logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

STAY_Trixie

STAY_Trixie

Rose


Chương 1 Prologue

Isang malakas na dagundong ng kalangitan, kasabay ang naglalagablab na kidlat at malakas na ulan, ang naging dahilan ng pagising ng isang dalagita. 
Marahan itong umupo sa sahig kung saan siya ay nakaratay. Minsan pa ay napapangiwi ito ng may maramdamang sakit sa braso at bandang tiyan. Pinagmasdan niya ang paligid, walang ilaw pero may kaunting liwanag mula sa maliit na bintana rito. Tanaw sa maliit na bintana na iyon ang malalaking butil ng ulan.
Nakakalungkot…
•••
Mula sa labas ay may mga bomberong isa-isang tinutulungan ang mga estudyante palabas ng paaralan. Mayroong sugatan, mayroon namang nahihilo lang at inaalalayan. Mayroong mga tent, sa loob ng mga ito ay pinapatuloy ang mga sugatan at ginagamot. Mayroon ding mga abulansyang kadarating at papaalis palang. Nagkalat ang maraming responde, estudyente at mga napapadaang mga tao sa lugar na iyon.
"Yes sir, tinutulungan na lang po namin ang mga estudyante…yes sir…pasalamat tayo dahil sa bagyo.. Mahirap sir dahil sa lakas ng ulan, naidala na rin ang mga may natamong malalang injuries. Ang mga minor ay ginagamot dito sa tent" Patuloy sa pagreport sa telepono ang isang bombero. Nagpalakad-lakad pa ito sa paligid at pinagmamasdan ang pangyayare.
"Sir mukhang wala na po ang tinutukoy niyo!" Sambit ng isang responde ng makalapit ito sa kanya. Napapapikit pa ito dahil sa tubig-ulan na umaagos sa mukha nito, kahit na may suot itong kapote.
"Anong wala!? Hanapin niyo ng maigi!!"
Ibinaba nito ang telepono at ibinaling ang tingin sa dalawang binata, na nakaupo sa loob ng abulansya.
"Ayos lang kayo!" May kalakasan nitong pag-kakasabi dahil sa malakas na buhos ng ulan. 
"A-ayos lang po, sir" aniya ng nakasalamin.
"Ano!?" hindi nito na rinig, kaya nagthumbs-up na lang ang dalawa bilang tugon.
Mayroon silang kaunting galos sa braso at pisnge.
"Mabuti naman" pumasok ito sa loob ng abulansya. "Maraming salamat rin at tinulungan niyo ang ibang mga estudyante. Ang lakas ng apoy kanina. Blessing rin na bumagsak ang bagyo, kundi ay pati office ay nilamon na ng apoy. Tiyak mawawala lahat ng records niyong mga estudyante doon 'pag nagkataon" kunot-noong pagkakasabi nito.
Walang naisagot ang dalawang estudyante at tumango na lang.
"Hayaan 'nyo at ipinapahanap ko na ang sinasabi nin'yo kanina. Hindi n'yo na kailangang magpumilit na pumasok pa 'dun at delikado! Wag n'yo nang gayahin iyong isa n'yong kasama"
Nilingon nila ang lalakeng mas marami ang natamo kaysa sa kanilang dalawa. Nakasanday ito sa kotse ng pulis at umiiyak. Hinahawakan ito ng pulis sa braso at inaakay kung sa may first aid kit, pero ibinabalibag lang nito pabalik ang kamay ng pulis. Napabuntong-hininga na lang ang dalawa.
•••
Kung anong kaguluhan sa labas ay ganoon ang katahimikang nandito sa loob.
Dahan-dahan itong tumayo habang inililibot ang paningin. Hanggang sa dumapo ang mga mata nito malaking salamin. Doon nito napagtanto na nasa palikuran ang kinaroroonan niya. Binalot ng takot na reaksyon ang kanyang mukha nang makitang may dugo sa bandang noo niya. Ang kanyang damit ay bahagyang may mga punit. Isang iglap ay tumulo ang mga luha nito. Dagli itong naglakad patungong pinto at sinubukang buksan iyon, ngunit bigo dahil nakalock at sira iyon.
"TAO PO!! MAY TAO BA D'YAN SA LABAS!?" kumatok ito ng ilang beses.
"TAO PO!!! TULUNGAN NIYO PO AKO" Mas nilakasan nito ang paggawa ng ingay sa pinto. "TULUNGAN NIYO PO AKO, NA LOCK PO AKO DITO SA LOOB!!"
Sinubukan niyang sipain ang pinto. Sinubukan niya ring sirain iyon sa pamamagitan ng pagtulak gamit ang braso. Ngunit napainda lang ito ng sakit dahil may pasa pala ito sa braso. Wala itong nagawa kundi ang maupo na lang sa sahig at umiyak, hawak ang brasong may pasa.
"Tulungan 'nyo po ako! Pakiusap! May tao po rito sa loob!"
Hindi niya napansing may usok na pumapasok mula sa mga singit ng pintuan. Ngunit na dinig niya ang malakas na pagsabog, ramdam sa buong kwarto ang dagundong na hatid nito.
Hanggang sa mula sa labas ay may sumira ng doorknob at binuksan ang pinto. Laking gulat at puno ng pagtataka niyang pinagmasdan kung sino ang mga iyon.
~~~~~
No part of this book may be reproduced or used in any form and method without written permission from the copyright holder.
Story is purely a product of writer's imagination. Any resemblances to actual person, living or dead, actual events or any other works  are completely coincidental.
Story does not intend to brag, criticize, or create harm to readers. This is genuinely a fiction, and fictional characters were base on k-pop stars, or inspired by some people I know personally. 
This book is only made by the author due to her wild imaginative mind and mental issues that needs to restrain. The book is only a way of relaxing and bursting out author's emotion due to some issues through playing with the story and the characters.
Also, creating story is a one of my treatment.

Bình Luận Sách (47)

  • avatar
    Garcisto Jr.Ryan

    all goods

    19d

      0
  • avatar
    Tali Bon

    jjh

    11/07

      0
  • avatar
    James Lopez

    malapit na ang pag babasa ko

    28/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất