logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

"Elise . . ."
"Hmm . . .?"
"May kilala ka bang Isaiah Verse Gozon?"
Ang kaninang abalang-abala na si Elise ay mabilis na pumihit parahap sa akin ng 180 degrees. Para bang may nasabi akong isang kaintere-interesadong salita para bigyan niya ako ng ganitong atensyon. Kapag may ginagawa kasi siya, lalo na kung tungkol sa pagdidisenyo ay grabe itong mag-focus sa ginagawa. Kaya naman himala na lang na pansinin ka niya kapag busy siya.
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko may kakilala ka bang Isaiah Verse Gozon?"
Bahagyang lumayo nang kaunti ang ulo niya sa akin na may panlalaki ng mga mata. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Hanggang ngayon hindi mo pa rin siya kilala?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Medyo napalakas pa iyon kaya nagsilingunan ang mga kaklase kong nakarinig. Kasama na si Jessica na inirapan kami. Hmp! May saltik na naman 'yon!
"Bakit? Sikat ba 'yan? Artista?"
Natampal ni Elise ang kaniyang mala-airport na noo. "Kainis ka talaga, Florence!" buntong-hininga niya. "Si Isaiah Verse Gozon lang naman 'yung main vocalist ng Zenith. 'Yong crush ko!"
"Miss Johnson! May gusto ka bang i-share sa amin at ang ingay-ingay mo riyan?" Nanlilisik ang mga mata ni Sir Migs habang nakatingin sa direksyon namin. Nakaupo siya sa wooden teacher's desk habang chine-check 'yong previous activity namin kahapon.
"W-Wala po, Sir!"
Kung kanina ay si Elise ang nabigla, ngayon ay ako naman. Nalunod ako sa sariling isipan. So ang ibig sabihin ng letter V ay Verse? Tapos kung si Verse ay main vocalist ng Zenith . . . edi kilala niya ang bebeloves ko na si Jazz? O 'di kaya ay close sila? At na sa akin ang journal ni Verse? O baka notebook niya lang iyon sa isang subject?
"Kasalanan mo ito, Florence!" nanliliit na mga matang sabi sa akin ni Elise dahil sa napagalitan siya. "Bakit ka naman biglang naging interesado sa bebe ko, ha?" mahina niyang tanong pero hindi nawala ang panliliit ng mga mata niya sa akin.
Kinabahan ako bigla kaya mabilis at sunod-sunod akong napailing. "W-Wala naman . . . natanong ko lang."
Nakataas na ngayon ang kilay niya sa akin at may pagdududa sa mga mata. Pero hindi kalaunan ay nagkibit-balikat na lang siya.
"Okay lang. Hindi naman ako nate-threaten sa 'yo, e. Alam ko namang patay na patay ka kay Jazz," ngiti niya.
Napahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Hindi rin naman ako interesado sa crush niya, nagkataon lang na nakita ko 'yong journal no'n.
Biglang may pumasok na ideya sa utak ko . . . bakit hindi ko na lang kaya ibigay sa kaniya 'yong journal ni Isaiah? Para siya ang magbalik at baka may chance na magkakilala at magkamabutihan sila?
"Pero teka nga . . . paano mo naalala ang name niya? At full name pa talaga, ha?" bumalik ang pagdududa sa kaniyang mga mata.
Pinagpawisan ako nang malapot. Hindi ko namalayan na humigpit ng pagkakakapit ko sa aking shoulder bag . . . kung nasaan ang journal ni Isaiah.
"Uhm . . . N-Nakita ko lang sa bulletin k-kanina sa gate. Na-curious ako kasi siya lang 'yong taga Music dept. na pasok sa honor list."
Hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Aksidenteng nahagip ng mga mata ko ang pangalan ni Isaiah kanina pagpasok ko. Doon ko nga lang naalala na may gamit nga pala 'yon na nasa akin.
Tumango-tango ito sa akin. "Hmm . . . okay," mahina niyang sagot na pakanta.
Hindi na ako nagsalita pa at wala rin naman akong maisip na maisasagot sa sinabi niya. Kagat-labi kong ibinaling ang atensyon sa naantalang ginagawa. Nakatanga kong tinitingnan ang croquis na iginuhit ko pero hanggang ngayon wala pa ring pumapasok na design sa utak ko. Ang tema ng dapat naming ididisenyo na damit ay tungkol sa nasyonalismo.
Pasimple akong tumingin sa ginagawa ni Elise. Halos malapit na siyang matapos, nire-render na niya ang design na naiguhit. Napanguso ako. Hindi ako makapag-focus dahil may bumabagabag sa isip ko.
Sinulyapan ko ang itim na journal sa bag. Hmm . . . mukhang alam ko na ang dapat kong gawin sa 'yo . . .
Lunch break na at usually kaming dalawa ni Elise ang magkasamang kumakain sa canteen. Ang kaniya ay bentelog samantalang ang akin naman ay tig-sampung pisong egg sandwich. Pero sa araw na ito ay hindi kami magkasabay. Gumawa ako ng alibi para hindi siya masabayan sa pagkain. Ang palusot ko ay pupunta ako sa admin para mag-inquire kung magkano ang budget na ilalaan nila para sa gagawin namin sa Foundation week.
Mabuti na lang ay hindi nagpumulit na sumama sa akin si Elise kasi hindi naman talaga sa admin ang sadya ko . . . kundi ang locker area.
Ibabalik ko na sana itong journal kung saan ko ito napulot. Naisip kong ibalik ito sa Lost and Found ang kaso baka isipin ni Isaiah na nabasa na pinakialaman ko iyon. Na kung paano napunta sa akin 'yong journal niya. Okay sana kung pwedeng gawing confidential 'yong name ng nakakita, kaso hindi, e. Nakakahiya naman.
Maingat akong pumasok sa locker area. Mabuti na lang ay wala masyadong tao. Bilang na lang sa daliri ang nandoon at sa lawak ng locker area ay nasisiguro kong hindi naman nila mapapansin ang gagawin ko. Ipinagdadasal ko na lang na sana ay walang tao sa area ng Zenith.
Nang malapit na ako sa area nila, pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik at wala namang mga bungisngisan ng mga babae. Nilabas ko na ang itim na journal. Napatalon pa nga ako sa gulat nang may biglang dumaan sa harap ko na lalaki, palabas na siguro ng locker area. Mukhang wala namang tao sa area ng Zenith kaya lumiko na ako para lumapit na sana kaso kaagad din akong napahinto at natuod sa kinatatayuan ko.
Katulad kahapon ay sandamukal pa rin ang dami ng mga regalo para sa Zenith. Mukhang iba na ang mga iyon kaysa sa nakita ko kahapon. Tambak ang mga letters na karamihan ay nasa red o pink na sobre at box ng chocolates na halata mong galing sa mamahaling brand. Wala na ang mga stuff toys at bulaklak. Pero hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako napahinto.
May isang lalaki na nakaluhod at tila may kinakalkal sa kabundok na mga sobre. Nakalabas ang mga tuhod nito dahil sa suot na ripped jeans. Naka itim na leather jacket at sabog-sabog ang may kahabaang buhok.
Bigla akong tinambol sa dibdib. Siya ba si Verse? Hinahanap niya kaya 'yong journal niya?
Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil nakayuko iyon sa paghahanap ng kung ano. Napansin niya yata ang presensya ko. Kaya naman nang mag-angat siya ng tingin ay labis akong nagulat!
Napalunok ako sa depina ng kaniya panga. Mapupula ang mga labi. Matangos ang panlalaki nitong ilong. Matalim ang singkit niyang mga mata at may hiwa ang kaniyang kaliwang kilay.
"Ikaw?!" sigaw ko sa kaniya.
Tumayo ito at pinagpagan ang tuhod na medyo namumula gawa ng pagluhod. Kumibot ang labi nito at bahagyang kumunot ang noo. Dumako ang tingin niya sa hawak ko kaya naman itinago ko ito sa aking likuran.
Imposible naman, 'di ba? Hindi naman siya si Isaiah? Baka nagkataon lang na nandito siya!
Pinagmasdan ko ang pag-alon ng kaniyang adam's apple dahil sa ginawa niyang paglunok. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakita ko sa singkit niyang mga mata ang kaba.
Ha! Bakit naman siya kinakabahan?
Lumabi ako at napasulyap sa itim na journal at sa kaniya. Unti-unting may pumasok na ideya sa isipan ko. Hindi ko sigurado kung magiging matagumpay ito at mapapapayag ko siya . . . pero it's now or never!
"A-Ano iyang nasa likod mo?" tila kabado niyang tanong.
Ngumisi ako sa kaniya. Dahan-dahang naglakad papalapit hanggang sa isang yarda na lang ang pagitan sa aming dalawa. Sa tangkad niya ay napatingila ako sa kaniya.
"Ito ba ang hinahanap mo . . . Isaiah Verse?" inilibas ko mula sa aking likod ang itim na journal. Winagayway ko pa iyon sa harap niya habang siya ay mariin ang titig doon.
"Oo, kaya akin na iyan—"
Akmang hahablutin niya iyon sa akin pero mabilis ako at kaagad na itinago ito sa pagpasok sa aking blouse na uniporme. Bumakat iyon sa parihabang hugis at mahigpit na akap-akap ang sarili para hindi niya makuha.
"Oops! Mamaya na Kuyang masungit na tindero. Chill ka lang. Ibabalik ko rin naman ito sa iyo, e," ngumiti ako nang pagkatamis-tamis sa kaniya. Mukha naman siyang nanigas sa kinatatayuan at natulala. Maya-maya pa ay namula ang kaniyang maputing leeg.
Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. "Ibabalik ko ito, pero sa isang kondisyon . . ."
Mukhang nagising siya sa pagkatulala dahil unti-unting nangunot ang noo niya.
"Kondisyon?" takang tanong niya.
Tumango ako. "Yup! Kondisyon!"
Lumabi siya dahilan para mas lalong mamula ang natural na niyang reddish lips. Napatungo pa ito sandali bago ako nilungin nang may ngisi na sa labi.
"Anong kondisyon naman 'yan? Gusto mong maging girlfriend ko? Akala ko ba may boyfriend ka na?" malaki ang ngisi niyang sambit. Bumusangot sa ako sa kaniya at umirap. Ang kapal naman ng mukha!
"Luh! Hindi ikaw ang gusto kong maging boyfriend no!" muli akong umirap. " 'Di ba member ka ng Zenith?" tanong ko.
Tumango ito at humalukipkip.
Bigla akong kinabahan sa naisip. Papayag kaya ito sa kabaliwan ko? Taena! Sana pumayag kundi nakakahiya itong pinaggagawa ko!
"S-So . . . it means kilala mo si Jazz? J-Jazzrel Wong?" nauutal kong tanong. Habang patagal nang patagal ay pabilis nang pabilis ang kabog ng puso ko.
Muli siyang tumango pero mabagal iyon. Unti-unti na ring nabubura sa labi niya ang ngisi.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Tahimik na chini-cheer ang sarili. Go, Florence Marie! This is your chance! Baka kaya mo nakita itong journal niya ay dahil oppurtunity na ito para magkalapit kayo ni bebeloves mo!
Huminga ako nang malalim bago ko isinatinig ang kabaliwan kong plano.
"Ibabalik ko ito sa 'yo kung tutulungan mo akong mapalapit kay Jazz!" hiningal ako pagkatapos kong sabihin iyon dahil tuloy-tuloy akong nagsalita. Napapikit pa ako para hindi ko makita ang reaksyon niya sa kabaliwan ko. Bigla ko tuloy gustong tumakbo paalis dahil sa kahihiyan!
Siguro tinatawanan na ako nito kasi ang pathetic ko! Desperada! Pero okay lang, Florence. Lunukin mo na lang ang dignidad mo para kay Jazz!
Inaasahan kong sasabog ang isang malakas na tawa sa loob ng malawak na locker area pero wala akong narinig ni kahit na pagpipigil ng tawa. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata sa pag-aakalang iniwan na ako ni Isaiah. Pero bumungad sa akin ang dalawang pares ng singkit na nga mata.
Nandito pa rin siya! At hindi siya tumatawa!
Nakatayo pa rin siya sa tapat ko. Unbothered. No emotions. Poker face. Ang matalim niyang mga singkit na mata ay lalong naging matalim! Sa tingin ko ay ilang ulit na ako no'n natusok!
Mukhang wala siyang pakialam sa sinabi ko. Siguro nga ay naiisip niyang kagaya lang ako ng iba na desperada para sa atensyon. But I am desperate!
Ilang sandali kaming kinain ng katahimikan hanggang sa makaramdam ako ng awa para sa sarili. Grabe, Florence! Talagang gagawin mo ang lahat para lang mapansin ni Jazz na wala namang pakialam sa 'yo?! Na hindi man lang alam na nag-e-exist ka pala sa mundo?!
Huminga ako nang malalim. Babawiin ko na sana ang sinabi ko. Siguro nga dapat ay makuntento na ako sa pagtingin sa kaniya sa malayo. Akala ko ba tanggap ko na, na walang pag-asang makita niya ako? Magustuhan?
"Ah, ano kali—"
"O sige," aniya sa isang malamig na tinig.
Nagulantang ako sa sinabi niya. Kung kaya ko lang palakihin ang mga mata ko kagaya ng kay Elise ay nagawa ko na. Pumayag siya? Pumayag siya! Napasigaw ako sa aking isipan.
Pero seryoso . . . pumayag talaga siya sa kabaliwan kong iyon? Pinatulan niya?!
"S-Sure ka ba?"
Ngumuso ito at mabagal na tumango. Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa aking labi hanggang sa naging ngisi iyon.
"Sure na 'yan, ha?! Walang bawian!" masaya kong tanong sa kaniya.
Tipid itong ngumiti sa akin. "Oo nga, kulit," iling niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Mabilis na naglakbay ang utak ko sa hinaharap. Kami ni Jazz na sabay nagla-lunch. Hinahatid at sinusundo mula sa bahay. Mga dates sa arcade at amusement park. Pagsakay sa ferris wheel habang pinapanood nang sabay ang fireworks display . . . at ang una kong halik mula sa kaniya! Hay! Hindi na ako makapaghintay!
"Kailan mo ako ilalakad?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Akap-akap pa rin ang sarili pati na ang journal niya na nasa loob pa rin ng blouse ko. Mahirap na at baka binubudol lang pala ako nito!
"Kailan mo ba gusto?"
"Ikaw ang bahala. Ako na nga nagpapalakad sa 'yo, ako pa demanding? Pero kung kaya mamaya ay okay na okay sa akin," malawak na ngiti ko sa kaniya.
Nangunot ang noo niya at kahit na ngumunguso siya ay hindi nakatakas sa akin ang inis sa mukha niya.
"Hindi pwede, e. May rehearsal kami para sa Foundation," aniya.
Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Oo nga pala. Magpe-perform din ang Zenith sa Foundation. Mukhang napansin ni Isaiah ang biglaang pagbaba ng energy ko.
"P-Pero pwede ka namang manood, e. K-kung gusto mo sa pinakaharap ka para makita mo s-siya nang malapitan."
Kaagad na nabuhay ang dugo ko sa sinabi niya. Sa loob ng limang taon kong pagka-crush kay Jazz, never ko siyang napanood nang malapitan mag-perform! Kaya ay sobrang big deal nito sa akin!
"Weh?! Sure ulit 'yan, ha?! Teka, akin na ang kamay mo."
"T-Teka . . . b-bakit—" Gamit ang kanang kamay ay hinila ko ang kaniyang kaliwang kamay. Kinuyom ko ang kaniyang kamao pero iniwang nakatayo ang kaniyang hinliliit. Ganoon din ang ginawa ko sa akin.
"Let's have a pinky promise! Para naman makonsensya ka kapag hindi mo tinupad ang mga punagsasabi mo, no!" aniko. "At isa pa, kapag hindi ka tumupad, malaki ang chance na hindi mo ito makuha sige ka," dagdag ko saka itinuro ang journal niyang nakatago pa rin sa loob ng blouse ko.
"So, promise?" wika ko at binaluktot ang hinliliit.
Umiling si Isaiah pero may maliit na ngiti sa labi. Binaluktot niya rin ang kaniyang hinliliit para maselyuhan ang kaniyang pangako.
"Promise."

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    Arabella Fernandez

    good

    18/05/2022

      0
  • avatar
    MylesCharielle

    ❤️❤️❤️

    30/03/2022

      0
  • avatar
    Lieve_gnthe

    supportttt ♥️

    18/03/2022

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất