logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 28: Save Me

Ramdam ko nanaman ang lamig na bumabalot sa aking katawan na umaabot sa aking buto. Ang katahimikan, ang pag-iisa, ang pagkakulong, at kadiliman na bumabalot sa pagkatao ko. Bumabalik sa ala-ala ko lahat ng nangyari sa kabataan ko. Isa iyong bangungot na napakahirap takasan, isang bangungot na dinadanas ko ulit ngayon.
Ipinikit ko ang aking mata kasabay ng pagtulo ng aking luha. Sa pangalawang pagkakataon ay nararamdaman ko nanaman ito. Nilulukob nanaman ng takot ang pagkatao ko.
Paxton, alam kong darating ka— dahil dumating ka noon. Transferee ka lang at ng malaman mo agad na may ikinulong sa locker ay agad mo akong tinulungan. Ikaw nalang ang inaasahan ko ngayon kaya sana ay dumating ka.
Ramdam ko ang paa na dumikit mula sa likuran ng kinalalagyan kong container hanggang sa sipain nito ang kinalalagyan kong container na agarang bumagsak. Ilang segundong dama ko ang pagbagsak ng container kung nasaan ako hanggang sa huminto iyon at naramdaman ko ang tubig sa aking paanan. Unti-unting lumulubog ang container pero pilit ko iyong iniaangat subalit masyado itong mabigat kaya naman humugot ako ng hangin hanggang sa pasukan na ng tubig ang buong container. Tinanggal ko ang tali sa kamay ko pero hindi ko talaga iyon matanggal kaya naman huminto na ako— nakakapagod lumaban mag-isa sa mundong ito.
Sawang-sawa na akong ipakilala ang sarili kong masama kahit na ang totoo ay naghihiganti lang naman ako. Lahat ng pinatay ko ay may mga nagawang sobrang masama sa akin, pero hindi iyon alam ng mga tao. Kriminal ako, iyon ang alam nila... hindi nila alam at walang nagtangkang umalam ng kwento sa likod ng mga nagawa ko.
Pailalim ng pailalim ang kinalalagyan kong container hanggang sa naubo ako dahil nauubusan na ako ng hangin sa katawan.
Maayos akong napalaki ng pamilya ko. Sila ang dahilan kung bakit pa ako nagpapatuloy kahit na gustong-gusto ko ng magpakamatay. Alam kong malulungkot sila kapag namatay ako rito. Pero sana bigyan ako ng pahintulot na pawiin ang luha nila kapag umiiyak sila. At si Paxton... gusto kong sabihin sakaniya na gusto ko siya. Napakahangal ko dahil ngayong mamamatay na ako ay doon ko lang napagtanto ang bagay na iyon.
Naramdaman ko na lumapag na ang container sa lupa at unti-unti na akong tinatakasan ng kaunting hangin sa aking katawan. Ipinikit ko ang aking mata hanggang sa maramdaman kong may sumusuntok sa container.
Paxton, alam kong ikaw 'yan. Dama kong ikaw iyan.
Buong lakas nitong binuksan ang container at tama nga ako, si Paxton iyon, pero hindi siya nag-iisa dahil kasama niya si Miles, Mason, si Adrian, at maging si Diego. Hinila nila ako paalis roon at lumangoy paitaas. Subalit hindi ko na kaya. Unti-unting dumulas ang kamay ko sa kamay ni Paxton kaya muli akong lumubog at tuluyan ng pumikit ang aking mata.
Sa mga oras na nababalot ako ng dilim ay dumating si Paxton. Dalawang beses niya akong inialis sa kinatatakutan kong kadiliman. Siya ang nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo— kaya nagpapasalamat ako.
•|||•
Unti-unti kong naramdaman ang aking katawan at napabangon. Bumuga ako ng tubig at walang tigil sa pag-ubo.
"Ate!" sabay-sabay na sigaw nilang lahat at agaran nila akong niyakap. Hinabol ko naman ang aking hininga at niyakap rin ang mga ito.
"Grabe, a-akala ko mawawala ka na."
Napatingin ako kay Paxton at nakitang namumula ang mata nito. Basa ang buo niyang mukha kaya naman hindi ko na matukoy kung saan roon ang luhang tumutulo mula sakaniyang mata. Ngumiti ako at hinila siya sabay hinalikan ang labi nito kaya naman napalayo sa akin ang tatlo at hinayaan kaming dalawa. Hinawakan nito ang aking magkabilang pisngi at gumanti sa aking paghalik. Pagkatapos nu'n ay mahigpit niya akong niyakap.
"Paxton, gusto kita. Gustong-gusto kita," bulong ko rito at humigpit ang pagkakayakap sakaniya.
"Bakit ko naman sinasabi 'yan dito at sa ganito pang oras?" aniya kaya naman napatingin ako sa apat at napangiti.
"Natakot ako, natakot ako na baka mamatay akong hindi nasasabi 'yun sayo. At least ngayon nasabi ko na."
"Sinasabi mo bang handa ka ng mamatay dahil umamin ka na sakaniya? Pano naman kami!" reklamo ni Miles.
"Hindi namin hahayaang mamatay ka," saad naman ni Adrian.
Umiling-iling nalang ako at ipinikit ang aking mata. Pinakiramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Paxton sa likuran ko na para bang hinehele ako.
"Huwag ka ng mag-alala dahil nahuli na namin silang lahat. Kaso medyo nahuli kami dahil nasa tubig ka na ng dumating kami." saad naman ni Diego at bumuntong-hininga.
"Lagi namang huli ang mga pulis." komento ni Mason.
"Mananahimik kayo o pag-uuntugin ko kayo?" sita naman ni Ike sakanila kaya natahimik na ang nga ito.
"Alam ko na 'yung sagot," biglang bulalas ni Paxton. "Ikaw 'yung batang babae na ikinulong sa locker. Akala ko ay parusa mo lang iyon pero nalaman ko na apat na araw ka ng nakakulong roon kaya naman hinintay kong makauwi silang lahat bago ka tulungan. Patawarin mo ako kung palagi akong nahuhuli sa pagliligtas sa'yo."
"Kung ganu'n, alam mo narin ang dahilan ko kung bakit ko pinatay ang tatay mo?"
Tumango ito bilang sagot kaya naman mahigpit akong humawak sakaniyang damit.
"Nagalit rin ako sakaniya dahil hindi siya nanalo kaya nilayasan niya kami, doon ay pinuntahan niya sila Nikolai at siya ang pinalaki nito. Pero nakaraan na iyon. Ayoko ng alalahanin mo pa iyon. Ngayon ay hayaan mo akong tanggalin ang takot mo sa dilim. Hindi kita iiwan, hindi ko bibitawan ang kamay mo. Magtiwala ka sa akin, okay?"
Tipid akong tumango at ngumiti.
Ngayon ay kampante na ako dahil may tao ng gustong manatili sa tabi ko at pawiin ang takot ko. Walang kwenta ang paraan ng muli naming pagkikita at hindi mabuti ang simula namin, pero hindi ko akalain na sa ganito rin kami magtatapos. 'Yung taong kinamumuhian ko pala ang taong tutulong sa akin, at 'yung taong akala ko'y magpapalaya sa akin ay siya pa palang magtatangkang patayin ako.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa damit ni Paxton.
"Taki? Taki."
Tinapik-tapik ako nito pero hindi na ako umimik. Pagod na ako at parang gusto ko ng magpahinga. Hindi ko alam kung gaano ito katagal at baka umabot ng habang-buhay. Pero sa kabila nu'n ay nagpapasalamat ako. Sa kabila miserable kong buhay ay napunta ako sa pamilyang puno ng pagmamahal at inaruga nila ako ng mabuti. At may nakilala akong lalaking handa akong iligtas sa kabila ng ugali ko.
Sapat na sa akin iyon.

Bình Luận Sách (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    13d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    19d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất