Manila Hotel, Manila Philippines Huminga ng malalim si Ariadna at pinagmasdan ang buong venue. Madami ng tao at tila napunta ang lahat ng atensyon ng mga ito sa kaniya. Inaasahan niya ng mangyayari ito lalo na't ang pangalan niya ay matunog pa rin sa mga kwento kwento ng mga tao dito. Gayunman, hindi niya pinansin ang mga matang naka tingin sa kaniya. Dahil kahit anong gawin niya ay tanging gulat sa mga mata ng mga ito ang kaniyang makikita. Pagka baba niya ay napa tigil siya ng may tumawag sa kaniya. "Ate alba!" Nahigit ni ariadna ang kaniyang hininga ng marinig iyon, subalit ng makita niya na si Foresa ang tumawag sa kaniya nun ay isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Mabilis na lumapit si foresa kay ariadna at niyakap siya nito. "Ate alba.." saad nito at mahigpit na niyakap siya lalo. "Oo na, nandito na ako, foresa at hindi mo na kailangan isigaw ang aking ngalan" Bumitaw naman si Foresa sa kaniyang pag kakayakap at ngiting ngiti na tinignan ang si ariadna. "Ang tagal mo'ng nalayo sa amin, ate alba" Inayos naman ni ariadna ang buhok nito at pinisil ang kamay. "Kumusta ka na? Ang laki ng iyong pinagbago, gumanda ka lalo" Sumimangot naman si foresa ng marinig iyon. "Alam mo na hindi ko gusto ang mga birong ganyan, ate alba" Ngiting tumango lang si ariadna, nalipat naman ang kaniyang paningin sa dalawang lalake na nasa likuran ni Foresa. Saglit na nag isip si Ariadna ng hindi na makilala o maalala ang pamilyar na mukha hanggang sa bumalik sa kaniyang alaala lahat. "Mon at Tañon?" Saad niya dito. "Maligayang pag babalik, Ate Ariadna" "Maligayang pag babalik" Pero hindi maiwasan ni ariadna na mamangha sa mga itsura nito ngayon. Dahil sila ay naka uniporme ng pang militar at alam na alam niya ang unipormeng iyon. Dati lamang ay batang bata ang mga ito at tila mga binata pa noong siya'y umalis. Subalit, ito na sila. Isa nang... "Tatawagin ko ba kayong Governor-General Remon at Salvador?" Tuwang nag tinginan naman si Remon at Salvador at imbes na si Ariadna ang Sumaludo mismo sa kanila ay ang dalawang binata mismong ang sumaludo sa kaniya. "Koronel Ariadna" sabay nilang saad. Napapailing na pinatigil naman ni Ariadna ang mga ito. "Tumigil kayo, hindi na kayo bata, naiintindihan niyo?" Subalit, napa tigil si ariadna ng makita na dalawa lang ito. "Nasaan si Yago?" Mabilis naman tinuro ni salvador si yago na nasa likod lang ni Ariadna. Hinarap ni ariadna si yago na ngayon ay nasa harapan niya na. Malayong malayo ang yago na nakilala niya noon sa nasa harapan niya ngayon. Ibang iba na at aminado si ariadna na bagay na bagay ito sa uniporme nito ngayon. Lumapit siya dito sabay inayos ang uniporme nito bago lumayo at tinignan ito. "Hindi ka pa rin nag babago, yago." "Malaki ang iyong pinagbago, aria" Tumaas ang kilay ni ariadna. "At ano naman ang nag bago sa akin, ginoong yago?" Ngumiti lang si yago. "Masaya akong nandito ka na muli." pag lihis na lang ni yago. Ngumiti si ariadna. "Ariadna" agad na napa tigil si ariadna ng marinig ang boses ng kaniyang ama. Lumunok siya at huminga ng malalim bago humarap. Nasa tabi ng kaniyang Ama si Governor-General Golarte Ordañez na ngayon ay masaya silang pinagmasdan. "Ama.." lumapit si ariadna at agad na nag mano. Habang lumapit din si ariadna kay Doña Dionisa na ngayon ay gulat na pinagmamasdan si Ariadna. "Ina" ngiting saad ni ariadna kay Doña Dionisa at nag mano. "Masaya akong nandito ka na, aking panganay" saad ni Don Ontañon. "Masaya rin akong makita ka muli, ama." "Ako rin ay nagagalak sa iyong pag babalik, ariadna" nilingon ni ariadna ang Doña Dionisa. Ngumiti si ariadna. Pero naagaw naman ang atensyon ni ariadna ng mag salita ang Governor-General Golarte. "Governor-General Ordóñez" "Dating Koronel Obrero, muli tayong nag kita" Nakipag kamay si ariadna dito. "Hindi pa rin ako maka paniwalang ikaw ay nag balik na, subalit masaya akong makita ka ngayon" "Ako rin, Governor-General Ordóñez" "Tatlong taon din, tama ba?" Tumango si ariadna bilang sagot. "Tama po" "Malaki ang iyong pinagbago subalit kahit ika'y nawalay sa iyong sariling tahanan at nawala sa paningin ng mga maraming tao, nakaya mo pa rin kunin lahat ng kanilang atensyon. Ang iyong kinang ay walang kakupas kupas" wika nito at pilit naman na ngumiti si ariadna. "Masyadong mataas ang iyong tingin sa aking pisikal na anyo, Governor-General. Subalit, nais lang ng mga taong makita kung ako ba ay buhay at tunay na naka tayo ngayon." Saad ni ariadna habang ang ngiti niya ay nasa labi niya pa rin. "Napaka palabiro ng iyong panganay, hindi ko maiwasan maalala ang panahon nito bilang tanyag na Koronel." Ngumiti lang ang Papa ni ariadna. "Simulan na natin ang salo salo" saad ng papa ni ariadna. Mabilis na napalitan ang tugtog at may isang sikat na mang aawit na amerikana ang pumunta sa entablado upang kumanta. Habang ang mga bisita ay isa isa na rin na nag si upo, ngunit ang iilan ay masayang naka tayo sa gilid upang makipag kwentuhan sa kanilang mga kaibigan. Agad naman nag silabasan ang mga waitress at waiter upang ihanda isa isa ang mga pagkain para sa mga bisita. Kaya naman pag katapos ng onting pag uusap nila pumunta sila sa puwesto at kumain. Ramdam naman ni ariadna na maraming nais gustong lumapit sa kaniya dahil sa mga matang kanina pa siya tinitignan. Gayunman, alam niyang walang mag tatangkang lumapit sa kaniya dahil sigurado siya na kilalang kilala nila ang ugali niya mismo. Subalit, hindi maiwasan ni ariadna na tignan ang kaniyang papa na kanina pa nakikipag usap sa mga bisita. Sa tuwing babalik ang kaniyang papa sa kanilang lamesa at makipag kwentuhan sa kaniya ay laging nauudlot iyon. At dahil sa mga taong pilit na nais kausapin ang kaniyang papa. Kundi nga lang ito palaging sumasama sa mga opisyales at iilang kalalakihan na nandoon ay naka pag kwentuhan na sana sila. Pero naiintindihan ni ariadna ang kaniyang papa, ito ang nag bigay ng imbitasyon at ibig sabihin dapat ay siguraduhin niyang magiging masaya ang oras na inilaan ng mga bisita sa salo salo ngayon. Tahimik lang na naka upo doon si ariadna habang hawak hawak ang isang wine glass na may laman na red wine. Nilingon naman niya ang Doña Dionisa na ngayon ay nakikipag usap lang sa mga kababaihan doon. Kung alam niya lang ay iniiwasan siya nito, dahil nung inilapat ni ariadna ang tingin niya kay Doña Dionisa ay takot ang kaniyang nakita sa mga mata nito. Hindi na lang binigyan pansin ni ariadna iyon lalo pa't hindi iyon ang kaniyang dahilan para bumalik sa pilipinas. At isa pa, may iba pa siyang bagay na kailangan isipin. Inilagay naman ni foresa ang isang plato sa harapan ni Ariadna. "Salamat" Umupo naman si foresa sa tabi ni ariadna at sinimulan kainin ang kaniyang pagkain. Pero tumigil rin bago nag salita. "Buti na lamang at nandito ka na, ate alba" Kinuha naman ni ariadna ang tinidor. "Bakit? Dahil pa rin ba doon?" Sabay kumuha ng cake upang kainin. Rinig niya ang pag buntong hininga ni foresa, at isa lang ibig sabihin nun. Hindi pa rin nag babago ang pag ka strikta ng Doña Dionisa. "Hindi mo pa rin sinasabi?" Tanong muli ni ariadna. Umiling si foresa bago sumubo ulit ng kaniyang pagkain. Naintindihan naman ni ariadna kung bakit hindi pa rin sinasabi ni foresa ang tungkol doon sa kaniyang ina at ama. Lalo na't alam niya na hindi bukas ang isipan ng mga ito tungkol sa bagay na iyon. "Kung gayun ay ang alam pa rin ng mga ito ay.." "Opo, ate alba" Hindi niya maiwasan maramdaman ang hirap na dinaranas ni foresa. Gayunman, ang mahalaga ay maiparamdam niya dito na suportado niya ito. "Hayaan mo at nandito na ako, huwag mo na lang muna isipin ang tungkol diyan at lagi mo'ng tandaan na hindi ka naiiba sa amin" Ngumiti naman si foresa. "Salamat, ate alba. Maiba naman tayo, kumusta ang paninirahan mo sa hawaii? Tatlong taon ka din na nanirahan doon, marahil ay naninibago ka sa klima at ibang gawi ngayon" Naisip naman ni ariadna iyon at inaamin niya na totoo iyon. "Naging maayos ang aking paninirahan doon, may nakuha rin agad akong trabaho at madami na rin akong mga nakilala na iba't ibang tao. Ngayon at nandito ako, masasabi ko rin na naninibago ako. Subalit, parang parehas lang naman." "Iba't ibang tao? May nakilala ka na bang....?" May ibig sabihin na saad ni foresa sabay nginisian si ariadna. Kumunot lang ang noo ni ariadna bago uminom ng kaniyang red wine at nag salita. "Kilala mo ako, foresa" Sumangayon naman si foresa. "Pero mas maganda na rin ito, ate alba. Para may kasama akong tumanda." Napailing naman si ariadna. "Iyan agad ang naisip mo, foresa?" "Mabuti na iyon sapagkat kasama naman kita, ate alba" "Eh kung hilain kita papunta sa doon at para makipag usap sa mga kababaihan?" Tumalim naman ang mata ni foresa sa kaniyang ate alba at nanahimik sabay yumuko. "Nakakatakot ka talaga minsan, ate alba" bulong ni foresa Napatawa naman si ariadna dahil sa reaksyon nito. Subalit, ang mata ni ariadna ay umikot sa paligid at bawat sulok ng venue. Hanggang sa may napansin siyang isang lalake. Tinungga ni ariadna ang kaniyang red wine habang ang mata niya ay naka tuon parin sa ginoong naka tayo sa gilid ng hagdanan. Tahimik itong may pinagmamasdan. Kaya naman sinundan ni ariadna ang tingin nito at napunta ito sa puwesto ng kaniyang Ama na kasa kasama ang Governor-General. Dahan dahan na ibinaba ni ariadna ang wine glass. Tinignanan naman ni ariadna si Foresa. "Foresa, ano pala ang nangyari sa maynila noong ako'y umalis?" Napaisip naman si foresa dahil sa tanong ni ariadna. Saglit itong napatahimik para mag isip hanggang sa tila naaalala niya rin. "Wala naman masyado, subalit naalala mo ba yung sinulat ko sa liham na pinadala ko sayo sa hawaii nakaraang buwan lamang?" Inisip naman ni ariadna yung huling liham na natanggap niya kay Foresa. Tumango si ariadna. Ito ay tumgkol sa mga di mabilang na opisyal sa militar na patuloy pa rin na ginagamit ang kanilang posisyon upang idiin ang mga nasa ilalim nila. "Anong nangyari?" "May mga sabi sabi kasi na umiikot sa buong lalawigan na may iilang sundalo na naaapi at pinagiiwanan dahil sa mga opisyal na patuloy kinakamkam ang mga pera na dapat ay para sa kanila" Kumunot ang noo ni ariadna. Hindi niya alam na may ganitong sitwasyon muli sa militar. "Hindi ba ito napupunta sa mga nasa itaas?" Nag kibit balikat si Foresa bilang kaniyang sagot. "Marahil ay hindi dahil madaming nag sasabi na isang malaking gawa gawa lamang iyon ng mga taong hindi nais sa mga nakaupo doon. Bakit mo bigla natanong, ate alba?" Umiling si Ariadna. "Nais ko lang malaman kung ano nna kalagayan ng maynila simula ng ako'y maka alis dito" Napa tango naman si foresa, dahil alam naman na din ni foresa kung gaano ito naninibago. "Paniguradong nakita mo na rin ang iilang nag lalakihan na estraktura ngayon" "Hindi ko pa nakikita ang mga bagong tayong lugar dito" "Abala ka pa rin ba sa mga papeles? Marahil ay makakatulong ako sayo" Mabilis na umiling si ariadna. "Hindi na kailangan pa, patapos ko na rin naman ang mga ito. Atsaka, hindi ko na nais na abalahin ka pa lalo na't alam ko'ng may trabaho ka ng pinapasukan" Tumango si foresa. "Isa ka'ng translator sa Dyaryo, hindi ba?" "Opo, nasabi ko na pala sayo sa huling liham ko" ibinalik naman ni ariadna ang tingin niya sa ginoong nasa gilid ng hagdanan kanina. Pero, hindi niya na ito nakita pa na siyang ikina seryoso ng mukha ni ariadna. Pero nanatiling kalmado si ariadna at hindi pinahalata ito, dahil madami pa'ng tao sa paligid. At isa pa, hindi pa siya sigurado kung mangyayari nga ang nasa isip niya. "Foresa, kailangan ko lang mag banyo, kung hanapin man ako ni ina o ama ay paki sabi na lamang" "Ako na ang bahala, ate alba. Bilisan mo lamang dahil maya maya ay sayawan na" "Mas lalong babagalan ko, foresa" Napailing na lang si foresa kay ariadna. At doon na umalis si ariadna upang pumunta ng banyo. Pagka liko niya ay nakita naman niya ang simbolo sa banyo, kaya naman nag madali siyang nag lakad papunta doon at pumasok. Agad naman siyang naka hinga ng maluwag dahil walang tao sa loob. Pumasok siya sa isang kubikulo at kinandado iyon ng mabuti. Ibinaba niya ang takip ng inidoro upang umupo doon. Tinanggal niya ang pagkaka suot niya sa kaniyang takong at sa loob nin ay naka lagay ang naka tuping mapa. Kinuha iyon ni ariadna at muling pinagmasdan. Pagkatapos pag masdan ay malalim siyang nag isip at doon niya lang napag desisyon na umalis. Ibinalik niya ang mapa sa loob ng kaniyang takong at lumabas ng kubikolo. Pagka labas ay imbes na dumiretso siya pabalik sa salo salo ay pumunta siya sa kaniyang suite. Subalit, rinig na rinig niya ang tug tog senyales na ang mga ito ay abalang nag sasayawan na ngayon. Kaya naman mabilis na kumilos si ariadna. Umakyat siya at maya maya lang ay nakarating rin sa kaniyang suite. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Pag ka pasok ay mabilis siyang lumapit sa may bintana, dahan dahan na binuksan at sumilip ng kaunti. Kitang kita naman niya na may mga naka palibot na mga sundalo mismo ng Governor-General Goralte. Pati ang pasukan sa unahan ng manila hotel ay may naka bantay rin na sundalo mismo sa ilalim ng Governor-General Goralte. "Ngayon nila balak gawin ang bagay na yun.." Pero bakit? // Manila Defense Command, Manila, Philippines Pabalik balik at palipat lipat ng lakad si Marchena. Halata sa kaniyang kinikilos na siya'y kinakabahan, hindi siya mapa kali at kanina pa lakad ng lakad sa mismong harap ng mapa. Huminga ng malalim si Marchena sabay tinignan ang kaniyang relo. "Malapit na.." Habang si alfonso naman ay naka higa lang sa sofa habang hawak hawak ang isang wine glass na mayroon red wine na laman. Tinungga niya ito at ipinikit ang mata. Tahimik ang buong silid, ngunit ang katahimikan na iyon ay mas lalong nag papa kaba kay Marchena. "Ginoo, Tanggapin ang ulat!" Sigaw ng isang sundalo bago lumapit at ibinigay ang isang papel. Pagka bigay ay mabilis itong umalis habang si marchena ay binasa iyon. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang panulay at binilugan ng pula ang isang malaking kulay dilaw na hugis bahay sa mapa. Ito ay ang kampo sa Kanluraning bahagi ng Maynila, kung saan makikita doon ang mga iba't ibang armas na itinago mismo ng Governor-General Golarte. Naka saad sa papel ng ulat na ang buong kampo ay mabilis na nasakop ng mga tauhan nila. "Ginoo, tanggapin ang ulat!" Sigaw muli ng sundalo na ngayon ay may dala dalang panibagong papel. Kinuha iyon ni marchena at binasa, pagkabasa ay muli niyang binilugan ang panibagong kampo. Ito naman ay ang kampo sa may hilagang parte ng maynila, dito matatagpuan ang kampo na pinag eensayuhan at tirahan ng hindi mabilang na sundalong nasa ilalim ulit ng Governor-General Golarte. Naka saad na lahat ng sundalo doon ay mabilis nilang na prenda o bihag, wala rin nagawa ang mga ito kundi sumuko at maki isa sa mga tauhan nila na sumugod doon. "Dalawa.." bulong ni alfonso sabay nilaro ang wine glass sa kaniyang kamay. Maya maya ay sunod sunod na mga tauhan nila ang dumating at paulit ulit na sulat din ang kaniyang natanggap. Binilugan niya ang nasa hilagang silangan na kampo sa maynila, kung saan nandoon ang iba't ibang nag lalakihang mga kampo ulit para sa mga sundalo ng Governor-General Golarte. Ganun din ang naka saad sa anim na dumating na papel. Nag resulta sa siyam na kampong kanilang sinakop ngayong gabi. Tumayo si alfonso at pinagmasdan ang mapa. Lahat ng siyam na kampo sa maynila ay na sakop na nila ng maayos at walang ka proble problema. Isang ngiting tagumpay ang gumuhit sa labi ni alfonso. Habang si marchena ay pinagmasdan din ang buong mapa bago nilingon si alfonso. "Binabati kita, Governor-General Alfonso" pag bati ni marchena kay alfonso. "Natapos din ang lahat sa gabing ito" Saad ni alfonso sabay umupo muli sa sofa at isa isang tinignan ang mga papel "Isang malaking desisyon ang iyong ginawa ngayon, ngunit marahil nga na naka takda itong mangyari dahil sa tahimik na pag daloy ng ating operasyon" Tumango naman si Alfonso bilang pag ayon "Lahat ng ito ay hindi lang para sa atin, kundi para sa aking mga sundalo na ngayon ay mag kakaroon na ng sarili nilang tirahan at karapatan bilang isang tunay na taga pag tanggol ng ating bayan" inilahad naman ni alfonso ang isang wine glass kay marchena na may laman rin na red wine. "Para sa mga naapakan at para sa bayan" Tumayo si alfonso at sabay na tinungga nila ng sabay ang red wine at ibinaba naman na ni alfonso ito. Gayunman, kinuha ni alfonso ang panulat sabay binilugan din ang lugar kung saan ay ang pinaka mahalaga sa gabing ito. "Hindi ko na kayang hintayin pa ang magiging itsura ng Governor-General Golarte kapag nalaman niya na ang kaniyang iniingatan na puwesto sa maynila ay nakuha na natin" saad ni marchena. Ngising kinuha ni alfonso ang kaniyang suit at sinuot ito, maging ang kaniyang sumbrero. "Kaya naman oras na para ihain natin sa kanilang lamesa ang mainit at masarap na balita" Lumabas sila ng Manila Defense Command at agad na sumakay sa kotse. "Manila Hotel.."
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 65 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (83)
GamingSix Gen
good
11/03
0
PilotonGelly ann
grabi nainlove ako sa story nila
10/05/2025
0
RequizKenji
thank you so much for the first time I was just wondering if you want to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to Be
good
11/03
0grabi nainlove ako sa story nila
10/05/2025
0thank you so much for the first time I was just wondering if you want to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to Be
15/04/2025
0Xem tất cả