logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

Hindi pa rin ako nakapaniwala na napapayag ko ang leader slash main vocalist ng Zenith na si Isaiah Verse Gozon sa kahibangan ko. Pero nang mag-pinky promise rin siya ay doon ko na-realize na totoo nga! Na malapit ko nang maabot si Jazz!
"Hala ang haba naman ng hinliliit mo! Parang hintuturo ko na 'yan, e!" gulantang kong tanong nang makita kung gaano kahaba ang kaniyang hinliliit. Pinagdikit ko pa ang pareho naming hinliliit para ipakita sa kaniya ang napakalaking diperensya no'n.
Tumawa si Isaiah, malamig na malalim iyon. Ang sarap sa tainga! Hindi ko nga alam kung tawa ba talaga iyon o tono sa isang kanta, e!
"Maliit ang iyo kasi maliit ka rin," nang-aasar niyang wika.
Inirapan ko siya at mabilis na ipinasok sa bag ang kaniyang journal. Siguro iiwan ko muna iyon sa kwarto para hindi niya makuha. Baka kapag iniwan ko ito sa locker ay i-tamper niya 'yon para makuha itong journal niya. Mahirap na . . . baka maging bato pa itong oppurtunity ko! Kailangan kong maging mautak!
"Yabang mo ha! Excuse me! Hindi ako maliit, cute-sized lang ako!" singhal ko sa kaniya.
Tumawa ulit siya at may sinabing hindi ko narinig. Kumunot ang noo ko at hindi siya pinansin. Loko 'to ha! Baka minumura na ako nito?
Nakalabas na kami sa locker area at bahagya akong lumayo sa kaniya nang makakita ng iilang estudyanteng pakalat-kalat sa grounds. Tinitigan niya naman ang espasyong namagitan sa aming dalawa bago niya ako binalingan ng tingin.
Tumikhim ako. "Mahirap na, baka may makakitang iba at isumbong ako kay Jazz!" pabiro kong sambit pero hindi ko siya nakitaan ng tuwa sa mukha.
"Hoy! Florence! Kanina pa kita tinatanong. Ano? Anong sabi sa Admin?" nagising ko sa pagwagayway ni Elise ng kaniyang kamay sa aking mukha.
"H-Ha?"
"Hotdog! Ewan ko sa 'yo, Florence! Sabog ka na naman ata?" inis na wika niya.
"Sorry na . . . ano nga ulit 'yong sinabi mo?"
Himala at hindi niya ako hinahampas o kinukurot ngayon. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil binabawasan niya ang pagiging sadista sa akin. Okay lang sana kung mahina ang hampas niya, e. Ang kaso, volleyball player siya at kung makahampas sa braso ko ay parang magse-serve ng bola!
Umirap sa akin si Elise. "Last na 'to, ha?! Sabi ko anong sabi sa admin? Ano, malaki ba ang binigay na budget? Hindi ba tayo tinitipid?"
Lumabi ako at natatarantang iniwas ang paningin sa kaniya. Shocks! Anong alibi ang sasabihin ko, e hindi naman talaga ako pumunta sa admin?
"H-Ha? A . . . e . . . h-hindi ko pa alam . . . walang kasing t-tao sa admin k-kanina."
Kumunot ang noo niya. Mukhang hindi niya pinapatulan ang excuse ko.
"We? Sa tagal mong nawala? Kung gaano pala bakit hindi ka na lang bumalik sa canteen para naman may nakasabay akong kumain? Alam mo bang sobrang lungkot ko kanina? Para akong loner!"
Si Elise 'yong tipo ng tao na ayaw na naiiwanan. Ayaw mapag-isa, pero ayaw rin ng maraming kaibigan. Only child kasi siya at parehas na OFW ang mga magulang. Nakikitira lang din siya sa Tito niya kagaya ko. Naging masakit ata sa kaniya 'yong pag-alis ng mga magulang niya para makapagtrabaho, kaya ayaw niyang naiiwang mag-isa. Pero at least, iniwan siya para sa kapakanan niya. E 'yong sa akin . . .? Iniwan lang ako.
"OA mo talaga! Hindi ka naman mamamatay kung hindi mo ako makakasabay kumain, e!"
Pumadyak-padyak si Elise na parang bata. Ngumiwi naman ako sa kaniya. Ang awkward! Ang laki niyang tao tapos kung magmaktol parang toddler? Mas bagay pa sa akin 'yong magmaktol, e kasi cute-sized ako!
Biglang uminit ang ulo ko nang maalala ang sinabi sa akin ni Isaiah. Matangkad lang 'yon kasi nagma-Mariang Palad siya!
"Pero 'di nga? Walang tao sa admin?" balik niya sa topic kanina.
Tahimik akong lumanghap ng maraming hangin. Akala ko pa naman nailusot ko na iyon!
"Oo nga! Paulit-ulit?"
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Hmm. . . bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka? Hindi ka talaga sa admin pumunta, 'no?"
Nanlaki ang mga mata ko pero pilit ko namang tinago ang nerbyos na nararamdaman ko. Bakit ba biglang naging mausisa ito? Halata ba masyado sa mukha ko na nagsisinungaling ako? Shocks!
"H-Hindi, no! Ewan ko sa 'yo! D'yan ka na nga!" Inunahan kong maglakad si Elise. Hindi na ako nakakain pa ng lunch dahil naabutan kami ni Isaiah kanina ng bell. Argh! Kumakalam na ang sikmura ko, e!
"Uy! Ikaw ata OA sa atin, e!" sigaw ni Elise sa hallway, mabuti na lang ay wala pang mga teachers na umaakyat paniguradong mapapagalitan na naman siya sa ingay ng bunganga niya!
Pumasok ako sa room at nadatnan ang makalat at magulong mga silya at drawing tables. Napahinto sa paghaharutan ang ilang kababaihan at mga lalaking maiingay sa kaka-trashtalk sa nilalarong mobile game. Inis akong napakamot sa aking batok at nauubusan ng pasensyang bumuntong-hininga.
"Sinong cleaners ngayon?" mahinahon kong sambit. Aba syempre! Dapat may poise pa rin ako, no! Pero dapat intimidating din!
Walang sumagot sa akin kaya lumapit ako sa announcement board sa harap at hinanap ang listahan ng cleaners.
"Thursday. Almario, Francisco, Ilustre, Mamauag, Pastrana," malakas na basa ko sa nakalistang cleaners sa para sa araw na ito.
Nilingon ko si Elise na kakapasok lang ng room at napailing sa mga duming nakita. "Kadugyot man, oy!" aniya.
Umungot naman ang mga taong tinawag ko ang pinakamalakas ng kila Aaron (Francisco) at Darel (Almario). Itong mag-best friend na talaga 'to, o! Kekukunat ng mga bungo! Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang pagtakla ni Jessica (Ilustre). Padabog na tumayo ang tatlo at tahimik naman 'yong dalawa. Buti pa sila! Itong tatlong 'to pagbubuhulin ko, e! Makunat pa sa chicharong nahanginan ng isang taon!
Lihim akong napangiti sa sarili. Maliit man ako pero nauutus-utusan ko pa rin sila. Aba dapat lang nila akong sundin, no! Ako ang President nila, e!
Pumasok na si Sir Migs at naningkit ang mga matang sinipat ang kabuuan ng aming room. Malaki naman ang ngisi ko kasi malinis at maayos na iyon hindi tulad ng nadatnan ko kanina.
"Very good class. Malinis ang room ni'yo. Mukhang hindi ako nagkamali na si Miss de Mayo ang gawing President ni'yo, ha?"
Mas lalong lumaki ang ngisi sa aking mukha. Yes! Sabi ko na matutuwa itong si Sir, e! Hindi naman ako straw, teacher's pet or in short sipsip. Sadyang nagpapalakas lang talaga ako sa mga teachers dito. Bakit? Syempre para ulit sa recognition! I'll do everything para masungkit ko ang scholarship, 'no!
Narinig kong umismid si Jessica na dalawang tables lang ang pagitan sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil bitter lang 'yan. Tahimik naman si Elise sa tabi ko at deretso lang na nakatingin kay Sir Migs. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
Nagtatampo ba ito?
Maliban sa akin na President at kila Jessica at Joseph na muse at escort, wala ng ibang officers. Ewan ko kay Sir, at siya pa talaga ang nag-appoint sa aming tatlo. Hindi man lang nag-hire ng Vice para may katulong ako! Pero mabuti na lang ay tinutulungan ako ni Elise na disiplinahin itong makukunat kong mga kaklase. Pwede na nga siyang pumasang Sgt. at Arms sa tangkad niya, e!
Maagang tinapos ni Sir Migs ang klase namin sa kaniya, aniya'y magme-meeting pa sila ng officials ng Arts and Design dept. para sa nalalapit na Foundation week. Hindi na kami nagpapalit-palit ng instructors kasi ang subjects namin ngayong year ay puro specialization about sa track namin. So 'yong mga core subjects namin tulad ng Gen. Math, EAPP, Gen. Science and whatsoever ay noong Grade 11 pa namin tinake. At si Sir Migs lang ang nakuha ng LSA na instructor na nagtapos sa major in Fashion Design.
Nagliligpit na ako ng mga gamit ko nang maalala ko ang sinabi kanina sa akin ni Isaiah. Nae-excite akong lumingon kay Elise na tahimik pa rin. Nagtataka ako pero winaglit ko na lang iyon sa aking isipan. Siguro naman matutuwa siya kapag nakita na niya nang malapitan ang super crush niyang si Isaiah—uhm Verse!
"Elise! Elise!" masigla kong kalabit sa kaniya.
"Ano?!" nabigla ako sa paaran ng pagsagot niya sa akin at sa kunot ng noo niya. Palagi naman kaming nag-aaway at nag-aasaran—minsan nagkakapikunan pero parang iba ata itong nakikita ko sa mga mata niya.
"A-A . . . aayain sana kita, e. May rehearsal ulit ang Zenith tapos . . . pwede natin silang mapanood nang malapitan!" mahina pa ang boses ko no'ng una pero bumalik naman kaagad ito sa sigla.
Masungit pa rin ang tingin sa akin ni Elise at may irita sa mukha. Bakit naman?
"Pinagsasabi mo? Paano natin sila mapapanood nang malapitan? E, mga admins ng fandom nila ang madalas na nasa harap?" may kasungitan niya pa ring tanong.
Pabiro ko siyang dinamba. "Akong bahala! Tara na!" binale-wala ko na lang ang iritasyong nakikita ko sa mga mata niya. Siguro malapit na ang kaniyang red days at sinusumpong na siya ngayon.
Hindi naman na siya nagreklamo nang umalis kami sa room at hinila siya papunta ulit sa Music Theatre ng Music dept. As usual, hindi na naman mahulugan ng karayom dahil sa dami ng nanonood. May karahasang hinatak ni Elise ang kamay niya sa akin na dahilan para linungin ko siya.
Humalukipkip ito. "Paano natin mapapanood sila ng malapitan niyan? Tingnan mo nga, o! Anong sinasabi mong ikaw ang bahala?" inis na naman niyang tanong.
Lumabi lang ako sa kaniya at nakakaramdam na rin nang pagkainis. Ano bang problema ng babaeng ito? Pasalamat 'to at kaibigan ko siya, nako! Kung hindi sinabunutan ko na ito sa tabil ng dila, e! Siguro kapag nakita na siya si Isaiah ay bumalik na ito sa dati!
Napahinga naman ako nang malalim. Ang sabi kanina sa akin ni Isaiah ay puntahan ko raw siya. E, paano ko siya mapupuntahan? Ang dami nang tao rito tapod kasama ko pa si Elise! Baka may isipin pang masama sa akin si Elise kapag nalaman niyang nakakausap ko ang crush niya!
Marahan kong hinawakan ang kamay ni Elise. Hinila siya para dumaan sa dagat ng mga tao. Argh! Kakainis talaga itong mga wild fans nila! Hindi pa man nagsisimula pero ang gagaslaw na nila! Kilig na kilig at hindi nagkamayaw sa paggalaw. Atat na atat na silang makita ang Zenith.
"Ah tangina mga beh, hindi talaga ako magsasawang panoorin sila!"
"True! Nag-cutting pa nga ako sa Vocalization subject namin para mapanood sila ngayon!"
"Bakit kasi ang sasarap nila?!"
Napailing na ako sa mga naririnig ko habang sumisingit kami ni Elise. May iilan pa ngang tumapak sa paa ko at nagrereklamo sa amin na sumisingit daw kami. Patay-malisya na lang ako roon. Bakit ba? Si Isaiah na mismo ang nagsabi na sa harap kami manonood, e!
Hindi kalayuan ay natanaw ko si Isaiah na mukhang may hinanap sa crowd. Nakatago siya sa dilim at para talaga siyang nagko-camouflage dahil all black na naman ang suot niya. Pero dahil maputi siya at parang may lumulutang na ulo sa dilim.
Hindi ako nagpahalata kay Elise na tinitingnan ko si Isaiah. Kahit imposible ay gumamit ako ng telepathy para palingunin sa aking direksyon si Isaiah. Lumingon ka rito! Lingon! Nandito ako! Paulit-ulit na chant ko sa akin isip. At viola! Parang magic na gumana ang aking telepathy dahil lumingon nga ito sa aking direksyon.
Nagtama ang aming mga mata at nakaramdaman ako ng kakaiba. Siguro dahil sa init. Ang dami naman kasing tao rito tapos sabay-sabay pang nagsasalita! Ayan ang lakas tuloy ng negative energy!
Sumenyas sa akin si Isaiah. Kumunot ang noo ko kasi hindi ko siya ma-gets. Putangina ba sabi nito? Parang putangina sa hand gestures niya, e! Nakataas ang daliri niya at parang may tinuturo. A! Siguro naman ay naayos na niya ito kanina. Ngumiti ako sa kaniya at tipid na tumango. Namamalik-mata siguro ako pero nakita kong ngumiti rin siya, e tapos nag-thumbs up.
"Sinong nginingitian mo dyan?" magkahaling inis at takang tanong ni Elise. Sinundan niya rin ng tingin ang tinitingnan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na si Isaiah doon.
"W-Wala . . . tara na," hinila ko ulit siya at sa wakas ay nakarating kami sa harap.
May humarang sa aming mukhang bouncer pero halatang estudyante pa dahil naka-uniform ito. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Halos magdikit na ang mga kilay niya sa pagtitig sa akin pero 'di kalaunan ay pinadaan din kami. Siya pa ang humawi sa mga babaeng nandoon para makadaan kami. May nakita akong vacant space sa pinakaharap. Parang nakaalanan na talaga iyon sa dalawang tao kaya nilingon ko 'yong estudyanteng mukhang bouncer. Tipid itong tumango sa akin at saka tiningnan ang space tapos binalik ulit ang tingin sa akin. Napa-'A' ako nang tahimik nang ma-gets kong iyon ang space na nilaan ni Isaiah para sa amin.
"Tara doon tayo, Elise!" aya ko sa kaniya.
Wala siyang imik at mariin ang titig sa akin. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kaniya. Ano ba itong problema ni Elise? Ano kayang kinain nito sa canteen at nagkaganito ito?
"Kilala mo iyon?" tukoy niya sa lalaki kanina.
Umiling lang ako sa kaniya. Kasi hindi naman talaga.
"Kung gano'n . . . paano tayo nagkaroon ng spot dito? At talagang harap na harap, a? Tapos hinatid pa tayo papunta rito?"
Ngumuso ako at bahagayang napayuko. Shocks naman! Bakit ngayon niya naisipang maging detective ngayon?!
Lumikot ang mga mata ko. Umaasang may mahahanap na sagot sa paligid. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang totoo. Kaso natatakot ako . . . natatakot sa hindi matukoy na dahilan.
Nagsimulang maghiwayan ang mga tao sa paligid, may gumalaw sa stage kaya naagaw no'n ang atensyon namin ni Elise. Natuod ako sa kinatatayuan nang magsilabasan ang Zenith. Pero nasa iisang tao lang ang mata ko. Parang naka-mighty bond ang mga mata ko kay Jazz. Hindi man lang ako makakurap!
This is the very first time I saw him this near! At sobrang lapit!
Inaayos ni Jazz ang kaniyang itim na electric guitar. Mukhang kinakabit niya iyon sa amplifier. Grabe! Sobrang hot niya! Nakasuot lang naman siya ng uniporme gaya ng ibang lalaki, pero iba ang dating sa kaniya! May pagka-skinny ang blacks pants niya, nakabukas ang pang-itaas na uniporme dahilan para makita ko ang panloob niyang black t-shirt na may print na Zenith. Ito 'yong official shirt nila! Nakakainis lang! Kung hindi lang mahal ang mga merch nila bibilhin ko 'yan, e!
Hindi ko inalintana ang sakit ng katawan ko dahil sa pagtulak ng mga kababaihan na nasa likod ko. Sabik na sabik sila sa atensyon ng Zenith. Well, ganoon din naman ako (kay Jazz) pero hindi naman ako marahas. Madalas kasi akong natulala sa mukha ni Jazz. He's just so angelic and surreal! Para siyang perfect definition ng art.
Nagsimula nang tumugtog ang Zenith. Cover lang naman ng isang sikat na banda ang kinakanta nila pero daig pa nila ang original band dahil sa suporta mula sa Apex. Halos nayanig na nga ang Music Theatre sa ingay at gulo!
Nakatanga ko lang tinitingnan si Jazz, nakayuko lang siya at tinitingnan ang mga daliring nasa leeg ng gitara. Panaka-nakang pinapadaan ang dila sa labi at inaalog ang ulo. Mabagal akong napakurap. Sumasakit ang puso ko sa magkahalong tuwa at lungkot. Bibilugan ko mamaya ang date na ito! Anong date na ba ngayon? Hindi ko dapat makalimutan ang araw na ito!
Napansin kong parang may tumitingin sa akin. Sa unang pagkakataon, inalis ko ang tingin ko kay Jazz . . . para makita si Isaiah na nakatingin sa akin habang kumakanta.

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    Arabella Fernandez

    good

    18/05/2022

      0
  • avatar
    MylesCharielle

    ❤️❤️❤️

    30/03/2022

      0
  • avatar
    Lieve_gnthe

    supportttt ♥️

    18/03/2022

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất