logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 30

Sunny's POV
Mabilisan akong nag impake. I only took some clothes and important things. Si Kuya na din ang bahala sa pagtransfer ko sa ibang bansa. Gusto kong mag aral malayo sa kanya.
Kukunin ko na sana ang letrato namin ni Ate Hally sa lamesa ko na nasa gilid, nang mahagip ng paningin ko ang kalendaryo na sinulatan ko ng "Special Day" Kinuha ko yun at itinapon sa basurahan.
Kakalimutan na kita, lahat ng may kinalaman sayo!
Sinulyapan ko ang magagandang ulap. Sana sa paglayo ko sakanya ay hindi na ako masaktan. Sana makalimutan ko na siya.
“Cabin crew, please take your seats for landing.” Umayos ako nang upo.
Sisimulan ko ang paglimot sa kanya pagkababa ko ng eroplano. Ayoko na, ayoko ng masaktan. Gusto ko pa siyang mahalin pero nakakapagod na. Tama na yung ilang beses akong umiyak sa harap niya. Tama na yung hayaan yung sarili kong nagbubulagbulagang may mahal siyang iba.
Natigilan ako nang makita ko si Dino sa malayo. Nakahawak sa phone niya at hindi mapakali. I didn’t tell anyone I was leaving because it was sudden, but it looks like Kuya Grayson already told him.
Nang magtama ang mga mata namin ay kumaway ako, hindi ko pinakitang durog nadurog na ako. Naglakad siya ng mabilis at bigla niya akong niyakap, nahigit ko pa ang hininga ko dahil sa gulat.
"Bakit kasi hindi nalang ako." The smile disappeared from my lips. Akala ko ba wala na siyang feeling sa akin? Sabi niya naka move on na siya.
"Dino" Sambit ko.
"Tutulungan kitang kalimutan siya." Sambit niya. dahan dahan akong kumalas sa yakap niya.
"Dino, ano bang sinasabi mo. Wag ka ngang magbiro ng ganyan, diba nga sabi mo hindi ako gold kaya naka move on kana." Sinabayan ko pa ng tawa.
Napakagat ako ng labi nang makitang seryoso lang siya. tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Sino palang nagsabi sayo na pupunta ako ngayon dito?" Nagsimula na akong maglakad habang hawak hawak ang maleta ko.
Inagaw niya ang maletang hawak ko at sinabayan ako sa pag lalakad.
"Tumawag ang Kuya mo sa akin, nag-aalala siya sayo. Hindi ko na kailangang magtanong kong bakit naisipan mong lumayo." Sambit niya.
Alam kong magugulat sila Ate Hally pag nalaman nila na nandito na ako sa US. Ayoko nang magtagal don, kasi alam kong pag hinayaan ko pa ang sarili kong manatili kahit isang oras doon ay baka makita ko nalang ulit ang sarili kong nakabuntot kay Wesley.
"Lets go, nandon yung kotse ko." Sambit niya. Hinila  niya ako at hinawakan ang kamay ko. Kinagat ko ang labi ko at hinayaan siya.
****
"Ghad, Sunny! Bakit biglang nasa US ka na!" Pagkasagot ko palang ng tawag ni Ate Hally ay isang bulyaw na agad ang narinig ko.
"Ate, gusto ko lang makalayo." Malumanay na sambit ko.
"Makalayo? kanino kay Wesley? eh, bakit pati sa amin lumayo ka!"
Umirap ako.
"Wag mo akong artehan, Ate. Mapupuntahan mo naman ako dito kahit kailan mo gustuhin!" Narinig ko ang bumuntong hininga niya.
"But, still bakit biglaan? May nangyare ba?" Tanong niya.
"Sila na."
"What?"
"Oo, desperada akong magustuhan niya, pero ibang usapan na kung sila na. Matitiis kong malaman na may gusto siya sa iba, pero yung malaman ko na may relasyon na sila? Hindi ko ata kayang manatili diyan at panuorin sila." Sambit ko.
"Totoo bang sila na? Pwede kong tanungin si Alina." Sambit niya.
Umiling ako kahit di niya nakikita. "Ate, simula ngayon, ayaw ko nang makarinig galing diyan sa pilipinas. Ayoko na. Kaya, ate, please... gusto kong lumayo at isa na don ang mawalan ng koneksyon sa kay Alina man o kay Wesley."
"Are you sure?" Tanong niya.
"I am very sure, Ate. Tapos na akong magpakatanga."
Simula nang araw na yun, wala akong narinig mula sa kanina. Sinubukan ko ding makipagdate. Sinabi ko din kay Dino kong ano talaga ang nararamdam ko sa kanya, ngumingiti lang siya pag sinasabi ko yun at sinasabing, ayos lang daw basta wag na ako magpakatanga kay Wesley.
***
"1...2...3... Very good!" Patuloy lang ako sa ginagawa ko. Sa isang taon na ginagawa ko ito ay  nagiging komportable na din ako.
Noong isang buwan ko sa trabahong ito ay mga simple lang ang kinukaha, like pagmomodel sa bags and Cars, pero dahil sa ilang nagsasabi na mas bagay sa katawan ko at mukha ang pang adults ay tinanggap ko rin. 
Now, ako na ang isa sa mga sikat sa US na Model. Ibang iba na ako sa dating ako. Hindi na ako ang babae na bata kong ituring ni Wesley.
"Hi, Sunny. I'll take you home." Tumango at ngumiti ako kay Bright, 2 months na kaming nadadate, pero date lang, hindi ko mabigay bigay ang Oo ko, hindi ko alam kong bakit.
Sa dalawang taon na lumipas ay walang lumagpas sa 3 buwan ang nakakadate ko. Ang iba ay sumusuko dahil hindi ko daw mabigay ang gusto nila, which is sex. Palibhasa taga dito sa US.
"Pasok na ako." Nakangiting sambit ko. Nabuksan ko na ang pinto nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Here" Sabay lahad niya ng isang paper bag.
"Thank you" Nakangiti kong sambit habang hawak hawak ang pintuang nakabukas.
Hindi na ako nagulat nang halikan niya ako. Ilang beses na niya akong nahalikan, pero hanggang doon lang. Ayoko munang lumagpas.
Nang humiwalay siya ay tinuro ko ang loob para pumasok na. Tumango siya.
"Goodnight" Nakangiting sambit niya.
Pagpasok ko ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Sa pintuan kasi ay kilang kita ang sala. Pag tingin ko doon ay ang malamig na mata ni Wesley ang nakita ko.
What the hell!! Anong ginagawa niya dito? Nakakunot na ngayon ang noo ko at matapang na lumapit sa kanya na prenteng nakaupo pero malamig ang tingin.
"What are you doing here?" Hindi pa niya nasasagot ang tanong ko nang lumabas sa CR si kuya Grayson.
"You're here" Kuya Grayson said.
Nakita niya siguro ang gulat sa mata ko kaya nagsalita niya muli.
"Hindi kami magtatagal." Sambit niya at pumunta sa kusina.
Ngayon ay naiwan kaming dalawa ni Wesley sa sala. Nakatitig parin siya kaya inirapan ko siya. Walang sabi sabi na tumalikod ako at pumunta sa kwarto ko nang magsalita ulit siya.
"Sino yun? Boyfriend mo?" Tanong niya. Wow, improvement, nagtatanong na siya, noon kasi iniisip lang niya ang nakikita ng mata niya.
humarap ako at sumagot. "Hindi"
Dahil sa sinabi ko ay mas lalo niya akong sinamaan ng tingin. Nakataas lang ang kilay ko at nakipagtitigan. Oh, please! Hindi na ako yung patay na patay sayo! Dalawang taon na at marami nang nagbago.
"Hindi mo boyfriend pero hinahayaan mong halikan ka?" Umigting ang panga niya at nakatitig parin sa akin na parang ang laki ng kasalanan ko.
Oh. Fuck you! Wala kang karapatang tignan ako ng ganyan. Wala kang karapang tanungun ako ng nga ganyan! Ikaw ang nagtulak sa akin palayo. 
"Hindi mo din ako girlfriend non, pero hinayaan mo akong halikan ka. Anong pinagkaiba non?" Matapang kong sambit. Kumukulo ang dugo ko pag naalala ko ang sarili ko na umasa dahil sa halik niya!
Napaayos siya nang upo at nag-iwas ng tingin.
"Ano? Wala kang masabi? Kasi tama ako! Wag  mo akong pakealaman! Wala kang pakealam kong magpahalik ako, labi ko 'to." sabay irap ko at tinalikuran siya. Wala na akong narinig mula sa kanya kaya nakapasok agad ako sa kwarto.

Bình Luận Sách (161)

  • avatar
    d******b@yahoo.com

    Such a nice story.. Well done author😍😍

    15/05/2022

      0
  • avatar
    Fhem De Castro

    How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗

    15/05/2022

      0
  • avatar
    JazyChialy

    You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!

    09/02/2022

      3
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất