logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 14

Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa aming tatlo, habang kumakain kami sa hapagkainan. After no'ng nangyari kanina ay wala akong narinig na kahit tanong mula kay Lala, na siyang pinagpasalamat ko naman. Kahit ako kasi ay hindi rin alam kung anong isasagot kapag nagsimula na siyang magtanong sa akin.
Bahagya akong napaangat ng tingin at sumilip sa dalawang taong kaharap ko ngayon. Nakaupo lang si Arzhen na tila walang pakialaman sa paligid niya. Sunod kong sinulyapan ay si Lala. Naabutan ko itong nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay. Kaagad ako napalihis ng tingin at baka hindi na siya makapigil at magtatanong na siya tungkol sa nakita kanina. Alam ko naman na naghihintay lang siya na makaalis si Arzhen, bago ako tanungin.
"Kailangan ko nang umalis." Sabay na napaangat ang ulo namin ni Lala, nang magsalita si Arzhen. Naabutan ko naman itong mariing nakatingin sa 'kin, "sorry sa abala, Ms. Rodriguez. Hindi na ito mauulit."
Huh! Hindi na talaga. Pagkatapos nang ginawa niya kagabi. Tsk. "Walang anuman, Mr. Lorenzo. It is an honor to serve you." Kamahalan, dugtong ko sa isip. Tumango siya at hinarap si Lala para magpaalam na rin dito bago tumalikod at walang lingon na lumabas ng condo ko. Hindi ko mapigilang tarayan siya kahit hindi ko na siya nakikita. Hindi ko talaga alam, kahit ilang minuto lang na kasama ko siya ay hindi ko mapigilan ang sarili na kumulo ang dugo ko rito. Highblood yata ang magiging cause of death ko, at kasalanan ng lalaking ‘yon.
"Hoy, bakit nandito 'yon? Akala ko ba galit ka sa kaniya? At ano 'yong payakap-yakap na nakita ko sa k’warto mo? 'Wag mong sabihin na may secret relationship kayo? Naku, Ally, tigilan mo ‘yan mababaliw ako sa 'yo ng maaga," sunod-sunod na tanong ni Lala sa akin. Napahawak na lang ako sa aking noo. Hindi nga ako nagkamali sa iniisip kanina. Umandar na naman ang pagiging chismosa ni Lala.
"P'wede ba. Mamaya mo na ako tanungin? Masakit pa ulo ko," baliwala ko sa tanong niya. Unti-unti akong tumayo sa pagkakaupo at hahakbang na sana papuntang kuwarto ngunit napatigil din kaagad nang tawagin niya ako.
"Tatakasan mo na naman ako? Ang hilig mo talagang tumakas, ‘no? Sige umalis ka, takasan mo ang tanong ko, pero tandaan mo hindi kita titigilan," pagbabantang sabi niya sa akin.
May ngiti sa labi na humarap ako sa kaniya. "Ikaw naman hindi mabiro. Ito na nga, oh. Hindi na tatakas." Lumapit ulit ako sa lamesa't umupo sa silya ko kanina. Hinawakan ko ang kubyertos at pinagpatukoy ulit ang pagkain. Walang kibo naman itong pinagpatuloy ang pagkain. Mukhang hindi na yata ito magtatanong ulit.
Bawat pagsubo ng pagkain niya ay napapatingin ako, ngunit kaagad ding napayuko kung bigla siyang tumingin sa akin. Pero gano'n na lang ang laking gulat ko nang bahagya nitong binagsak ang kubyertos niya sa mesa.
"Alam kong nagtataka ka ngayon ba't hindi na ako nagtanong. Bakit pa?" Nakita kong napabuntong hininga siya at kalaunan ay tipid ding ngumiti sa akin.
"Alam kong kaya mo na ang sarili mo, Ally. At bawat tao ay deserve nila ng privacy. Kaya naisip ko na lang na 'wag nang magtanong tungkol sa nakita ko." Tumayo ito sa pagkakaupo, "ang palagi mo lang tandaan. Na sana 'wag mo nang ulitin ang ginawa mo noon. Pag-isipan mo na sana ng mabuti ang bawat desisyon mo sa buhay at kahit anong mangyari nandito lang ako palagi para sa 'yo." Humarap ito sa may maliit na tukador at kinuha doon ang nakalagay na envelope at ibinigay niya sa akin 'yon.
"Ito na pala ang pinapagawa mo sa akin no'n," sabi niya sa seryosong boses. Nagtataka man at inaalala kung ano ang pinagawa ko sa kaniya ay tinanggap ko ito.
"Babalik na lang ulit ako rito bukas." Humakbang siya patungo sa pintuan at tuluyan lumabas ng condo ko. Kahit nagtataka pa rin sa sinabi niya ay nagkibit balikat na lang ako't isinantabi muna ang envelope na binigay ni Lala, para ipagpatuloy ang pagkain.
***
NAPAMULAT ako ng mata, nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Nakita ko rin na bukas pa ang tv ko. Alas tres na ng hapon nang tingnan ko ang malaking orasan sa sala. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako habang nanonood ng tv.
Ilang araw na ba? Isang linggo at apat na araw? Hindi na ako maalala kung ilang araw na akong nakakulong sa apat na sulok ng condominium na 'to. Pero wala akong magawa.
Napatingin ako sa pintuan nang muling tumunog ang doorbell. Inaantok man at tinatamad ay pinuntahan ko ito. Matamlay na binuksan ko ang pinto at tatanungin na sana kung sino siya, pero natigilan ako nang makilala ko kung sino ito.
Tila nawala ang antok ko kanina. Katulad nang nakaraang gabi ay nakatayo ulit siya sa harap ng condo unit ko, ngunit sa pagkakataon na 'to ay hindi na siya lasing. Maayos ang pananamit, maganda ang pagkakaayos ng buhok at bagong ligo pa.
"A-anong ginagawa mo rito?" hindi ko mapigilang tanong sa kaniya at kahit sino ay magtataka rin kung ba't ito nandito.
"Hindi mo man lang ba ako papasukin sa loob?" Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko, dahil kusa na siyang pumasok.
Aba, ang bastos niya, ah? Hindi pa nga niya sinagot ang tanong ko at hindi ko pa siya pinahintulutan na pumasok pero heto siya, prenteng nakaupo sa sofa ko na parang may-ari ng bahay.
"Wala ka bang hiya o sadyang makapal lang talaga ang pagmumukha mo para pumasok na lang bigla sa condo unit ng iba?" walang pakundangan kong tanong sa kaniya.
Lumingon siya sa 'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nahihiyang napatakip ako ng katawan dahil sa klase ng tingin niya. Doon ko rin nalaman na wala pala akong suot na bra.
Ang malas ko namn. Bakit ngayon pa?
Napatikhim ako, "m-magbibihis muna ako, diyan ka lang muna," paalam ko sa kaniya at dali-daling tumakbo papunta sa kuwarto ko.
Habol ang hiningang napahawak ako sa bandang dibdib ko, nang tuluyan na akong nakapasok ng kuwarto. Nanghihina pa akong napasandal sa pintuan.
"Walang hiyang lalaki 'yon, ah!" inis na sigaw ko. Hindi naman ako nag-alalang marinig niya ako sa sala dahil soundproof ang k'warto. Napahinga na lang ako nang malalim at 'di na lang pinansin ito. Humakbang ako papunta sa walk-in closet ko at naghanap ng bagong damit at bra na rin. Pinili ko ang maluwag na puting t-shirt at maiksing short. Dito ako komportable, kaya ito ang kinuha ko.
Pagkatapos kong magbihis ay kaagad din akong lumabas ng kuwarto, pero gano'n na lang ang kaba ko nang may naamoy akong nasusunog. Naging alerto ang katawan ko at tumakbo papunta sa kusina, dahil doon nanggagaling ang amoy. Isang nakatalikod na lalaki ang naabutan ko ro’n. May hawak itong sandok sa isang kamay at sa isang kamay naman niya ay takip ng kaldero para gawing panangga sa mantika na tumatalsik.
Tinignan ko ang niluluto niya. Sumalubong sa akin ang halos kulay uling na isda. Hindi ko nga alam kung isda pa ba ang tawag do'n. Halatang hindi kasi siya marunong magluto.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang tulalang nakatingin sa niluluto niya. Kawawang isda. Namatay at niluto lang ito ng walang hustisya.
Tumingin lang siya ng ilang saglit sa akin at ibinalik ulit ang tingin sa niluluto. "Cooking, 'di ba halata?" pilosopong sagot niya.
"Ay hindi halata, Mister. D-in-ouble dead mo lang naman kasi ang isda," pabiro kong sabi sa kaniya. Kung 'di ko lang mapigilan ang sarili ay siguradong napatampal na ako sa sarili kong noo.
Parang wala siyang narinig mula sa 'kin, ngunit ilang minuto lang ay pabagsak niyang ibinaba ang sandok at takip ng kaldero kaya nahulog ito.
"Hoy! Ba't mo ginawa 'yon!" sigaw ko sa kaniya at nilapitan ang niluluto para patayin ang stove. Pinulot ko na rin ang inihulog niya.
"Hindi ko alam na mahirap pa lang magluto. Tsk," reklamong sabi niya. Napasunod ako ng tingin sa kaniya nang tumalikod siya't diretsong pumunta sa sala ko bago pabagsak na umupo sa sofa bago pinaandar ang TV para manood.
Napamaang naman ako sa ginawa niya. 'Di makapaniwala sa nangyari at tila bata siya kung kilos. Wala talagang magandang naidudulot ang lalaking 'to. At isa pa, mahirap bang magluto? 'Di naman, ah? Muli akong napatingin sa niluto nito at halos manlumo ako sa nangyari dahil sobrang itim ng niluto niya. Kawawa talagang isda, tsk. Napailing na lang ako at inayos ko muna ang gamit na ginulo niya at sinundan siya sa sala.
"Nandito ka lang ba para guluhin ang nanahimik kong buhay?" tanong ko sa kaniya.
"No," sabi nito sa mababang tono.
"Kung gano'n, bakit ka nandito?" Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang at tamad siyang tinignan.
Humarap naman siya sa akin at seryoso akong tinignan. Ibinuka nito ang labi para sana magsalita pero agad din nitong itinikom at mahinang umubo. Nagduda naman ako sa kinikilos niya. Hindi alam ng kung sino ang itsura niya pero alam ng lahat ang ugali ng isang Arzhen Lorenzo, at wala itong hakbang na ginagawa na walang ibang motibo.
"Wala kang sasabihin?" nakataas na kilay na tanong ko sa kaniya.
Bigla itong tumayo kaya napaatras ako dahil biglang lumiit ang agwat naming dalawa. Ba’t kasi ang laki niyang tao. Kung kanina ay siya ang nakatingala sa akin, ngayon ako na naman.
"Napadaan lang talaga ako rito para sana kumustahin ka, pero mukhang okay ka naman." Napataas ang isa kung kilay nang marinig ang sinasabi niya. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa sinabi niya. Si Arzhen, na presidente ng t'way. Pupunta rito para kumustahin ako? Imposibleng mangyari 'yon.
"Kung gano'n pala, p’wede ka nang umalis." Pagtaboy ko sa kaniya at nauna pang naglakad papunta sa pintuan.
Binuksan ko agad ang pinto nang marating ko ito. Hinarap ko siyang muli, at doon ko lang nakita na hindi man lang siya umalis sa kinatatayuan niya. Minsan hindi ko na alam ang gagawin sa lalaking 'to. Ang hirap niyang basahin.
Walang akong nagawa kun'di ang lapitan itong muli. Hinawakan ko siya sa braso para sana hilahin pero parang pader siya na hindi mahila. Naiinis na talaga ako sa kaniya. Wala ba siyang planong umalis? Kasi ako, gustong-gusto na siyang paalisin.
"P’wede bang makisama-" Napatigil ako sa pagsalita nang hilahin niya ako palapit sa kaniya. Nanlaki ang mata ko sa walang paalam na kilos niya. Ang dalawa kong kamay ay kusang kumapit sa dibdib niya, para hindi tuluyang magdikit ang katawan namin.
Napatingin ako sa mukha niya, ngunit agad ding napayuko sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin. Hindi ko na rin gusto kung gaano kalakas at kabilis ang tibok ng puso ko ngayon at mas lalong bumilis ito nang maramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Unti-unti nitong inangat ang mukha ko hanggang sa pumantay sa kaniya.
"Hindi naman talaga ako pumunta rito para kumustahin ka lang," malumanay niyang saad. "Pumunta ako rito para humingi ng sorry." Napabuntong hininga siya't itinuloy ang sasabihin, "sorry dahil sa ginawa ko sa career mo. Sorry dahil nasira ko ang pangarap mo na matagal mong pinaghirapan. At kahit hindi pa ako sigurado, sa tingin ko nagugustuhan na kita."
Sa mga oras na 'yon hindi ko alam kung ani ang gagawin o sasabihin ko. Hindi ko maproseso ng mabuti ang sinabi niya, lalo na sa huling sinabi. Katulad ng paano? Paanong nagugustuhan niya ako ng gano'n lang? Paanong sa kaunting panahon na magkasama kami ay nahulog siya sa akin? Imposibleng mangyari ba 'yon?
Tumingin ako sa mga mata niya at doon nakita ko kung gaano ito ka seryoso sa sinabi. Ngunit parang may kakaiba. Iba ang sinisigaw ng tingin niya. Na parang may iba pang ibig sabihin?

Bình Luận Sách (59)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    ow so cute

    10/08

      0
  • avatar
    Eunuce Myrtle Lachica

    wow nice

    13/07

      0
  • avatar
    Queen Elisabeth Cabrera Musica

    very niceee

    16/03

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất