logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 26: Her Fear

Tumingin ako sa ibaba at pinakatitigan ang sahig. Mahigpit akong humawak sa railing at ipinikit ang aking mata. Wala akong ibang nakikita kundi kadiliman, kadiliman na nagpapakilabot sa pagkatao ko.
Buong buhay ko ay wala akong ibang gustong takasan kundi ito. Natatakot ako sa tuwing napupunta ako sa kailaliman ng pag-iisip ko. Nababalot ako ng kadiliman at hindi ko alam kung saan ang daan para matakasan ito. Nagsimula lang naman ito noong bata pa ako.
"'WAG!"
Pinaghahampas ko ang pintuan ng locker upang piliting makalabas roon. Mula sa kinalalagyan ko ay rinig ko ang tawanan mula sa labas at kung paano nila ako ikandado sa loob ng locker. Kasunod nu'n ay tumunog ang bell tanda na oras na ng uwian, imbes na pakawalan ay nagsitakbuhan na silang lahat paalis ng hindi ako pinapansin.
Walang tigil ako sa pag-iyak at pagmamakaawang pakawalan pero wala na akong marinig na kahit na anong boses o yabag ng paa mula sa labas. Napagod ako sa kasisigaw kaya naman naupo muna ako at niyakap ang aking tuhod.
Ang kaunting siwang lang ang nagbibigay ng ilaw sa akin mula sa loob ng locker, pero unti-unti iyong nawala tanda na gabi na kaya naman naiwan ako roon ng mag-isa sa masikip na kadiliman.
Hirap ako sa paghinga at takot na takot dahil wala akong kasama. Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng kung ano sa likuran ko at hanging umihip na para bang nagsasabing hindi ako mag-isa roon. Kung ano-ano ang pumasok sa isipan ko. Hindi mabuti ang mga tao, masasama sila. Ang paghihirap ng isa ang nakapagbibigay ng kasiyahan sakanila.
Dahan-dahang nagmulat ang aking mata at nagpaalamon sa kadiliman. Ang kadilimang ito ang saksi sa pag-iisa ko.
Nang dahil sa pangyayaring iyon ay nagbago na ang takbo ng buhay ko. Animo'y pumasok ang kadilimang iyon sa isipan ko at naging bangungot sa akin. Sa bawat pagpasok ko sa kailaliman ng isipan ko ay nakukulong ako sa kadilimang iyon at parang bumabalik ako sa pagkakataong nakakulong ako sa loob locker. Doon narin ako natutong pumasok sa iba't ibang gulo, ang malala ay— nakakapatay narin ako.
Mariin kong ipinikit ang aking mata. Hanggang sa maramdaman kong may yumakap sa aking katawan mula sa likuran.
"Hindi ka naman siguro magpapakamatay dito, diba?" rinig kong bulong ng boses ng lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Paxton.
"Hindi, ayokong mamatay." sagot ko at iminulat ang aking mata. "Hindi ko pa sila nauubos."
"Sino?"
Tumahimik ako at hinarap siya sabay tinakpan ang mata niya. "Anong masasabi mo sa kadiliman?" pag-iiba ko ng tanong.
"Maganda," anas naman nito at sumilay ang ngiti sakaniyang labi. "Sa gitna ng kadiliman ay nakikita kitang nagliliwanag."
Ibinaba ko ang aking kamay habang natatawa naman siyang tinignan ako ngunit napawi iyon ng malakas ko siyang sampalin.
"Hindi maganda ang kadiliman."
"Teka, bakit kailangan mo aking sampalin para sabihin lang 'yun? Ano bang problema mo?"
Tinignan ko lang siya at nag-iwas ng tingin sabay bumuntong-hininga. "Pagod na ako, magpapahinga muna ako sa kwarto ko."
Aalis na sana ako pero hinawakan nito ang kamay ko dahilan upang matigilan ako.
"Taki, sabihin mo sa akin kung may problema. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ito dahil sa tanong mo. Madalas kong nakikita na nakabukas ang ilaw sa kwarto mo at hindi mo iyon pinapatay. Hindi lang iyon dahil bukas rin ang lampshade mo at may kandila pang nakasindi. Takot ka ba sa dilim?" mahaba niyang sambit na ikinatigil ko.
Suminghap ito at pinaharap ako sakaniya sabay hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Sabihin mo sa akin ang dahilan."
Napatingin ako sa mata niya at pinagmasdan iyon ng maigi. "Matagal mo na akong sinusubaybayan, tama?" tanong ko na tinanguan niya. "May napapansin ka ba sakanila?"
Naningkit ang mata nito at tumingin sa sahig.
"Lahat sila, ah mali, lahat kami ay mula sa iisang eskwelahan. Hanapin mo iyon at alamin. Malalaman mo ang sagot sa sarili mong tanong," saad ko at naglakad na paalis.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay narinig ko na nagring ang phone ko kaya naman inilabas ko iyon at sinagot ang tawag ni Diego.
"Hello."
"Taki, may malay na si Papa!" masigla nitong pamamalita.
"Talaga? Pupunta agad ako diyan."
Dali-dali ko siyang pinatayan ng tawag at tumakbo palabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko ng pintuan ng bahay ay natigilan ako ng makita si Nikolai kaya naman agarang napawi ang ngiti sa aking labi.
"Anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong pero hinila niya ako palapit sakaniya. Natigilan ako ng maramdaman ang malamig na bibig ng baril na nakatutok sa sentido ko.
"Binabawi na kita," bulong niya at nakita ko sa harapan si Paxton na natigilan sa paglalakad ng makita kami.
"Taki."
Agaran itong napaatras dahil bigla nalang siyang binaril ni Nikolai sa balikat na ikinatanga ko, P-paxton.
Bumalik sa reyalidad ang pag-iisip ko ng maramdaman ang marahas na paghila sa akin ni Nikolai at dinala ako sa isang kotse. Si Paxton. Agaran kong sinapak ang mukha ni Nikolai at binuksan ang pintuan. Tatakbo na sana ako palabas pero hinila nito ang aking buhok.
"PAXTON!" bulong lakas kong sigaw ng makita siyang iika-ikang naglalakad palabas ng bahay habang hawak-hawak ang kaniyang balikat.
"I'm sorry, Taki." mahinang bulong ni Nikolai at ihinampas sa batok ko ang hawak niyang baril kaya naman umikot ang paningin ko at bumagsak ang aking katawan.
Hindi ko alam kung bakit, pero 'yung taong pinagkatiwalaan kong hindi mananakit sa akin ay narito at tinutukan pa ako ng baril. Nakakapanlumo, pinapatunayan niya lang na dapat ay hindi ako magtiwala sa mga hindi ko kakilala, na gagawin ko talaga. Hindi na ako magtitiwala.
•|||•
Nagising ako dahil nananakit ang mga tuhod kong mukhang matagal na nakatiklop. Agarang nagising ang diwa ko ng mapagtanto kung nasaan ako.
"Taki."
Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Nikolai. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito, hindi siya 'yung Nikolai na nakilala ko.
Tanda, ito ba 'yung taong gusto mong makatuluyan ko? Hindi ka pwedeng maging kupido, nagiging miserable ang buhay ng taong pinagtatagpo mo.
Tumayo ako at inilibot ang paningin. Nasa isang tulay kami kung saan tahimik ang paligid at napapalibutan ng maraming kalalakihan.
"Taki Villanueva."
Napatingin ako sa sunod na nagsalita at nakita ang isang babae. Natigilan ako ng makita ang mukha nito. Oh hindi.
Deborah, siya ang lawyer ko na kasama ko sa bawat paglabas pasok ko sa hukuman. Kung ganu'n ay siya ang nanay ni Nikolai?
"Natutuwa akong hindi ka makita ng halos dalawang buwan at hindi problemahin ang gulong pinasok mo. Proud ako sa'yo." aniya ng nakangiti at mabagal na pumalakpak.
"Anong dahilan at bakit kailangan niyo akong dalhin rito?" tanong ko at sinubukang kalagan ang nakatali kong kamay pero masyadong mahigpit ang pagkakatali roon. "Pakawalan niyo ako! Gusto kong puntahan si Tito Alf!"
"Oh, buhay pa pala ang hinayupak na 'yun?" wika nito at humalukipkip. "Alam mo, maraming dahilan kaya ikaw ang nasa ganiyang sitwasyon ngayon. Una, pamangkin ka ni Alfresco Sebastian Hudson, na dating asawa ng kapatid kong si Alyse. Hindi niya pinrotektahan ang kapatid ko kaya naman namatay siya kasama ang baby na nasa tiyan niya."
Teka, si Tita Alyse?
Tama, kilala ko siya pero hindi ko na siya nakaharap. Ang alam ko lang ay namatay siya kasama ang panganay sana ni Tito Alf at ang nakatatanda ko sanang kapatid.
"Pangalawa, anak ka ni Molly Hudson Villanueva. Konektado rin siya sa pagkamatay ng kapatid ko, ah mali, malaki ang kasalanan niya roon."
"Pero si Scarlet Seiko ang may kagagawan nu'n!" giit ko.
"Tama, pangatlo ay apo ka niya. Pang-apat ay pinatay mo ang asawa ko. Panglima ay ginawa mong kabit ang anak ko. At pang-anim na huli sa lahat, asawa ka ni Paxton. Napakadami ko talagang dahilan para puntiryahin ka kaya— huwag ka ng magtaka."
Suminghap ako at napatingin kay Nikolai.
"Hahayaan mo bang mangyari ito? Akala ko ba poprotektahan mo ako?" tanong ko rito pero hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Gaya ng sabi ni Mama, maraming dahilan para puntiryahin ka." tangi niyang sagot kaya bumuntong-hininga ako. "At meron pa."
Nag-angat ako ng mukha at natigilan ng makita ang isang malaking container. Kinaladkad ako ng isang lalaki at pilit na ipinapasok roon pero panay ang pagwawala ko.
"Naaalala mo pa ba 'yan?"
Tinignan ko si Nikolai at pinag-aralang mabuti ang mukha niya. Unti-unti ay nakita ko ang hitsura nito ng bata at doon ko napagtanto ang lahat.
Siya iyon. Siya 'yung batang lalaki na may kagagawan kung bakit ako ikinulong sa locker. Siya nga iyon— sigurado ako.

Bình Luận Sách (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    13d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    19d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất