logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 6

"Ayan na yung magling nating Kaklase na feeling maganda!" ani Marsha pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng room.
Hindi ko na ito pinansin at akmang lalampasan ko na ito ng mabilis nitong hinablot ang mahaba kong buhok.
"Ano nagmamaganda ka na ngayon?" ani ni Marsha habang padiin ng padiin ang pagkaka sabunot nito sa buhok ko.
"Aray ko Marsha, nasasaktan ako!" daing ko sabay hawak sa kamay nito para hindi na mas lalo pang dumiin ang sabunot nito. Pero pagkawahak na pagkahak ko pa lang sa kamay nito ay agad na nitong binawi ang kamay nya.
"Yuck! kadiri, kadiri!... Baka mahawaan ako ng kapangitan mo!" ani nito gamit ang nandidiring tinig. "Alchol please!" sigaw pang dagdag nito.
Dali-dali namang lumapit si Trasey na may dala dalang alchol. Na dali-daling namang hinablot ni Marsha at nilgyan ang kamay nito na nahawakan ko.
"Ow Meh Gosh! Kamusta yung mukha ko? May nagbago ba? Pumangit ba ako?" nag-aalalang tanong ni Marsh kay Trasey.
"Wala namang nagbago buti na lang naagapan agad natin." -Trasey
Bakit sila mahahawa? E, hindi naman parang sakit na nakakahawa yung itsura ko.
"Walang hiya ka!" biglang sigaw ni Marsha sabay hablot ulit sa buhok ko dahilan para mahiga ako sa sahig. Agad ako nitong kinaibabawan at tsaka ako pinagsasabunutan at pinagsasampla. "Wala hiya ka! Balak mo pa akong hawaan ng kapangitan mo ng halimawa ka!"
Patuloy lang ito sa pananakit sa'kin. Gusto ko siyang gantihan para protektahan yung sarili pero hindi ko magawa.
Hanggang sa may kung sino na lang ang humawi kay Marsha sa pagkaka-ibabaw sakin, dahilan para mapa-upo ito sa sahig.
At nagulat ako na makita kung sino ang gumawa nito.
Si Grego... siya yung tumulong sakin.
"Hey, ayos ka lang?" nag-aalala nitong tanong habang tinutulungan akong makatayo. "Ayos ka lang?" ulit nito.
Totoo ba ito? Hindi ba ako na nanaginip lang?
Si Grego tinulungan ako?
At ngayon alalang-alala sya sakin. Kitang-kita sa mukha nito.
"Hey, ayos ko lang ba?" tanong pa nito habang nakahawak sa magkabilang braso ko.
Hindi ko tuloy naiwasang mapatitig dito. Kitang kita ko sa mga mata nito na nag-aalala talaga siya sakin.
"Halley, answer me. Are you okay?" nakikiusap na ani nito.
"A-Ahm. O-Oo ayos lang ako" mahinag sagot ko.
"Are you sure?" paninigurado pa nito.
Tanging pagtango na lang ako naisagot ko dito.
Akala ko tapos na, hindi pa pala dahil bigla na lang nitong hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng room. Pero bago iyon sandali ko munang tinignan yung mga kaklse ko na ngayon ay mga nakangnga na. Mukhang hindi rin sila makapaniwala sa Ginawa ni Grego. Napadaan naman yung tingin ko kay Marsha na hanggang ngayon ay nakaupo parin sa sahig.
Nandito kami ngayon ni Grego sa may likod ng school. Dito nya kasi ako dinala matapos nya akong bigla na lang hilain kinana.
"Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo ko tinulungan?" tanong ko dito gamit ang mahinang tinig.
"Hindi ba dapat magpasalamat ka na lang kasi tinulungan kita?"
"Sorry." agad kong hingi ng paumanhin " At Thank you sa ginawa mong pagtulong sakin."
Sandali kaming nabalot ng katahimikan, pero nabasag din agad ito ng muli magsalita si Grego.
"Bakit hinahayaan mong saktan ka nila? Bakit hindi mo sila labanan?" biglang tanong nito.
"Bakit pa? Para saan pa? Kapag ba pinatulan ko sila titigilan ba nila ako? Diba hindi naman, kasi mas lalo lang silang magagalit. At kapag nagkataon mas lalo lang lalaki yung gulo."
"So, hahayaan mo na lang na saktan ka nila?" tanong nito.
"Oo. Kung sa gaanong paraan hindi lalaki yung gulo, sige magtitiis na lang ako. Tutal naman ako yung mas nakakkaintindi at mas nakaka-unawa kaya hahayaan ko na lang sila. Ako na lang yung iiwas. Tsaka kung gagantihan ko man sila pabalik. Ano na lang yung kinaiba ko sa kanila? Diba wala rin? At isa pa hindi ko kayang manakit ng kapwa ko para lang mapunan yung kagustuhan kong makaganti.
"Ok, if that's what you want." tangin nasabi nito.
Muli kaming nabalot ng katahimikan.hanggang sa magsalita na namang muli ito.
"Sorry." bulong nito na sakto lang para maring ko.
"Huh? Bakit? Para saan?
"Sorry sa mga nagawa ko sayo." mahinang ani nito sabay alis.
Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.
*****
Alas dose na ng gabi pero heto ako dilat-na dilat ang mata.
Haist! Bakit ba kasi hindi ako matulog?
Bakit ba kasi hindi ako makapag-move sa nangyari kania?
Hanggang ngayon sariwang-sariwa pa rin sa'kin ang lahat. Malinaw na malinaw pa rin sa isipan ko ang mukha ni Grego na alalang-ala sa'kin kanina.
Hindi kaya may gusto siya sakin?
Kasi sa kanya na nanggaling na walng masama kahit magustuhan nya ako.
Hindi kaya-Haist!... Tama na nga ang panganarap. Mabuti pa matulog na ako. Para naman hindi kung ano-ano yung pumapasok sa isipan ko.
KINABUKASAN...
"Uy, Halley bakit ganyan ang itsura mo? Natulog ka ba, ha?" tanong ni Mamang at kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng umagahan.
"May tinapos lang po akong isang damakmak na mga assignment kagabi" sagot ko habang may kagat-kagat na tinapay.
"Oh siya, bilisan mo diyan. Pagkatapos ay magbihis ka na para makapunta na tayong palengke.
Oo nga pala, Sabado pala ngayon. It means walang pasok. Hay, salamat naman, buti naman makakapagpahinga na ako, emotionally, mentally and physically.
Kung hindi niyo kasi naitatanong sabado at linggo 'yong paboritong kong araw. Bakit? Kasi sa araw na ito walang pasok, so it means wala ding mabu-bully sakin.

Bình Luận Sách (299)

  • avatar
    Moma Ni Ethan

    Napaka ganda ng story natu

    7d

      0
  • avatar
    OfficialChoulian

    Its so good reader

    10d

      0
  • avatar
    SottoLucky lyn

    good

    17d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất