logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 5

Bea's POV
~ JULY 5
"Ginagabi ata kayo?" masungit na tanong ni Aya sa amin. Hindi na lang siya pinansin ni Chad. Masyado sigurong masaya.
"Kuya... kami na!" masaya kong sabi kay Kuya Kris na ngayon ay naglalaro ng 2K4. Nabigla ko ata kaya napatingin siya sa amin.
Nakasiklop ang mga kamay namin kaya naman dumako ang tingin niya doon. Nahiya naman ako kaya tinangka kong tanggalin ang kamay ko pero mas lalong hinigpitan ni Chad.
"Kaya. Good mood?"
"HI PEOPLE!!" sigaw ni Barbie mula sa taas.
It was filled by full awkwardness. And I try to break it by my breathing.
"Ehem. Something wrong?" Barbie asked. I shrugged. Coz for me, yes, there is something wrong between Aya and Chad. I smell something fishy between them. But I can't figure it out.
"I hope there is nothing, but, there is. I'll go." nagtungo na sa taas si Aya.
"Let's go." bago pa sila makapagtanong ay hinigit ko na siya sa may garden namin. Kahit naman iwanan ko sila ngayon ay tatanungin pa din nila ako mamaya pagpasok ko. At wala naman akong ibang gagawin kundi ang sagutin sila ng totoo.
"Thank you very much, Mar-mar." at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Oh! You won't tell me your speech! It is not the end of the world." I hissed. Kung maka-thank you kasi eh. Wagas na wagas, para bang paghindi siya nagthank you ngayon, maaaksidente siya tapos hindi na siua makakapagthank you.
"Hahaha.. Mar-mar. Just kidding. But, seriously. Thanks for giving me a chance. You won't regret anything." he smiled. I hope so.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa naisipan na niyang umuwi. Hinatid ko siya sa labas at pumasok na rin sa loob. Hindi pa ako lubusang nakakapasok ay may nagdoorbell na agad.
Pagkabukas ko ay nakita ko si Jake.
"O? Napunta ka? Pasok ka muna." inilahad ko sa kanya ang loob ng bahay.
"Pwede ba tayong mag-usap? 'Yong tayong dalawa lang? Walang ibang tao." tumango naman ako. Wala naman sigurong masama kung makipag-usap ako sa kanya ng kami lang. Hindi din naman siya ibang tao sa akin, ex ko naman siya kaya okay lang.
"Kayo na pala", hindi iyon isang tanong. Dahil pantay lang ang boses niya. Hindi siya nagtatanong. Tumango ako bilang sagot kahit hindi naman niya ako tinatanong.
"Bakit July 5 pa?" naguluhan naman ako sa sinabi niya. Bakit July 5 pa? Bakit ano bang meron sa July 5?
"Bakit kung kelan sa araw na sinagot mo ko noon? Bakit July 5 pa kung kelan naging akin ka?" may hinanakit sa mga boses niya ng sabihin niya iyon. Gumuhit ang guilty sa sistema ko. Bakit nakalimutan kong July 5 ko nga pala siya sinagot noon?
"Talaga bang nakamove on ka na?" tanong niya sa akin.
"Ano naman ang koneksyon doon ng July 5?"
"So... hindi pa? Sinagot mo siya ng hindi ka pa nakakamove on sa akin? Iyan ka na ba? Paaasahin mo si Chad? Playgirl ka na ba?" sunud-sunod na tanong niya sa akin. Wala naman akong balak paasahin si Chad ah! Bakit kung makapag-isip siya, akala niya paaasahin ko si Chad?
"Hindi mo alam ang sinasabi mo! Tigilan mo ko." tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong hablutin.
"Ano ba!?"
"Sabihin mong nakamove on ka na sa akin. At hindi mo pinapaasa sa wala si Chad." mariin niya akong tinignan sa mata. Mabigat ang mga titig na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko kayang panghawakan.
"Hindi ako katulad ng mga playboy dyan sa TABI-TABI na mahilig MAGPAASA lalo na sa mga KATULAD ni Chad. Hindi ikaw ang nakakaramdam ng nararamdaman KO ay Chad. Hindi mo pwedeng sabihin na hindi pa ako nakamove on sa iyo, dahil wala ka sa kalagayan ko." tuluy-tuloy kong sabi na hindi man lang iniisip ang mga pinagsasasabi ko.
"So... anong pinapalabas mo? Na paasa ako? Na playboy ako?" umiling ako. Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin.
"Oo... playboy ako. Noon. But, try me now." malamig na untag niya. Tumalikod siya at nagsimula ng lumakad papalabas ng bahay.
Why is this happening? Sabi ni Barbie, mas madaling mag move on kapag binigyan ng chance ang ibang tao. Ngayon binigyan ko na ng chance si Chad parang nagi-guilty naman ako. Ano bang dapat kong gawin?
"Jake! Please, gulung-gulo na ako." mahinang untag ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba.
Napahikbi na lang ako. Ang hirap, mahal ko si Jake. Pero unti-unti na akong nahuhulog kay Chad. May parte sa akin na masaya, meron namang parte na umaasa pa rin na pwede pa naming ibalik ang relasyon namin ni Jake.
"Bakit ka naguguluhan? Diba naka move on ka na?" ang buong akala kong nakaalis na siya ay hindi pa pala.
"Gulung-gulo na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako! Sobrang sakit, Jake!" napaupo ako. Hindi ko na alam. Nanghihina ako, parang kapag nilapitan niya ako ay mababasag ako.
"Mahal mo pa ako. Hindi ka masasaktan kung hindi mo na ako mahal." mariin na untag niya. Ano ngayon kung mahal ko siya? Anong pinapalabas niya napinapaasa ko nga lang si Chad? Eh hindi naman talaga! Binibigyan ko lang siya ng pagkakataon na iparamdam sa akin.
"Kung iiwas ka sa taong mahal mo... sasaktan mo lang ang sarili mo. Pilit kang maglilibang sa iba para lang kalimutan siya pero hanggang saan ang pagkukunwari mo? Kung ako lang naman ang tanging laman ng PUSO mo?"
"Kung ikaw na nga lang ang laman ng PUSO ko bakit ko pa hahayaan na mawala? Jake, ikaw na lang ang nagpapatibok dito." sabay turo ko sa puso ko. "Pero hindi ako ang nagpapatibok diyan." tinuro ko naman 'yong sa kanya.
"Hindi ko nga alam kung kaya ko pang patibukin 'yan eh. Kasi ikaw nakamove on na! Ako hindi pa! Sa apat na buwan na ang nakalipas hindi pa din ako nakakamove on. Ang tanga ko kasi eh! Ang tanga-tanga ko, umaasa pa ako na mababalik pa natin 'yong dati kahit na malabo ng mangyari." niyakap niya ako at inihilig niya ang ulo ko sa dibdib niya. Pinagsusuntok ko ito.
"You are so insensitive. Very insensitive with the other's feeling. Fvck your insensitiveness!" umiyak na ako ng umiyak. Akala kong si Jake ang magpapasaya at hindi mananakit sa akin pero ano ngayon 'to?
"No. I'm. Not. Insensitive." inilayo ko ang sarili ko sa kanya.
"Yes you are. Anong tawag mo sa ginagawa mo ha?" tinaas ko ang isang kilay ko sa kanya.
"Nagmamahal ng isang tangang babaeng katulad mo!" sigaw niya sa akin. Ang warak ko ng puso ay mas lalo pang nawarak sa sinabi niya. Wow! Tanga na nga ako, hindi pa ako ang minahal mo. Great! Just great!
"Edi ako na ang tanga! Hindi ko naman hinihingi opinyon mo eh. Sige lang, husgahan mo pa ako. Ipangalandakan mo pa sa pagmumukha ko na nakamove on ka na. AT MAY MAHAL KA NG IBA!" tumulo na lang ng tumulo ang mga luha ko.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Magpahinga ka-"
"Alam ko kung ano ang sinasabi ko. Alam ko kung anong nararamdaman ko. IKAW! IKAW ITONG HINDI ALAM KUNG ANO ANG NARARAMDAMAN KO, KASI HINDI NAMAN IKAW ANG NAGMAMAHAL. AKO! MINAMAHAL PA RIN KITA!" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay pinigilan ko na siya.
"ALAM KO ANG PAKIRAMDAM NA MAGMAHAL NA IKAW LANG ANG NAGMAMAHAL. AT MAS NAUNA AKONG MAKARAMDAM NG GANYAN." isang malutong na sampal ang dumako sa pisngi niya.
"Ang galing mo din eh noh? Napakagaling mo! Ang kapal ng mukha mong sumbatan ako ng ganyan. Bakit sa ating dalawa sino ba ang unang nagloko? Sino ba sa ating dalawa ang naghanap ng iba? Diba ikaw! Pinili mo 'yong pangalawa mo kaysa sa akin. Hindi mo alam kung anong naramdaman ko noong mga panahon na 'yon."
"Alam ko ang pakiramdam na maiwan ng nag-iisa. Diba, ganun din ang ginawa mo sa akin? Iniwan mo ako para lang sa mga kasinungalingan. At mga bagay na walang kasiguraduhan. Parehas lang tayong nasaktan. Kaya kwits lang tayo." malamig na sabi niya sa akin.
"Kung kwits lang din naman pala tayo bakit ka andito ngayon? Bakit parang big deal sa'yo ang pagsagot ko kay Chad sa araw na sinagot din kita? Huh? Ano ngayon sa'yo 'yon?" tinignan ko siya ng mariin sa mga mata niya.
"Mahal mo pa ako..."
"Gaano man kita kamahal, hindi na sapat iyon para maayos ang mga nasira at ibalik pa ang nakaraan."Napasaldak ako sa lupa ng bigla siyang tumalikod at naglakad palayo. Jake! Bakit ka ganyan? Are you searching for revenge? Bakit ngayon inamin ko ng mahal ko pa din siya, pero hindi na sapat iyon para ibalik pa ang nakaraan, bakit ako ata 'yong nasaktan?
July 5 ng naging kami ni Jake. Just last year! And then now, kami naman ni Chad. What is this?
Lahat ng sakit na naranasan ko ay nagsibalikan sa akin ngayon. Ayoko ng maalala pa. Ayoko na! Masakit, masyado. Parang hindi ko na kaya.
Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak ko. Parehas kaming nagmahal at parehas din kaming nasaktan. Pareho kaming iniwan. Kaya patas lang kami, pero bakit parang mas guilty ako kesa sa kanya?
July 5 - should be our first anniversary.
Naabutan ako nila Aya at Barbie na nakaupo sa lupa. Agad nila akong dinaluhan. Sila Kuya Kris naman ay parang nagising sa tulog.
Kwinento ko sa kanila ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Jake. Napailing na lang sila.
"Sa pag-ibig, hindi mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kesa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag sa'yo ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat ng kasalanan." makahulugang litanya ni Aya.
"Huwag mong isumbat sa kanya ang sakit na nararamdaman mo. Tandaan mo ikaw ang dahilan niyan. Hindi din naman dapat niyang isumbat sa'yo ang nararamdaman niya." ani naman ni Barbie.
"Wake up and move on, Bei." simpleng sabad ni Kuya Kris.
"Tulog na tayo. Antok na ko eh." singit ni Josh. Agad naman siyang binatukan ni Barbie.
"Matulog ka kung gusto mo, Ga*o."

Bình Luận Sách (15)

  • avatar
    ValbuenaChat

    Good

    03/07

      0
  • avatar
    LatipMajaleah

    masaus Ito

    21/05

      0
  • avatar
    Mar's Alfa

    mahla kapa. kc na Jake bea

    17/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất