logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter #7:

~ YELENA ~
Ang mumunting mga kislap mula sa mga bituin at ang asul na liwanag galing sa buwan ang unang bumungad sa aking mga mata.
Tahimik ang paligid ko na tila paghinga ko lang ang aking naririnig, ngunit ramdam ko ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking mga balat na siyang gumitla sa akin.
Anong lugar ito? Nasan ako? Hindi ito ang apartment namin ni Cristine at lalong hindi ito ospital o ang school. So where?
Naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko na parang bang sasabog na mula sa aking dibdib. Sinubukan ko itong pakalmahin pero hindi ko magawa hanggang sa naramdaman ko na lang na nakaupo na ako habang yakap-yakap ang sarili.
Hindi ko matandaan ang nangyari. Kung bakit at paano ako nakarating dito. Base sa sakit na nararamdaman ko sa aking braso at tiyan, alam kong hindi panaginip ang nangyari sa amin ni Tine…
Oh no. Hindi ko napansin kung anong nangyari sa kanya. Nakaligtas ba siya? Nasaktan ba siya? Paano na lang kung napuruhan siya o kaya’y napagbintangan? Anong gagawin ko?
Bago pa kung saan mapadpad ang aking isipan, iginala ko ang aking mata sa paligid para malaman ang aking kinaroroonan.
May kadiliman ang kwarto, may rehas na bintanang siyang tanging pinagmumulan ng liwanag sa labas ng bahay at sarado ang nag- iisang pinto na pwedeng labasan. Pwedeng i-lock ang pinto sa loob pero hindi ko alam kung naka-lock ito sa labas.
Agad kong nilapitan ang pinto. Natatakot man sa pwedeng mangyari ay mas kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kay Cristine. Hindi ko maalala kung anong nangyari kanina. Ang alam ko lang ay may sinugod siyang babae tapos hindi ko na alam dahil pinalibutan na ako ng mga tao. Kaya kailangan kong masiguradong ayos lang si-
“Gising ka na pal-”
“Aah!” Nagulat ako sa katok at biglang pagbukas ng pinto na hindi ko na napansin ang vase sa malapit na nasagi ko at nabasag.
“Sheesh. Ele si Ace ‘to.”
“A-Ace? Ikaw ba talaga ‘yan?” Sinuri ko itong mabuti dahil madilim ang paligid at dahil na rin sa gulat ay hindi ko siya namukhaan kanina. Kaya nang masigurado ko na siya nga ito ay nakahinga ako ng maluwang. Hindi ko man alam kung nasaan kami, at least alam kong hindi ako nag-iisa.
Sinubukan ko siyang lapitan pero bago ko pa man maitapak ang aking mga paa ay pinigilan na niya ako sa aking balak.
“Saglit lang. Nagkalat ang mga pira-piraso ng vase kaya d’yan ka lang. Wala ka pa man ding tsinelas.”
Dumako ang aking tingin sa nabasag na vase. Nagkalat at pira-piraso na ito sa sahig ng may kadilimang kwarto. “S-Sorry.”
Nahiya naman ako sa aking naging reaksyon. Hindi dapat ako sumigaw ng ganoon, nakabasag pa ako. Mahal kaya ‘yun? Tumatanggap kaya sila ng installment fee? May sapat kaya akong pambayad? Sana naman meron.
“Don’t worry about it. Nasugatan ka ba?”
I shook my head in response. “I’m sorry.”
“Ayos lang, hindi mo kailangang mag-sorry. Heto, kumain ka muna.” Inabot ni Ace ang tray na hindi ko namalayang hawak-hawak niya kanina pa.
“Salamat.” Kinuha ko na sa kanya ang ito saka nagtungo sa may bed kung saan ang pinakamalapit na side table na paglalagyan ng tray.
“Kumain ka na lang muna d’yan. Lilinisin ko lang itong nabasag.”
“T-tulungan na ki-”
“Huwag na. Saglit lang naman to. Isa pa mas kailangan mong kumain ngayon para mabawi mo agad ang iyong lakas.”
Tumango na lang ako at hinayaan ko nang gawin nito ang kailangan niyang gawin. Itinuon ko na lang ang aking pansin sa pagkaing nasa aking harapan dahil hindi na rin mapigil ang pagkalam ng aking sikmura.
Marahil ay tama nga si Ace, kailangan ko ng lakas para makapag-isip. Habang ako’y kumakain ay sinabi na sa akin niya kung anong nangyari. Kung paano niya nalaman at pati na ang sitwasyon ni Cristine.
Naipaliwanag na niya ang halos lahat ng kailangan kong malaman maliban sa dahilan kung kung bakit niya ako dinala rito.
Gusto ko mang tanungin ay iniba niya agad ang paksa at sinabihan akong kumain at magpahinga na muna bago namin muling pag-usapan ang nangyari.
Wala na rin akong nagawa dahil mukhang hindi rin niya sasagutin ang mga tanong ko hanggat hindi ko nagagawa ang pakiusap niya.
Matapos kumain ay nakalabas na rin ako ng kwarto. Hindi naman ako pinagbawalan ni Ace dahil sinabihan pa ako nitong maglibot-libot sa bahay para mas makampante ako at alam kung saan tutungo kung may kailangan.
Malawak ang bahay na aming kinaroroonan. Nahahati ito sa tatlong palapag at sampung mga silid. Ang pinakababang parte ay ang basement kung saan nagsisilbing garahe at workshop.
Sa unang palapag naman ay ang main area kung nasaan ang kusina, sala at mga pangunahing silid na makikita sa bahay bukod dito ay meron din itong silid aklatan, music room at studio sa matatagpuan rin sa unang palapag. Sa ikalawang palapag naman ay may limang silid at malaking balkonahe o veranda na tanaw ang dagat at light house na malapit lang dito.
Ayon kay Ace, ay pag-aari raw nilang magkakaibigan ang bahay na ito na siyang madalas nilang pamalagihan kapag gusto nilang magrelax o magpahinga. Isang oras rin daw ang layo nito sa Royale kaya malamang out of town na ito.
Nang mapagod ako sa kakalakad sa buong bahay ay nagtungo na lang sa may beranda para magpahangin. Wala naman kasing rason para pakialaman ko pa ang mga gamit nila dito dahil baka makabasag nanaman ako kaya para iwas sa aksidente, dito na lang ako sa malayo.
“Ayos na bang pakiramdam mo?”
Hindi ko namalayan ang pagdating ni Ace pero nagawa ko pa ring tumango at bahagyang ngumiti bilang sagot sa tanong niya.
“Bakit mo nga ba ako dinala dito, Ace? Hindi ba mas makabubuti kung ihinatid mo na lang ako sa amin?” Hindi ko na mapigilang tanungin muli.
Hindi naman sa nagrereklamo pero kadalasan ay sa ospital dinadala ang isang tao kapag nawalan ng malay kaya nagtataka ako na ang layo namin sa doon. Isa pa mas makakabuti kung iniuwi na lang niya ako sa amin dahil wala naman akong sakit at pahinga lang naman ang kailangan. Kung sakali ay hindi na siya naantala pa.
Marahil ay totoo nga ang sinasabi ng iba. Masyado na akong napapalapit sa kanya kaya mas binibigyan niya ako ng pansin. Mabuti pa ay mas lumayo pa ako ng sa ganoon ay hindi na siya mas mapahamak pa.
“Naisip ko kasi na mas makakapagpahinga ka rito kaysa sa inyo. Hindi mo ba nagustuhan ang lugar?”
“Naku hindi sa ganun.” Agad akong umiling. “Maganda ang lugar at nakakapagpakalma ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang gawin ito.”
Hindi niya ako sinagot agad bagkus ay hinila niyo ang upuang nasa tabi ko saka umupo na tila ba mabigat ang kanyang iniisip.
May nasabi ba akong masama? Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip. Sa ikinikilos nito ay parang nagdadalawang isip siya sa kanyang isasagot kaya lalo akong kinakabahan dahilan upang ako ay napayuko. Na-offend ko ba siya? O baka naman masyadong bastos ang aking inasal o pagkakasabi. “S-sor-”
“Ele, are you in trouble?” Mahinahon, at tila may bakas na pag-aalala ang pagkakasabi niya.
Am I in trouble? Isang tanong na mahirap sagutin. Isang tanong na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.
Sinubukan kong ibuka ang aking bibig para sumagot pero walang salitang lumalabas kaya itinikom ko na lang ulit. Muli kong inulit sa aking isipan ang kanyang tanong upang hanapin ang sagot na hindi ko alam kung naroon.
“I- I’m not...” I came up to say, still unsure if it’s the right answer.
Hindi sumagot si Ace, bagkus isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hinayaan ko na lang ito pero kung akala ko ay ito na ang huli at hindi na namin ito paguusapan pa, nagkakamali ako ng iniisip.
“You know, hindi magandang kinikimkim ang anumang problema meron ka. Mas nakakagaan sa loob mo kung sasabihin mo sa iba ang problema mo, who knows baka makatulong pa sila.”
Hindi man siya sa akin nakatingin, alam kong sa akin niya sinasabi ang mga salitang ‘yun at hindi pangkalahatang komento lamang. Ngunit kahit na anong klaseng komento pa ito, alam kong may punto siya.
I know dahil ilang ulit ko na ring narinig ang mga sinabi niya kay Cristine at kahit ilang ulit man itong nababanggit ay hindi ko pa rin magawang magsalita at ibahagi sa iba ang tungkol sa nakaraang matagal ko nang gustong ibaon sa limot dahil kahit anong gawin ko ay nararamdaman ko pa rin ang lahat ng mga sugat at pasakit na aking naranasan noon lalo pa’t may pitong guhit na nakaukit sa aking palapulsuhan.
“Ace, pwedeng huwag na lang. H-hindi ko pa kasi kaya.”
Gusto kong tanggapin ang iyong kamay na handang mag-abot ng tulong. Gusto kong subukang magtiwala sa iba. Gusto kong maging kaibigan ka kahit na tayo’y magkaiba. Ngunit ang iyong paglapit ay tila isang gamu-gamong umiikot sa apoy ng lampara, kapag iyong nalaman ang tungkol sa aking nakaraan mas lalo ka lang huhusgahan ng madla.
Pinigilan ko ang sarili kong sabihin ‘yun dahil ayokong idamay pa siya sa problema ko. Kung si Cristine pa lang ay nadawit na sa problemang dala ko, paano pa kaya si Ace at ang mga kaibigan niya na nabubuhay sa liwanag at bumubuo ng magandang kinabukasan para sa kanilang sarili .
“I’m sorry,” I said once more.
Matagal bago siya kumibo hanggang sa napabuntong-hininga ito, “Fine.”
Nakahinga ako ng malalim sa naging sagot niya.
Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit pa dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung mas lalo pa niya akong kukulitin sa pangyayari.
“Pero Ele,” mahinahong sambit nito. “gusto kong mangako ka.”
“A-ano ‘yun…” tanging sagot ko. Mas banayad ang pananalita niya ngayon na tila may halong pa ring pag-aalala. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanya ng diretso lalo na ng kinuha nito ang aking mga kamay sabay lumuhod sa aking harapan.
“Please tell me if you're ever in trouble. Kung may dinaramdam ka, kung kailangan mo ng tulong o kahit kausap. Kahit ano pa man yan sabihin mo sa akin. Please.”
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong napaluha sa sinabi niya, na tila ba matagal ng hinihintay ng aking puso ang mga salitang iyon.
Paano nga ba niya nagagawang lumuhod sa harap ng isang katulad ko? Paano niya naaatim na kasama ang isang katulad ko kung may mga taong mas higit na nangangailangan sa kanya? Bakit ako? Anong nakita nya sakin na tila interesado siya? Awa ba ito? Pagmamalasakit? O may iba pang motibo?
Hindi ko maintindihan. Marami akong gustong itanong. Marami akong gustong malaman pero hindi kayang sabihin ng harapan kaya sa ngayon, akin na muna ang mga salitang ito. Ako na lang muna ang makakaalam.
Ace, mula ng nakilala kita, mas dumami ang mga bagay na nagpapakapagpabagabag sa akin, mga bagay na nanatiling palaisipang, at mga bagay na hindi ko nararamdaman, pero kung ano man yun, sa ngayon...kuntento na ako't nakilala at nakasama ka sa panahong hindi ko mahanap ang sarili ko.
“Y-yea.. Oo, nangangako ako.”
Simpleng pangako. Simpleng salita. Simpleng kasunduan sa pagitan nating dalawa. Kung anuman ang kahihinatnan ng buhay ko, ang mga pangakong aking binitawan sa araw na ito ay aking panghahawakan hanggang sa dulo.
xx

Bình Luận Sách (87)

  • avatar
    OrtegaKy

    500

    11/08

      0
  • avatar
    Jomar Dequito

    I want diamond in mobile legends

    07/08

      0
  • avatar
    Rico Navales

    thank you

    25/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất