logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter One

AIDEN WAS ALREADY AWARE OF HOW WELL-KNOWN HE IS but seeing almost all the staff of the La Isabella Hotel made time to line each side to just greet him. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Sensing his uneasiness, agad na umaksyon si Michelle.
"Greetings, I'm Mich Quazon. Mr. Aiden Wagner's secretary," ngiting pagbati niya sa tatlong managers ng hotel. "Mr. Wagner is thrilled with your warm welcome. But, Mr. Wagner is only here for a vacation. And we will very much pleased if you tell your staff not to post anything related to his visit here."
Ngiting hinintay ni Michelle ang magiging tugon ng mga manager. At, hindi naman siya nabigo nang makatanggap siya ng mga tango.
"Thank you." matapos magpasalamat ay hinarap niya si Aiden. She stepped aside to make a path for Aiden before walking behind him.
"You don't need do that," mahinang ani Aiden nang makalayo-layo na sila sa mga staffs ng hotel.
She can't help, but to smile. After working for him in the past three years, alam na alam na niya ang pag-uugali nito.
"You're welcome, Boss," pabirong tugon niya na tumanggap ng tingin kay Aiden.
Hearing her response, Aiden shakes his head, smiling.
Isang komportableng katahimikan ang nanaig habang sila'y pumasok sa elevator, kung saan si Michelle ang nagpindot ng palapag.
Habang nakatingala at pinapanood kung papaano magbilang pataas ang numero na kumakatawan sa mga palapag, hindi mapigilan ni Aiden ang pagbasak sa komportableng katahimikan bumabalot sa pagitan nila.
"Hindi mo naman nakakalimutan na you're here as my company, right?"
Tumango ni Michelle, "I don't. First-time kong makasama ka off-work so, would you mind giving a time to adjust?"
Aiden sniffled a laugh before giving his attention to Michelle - who raised a brow because of his reaction, "You had stiff shoulders. Loosen up a bit."
Michelle rolled her shoulders before giving a playful look. "Satisfied?"
Hindi na mapigilan ni Aiden ang matawa habang umapak papalabas sa elevator nang malikha ito ng ingay at magbukas.
Aiden automatically let out a sigh after noticing the hallway.
"Did you like what you see, Aiden?" pabirong tanong ni Michelle na nakatingin din sa hallway na merong playful amusement sa kaniyang boses.
Napakagat ng labi si Michelle nang ilibot niya pa lalo ang kaniyang paningin sa kabuan ng hallway. Mula sa red carpet sa sahig hanggang sa mga hile-hilerang gintong chandelier.
"This is too fancy," pagsisimulang komento ni Michelle habang naglalakad pa rin. Ngunit ngayon, katabi niya nang naglalakad si Aiden. "Hindi na ako magugulat sa ibinook ni Mrs. Wagner na mga kwarto na pag-i-stay-an natin."
Hearing her comment, Aiden let out a frustrated sigh while pinching the bridge of his nose.
"Kung sobrang gara ng hotel rooms natin. Let's get out of here and find some other hotel."
Takang ibinaling ni Michelle ang kaniyang tingin kay Aiden. Ngunit nang makitang seryoso ito sa sinabi ay tumango na lang siya.
Nang mahanap ang numero ng kanilang hotel room. Agad na napasulyap ni Michelle kay Aiden.
"Sabihin mo lang kung masyadong magara ang hotel na 'to sa 'yo. I'll find a normal hotel as soon as possi-."
"We," pagsisimulang tugon ni Aiden dahilan para maputol ang sinasabi ni Michelle. "We will find another hotel if this room isn't to my liking," pagdidiin niya sa salitang 'We'.
"Yes. We." tango ni Michelle.
Excusing themself, sabay silang pumasok sa kani-kanilang hotel room. Seeing the entire room caused Michelle to got choked in shock that turned into a loud cough.
"Well, I guess maghahanap kami ng panibagong hotel," saad niya sa gitna ng pag-ubo bago humarap sa pinto nang may kumakatok dito.
"We are leaving this hotel." rinig niyang sabi ni Michelle dahilan para mapakurap siya bago magpakawala ng tawa. Habang tumatawa, binuksan niya ang pinto dahilan para bumungad sa kaniya si Aiden na taas ang kilay at nakakrus ang mga brasong tinititigan siya.
"Why are you laughing?" seryosong tanong nito. Nang mapagtanto na kanina pa siya tumatawa, umubo si Michelle at pinatuwid ang kaniyang postura.
"Aalis na ba tayo?"
Tumingin muna si Aiden sa kaniyang relo bago sinagutan ng tango ang tanong ni Michelle. "Yes. Para hindi tayo gabihin."
Ngumiti si Michelle. "Then, let's find another hotel.
Makalipas ang dalawang oras na paghahanap ng hindi magarbong hotel, Michelle can say that Aiden is satisfied now. Well, it displays in his posture. With how his shoulders look relaxed and how his jaws weren't clenched.
"I've always found you fascinating, Aiden."
Awtomatikong naubo si Aiden nang marinig ang naging lintaya ni Michelle.
"Are you o-"
"W-what?" nauubong tanong ni Aiden.
"The way you don't like fancy things kahit naman pwede mong makuha ang lahat ng gustuhin mo with just a flick of your fingers," ngiting ani Michelle. "For three years working with you, I've always found that part of you, fascinating."
Aiden looked away before Michelle could take a glance at his blushing face.
For three years working together, it was not shocking that Aiden grew feelings for Michelle. Sino ba namang lalaki ang hindi magkakagusto sa isang Michelle Quazon? She's honest with her thoughts, taking the responsibility for her actions, has a strong determination, compassionate, and is dependable. Not to forget that when it comes to work she's loyal, patient - very patient, precise, and confident.
Kahit man sinabi na mismo ni Michelle na kaya niyang makuha ang lahat ng gusto niya sa pagpitik lang ng kaniyang daliri. Alam niyang kahit ilang ulit ang pagpitik niya ay hindi siya makakakuha ng isang Michelle Quazon. She's unreachable...to the point that he could only gaze on her as she was in the sky, shining brightly like a star.
Aiden blinked his eyes, realizing that his mind was flying away from Earth. Nang hindi niya na maramdaman pa ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi, he looked at Michelle.
"You didn't find it weird?" tanong ni Aiden patungkol sa naging confession ni Michelle.
Iling na ngumiti si Michelle sabay abot sa door knob. "Find it weird? Sinabi ko naman sa 'yo na I find it fascinating."
Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti matapos niyang mabuksan ang pinto.
"And to tell you something, I think it's one of the reasons why I enjoy, working for you," dagdag niya bago kumaway kay Aiden. "Goodnight, Aiden."
Pagkurap lang ang naging tugon ni Aiden. Bago isang matamis na ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga labi.
"Sweet dreams, Michelle."
BEFORE SUN CAN EVEN RISE, nagising na si Aiden. He let out a tired groan, sabay naupo at tumingin sa paligid. When he noticed that he was in his own room, aalis na sana siya sa kama nang may mapagtantuhan siya.
"Right. I'm on vacation," he mumbled with his raspy morning voice.
Slumping his body back to the bed, kinuha niya ang kaniyang phone na nakapatong sa bed-side table at binuksan ito.
"I'll definitely need more sleep," he sighed after seeing that it's only four o'clock in the morning.
Matapos niyang patayin ang kaniyang phone ay agad siyang bumalik sa pagkakatulog.
Sa katabing kwarto naman, Michelle also wake - but, from different reason. Agad siyang napabangon sa kaniyang kamay at dali-daling nagtungo sa banyo para ilabas ang mga nakain niya.
She cough, loudly because of the pain in her throat.
"I have overeaten," nahihinang saad niya, flushing down what she had eaten, nine hours ago.
Napatingin siya sa salamin; eyes looking dead, pale lips, sweaty temple, and messy hair. Muntik niya nang hindi mamukhaan ang sarili sa itsura niya ngayon.
"Back and abdomen pain, and now...vomiting?" Michelle mumbled, weakly. Eyes not focusing on the atrocious image in front of her.
She stared at her reflection for a good ten seconds before deciding to wash her entire face.
Walking out of the bathroom, diretso siyang nagtungo sa gilid ng kama at naupo rito. She glanced at the glass of water in the bed-side table before chugging it in one gulp. Medyo marahas siya inilapag ang baso - na ngayon ay wala nang lamang tubig sa lamesa.
Tiredly, she slumped her side back to the soft mattress before dozing off - after a few minutes staring at the empty corner of the room.
Agad na napabukas ng mga mata si Aiden nang makarinig ang isang pamilyar na boses na sinasamahan ng mga pagkatok sa pintuan.
"Tulog pa ata." rinig niyang saad ni Michelle nang makarating siya sa harap ng pinto. Isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga labi. Hawak ang knob ng pinto, ipinaikot niya ito at marahang itinulak upang magbukas.
"Good morning, Michelle," bungad niyang bati rito. Kumagat siya sa kaniyang ibabang labi, ito ay dahil upang magpigil siya ng tawa nang makita itong gulat sa pagbati niya.
"You're really a light sleeper," komento ni Michelle na nakahawak pa rin sa dibdib niya.
Chuckling, Aiden crossed his arms - looking down at Michelle, teasingly.
"Bakit parang ang liit mo ngayon?" tanong niya sabay isang nakalolokong ngiti ang iginawad niya sa kaharap.
Napangiti si Michelle. Ngunit hindi 'yong klaseng ngiiti na matamis o may pagkamarahan dito bagkus isang ngiti na nagpapahiwatig ng isang babala. Mas lalong kapansin-pansin ang pagkakaiba ng ngiti niya sa ordinaryong ngiti dahil sa mga kilay niyang kulang na lang ay makadikit.
Dahil sa kaniyang reaskyon sa pag-aasar sa kaniya ni Aiden ay agad na nagtaas ng mga kamay ito.
He looked at her in fake surprise. "Woah! Never thought that you would react like that."
Pinaliit na lang ni Michelle ang kaniyang mga mata. Nang makita ang pagkagat muli nito ng labi ay napasuko na lang siya sa paraan ng pagbuntong-hininga.
"Please wash now. Go down to the restaurants after you finished."
Aiden watched her as she walks towards the wooden stairs before a loving smile appeared on his lips.
"Cute," ngiting bulong niya bago pumasok muli sa kaniyang hotel room.

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    Jillian Dayo

    i like the story

    22/06

      0
  • avatar
    Mark Jerico

    Very nice story

    26/05

      0
  • avatar
    Meme Gamulo

    not so bad it is so good nice story

    02/07/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất