logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 22

"Bakit ka pa kasi sumama sa akin? Mamaya may quiz pala kayo o ano tapos ako pa maging dahilan ng pagkabagsak mo . . ." sabi ko saka hinila pababa ang strap ng bag ko dahilan para umangat iyon sa aking likod.
He chuckled at me. "OA mo naman. Hindi ko naman siguro ikakabagsak ang isang quiz, 'no?"
Matapos ang lunch break ay humiwalay na ako sa kaniya no'n sa pagkakayakap. Natauhan nga lang ako noong tumunog ang bell! Grabe hanggang ngayon dama ko pa rin 'yong hiya. Paano ba naman kasi, feel na feel ko siyang kayakap?!
Mabilis ako no'ng bumaba sa sobrang hiya at napagpasyahang hindi na muna pumasok sa mga natitirang subject. Kaya heto kami, naglalakad na palabas ng campus. May silbi rin naman pala si Isaiah sa akin dahil siya ang kumausap sa guard para palabasin kami. Kung ano ang sinabi niya? Silang dalawa lang ni Kuyang Gurad ang nakakaalam.
Bigla akong inatake ng kosensya ko nang ma-realize ang ginagawa naming. Promise ko talaga sa sarili ko na first and last na itong pag-cutting ko! Bukas ay seseryosohin ko na ulit ang pag-aaral.
Hindi ko lang yata kasi kaya sa ngayon na makita si Elise matapos nang nangyari. Fresh na fresh pa lang 'yong sakit, e.
"Kahit isang quiz kada subject?" I probed.
Umiling siya sa akin at mayabang akong tiningnan. Psh! Yabang naman!
"Kahit na! Bumalik ka na nga lang sa school!" tinulak-tulak ko siya pero mukhang pinapabigat niya ang sarili niya dahil ni hindi man lang siya gumalaw sa ginawa ko.
"Ayoko nga! Pinupunan ko nga ang mga panahong wala ako sa tabi mo," aniya at nangingiting kinindatan ako.
I made face at him. "Ew! Ikaw ang OA! Anong punan-punan ang mga oras na wala ka sa tabi ko? Close ba tayo? Friends ba tayo? Gaano ka kasigurado na mas lesser ang sakit kapag kasama kita?" pinanlakihan ko ng mata si Isaiah.
Come to think of it. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang label ng relationship. I mean . . . hindi naman about romantic relationship! Magkalapit-bahay kami, schoolmate, nagkausap lang noong bumili ako ng tinapay sa kanila . . . tapos ngayon, casual na kaming nagkaka-usap. 'Yong out of nowhere na lang kaming biglang nagkausap. Are we friends? O baka acquittance lang?
"Psh. Ayoko ngang maging friend ka," nakabusangot niyang sabi.
Nangunot ang noo ko. Aba't! Akala ba nito, e gusto ko rin siyang maging friend?
"Hoy! Ayoko rin namang maging friend ka, ano!"
"Good."
Kunot-noo ko siyang nilingon dahil sa sinagot niya. Good? Anong ibig sabihin no'n?
"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya bigla sa gitna ng paglalakad namin.
"Ako, uuwi na. Ikaw, hindi ko alam."
"Uuwi ka na agad?"
"Duh! Alangan! Saan mo pa baa ko pwedeng pumunta? Naka-uniform ako kaya matik na hindi ako papapasukin sa mall dahil class hours pa. At isa pa . . ." ngumuso ako. "Hindi ko alam kung saan ang bahay nila Jazz– ay wiat nga lang, speaking of. Ano nang balita sa paglalakad mo sa akin kay Jazz?" pinaningkitan ko siya ng mata.
Inirapan niya naman ako. Bading ba 'to?
"Jazz na naman . . ." bulong niyang narinig ko naman.
"Ano?"
"Wala! Bakit pa kita ilalakad, e mukhang naka-jackpot ka na sa crush mo?" may bahid ng inis niyang tanong. Ang kaniyang mga kilay ay halos magkadikit na.
"Syempe may usapan tayo, 'di ba?"
"Alam ko at nakikita ko namang close na kayo, e kaya akin na 'yong journal ko," nakabusangot niya pa ring sabi.
I tsk-ed. Parang bata! "Oo na. Sa susunod na lang. Mamaya biglang magbago pakikitungo sa akin ni Jazz, e."
Mas binilisan ko na lang ang paglalakad. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit mas pinili kong maglakad kaysa sumakay ng jeep. Siguro ay iniisip ko na rin kanina na mas okay maglakad para pag-isipan ko nang Mabuti ang mga bagay-bagay. Mag-reflect sa mga nangyayari. Timbangin kung ano ng aba ang mga maling nagawa ko lalo na kay Elise.
I knew her. Hindi naman kasi siya basta-basta nagagalit sa akin ng walang dahilan o sa mababaw na dahilan. Ang nakakasakit lang sa akin, e 'yong matagal na niyang kinikimkim ang bagay na iyon tungkol sa akin.
Mas mapag-iisapan ko pa sana nang maayos iyon habang naglalakad kung hindi lang ako binubuntutan nitong ni Isaiah, e.
"Masaya ka ba?" bigla niyang tanong matapos ang ilang minutong katahimikan.
"Huh? Anong klaseng tanong 'yan? Syempre . . . hindi pa."
"No. I mean . . . masaya ka ba sa kaniya?"
Bigla akong napatigil sa paglalakad. Kaniya? Is he pertaining to . . .?
"Hindi kita ma-gets," sambit ko na siyang nagpatigil sa kaniya sa paglalakad at nilingon ako.
He sighed. "Masaya ka ba kay Jazz?" deretsong sabi niya sa akin. His eyes were piercing through mine. Hindi ko nakayanan ang intesidad ng tingin niya kaya iniwasan ko 'yon.
"Bakit . . . mo natanong?" hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang itanong ko iyon sa kaniya.
"W-Wala naman . . . so ano nga?"
I weighed myself. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Masaya ako kapag nakikita ko si Jazz, kapag tumutugtog siya, pero . . . noong kasama ko siya sa "date" namin, nakita ko ang sarili kong hindi nag-e-enjoy. Siguro dahil na rin I found his words offensive that time? Alam ko namang hindi niya sinasadya, pero ganoon ba talaga ang personality niya?
"O-Oo n-naman . . ." halos mabulunan kong sagot.
Talaga ba, Florence? Pero oo dapat kasi crush ko siya, e. Kung gusto mo talaga ang isang tao dapat hindi mababawasan ang pagkagusto mo sa kaniya porket naging gano'n siya . . . o mali ako?
"Ah. Okay. Good to know," he blandly said.
Silence enveloped us again. Hindi ako mapakali! Para akong nakokonsensya! Bakit naman kasi ganoon 'yong tono niya? Parang malungkot na ewan?
"E, sa akin . . . masaya ka ba?" basag niya ulit sa katahimikan.
Pakiramdam ko biglang umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Naramdaman ko rin ang pag-palpitate ng kilay ko sa tanong niya. Anong klaseng mga tanong ba 'to?!
"H-Huh?" nautal kong saad. Kung kanina, nakapa-isip pa ako nang maisasagot, ngayon parang nag-shutdown 'yong utak ko!
"Nevermind. H'wag mo na lang sagutin," sabi niya bago ako lagpasan. Hindi ko namalayang napahinto na naman pala ako sa paglalakad. Pinanood ko ang likod niyang unti-unting lumalayo.
Natulala ako. Anyare do'n?
Nawalan na ako ng ganang magpatuloy pa sa paglalakadd kaya sumakay na lang ako ng trike, total halos nakakalahati na rin naman ako ng distansya pauwi sa amin kakalakad.
Pagka-uwi ko, naabutan kong papasok pa lang ng bahay si Kat. Teka– nag-cutting din ba 'to o may event sa kanila?
"Nandito na po ako!" sigaw ko pagkapasok. Walang bumati sa akin pabalik pero nadatnan kong tahimik at tulalang nakaupo si Auntie sa tapat nang nakapatay na TV.
Parang may kumirot sa puso ko sa nakita. We weren't fully healed kahit na isang linggo na ang nakalipas. Gusto kong yakapin si Auntie at iparamdam na may kasama pa rin siya kaso siya mismo ang lumalayo. I just hoped that she'll find happiness again.
Tahimik akong pumasok sa kwarto ko at nadatnan naman si Kat na naka-uniporme pang nakahiga. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko sigurado kung nakatulog na ba siya agad. I sighed. Pinapanalangin ko na lang na sana ay maayos si Karlos.
This is the toughest time for us, yet.
Dumeretso ako sa table ko at naupo. I was about to get my sketch book on the wall shelf nang may napansin ako.
Kunot ang noo ko habang tinitignan ang awang sa pagitan ng libro kong "A Walk to Remember" at isa ko pang sketch book. Pero nang may ma-realize ay napassinghap ako't namilog ang mga mata.
Shocks! 'Yong journal ni Isaiah ang nakalagay rito, ha? Nasaan na iyon?!
Kinakabahan akong naghanap sa wall shelf ko. Tinanggal ko isa-isa ang mga nakalagay doon at binusisi talaga ang paghahanap. 'Yon lang ang bukod-tanging itim na libro ang mayro'n ako rito at hindi ko mahanap!
Lumapit ako sa bag ko at doon naghanap. Baka aksidente kong nailagay rito at nadala sa school. Halos ibuhos ko na lahat ng laman ng bag ko pero wala pa rin!
Padarag kong naibagsak ang sarili sa upuan. Patay ako nito!
"Shocks! Shocks talaga!"
Ginulo-gulo ko ang buhok ko sa inis. Kung nadala ko nga iyon sa school, baka may kumuha sa bag ko? Imposible namang nailagay ko iyon sa locker. Hindi pa ako nakakapunta ulit sa locker area at wala naman akong binibitbit papunta ro'n maliban sa sketch book at art materials, kaya imposible talaga!
Napalingon ako kay Kat nang umikot ito sa kabilang side.
Posible kayang . . .?
"Kat?" tawag ko sa pinsan ko. Wala akong sagot na nakuha sa kaniya.
"May nakita ka bang black na journal dito?" nagbabaka-sakali kong tanong. Please, please sana nakita niya!
"Pwede ba, Florence? 'Wag mo akong istorbuhin!" masungit at may kalakasan niyang sagot.
Natigilan ako. "S-Sorry . . ."
"Tss."
Mas lalong naging masungit si Kat nang mamatay si Uncle. Nakipaghiwalay pa nga siya kay Jules, bagay na hindi ko inaasahang gagawin niya. Lumunok ako at halos maiyak sa mga nangyayari sa paligid ko.
Wala namang laman 'yong journal, e. Walang nakasulat. Kung bilhan ko na lang kaya si Isaiah nang bago? Ayokong sabihin sa kaniya na naiwala ko. Ayokong may magalit na naman sa akin.
Ayokong may umiwan na naman sa akin.

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    Arabella Fernandez

    good

    18/05/2022

      0
  • avatar
    MylesCharielle

    ❤️❤️❤️

    30/03/2022

      0
  • avatar
    Lieve_gnthe

    supportttt ♥️

    18/03/2022

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất