logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 30: Realization

LUSH,
Kinabukasan, hapon na ng magising ako. Halos umaga na rin kasi ng makatulog ako. I was bombarded with thoughts and questions na kahit ako mismo ay hindi masagot dagdag pa na malikot matulog si Josh dahil sa isang oras yata ay nakakapagpalit sya ng isang daang pwesto. Muntik pa akong mahulog sa kama kagabi ng bigla nya akong sipain sa tagiliran. Gusto ko syang suntukin kaya lang tulog yong bata baka hindi na magising. Biro lang. May lahi lang siguro silang kabayo kaya ganun sya. Kaya heto, hindi lang ulo at mata ko ang masakit kundi na rin ang tagiliran ko na sinipa ni Josh.
Ako na lang mag-isa sa kwarto kung saan kami natulog kaya agad akong bumaba. Ala una na ng hapon kaya baka nauna na silang umuwi. Hindi man lang ako ginising. Wala akong nadatnan ni isang anino sa salas kaya dumeritso ako sa kusina ngunit wala ring tao roon. Baka nga umuwi na sila. Si Clau kaya? Si Ash?
Nakakita ako ng pagkain sa lamesa. Meron syang takip at mukhang kanina pang tanghali niluto pero hindi ko yon pinakialaman. I decided na umuwi na lang para sa bahay magpatuloy sa pagtulog dahil masama pa rin talaga ang tama ko. Mabigat ang aking mga mata at sumasakit ang aking ulo. Naghanap ako ng kapirasong papel at ballpen saka nagsulat. Iniipit ko iyon sa takip ng ballpen at ipinatong sa lamesa kung saan mapapansin kaagad ni Calyx. Malinis na ang buong living room kaya hindi na ako na-konsensya na umalis. Sapat na siguro yong sulat na iniwan ko bilang paalam.
Ayoko rin kasing hanapin pa si Calyx. Ayoko munang humarap sa kanya dahil sa nangyare kagabi, dahil sa ginawa ko at sa inamin nya. Kahit ako wala akong idea kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga bagay na yon. Ganun ba kapag lasing ang isang tao bigla-biglang tumatapang at kahit mga komplikadong bagay ay nasasabi. Sana pala hindi na lang ako uminom.
Hindi naman ako napagalitan ni mama ng makauwi ako dahil wala na naman sya sa bahay. Sigurado akong kasama na naman yon ni Tita Wins at inaasikaso ang kanilang business kuno. Hindi ko rin nadatnan si Lyzee sa kanyang kwarto at doon ko lang naalala na lunes nga pala ngayon. Ibig sabihin ako lang ang hindi nakapasok sa amin.
Nagluto ako ng noodles, kumain at naligo bago nahiga sa aking kama. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang antok na kanina ko pa nararamdaman kaya pumikit na lang ako at hinayaan na lamunin ng dilim.
Nagising ako ng maramdaman ko na may humahawi sa buhok ko.
"Hmm..." Ingit ko habang nanatiling nakapikit sa pag-aakalang si Lyzee iyon. I was about to sleep again when I felt a wet and soft thing on my forehead. Someone kissed me. Antok na iminulat ko ang aking mata at inangat ang kalahati ng aking katawan mula sa pagkakadapa sa aking kama. Inilibot ko ang aking mata na waring anumang oras ay babagsak na naman ngunit wala akong nakitang ibang tao kundi ako lang.
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at umingit na parang bata. Panaginip ko lang siguro yon. I still can feel his or her lips on my forehead that I thought it was real. Bumaling ako sa orasan na nakasabit sa pader ng kwarto ko malapit sa kabinet at nakitang mag-aalas syete na naman pala ng gabi kaya nagdesisyon akong bumangon na lang. Malapit na ako sa pinto ng kwarto at handa ng lumabas when I smell a familiar perfume. That greeny perfume. Nangunot ang noo ko. Agad na pumasok sa isip ko ang isang tao kaya dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan.
"Ma, may pumunta ba dito?" Tanong ko kay mama ng madatnan ko syang naghahain ng pagkain sa lamesa.
"Ah oo. Kaibigan mo, Sean yata ang pangalan e. Pinapuntahan kita sa kwarto mo pero sabi tulog ka raw." Pagkukwento ni mama.
Napatango na lang ako at naupo sa malapit na upuan. Ano kayang kailangan ng lalaking yon at pumunta pa sya dito. He should have texted me kung may gusto syang sabihin or what. Tinawag ni mama si Lyzee na nanonood ng paborito nyang show at sabay-sabay kaming kumain. Pagkatapos kung makipagtalo kay Lyzee kung sino ang maghuhugas ng pinggan ay agad na akong dumeritso sa kwarto ko. Syempre ako nanalo sa debate namin. Magpapatalo ba naman ako. No way! I already lose to someone. Tss.
Kinabukasan, doon lang ako nag-decide na pumasok na sa school. Buong maghapon na naman akong nag-stay sa loob ng classroom at hindi nagtangkang sumama sa canteen para kumain. Paniguradong nandun ang limang magkakaibigan at ayokong magpakita sa dalawa sa kanila. Dati rati kay Sean lang ako umiiwas pero ngayon pati kay Calyx na rin. Naki-usap na nga lang ako kay Clau na ibili nya ako kahit biscuits at water na lang but instead ibinili nya ako ng chicken.
"I love you, Clau!" Namumualan kung saad. Iwinagayway ko ang piniritong hita ng manok sa harap nya.
"Tss." Kita ko ang pag-ikot ng mata nya. Humalumbaba sya sa harap ko at nagtanong. "Ano na naman ba kasing palabas 'to? Huh, Lush Alexander Hamilton?"
I stopped chewing and think about an alibi I could tell her. And even before I realized it, I already opened my mouth and my tongue slipped. "I'm avoiding Sean...and Calyx."
Nangunot ang noo ni Clau. Inalis nya ang palad na nakatukod sa kanyang pisngi at nilapit ang mukha nya sakin dahilan para mapa-urong ako. "At bakit? Wait--- don't tell me Sean's the reason kung bakit nag-tyaga ka rin ng gutom last last week?" Pang-iintriga nya.
I bit my bottom lip and nodded slowly. "Yes."
"Anong meron? Anong nangyare?"
Wala na rin namang dahilan para magsinungaling pa ako kay Clau. Sya lang naman ang nasasabihan ko tungkol sa ganitong mga bagay. And I know she won't judge me. "Last night... I did something bad." Halos pumilipit na sa hiyang pag-amin ko.
"How...bad it is?"
"Kunti hehe."
Magsasalita pa sana si Clau ng biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase ngayong hapon. Dali-dali naman akong tumakbo sa labas para itapon ang pinagkainan ko at ayusin ang sarili pagkatapos ay saka ako bumalik sa room para makinig ng lesson pero hindi rin nangyare dahil madalas akong napapatulala sa yellow green na pintura ng aming classroom. Hindi ako mapakali. Lumingon ako kay Clau na naka-focus lang sa unahan. Naramdaman naman nya yata na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon sya sakin at kumunot ang noo na waring nagtatanong kung anong nangyayare sakin.
"DO you think I'm gay?"
Muntik ng maibuga ni Clau ang iniinom na tubig ng marinig ang sinabi ko. Madali syang tumakbo papunta sa lababo at marahas na iniluwa ang tubig mula sa bibig n'ya at humarap sakin.
"What?!" Hindi makapaniwalang tanong nya. Tiningnan ko naman s'ya na parang ang lahat ng problema ay na sakin. Pagkatapos ng klase kanina ay dumeritso kaming dalawa dito sa bahay nila para mag-usap. Wala pa naman si tita Wins dahil may meeting raw ito at baka gabihin ng uwi.
"Clau..." Bagsak ang balikat na sumandal ako sa upuan. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"B-bakla ka?" Waring nanghihinang naupo si Clau sa katapat kung upuan.
"I...I don't know. I'm confused."
"What made you think you're gay?" Matagal akong tinitigan ni Clau sa mata bago muling nagsalita sa pabulong na paraan pero sapat pa rin naman para marinig ko ng maayos. "Or should I say who?"
"Its Sean." Walang pagdadalawang-isip na sagot ko.
"You like Sean?" Napaikot na lang ang mata ko dahil sa sinabi nya. Hinilot ko ang sintido. Ugh. Mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil kay Clau.
"Hindi ko alam, okay? Naguguluhan nga ako. Clau naman!" Pa-iyak ko ng usal.
" Okay! Okay! Ano ba nangyare?"
Kinagat ko ang labi ko. Nag-iisip kung sasabihin ko na ba kung anong meron samin ni Sean. Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili.
"Me and Sean had a deal." Panimula ko. This time hindi na nagkomento pa si Clau. Mabuti naman. Baka isupalpal ko na sa bibig n'ya itong mansanas na nasa harap ko.
Huminga ako ng malalim at lumunok. Pakiramdam ko ay may nakaharang sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pagkukwento. Natatakot ako sa ma-rerealize ko once na mailabas ko lahat ng gumugulo sa isip ko. Pero nandito na rin naman ako.
"And...and I lose the deal. He wanted me to be hi kissing buddy like...like he'll kiss me whenever he want to. At first, against ako sa gusto nya, but he blackmailed me. I became his kissing buddy pero hanggang dun lang yon. We kiss then act as if we didn't know each other. " Saglit akong huminto sa pagsasalita. "I hate him, but...I don't know...hindi ko maintindihan ang sarili ko. Minsan hinahanap-hanap ko na yong presensya nya, I responds to his kisses and sometimes I'm the one initiating the kiss. I feel butterflies in my stomach everytime he's kissing me. He makes my heart beat fast and loud  and sometimes bigla ko na lang syang naiisip." Halos lumubog na ako sa aking kinauupuan ng matapos akong magsalita. Nakatingin lang ako sa lamesa habang ramdam ko naman ang titig ni Clau sakin. Ilang minuto rin kaming tahimik pareho. Waring pinoproseso pa ni Clau sa kanyang isip ang mga sinabi ko.
"Problema yan, Alexander." Sinabunutan ko ang sariling buhok dahil sa pagka-frustrate.
"Do you think I like him?"
"I don't know hindi pa naman ako na-iinlove e." Kibit balikat na saad ni Clau.
"Nakatulong ka, Clau. Salamat." Sarkastiko kung saad. Muli kaming nabalot ng katahimikan.
"Kung ako ang tatanungin mo, after what you've said? Iisipin ko rin na may gusto ka nga sa kanya pero ikaw lang rin ang makakasagot nyan, Alexander." She looked at me na parang naaawa sya sa sitwasyon na meron ako ngayon. "Ikaw? Sa sarili mo? Gusto mo ba sya?"
Napaisip ako sa tinanong ni Clau. Naiintindihan ko naman na hindi sya makakapagbigay sakin ng malalim na payo dahil alam kung hindi pa sya nagkakagusto. Sa kanya ko lang talaga pwedeng sabihin lahat ng ito.
" I'm not sure. I don't want to admit it. Si Ashley yong gusto ko. "
Nahulog ang braso ni Lee na nakapatong sa gilid ng lamesa dahil sa sinabi ko. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Clau.
" Sigurado ka bang gusto mo talaga si Ashley? " Tumango ako pero matagal bago ko yon nagawa. Pinag-isipan ko pa kung sasagot ba ako o hindi. I like Ash, but what I'm feeling towards Sean makes me confused as hell.
" Nararamdaman mo ba kay Ash yong mga bagay na nararamdaman mo kay Sean? Like what you said, butterflies, abnormal na pagtibok ng puso mo kapag malapit sya and such thing... "
Hindi agad ako nakasagot. Nag-isip ako ng malalim. Oo, masaya ako kapag nakikita at nakakasama ko si Ashley pero hindi ko nararamdaman sa kanya yong mga bagay na nararamdaman ko kapag kasama ko si Sean. I don't look for her when she's not around like what I'm doing kapag hindi ko nakikita si Sean. And this is the reason why I'm avoiding him. Dahil sobrang naguguluhan na ako sa nararamdaman ko kapag malapit sya sakin. Dahan-dahan akong umiling habang nanatiling nakayuko.
"Better figure it out yourself." Narinig ko ang pag-urong ng upuan. Tumayo si Clau. Lumapit sya sakin at tinap ang balikat ko bago dumeritso sa harap ng ref at nangalkal ng pwedeng kainin.
Huminga ako ng malalim at umiling upang mawala ang mga bagay na gumugulo sa isip ko.
"Meron pa palang pizza dito. Kumain ka muna. Ikain mo muna yan." Inilapag ni Clau ang plato na may tatlong hiwa ng pizza sa harap ko. Nanghihinang kumuha ako ng isa at kumagat.
Nung dumating si Tita Wins. Pumunta kami ni Clau sa kwarto n'ya at doon nagmukmok.
"You're bi." Umangat ang tingin ko kay Clau.
"How did you know?"
Nagkibit balikat si Clau at binitawan ang hawak na cellphone. "Simply, because you like both girls and boys."
"Ngayon ko lang naman naramdaman to e." Mahinang saad ko. Nilaro ko ang aking mga daliri.
"Baka hindi mo lang napapansin kasi nga diba? Buong buhay mo itinuon mo yong atensyon mo sa mga babae na hindi mo naman mahal." Napapa-irap na usal ni Clau.
" I'm literally feeling anxious right now. "
Natawa si Clau at lumapit sa'kin. Niyakap nya ang braso ko. "Look, tanggap kita, okay? Ewan ko lang kung tanggap ka ni Tita."
Hindi pa rin nabawasan ang isipin ko kahit sinabi na ni Clau na tanggap nya ako hindi dahil baka hindi ako tanggapin ng pamilya ko kundi dahil ako mismo ayokong tanggapin sa sarili ko, ayaw tanggapin ng isip at katawan ko. What if mali ako? what if hindi ko naman talaga sya gusto? What if naninibago lang yong puso at katawan ko dahil sa deal na meron kami?
Ughh...
"I just realized something." Umalis na si Clau sa tabi ko at bumalik sa pagkakaupo nya sa harap ng kanyang maliit na study table.
"Hmm?" I look up at her.
"You really are a great secret keeper."
Nangunot ang noo ko." What do you mean?"
"Look, hindi ko man lang nahalata na meron na palang nangyayareng kakaiba sa pagitan nyo si Sean kung hindi mo pa sinabi. Ni hindi ko pa man lang kayo nakitang mag-usap sa harap ko sa dalawang buwan na pag-sstay mo sa school."
"I'm sorry." Nakayuko at mahinang usal ko.
"Kelan matatapos deal nyo?"
"Next month, I guess."
Tumango-tango si Clau. Pagkatapos ng naging usapan namin ay umuwi na rin ako dahil gabi na. Pinapakain pa ako ni Tita ng dinner sa kanila pero tumanggi ako. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Kailangan ko ng magpahinga. Baka sakaling malinawan ang isip ko o baka naman lasing pa ako.

Bình Luận Sách (21)

  • avatar
    Trixie Ramirez

    Wala po ba syang part2 nakakabitin naman 😭😭

    02/08

      0
  • avatar
    PilardoAngelica

    author wala po bang pt2??? 😭

    17/06

      0
  • avatar
    VillegasFrancis

    nice and good

    12/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất