logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 2

Heto na naman, papasok na naman ako sa impyernong paaralan na ito.
Kung pwede lang, ayaw ko ng mag-aral pa. kaso nahihiya naman ako sa Mamang ko na nagpapa-aral sa'kin.
Si Mamang ay isang bakla. Siya na yung kinilalang kong magulang simula ng magka-isip ako.
Ang kwento nya sakin ay baby pa lang daw ako ng makita niya ko sa tapat ng pinto ng bahay nya. Mukha daw sinadya akong iwan sa may pintuan nya dahil nakita nya pa daw yung babeng nang-iwan sakin na tumatakbo palayo. Siguro iyon yung nanay ko.
Biruin nyo, pati mga magulang ko iniwan ako. Siguro dahil hindi nila matanggap na anak nila ako, na may anak silang halimaw.
Si Mama Dudang tinuring at minahal niya ako na parang tunay na anak. Kung anong kinamalas ko sa maraming bagay siya namang kinaswerte ko kasi mayroon akong isang katulad niya.
Sa paningin nya ang ganda-ganda ko.
Sa paningin nya walang kahit na anong mali sakin.
Siya yung kaisa-isang taong nagmamahal sakin ng totoo.
Kaya kahit ayaw ko ng mag-aral sa impyernong ito. Papasok pa rin ako at magtiis.
Tulad ng dati pagpasok ko pa lang ay sari-saring tawanan at pang-aasar na agad ang bumungad sakin.
Dapat masanay na ako kasi paulit-ulit na lang. Hindi ba sila nag-sasawa? E, simula pa lang ng mag-aral ako dito ganito na palagi yung ginagawa nila sakin. Hindi ba sila napapagod? Kasi ako pagod na pagod na.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarting ako sa classroom ko. At buti naman matiwasay akong nakarating room ko. Binuksan ko yung pinto para makapasok pero pagtulak ko ng pinto kasabay nun ang kung anong bagay na malapot ang bumuhos sakin at maging yung timba na pinaglalagyan nito ay nalalag at tumama sa ulo ko dahilan para mapa-upo ako. Kasunod na no'n ang ingay ng tawanan ng mga kaklse ko at maging yung ibang estudyante na rin na dumadaan.
PUTIK, yan yung laman ng timba na bumuhos sa sakin. Ngayon punong puno na ng putik yung buong katawan ko.
Ayan na naman yung luha ko, tumutulo na naman. Parang wala na atang araw na hindi ako umiiyak
"Ayan, sa wakas natakpan din yung mukha mo. At least ngayon hindi na namin makikita pa yung pagmumukha mo HalleyMaw!"
"Bagay na bagay sayo yung putik, pero alam mo parang mas bagay sayo yung ibaon na sa lupa."
"Hahahahaahahah" tawanan nila.
Dahan-dahan akong tumayo. At taas noo silang tinignan isa-isa.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit nyo ko ginaganito" nagtatapang-tapangan kong tanong.
"Anong kasalanan mo? Yang pagmumukha mo! 'Yan ang kasalanan mo! Ang magkaroon ng ganyang pagmumukha ay hindi katanggap tanggap! At alam mo ba kung ano pa yung mas hindi katanggap-tanggap para samin? Yung nakakasalamuha namin yung isang katulad mo, na hindi naman talaga dapat nandito. Kasi ang bagay sayo nasa perya! Hindi dito kasama namin. Nahihiya kami kasi sa dinami-daming paaralan, bakit dito ka pa nag-aral? Nakakahiya ka! Nakakadiri ka! Nakakasuka yang pagmumukha mo! Isa kang kahihiyan sa paaralang ito!" mahabang lintaya ni Marsha, kaklase ko.
Kung hindi lang talaga ito yung nag-iisang public school sa lugar na ito ay matagal na akong umalis dito. Kasi sino ba namang gustong mag-aral sa inpyernong paaralang ito, at makasama yung mga estudyante dito na mas masahol pa sa hayop ang mga ugali.
"Sa tingin niyo ba ginusto kong maging panget?" sigaw ko sa kanila. "Sa tingin nyo ba ginusto ko itong mga pinag-gagawa nyo sakin? Kayo kaya yung lumagay sa posisyon ko? Nang maramdaman niyo kung anong nararamdaman ko! Nang maranansan nyo kung anong nararanasan ko!
"Ay, sorry girl. Ayaw naming lumagay sa posisyon mo, ang panget panget mo kaya!" nandidiring ani ni naman ni Trasey, kaklase ko rin.
"What's happening here?" biglang sulpot ni Ma'am Tonyales, dahilan para mag-alisan ang ibang estudyante na nonood samin kanina.
"You, Miss Halley Gatchalian," turo nito sakin, "Anong nangyari sayo at bakit puro putik ka?" tanong nito.
Balak ko ko sanang sabihin yung totoong nangyari kaso lahat ng kaklase ko ay masamang nakatingin sakin, na ang ibig sabihin ay huwag akong magtangkang magsumbong.
Siguro mas mabuting huwag na lang akong magsumbong kasi baka lalong silang magalit sakin.
"Kasi po Ma'am, nadulas po ako sa may putikan." pagpapalusot ko na lang.
"Kung gano'n, why are you still here? Bakit hindi pa ka pumunta ng CR para makapagpalit ka ng damit?"
"Wala po kasi akong extra uniform" nakayuko kong sagot.
"Ahm, class do you have an extra uniform na pwede ipahiram kay Miss Gatchalian?
"I have po Ma'am," pagtataas ng kamay ni Marsha.
"Ma'am hindi na po, uuwi na lang po ako. Medyo masama na din po kasi yung pakiramdam ko po."
"You better go home Miss Gatchalian para naman makapagpahinga ka."
"Salamat po."
Pagkatapos kong magpasalamat kay Ma'am Tonyales ay tinalikuran ko na rin agad ito at nagsimula ng maglakad paalis.
Ngayon kasalukuyan akong naglalakad na prang wala sa sarili. Wala akong pakialam kahit pa punong puno ako ng putik at pinagtitinginan ng mga estudyante.
Pero habang naglalakad ako ay-
Aray!...
Bigla na lang may bumato sakin ng bola. Dahilan para matumba ako at mapahiga sa semento. Medyo nakaramdam ako ng hilo dahil sa ulo ko tumama yung bola.
Hindi na ako magtataka kung sinasadya nila 'yon. Kasi lagi naman nilang akong binabato sa tuwing napapadaan ako dito.
Dali-dali akong tumayo at kinuha yung bola at sinilid sa bag ko. Ganyan palagi yung ginawa ko, inuuwi ko yung bola nila. Bahala sila, tutal naman marami silang pera pambili ng bola.
Sa totoo lang ang dami na ngang bola sa bahay. Ito namang si Mama Dudang ginawang negosyo, ayon pinagbebenta yung mga bola na inuuwi ko.
"Sus maryosep! Anong nangyari sayong bata ka?" 'Yan agad ang bungad sakin ni Mamamg ng makita ako. At kitang-kita ko sa mga mata nito ang labis na pag-aalala.
"Anong nangyari sayo Halley? Bakit punong-puno ka ng putik?" nag-aalala nitong tanong, dahilan para maiyak na naman ako.
"M-Mama D-Dudang," tanging nasambit ko habang umiiyak.
Agad akong nilapitan nito at niyakap ng mahigpit. Hindi alitana sa kanya kahit pa puno ako ng putik. "Binully ka na naman ba ng mga kaklase mong kampon ni Barakuda, ha? " tanong pa nito.
Hindi ko ito sinagot, imbes ay nagpatuloy na lang sa pag-iyak.
"Magbihis ka Halley, bilisan mo. Pupunta tayong school mo at magsusumbong tayo sa principal. Para naman maturuan ng leksyon at maparusahan yang mga nambubully sayo! Sobra na sila! Kahapon itlog! Ngayon naman putik! Ano sa susunod? Ihi? Tae?"
"Mama Dudang huwag na po, kasi po baka lalo lang lumaki yung gulo kapag nagsumbong pa tayo. Hayaan na lang po natin sila, magsasawa din po yang mga iyon."
"Hindi Halley, kapag hinyaan natin yang mga iyan na bulihin ka Ay baka lalo lang silang mamimihasa. At baka sa susunod ay may mas malala pa silang gawin sayo. Tsaka paanong magsasawa? Abay Halley, mula kinder ka palang binubully ka na ng mga iyan! Kailan sila magsasawa, kapag patay ka na, ganoon ba?
"Hayaan na lang po natin sila Mamang. Ang Diyos na lang po ang bahala sa kanila."
"Hay! Kahit kailan talaga, napakabait mong bata. Kaya ka naabuso. Oh, sya sige na, maligo ka na. Tignan mo tuloy ang Mamang mo puro putik na."
"Sige po Mamang. Oo nga po pala, may dala po akong bola."

Bình Luận Sách (299)

  • avatar
    Moma Ni Ethan

    Napaka ganda ng story natu

    8d

      0
  • avatar
    OfficialChoulian

    Its so good reader

    11d

      0
  • avatar
    SottoLucky lyn

    good

    17d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất