logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 15

Nakahiga at tulalang nakatitig lang ako ngayon sa kisame ng kuwarto ko. Inaalala pa rin kung anong nangyari kahapon sa pagitan namin ni Arzhen. Hindi pa rin ako makapaniwalang sasabihin niya 'yon sa 'kin.
Ang seryoso niya habang sinasabi ang katagang 'yon at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Na para bang mayroon malalim na dahilan kung ba’t niya sinabi ‘yon. Pero hindi ko rin mapigilang kiligin sa sinasabi niya. Sino ba naman ang hindi? Mayaman, gwapo at mukhang mabait naman siya? At kailan pa ako nag-isip na mabait siya?
Napakagat na lang ako sa sarili kong labi dahil sa iniisip. Bakit tila nagbago na ang takbo ng isip ko ngayon? Dati naman hindi, eh. Pahamak talaga ang, Arzhen na 'yon. Pagiging gwapo lang naman ang ambag niya sa mundo.
Agad akong napaupo sa naisip ko. Si Arzhen? Gwapo? Hindi! Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Nasisiraan na talaga ako ng bait.
"Sa tingin ko kailangan ko na ngang pumunta sa doktor ko." Tumango ako. "Tama, kung ano-ano na kasi ang iniisip ko," sabi ko sarili.
"Mukhang kailangan mo na ngang pumunta sa hospital, Ally." Napatingin ako sa pintuan nang may narinig akong boses do'n.
Nakatayo si Lala doon habang nagtatakang nakatingin sa akin. Magkasalubong pa ang dalawang kilay niya, na tila iniisip kung nababaliw na ba talaga ako.
Mabilis kong hinawakan ang unan ko at tinapon sa kaniya. Mabilis naman niyang nailagan ang unan.
"Hindi ako nababaliw kung 'yan ang iniisip mo," mataray kong saad sa kaniya. Tinaasan lang ako niya ng kilay.
"Bakit, sinabi ko bang baliw?" nang-aasar niyang tanong.
"Bakit sinabi ko rin ba?" pabalang kong ring tanong sa kaniya.
Tinarayan niya lang ako’t tinalikuran. Walang hiyang babae, guluhin ako rito tapos ewan lang ako?
Pagkalabas niya ay tumayo ako sa kama at dali-dali siyang sinundan palabas. Naamoy ko kasi ang luto niya, ginutom ako bigla. Pagkarating ko sa lamesa ay do'n ko nakita ang iba't ibang putaheng nakahanda. Hindi ko maiwasang matakam. First time 'to na iba ang niluto ni Lala, at nakakapanibago talaga. Kaya walang dalawang isip na umupo ako at tinignan kung anong masarap unahin na kainin.
Kung hindi ako nagkakamali ay Thai food lahat ng ‘to dahil minsan ko na itong nakitang ipinapalabas sa tv. Hindi ako mahilig sa mga ganitong pagkain, pero no'ng maamoy ko ito ay bigla akong natakam at hindi na makapaghintay na tikman pa.
"Ikaw ba talaga ang nagluto nito?" tanong ko sa kaniya sabay angat ng ulo ko. Ngunit isang masamang tingin ang natanggap ko mula sa kaniya. Nagtaka naman ako. Wala naman akong sinabing masama, ah? Nagtanong lang naman ako.
"May sinabi ba akong masama?" muli kong tanong.
"At talagang nagtanong ka pa? Alam mo namang hindi ako nagluluto niyan, diba?" Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Kung hindi siya ang nagluto sino?
"Then, sino?" Tumingin siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya na nagdadalawang isip siyang sabihin sa akin kung sino nagluto nito. She looked away at umupo sa harap ko, para samahan akong kumain.
"D-diyan lang," tumikim siya. "Mali kasi ang tanong mo, binili ko ‘to sa isang restaurant at t-in-akeout. Alam ko kasing nagsasawa ka na sa mga luto ko, kaya naisipan kung bilhan ka."
"Asus, concern ka lang talaga sa akin. Ikaw, ah," pang-aasar ko sa kaniya’t malapad na ngumiti. Well, wala naman akong pakialam kung saan niya 'to binili. Ang importante lang sa akin ngayon ay magpakabusog.
Napasimangot na lang siya’t ‘di pinansin ang sinabi ko. Nagkibit balikat na lang ako at inumpisahan nang kumain. Napapikit pa ako ng nalasahan ko ang pagkain. At 'yong karne, sobrang sarap. Hindi mo na siya kailangang nguyain dahil parang kusang natutunaw ito sa bibig. Makabili nga nito minsan. Magiging paborito ko na yata 'to.
"Ano na pala ang plano mo ngayong maayos na ang issue?" Nasa kalagitnaan ako nang pagkain ng tanungin ako ni Lala.
Doon ko rin naalala na p’wede na akong pumunta sa kahit saan. Being an artist is not easy, at pinagsisisihan ko na ang pinili kong career. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil ito ang pinili ko, nagsisisi lang dahil parang wala akong karapatan na gumala o magdesisyon na hindi iniisip ang magiging reaksyon ng mga fans.
Halos dalawang linggo rin akong nakakulong sa condo unit na 'to, at masasabi ko talaga na pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Para akong baliw na kinulong nila, para ‘di makawala. Mabuti na lang at pinupuntahan ako ni Lala, rito. Nakakalungkot din at nakakapanghinayang na hindi man lang ako pinuntahan ng pamilya ko rito at wala man lang nakaalala sa kanila.
"Siguro, magbabakasyon muna ako," sabi ko sa mahinang tono. Tama, mas mabuting pagbigyan ko muna ang sarili ko ngayon. Nitong mga nakalipas na taon, palagi na lang ang iba ang iniisip ko. Siguro oras na para sarili ko naman ang pagbigyan at iisipin ko.
"Sigurado ka?" paniniguro niya. Iniingat ko ulit ang ulo at matipid siyang nginitian.
"I'm sure."
Tumango na lang ito. "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Ako na bahala sa ticket mo, ang gawin mo lang ay mag-prepare nang dadalhin at mag-enjoy sa bakasyon," masayang sabi niya na tila nakarinig siya ng magandang balita. Well, 'di ko naman siya masisisi. Gusto niya rin siguro magpahinga kahit sandali lang.
***
NAPALANGHAP ako sa hangin nang sa wakas ay nakalabas ako ng airport. Sa halos dalawang oras na byahe ay hindi man lang ako tinamaan ng antok. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. This is the first time na magbabakasyon ako, at mag-isa lang.
No'ng una nagdadalawang-isip pa ako kung itutuloy ko ba, pero sa tulong at pangungumbinsi ni Lala ay itinuloy ko na lang. Sayang daw ang binili niyang ticket kung hindi ko itutuloy. Kaya andito ako ngayon sa harap ng airport ng Capiz.
Dito ang napiling lokasyon namin ni Lala, dahil ayon sa kaniya ay mas safe itong puntahan ng mga taong kagaya ko. Lalo na't kung gusto mo ng maayos na bakasyon. At mukhang tama nga ang sinabi niya. May kaniya-kaniyang buhay ang bawat tao rito. Walang pakialaman sa paligid nila.
"Excuse me, Ma'am. Ikaw po ba si Miss Allyson Rodriguez?" tanong ng isang matandang lalaki na tumigil sa harap ko. Hindi gaanong matangkad ang lalaki ang sumalubong sa akin. Medyo may katandaan na rin ito at maamo ang mukha dahil nakangiti pa siya sa akin. Hindi ko alam na may makakilala pa rin sa akin kahit halos balutin ko na ng scarf ang mukha ko.
"Y-yes, ako nga," kinakabahan kong sabi. R-in-eady ko na rin ang sarili ko kung sakaling may gagawing kakaiba ang lalaking 'to.
"Ako po pala ang c-in-ontact ni Ma'am Lala, para maging driver mo papuntang resort na pupuntahan mo," sabi niya na may malapad na ngiti sa labi. 'Di naman agad ako naniwala sa sinabi niya. Mahirap na at baka may iba pala 'tong binabalak.
"'Wag po kayong magalala, Ma'am. Ni minsan hindi ko inisip na gumawa nang masama sa kapwa ko. Marangal po akong tao," sabi niya at napakamot pa sa kaniyang ulo.
Naisip ko rin na baka nagsasabi siya ng totoo, at isa pa wala sa kilos niya ang pagiging masamang tao.
"Pasensiya ka na po kung pinag-isipan kita ng masama. Hindi kasi ako sinabihan ng friend ko na may sundo pala ako," nakangiti kong sabi sa kaniya.
Tumango naman ito sa 'kin. "Okay lang po 'yon, Ma'am. Alam ko naman pong nag-iingat ka lang talaga, lalo na sa panahon ngayon maraming mga manloloko. Kunyare ay bubulahin 'yong bibiktimahin nila, tapos ang ending nanakawan at iiwanan," sabi niya at mahinang napatawa sa sinabi nito. Napatikhim naman ako sa sinabi niya. Ang lalim kasi ng hugot ni Manong, eh.
"Ahm, saan po ang sasakyan mo—"
"Henry, po pangalan ko, Ma'am."
"Okay, Manong Henry. Saan po ang sasakyan mo?" tanong ko ulit.
"Dito po tayo, Ma'am," sabi niya at naunang humakbang. Wala akong magawa kun'di ang sundan siya dahil hawak na rin niya ang bagahe ko.
Habang naglalakad kami ay 'di ko na rin maiwasang tumingin sa paligid. Ang ilan ay nasa gilid ng kalsada habang nag-aabang din ng sinusundo nila. Hindi kasi p’wedeng pumasok sa loob ang hindi pasahero. Maliit lang naman ang airport kaya kung sakaling papasukin pa ang iba ay siguradong siksikan.
"Andito na po tayo, Ma'am." Napatingin ako kay Mang Henry nang magsalita siya. Kulay puting van ang sumalubong sa paningin ko, nakabukas na rin ito at hinihintay na lang na pumasok ako. Lumingon ako sa kaniya para sana magtatanong pero wala na siya do'n, nang hanapin ko ay nasa likurang bahagi siya ng van at nilalagay ang bagahe ko.
Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa loob. Hindi rin nagtagal ay nakita kong pumasok na sa driver seat si Manong Henry. Walang imik na pinaandar niya ang van at pinatakbo na.
Sa buong byahe ay nakatingin lang ako sa labas. Hindi ko rin maiwasang ma-enjoy ang nakikita. Hindi ko rin expect na ang maliit na province na 'to ay may itinatagong ganda at may ibubuga rin pala tulad ng ibang Province.
Dalawang oras din siguro ang byahe namin nang makarating kami sa resort na tutuluyan ko ng isang linggo. Nang huminto ito ay agad kong binuksan ang pinto at lumabas ng van.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa ganda nito. Halos puno ng niyog lang ang makikita ko. Hindi masyadong mataas, hindi masyadong mababa. Katamtaman lang. Kung ipagkukumpara ko ay hindi ito nahuhuli sa ganda ng Boracay.
"Ihahatid ko lang po ito sa cottage mo, Ma'am," paalam ni Manong Henry sa akin. Tumango ako sa kaniya bago siya tuluyang tumalikod at pumunta sa cottage ko.
Nang muli akong mapag-isa ay napagdesisyunan kong mag-ikot muna, at habang tumatagal na nag-iikot ako ay do'n ko lang napansin na walang tao. Wala akong nakakasalubong, staff man o mga torista.
Hindi ko mapigilang isipin na baka nagkamali kami ng resort na pinuntahan. Pero siya mismo ang pumasok ng bagahe ko? O baka naman nirentahan ni Lala ang buong resort? Pero hindi naman 'yon gagastos ng malaki para rito. So, ano 'to? Bakit walang tao?

Bình Luận Sách (59)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    ow so cute

    10/08

      0
  • avatar
    Eunuce Myrtle Lachica

    wow nice

    13/07

      0
  • avatar
    Queen Elisabeth Cabrera Musica

    very niceee

    16/03

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất