logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Chapter 5
Nanginginig parin ako hanggang ngayon. Hindi parin maalis sa isip ko ang anino kanina at ang mga pulang mata na nakita ko bago ako umalis. Hindi kaya iisa lang yung nakita kung anino kanina sa nakita ko noong nakaraan? T-tsaka ang mga p-pulang mata nahagip ko. Sino ang nagmamay-ari non?
Ang isa pang hindi maalis sa isipan ko ay ang lalaking tumulong sa akin kanina. May naalala kasi ako noong tinitigan ko ang mata niya. Parang may hawig yon sa mga mata ng pusa ko, pero baka namamalikmata lang ako?
Ako kaya ang sadya ng anino nayon kaya siya humakbang papalapit sa akin? Anong kailangan niya sa akin? Hindi kaya isa rin siyang Aswang!? Yung mapupulang mata nayon! Katulad na katulad niya yung nakita ko kagabi!! Hindi kaya ako yung magiging susunod niyang biktima!?
Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko. Naninindig ang mga balahibo ko sa takot. Para na akong maiiyak dahil sa mga  katakot-takot na iniisip ko. Paano kaya kung sabihin ko kila Tatay ang nakita ko? Magagawan kaya nila yon ng aksyon?
Habang tinatahak ng tricycle ang daan pauwi sa amin ay madadaanan ulit namin ang malaking bahay ng pamilya Vallderama. Muli ko itong tinitigan dahil hanggang ngayon ay namamangha parin ako.
Tumingala ako upang makita ang naglalakihan nitong salamin na mga bintana ng matigilan ako ng may makita akong nakasilip sa ikatlong bintana ng ikalawang palapag ng bahay.
Kulay asul na mga mata ang sumalubong sa paningin ko. Mariin itong nakatingin sa akin.
Hinayaan ko na lang ito at ibinaling ang paningin sa iba. Pagdating namin sa bahay iniabot ko kay nanay ang supot ng mga ibinili ko. Inalis ko muna sa isip ko ang mga kakaibang nangyari sa akin at tumulong nalang sa pagluluto at pagsasaayos ng bahay.
Ala-una na ng hapon ng matapos kami. Pawis na pawis narin ako kaya nagpasya ako na maligo ulit. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako, pagkababa ko ay marami-rami narin ang bisita bente minutos nalang kasi ay magaganap na ang handaan ng kapatid ko.
Hinanap ko siya para sana batiin ito at ibigay ang regalo ko ng iba ang makita ko. Ang Best Friend ko noong nag-aaral pa kami ng high school hanggang college. Nandito siya!, ang tagal rin kasi naming hindi nagkita dahil abala kami sa aming mga trabaho.
Nasa tabi niya ang kapatid ko at iniaabot nito ang regalong dala. Tumingin sa akin ang kapatid ko at itinuro ako. Bumaling sa akin si Trisha at nanlalaki ang mata ng makita ako.
Naluluhang tumakbo ito sa akin at mahigpit na niyakap.
" Art!! Ang tagal mong nawala ah! Tapos hindi mo manlang ako sinabihan na uuwi ka pala ngayon! Nakakatampo ka " nakangusong tanong nito sa akin
" Ito naman nakalimutan ko kasing sabihin sayo dahil nagmamadali ako kahapon sa pag-uwi dito sorry na " nakangiting sabi ko dito.
Kahit kasi hindi ko man sabihin ay na-mi-miss ko rin siya. Siya kasi ang laging kung kasa-kasama at sandigan ko sa oras ng pangangailangan ko noong nag-aaral pa kami. Nakakalungkot lang kasi simula noong nakapagtapos kami ng college ay hindi kami ulit nagkita.
Palagi naman kaming nag-c-chat o di kaya ay nag-v-video call pero syempre iba parin kapag personal talaga kaming nagkikita at nag-uusap.
" Heh! Asan na yung pasalubong ko? " Nakataas kilay na sabi nito
" Haha anong pasalubong? Ang daming pagkain diyan oh! Yan ang papakin mo! " Natatawang sabi ko
" Hmmp! Ang sama mo! Hindi tayo bati! " Para talagang bata to.
"Haha nababaliw ka na, baka gutom lang yan" tawang tawa na sabi ko
" Haha baka nga no? Wala pa kasi akong tanghalian " haha loka-loka talaga to
" Ate? " Tawag sa akin ng kapatid ko
" Po? " Lumuhod ako sa harapan nito
" Asan na gift ko? " Nagpapacute na sabi nito
Napangiti nalang ako at binati Siya.
" Happy Birthday Aries " sabi ko sabay bigay ang regalo ko
" Yeheyyyy! Thank you ate! " Sabay halik sa akin at tumakbo sa loob ng bahay
" Ang kulit talaga niyang kapatid mo no? " Natatawang sabi sa akin ni Trisha
" Haha sinabi mo pa, halikana mag-uumpisa na ang handaan " sabag hila dito papasok ng bahay
Nagkaroon muna ng maikling panalangin bago sinimulang hipan ni Aries ang cake niya. Pagkatapos non ay nagsimula na ang kainan. Tumulong ako kila nanay sa paghahanda at pag-a-assist sa mga bisita.
Tumulong rin si Trisha, noong una ay nahihiya pa ako dahil bisita siya pero sinabi niya sa akin na okay lang daw kasi nag-e-enjoy naman siya.
Nagsimula na ang mga palaro at mahahalata mo talaga sa bata ang saya sa tuwing mananalo sila. Nakakatuwa silang tignan dahil kahit na napaka-delikado ang panahon ngayon ay nagagawa parin nilang maging masaya, pati narin ang mga tao dito sa Poblacion ay nagagawa parin nilang mamuhay ng mapayapa kahit panahon ngayon.
Kung titignan mo sila ay parang wala silang kinakaharap na panganib. Nilibot ko ang paningin ko ng may nahagip na naman ang mga mata ko. Doon banda sa malaking puno ng mangga na malapit sa bahay namin. Madilim talaga doon banda dahil sa mayayabong na puno na kalapit nito. May anino nanaman akong nakita na nakatingin sa akin.
Maya maya pa ay nawala ito at napalitan ng kulay pulang mata na nakatingin sa akin. Namutlang ako ng makita ko ang buong itsura nito, m-may p-pangil! at may tumutulong pulang likido sa bibig nito.
Hindi ako makapag-salita dahil sa sobrang gulat. S-siya rin yung nakita ko kagabi! Hindi kung hindi ako nagkakamali.
Bahagya akong napatalon ng may kamay na pumatong sa balikat ko
" Oh? Anong reaksiyon yan! Namumutla ka yata " natatawang sabi ni Trisha
" A-ah w-wala w-ala a-akala ko lang k-kasi kung s-sino na " nauutal na sabi ko sabay ngiti ng pilit
" Okay ka lang ba Art? Bakit nauutal ka? " Nag-aalalang tanong nito
" O-okay lang ako, baka pagod lang to " tsaka nginitian ito
" Naku! Magpahinga ka na! Kami nalang ang bahala dito " suhesyon nito
" Huwag na, kaya ko pa naman " tanggi ko rito
" Hindi! Kailangan mo na talagang magpahinga! Namumutla ka oh! Para kang nakakita ng multo sa itsura mo, tsaka nanginginig ka rin, kumain ka na muna wala ka pa daw na kain sabi ni Tita! "
Nahihiya man ay pumayag narin ako. Pakiramdam ko kasi ay ano mang oras ay hihimatayin na ako sa takot. Kumain muna ako nagpaalam sa kanila na pumunta sa kuwarto para magpahinga.

Bình Luận Sách (225)

  • avatar
    castroErica

    This story is very nice and very thrilling it's just sad because, it's not complete author please I hope you complete this very nice story you are a very good writer I hope you can write more like this. Thank you very much I will wait for this story to be completed. Again thank you very much author.

    11/02/2022

      1
  • avatar
    dacoroJericho

    hi po bbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbnnnnnnnnnnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbvvvbbbvvvvvvvvvvnnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbvvvvvvvnnnnnnnnvvvvvvvvvvbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnbbbbbbbbbnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbb

    1d

      1
  • avatar
    Fea Tot

    Ganda ng kwento

    13d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất