logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

Bea's POV
"May mga bagay sa mundo na kahit hindi mo makuha, makita mo lang masaya ka na."
Maaga akong nagising ngayon. Actually, parang hindi ako nakatulog. Parang nakatulala lang ako sa kawalan hanggang sa umagahin na ako. Gumanyak na ako, tetext ko muna si Chad na huwag muna akong sunduin at ihatid sa school. Ayoko muna siyang makasama. Kahit kakasagot ko lang sa kanya kahapon.
Wala ako sa mood na magtext. Hahawakan ko palang ang cellphone ko ay may nagtext na agad dito. Speaking of Chad.
Chad
-- > Good morning beautiful. Sorry, hindi kita masusundo ngayon. Bawi na lang ako later dismissal.
< -- Okay lang ako. Kahit hindi na.
Agad ko naman siyang nireplyan. Hindi ko alam kung may alam ba siya tungkol sa amin ni Jake bukod sa ex ko siya. Sana hindi niya alam ang dahilan noon.
Ayoko ng maungkat ang kung anong nasa nakaraan. Pero pilit naman akong tinatawag ng konsensya ko dahil sa ginawa kong pagsagot kay Chad kahapon. Wala namang masama doon.
"Ang aga natin ngayon ah." bati ni Josh sa akin.
"Good morning sa inyo." masayang bati ko naman sa kanila.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Kuya Kris. Ngumiti lang ako.
"Kailangan pa bang itanong 'yan? Of, course. Sarap nga ng tulog ko eh."pagsisinungaling ko sa kanya. Iling lang ang isinagot niya sa akin. Nagtanong ka pa, hindi ka rin pala maniniwala. Hindi rin naman kasi kapani-paniwala ang sagot ko.
"Manang, patimpla po ng gatas." sabi ko kay Manang Fe. Pinadala sa amin ni daddy. Baka daw hindi na namin malinis ang bahay dahil sa sobrang pag-aaral. Siya ngayon ang tagaluto ng almusal namin.
"Salamat po."
Tahimik lang kaming nag-almusal. Nang natapos ako ay nagpababa muna ako saglit ng kinain ko. Kinalikot ko ang photos ko sa cellphone ko. Patuloy lang ako sa pag-scroll down ng mahagip ng mata ko ang iilang pictures namin ni Jake.
Meron doon ang nakaakbay siya sa akin habang nakaupo kami. Nakasando at shorts siya doon ako din ay nakasando. Parehas kaming nakatingin sa dagat.
Meron pang parehas kami ng suot na shirt. Couple shirt siya at nakahawak siya sa baywang ko, ganun din ako.
Sa bawat larawan na nakikita ko ay bumabalik sa akin ang kung ano kami noon. Kung gaano ako kasaya sa piling niya. Halata sa mga larawan na masaya ako sa tuwing kapiling siya. 'Yon bang laging kumpleto ang araw ko kapag kasama ko siya. Pero hindi na siya ang may kayang gumawa noon, andyan na si Chad.
Pinag-iisipan ko kung pinapaasa ko nga ba talaga si Chad? Gayong binibigyan ko lang naman siya ng pagkakataon na patunayan ang pagmamahal niya sa akin.
Naglalakad ako sa may corridor ng may biglang tumakip sa mga mata ko.
"Wah.. Bitawan mo ko." ng mapagtantong kay Chad ang pabangong naaamoy ko ay pinaghahampas ko siya.
Tumawa naman siya.
"Kainis ka. Pano na lang kung mahulog ako sa hagdan?" palatak ko sa kanya.
"Syempre, 'di ko hahayaan na mahulog ka. Dahil andito naman ako para sumalo sa'yo." at ngumiti siya ng wagas. Ewan ko ba dito sa lalaking ito. Bigla-bigla na lang sumusulpot. Paaprang kabute lang, lulubog, lulutang.
"Korni mo. Tara na nga, break na tayo." nakangiti akong banggit sa kanya. Excited pa ako, dahil gutom na gutom na ako.
"O? Para kang nakakita ng multo dyan?" utas ko sa kanya ng bigla siyang huminto sa paglalakad at nakaawang ang bibig.
"A-anong sabi mo? B-break na t-tayo? Ba-bakit? Ano bang nagawa kong kasalanan?" nagpapanic na tanong niya. Bigla naman akong napahagalpak ng tawa ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
"Psst. Ano ba 'yan? Tumayo ka nga! Nakakahiya!" bulong ko sa kanya. Pinipigilan ko ang pagtawa ko. Kasi naman kung anu-ano ang pinagsasabi nitong Chad na 'to.
"Hindi... hindi ako tatayo dito hanggat hindi mo binabawi ang sinabi mong br-break na tayo." sh1t. Nakakatouch ka Chad. Ayaw mo talagang nawawala ako. Hay naku.
"Alam mo... tumayo ka na dyan. At gutom na gutom na ako. Break as in recess. Ano luluhod ka pa din dyan?" natatawang tanong ko sa kanya.
Napakamot na lang siya sa ulo niya at tumayo na. Napahagikhik na lang ako.
"Bullshit." bulong niya. "Most Embarassing."
"OMG! Nakito mo 'yon? Nagawang paluhurin ni Bea si Chad na isa sa mga PaPas dito?"
"Sila na ba?"
"Oh my gosh, bagay sila. Nakakakilig."
Nakatungo siya habang naglalakad. Kantyaw naman ang natamo niya ng makita siya ng mga barkada niya. Hindi lang pala siya, pati ako na rin.
"Kayo ha... pashowbiz pa. Kelan pa?" kantyaw ni Sandra.
"Mar-Chad..." pang-aalaska nila sa amin. Namula naman ako.
"Witwiw! MarChad... Marchad..."
"Baduy niyo!" sabi naman ni Chad. Tinawanan lang siya ng mga kabarkada niya. Pati na rin si Matthew na madalas poker face ay tumawa.
Lexi's POV
Andito ako ngayon sa bar. Umiinom na naman. Nakakaguilty. Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na nasasaktan ang kapatid ko dahil sa akin. Kung sana hindi ako nagpakatanga. Nakakainis!
"Ms. Nakakarami ka na ah! Cheers!" nagulat ako ng may isang lalaking tumabi sa akin.
Nairita naman ako agad kaya naman umalis ako sa pwesto ko. Lumabas na lang ako ng bar. Gusto kong makapag-isa pero lagi namang may lumalapit sa akin.
Naglalakad ako dito sa may bandang lover's lane. Why so stupid Lexi? You're so dumb. Walking in the lover's lane, without anyone beside you? How dumb you are?
Is this really my destiny? Is this what I'll get after I used my baby and wrecked Jake and Bea's relationahip? If I only knew it before I could do it, I REALLY WON'T DO IT. I just only want to be happy! Then, what is wrong with that? Bakit hindi maibigay sa akin 'yon?
"Bhest!" I back in the reality when my bestfriend appears in front of me with her baby.
"Whoa! You're here. Gabi na ah! Baka malamigan ang baby mo." yes, she had a child with a man naming Elmo. At hindi katulad ng sa akin pinanagutan siya nito. Ang swerte niya nga eh. Kahit naman naging bad din siya sa relasyon ni Jake at Bea.
"Inaantay ko lang si Elmo, pasok muna tayo." may restaurant kasi sa likod niya.
"Bessy, pwedeng pabuhat?" gusto kong maranasan na maging ina at mabuhat ang sarili kong anak na sana matagal ko ng nararanasan. Pero dahil sa katangahan ko ay hindi na.
Iniabot niya sa akin si Baby Elliese. Ang ganda ng baby niya. Mana sa kanya, kulay ng balat ay kay Elmo. Kung sana... napabuntong hininga na lang ako. Bakit sila masaya na? Bakit ako hindi pa? Kelan ko mararanasan maging masaya?
Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Ang sarap pala sa feeling na may karga-karga kang baby... kahit 'yong hindi sa'yo. Ngayon pa nga lang, masaya na ako. Paano pa kaya kung buhat-buhat ko na ang sarili kong anak?
"Bhest." inabutan niya ako ng tissue.
"Salamat, bessy. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung wala ka dito. Salamat kasi andito ka sa tabi ko, even in my worst you are there to support me. I don't know what to do."
"Syempre, pababayaan ba naman kita? Ikaw lang ang natitira kong kaibigan na hindi nagtaksil sa akin. Kaya ganun din ako sa'yo." at nginitian niya ako.
"O, andyan na pala si Elmo. Una na kami bhest ah. Ano sabay ka na pala sa amin." alok niya sa akin na agad ko naman tinanggihan.
"Hindi na. Okay na ako dito." tumango lang siya at sumalida ng lakad. Ang sarap sa pakiramdam na kahit sa panandalian pagkakataon nakahawak ako ng baby. Siguro nga ganun nga talaga, may mga bagay na kahit hindi mo makuha, makita mo lang masaya ka na. At nangangarap ka na lang na mangyari din ito sa'yo.
Siguro, I'll just wait for the right time that God had been given to me. Maybe, it is still not the time for me to become a mom. But, then. I felt sorry for what I did onto my child.

Bình Luận Sách (15)

  • avatar
    ValbuenaChat

    Good

    03/07

      0
  • avatar
    LatipMajaleah

    masaus Ito

    21/05

      0
  • avatar
    Mar's Alfa

    mahla kapa. kc na Jake bea

    17/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất