nga ng sinabi niya siya naman ang may kasalanan kaya iyon narin ang paniniwalaan ko sa ngayon... Tama, hindi naman kase ito mangyayari lahat kung hindi niya ako dinala sa hotel eh...
"Tama dahil ikaw naman talaga ang dapat sisihin dahil pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko" taas noo kong sabi.
"Kaya hayaan mo akong bumawi saiyo at aalagaan ko kayo ng anak natin" natigilan ako ng sabihin niya ang 'anak natin' at tinitigan siya ng masama.
"Anong anak natin ha?".
"Si baby natural, anak naman talaga natin siya di'ba" nakailang lunok ako bago ako sumagot sa mga sinabi niya.
"Anak ko lang ito noh!".
"Dalawa ba ari mo?" Nangaasar ba siya?... Pwes hindi ko iyon nagustuhan.
"Anong sabi mo?".
"Sorry na, gusto lang kitang patawanin dahil sa mukha mong hindi mautangan eh. Dapat palagi ka lang na naka ngiti para naman mamana ni baby natin".
"Sinabi ko na ngang anak ko lang ito eh".
"Kahit anong gawin mo, anak parin natin iyan at iyon ang totoo".
"Bahala ka na nga" walang gana kong sabi at napansin kong tumingin ito saakin.
"Ako nga pala si Edward Jones Oliver Monticello at 24 years old na ako ngayon... Nice meeting you... Ano nga pala name mo?".
"Jenny Kim Liansa Valdez at 18 years old na ako" walang gana kong pagpapakilala at itinuon nalang ang pansin ko sa bintana.
"Matanda pala ako saiyo ng 6 na taon".
"Kaya nga pwedeng sexual harassment at rape 'yung ginawa mo saakin eh"
"Wait teka lang, humingi na nga ng sorry eh tsaka ayaw kong makulong dahil marami pa akong pangarap sa buhay" taranta nitong sabi sabay balik ng atensiyon niya sa kalsada at tiningnan ko ito sa rear view mirror and pasimple akong napatawa dahil panay ang hilamos nito sa mukha at halatang dinibdib talaga 'yung sinabi ko...
"So saan mo ako dadalhin?' tanong ko sakanya dahil kanina pa kami sa biyahe eh...
"Pupunta tayo sa bahay ko. Sa titirhan nating dalawa para ipakita ko saiyo at maitanong narin kung ano pa ang gusto mong idagdag o alisin" ready na ready talaga pala siya ah...
"Well, I just want to live there alone" tumingin siya saakin.
"Hindi pwede and for sure hindi mo rin naman kayang tumira doon mag isa" he then smirk...
"Bakit naman ha?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"That house was a cemetery back then eh kaya maraming multo" then biglang lumamig ang hangin at nagsitaasan ang mga buhok ko sa braso.
"F*ck you jerk" then nakita kong pinalakasan niya pala ang aircon nitong kotse kaya naman pala lumamig... Arghhh!!! Naisahan mo ako doon ha.
"Sa totoo lang, hindi naman talaga iyong hunted House eh pero hindi parin ako payag sa gusto mong tumira ng mag isa, paano kapag may nangyari saiyong masama?".
"Ay wow, ano ako bata para madisgrasya?".
"Hindi naman, like I said earlier that your my responsibility now and baby too. Kaya sa ayaw at gusto mo palagi na akong naririto".
"Tingnan natin kung tumagal ka" mapang asar kong hamon. Don't underestimate me dahil ako parin ay isang Valdez, hindi lang malakas ang mga kamay namin para sa volleyball ngunit malakas rin ito sa kahit na anong hamon.... Kaya huwag ako Mr. Jones Monticello...
"Ikaw bahala pero sa ngayon ay kumain na muna tayo dahil nagugutom narin ako eh".
Wala na akong nagawa kundi sundan nalang siya... Dahil tanghali narin at nakakaramdam na ako ng gutom...
Pero nagulat ako ng dalhin ako nito sa isang karenderya at hindi sa isang restaurant... Nag titipid ba siya ha?... Kuripot naman pala ang mokong na 'to.
"Bakit rito?" Bahagya ko siyang hinila sa damit dahil baka nakalimutan lang niya na hindi naman talaga kami kakain eh.
"Huwag kang  mag alala" nag thumbs up ito and I just rolled my eyes dahil siya naman ang manglilibre saamin kaya ok narin...
Timulungan niya akong maka upo at nagsimula ng mag order ng kakainin namin...
"Bakit hindi nalang sa isang Restaurant tayo kumain total mayaman kalang naman".
"Dahil alam kong safe rito".
"Anong safe na pinagsasabi mo ha?" Kakainis na talaga siya...
"Tingnan mo para maniwala ka" kaya tiningnan ko ang tinuturo niya and I was amazed on how they prepare their foods....
"Wow" iyan lang ang nasabi ko....
"I told you" tama siya, ang linis linis talaga nila and naiintindihan ko na ang nais iparating ni Mokong saakin...
"Mas safe ang mga pagkain dito and masarap compared sa mga sikat na restaurant kaya tiwala lang" sabay taas ng baso niya sa ere as if he's making a toast...
"Okay na".
And the foods were serve at hindi ko napansing ang dami dami niya palang inorder na pagkain...
"Dami naman nito" reklamo ko pero nginitian lang ako nito.
"Alam kong gutom na gutom ka na kaya kain lang" busog kaya ako dahil sa dami ng kinain ko kaninang umaga na galing kina Nanay Sel at tatay Nito...
"Ano akala mo saakin patay gutom?".
"Wala naman akong sinabi na tayong dalawa lang ang kakain nito eh.
"Ha?" Naguluhan ako sa sinabi niyang iyon pero hindi ako nito pinansin at nakita ko nalang ito na parang may tinatawag mula sa malayo...
Maya maya lang at may lumapit saaming tatlong bata. Dalawang babae at isang lalaki na tulad rin nung binigyan niya sa kompanya niya... Mga madudungis na bata rin na nasa edad 10 hanggang 13...
"Marie, heto pagkain ibigay mo sa iba niyo pang kasamahan" lumpit ang isang batang babae na tonawag niyang 'Marie' at inabutan niya ng mga plastic na may lamang mga pagkain na naka styrofoam.
Binigyan niya rin ng soft drinks 'yung isa at tubig naman sa pang huli...
"Heto pera para mamaya sainyo, hindi kase ako makakadaan rito" sabi nito at tumango naman iyong tatlo.
"Maraming salamat po talaga kuya".
"Wala iyon, basta magpapakabait kayo lahi ah" umalis na ang tatlo habang sinundan ito ni Mokong ng paningin. Feeling mabait porket narito sa harapan ko...
"Kain na tayo Jenny" aya niya saakin kaya kumain na rin ako.
Matapos kaming kumain ay bumalik kami ulit sa kotse dahil may dadaanan pa raw kami...
Nagtungo kami sa napakaraming stores at namili rin siya ng groceries at ang pinakamahalagang binili niya talaga saakin ay cellphone...
"Heto ang cellphone mo para may magamit ka" sabay abot niya saakin pero tumanggi ako...
"May cellphone naman ako eh".
"Tanggapin mo na ito PLEASE" well nag please naman eh... Jwk... Wala naman talaga akong cellphone kaso nakakahiya naman sakanya... Wait bakit nga ba ako nahihiya eh pangbawi niya ito saakin pala eh...
Kaagad kong hinablot ang cellphone sabay tingin sakanya...
"Hindi na ako magpapasalamat saiyo dahil kulang pa nga ito sa mga atraso mo saakin...
"Ayos lang tsaka bigay ko naman talaga iyan saiyo".
Matapos namin, ay siya lang pala mamili sy tumuloy na kami sa sinasabi niyang bahay niya.
Sinalubong kami ng dalawang guard at ng makitang si Mokong ang nasa loob ay kaagad nilang binuksan ang gate...
"Salamat po mga kuya" sabi nito bago tuluyan kaming pumasok.
Hindi ko naman inaasahang isng subdivision pala ito. Ang tataas ng mga bahay at ang gaganda pa. Well, middle class lang kami kaya hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa mga bahay ng mayayaman lalo na 'yung mga modern house ang designs...
Tumigil kami sa isang bahay na may tatlong palapag at modern house nga ang design na color white and black. Hindi nga ako makagalaw dahil minimemorize ko lahat ng detalye eh...
"Jenny!" Nabalik lang akonsa realidad ng tawagin ako ni Mokong at nakita ko itong nasa gate ng malaking bahay...
"Anong ginagawa mo diyan?".
"Bahay natin" sabay turo niya sa bahay na nasa harapan namin... Panaginip lang ba 'to? Diyan ba talaga ako titira?...
"Talaga?" Gusto ko munang kumpirmahin dahil sawa na akong umasa... Char! Humogot pa an lola niyo... Hahahahaha...
"Oo naman" sabay bukas ng gate kaya wala na akong nagawa kundi pumasok.
Pagkapasok palang ay halos mawalan na ako ng hininga... Magmumukhang tanga ako pero totoong totoo talaga.
Kaagad namang tumakbo papuntang likod si Mokong kaya naiwan ako habang pinagmamasdan parin ang buong bahay.
Nakita ko itong pabalik habang may hawak na napakahabang water hose at tinungo niya ang mga bulaklak niya at diniligan...
"Ayos lang ba kayo?" Tanong nito doon kaya lumapit ako sakanya.
"Bakit mo diniligan eh tanghaling tapat... Gusto mo bang mamatay ang mga iyan?".
"Hindi naman, tsaka sapat lang naman ang init na tumatapat rito para hindi naman masira ang tanim kaya okay lang ito".
Bumalik nalang ako sa dati kong pwesto ng tawagin ako nito...
"Mauna ka na sa loob Jenny, ito ang susi" sabay tapon saakin ng susi kaya sinalo ko nalang at pumasok na sa loob.
Kung maganda ang nasa labas, mas maganda ang nasa loob. Napakalawak at kompleto na sa mga furnitures from lamps to paintings ah...
Pumasok naman ito dala dala ang aming pinamili patungong kusina kaya sinundan ko nalang ito pero hindi ko siya tinulungang magdala...
Malawak rin ang kitchen at pati narin ang dining room...
Inikot naman ako ni Mokong sa buong bahay and I was totally amazed at hindi parin makapaniwala na dito na ako titira.
Sa first floor ay may sala, kitchen, dining room, Mini bar, Comfort Room (kasama na ang lalabhan ng mga damit na tinalo pa ang isang laundry shop sa mga gamit. Sa second floor naman ay dalawang guest room isang mini library at music room, at ang gusto ko say ang terrace na malawak at pwedeng tambayan...
Sa last floor naman ay ang kwarto naming dalawa ni Mokong, syempre magkahiwalay, kwarto na para sa mga movie marathos, at isang office room na sigurado ako na para lang kay Mokong iyon.
May pool sa likuran ng bahay at malawak na backyard...
Dalawang oras ang lumpas bago niya ako inaya papunta ng bahay ng mga parents niya...
"Sugurado ka ba rito Mokong?".
"Oo naman syempre tsaka kilala ka naman nila kaya ayos lang".
"Anong kilala?".
"Ah mali pala, alam nilang may nabuntis nga ako kaya sigurado akong matutuea ang mga iyon kapag nakita ka na nila".
"Sige na nga".
Tumuloy na nga kami at hindi naman kami inabot kalahating oras bago makarating sa bahay ng mga parents niya...
Malaki rin ito at ang lawak ng bakuran na punong puno ng mga pananim. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya lumabas nalang ako dahil haharap panaman ako sa mga parents niya...
Nauna siyang pumasok kaya sumunod nalang ako...
"Mommy! Daddy!" Tawag niya kaya tiningnan ko kung sino ba ang mga parents niya at nagulat talaga ako ng makita at makilala ko kung sino...
"Nanay Sel at Tatay Nito?".
"Anak?".
End of #TNWMLC -Chapter 06-

Bình Luận Sách (152)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    ganda nag storya

    6d

      0
  • avatar
    Maria Teresa Tanatan

    loveit

    8d

      0
  • avatar
    Arnold Oliva

    aisihshsbsussisbaoaksnskeoelskdssplsnsytwpywyehehdockvjfngngnfkeksgdveejgweusgewhwjekrororhrurkrpdjdndozjajsgduduusgfftft diff yee kk you have a great day I'm off to siya I'm going to siya to siya to get the results ate a whole lot man Ina road to siya to get the house cleaned up and to be honest I'm not a whole new world translation of a whole lot to get to get the kids out of a car to get a car loan calculator to find the values and to get to get the kids out to get the kids in their house cle

    13d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất