logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 21

"Nakakainis ka, Uncle . . ."
Pinalis ko ang luhang tumulo sa aking pisngi ngunit napalitan din naman kaagad iyon ng panibago. Nagalaw ang suot kong itim na shades dahil sa ginawa ko kaya inayos ko iyon.
"Kung alam ko lang na . . . g-ganito ang mangyayari edi s-sana . . . edi sana pinalubos ko na sa 'yo 'yong pang-aasar sa a-akin . . ." suminga ako sa tissue hawak ko.
Limang araw lang ang lamay na ginawa para kay Uncle at ito ang araw ng libing niya. Actually, sinesemento na ang puntod niya at nagpaiwan ako muna rito habang umiiyak na pinapanood ang ginagawa ng mga lalaki. Sila Auntie ay inasikaso muna ang mga nakilibing.
"Uncle . . . salamat sa lahat, ha? Kahit na lagi mo akong pinapagalitan . . . love pa rin kita. Akala ko pa naman makikita n'iyo ako ni Auntie na magiging Fashion Designer. 'Di ba, sabi ko pa noon sa inyo na ako magde-design ng barong at gown ni Auntie kapag pinakasalan mo ulit siya sa dream church niya? Paano na 'yan? I-Ibang . . . ibang okasyon ang pinaggamitan ni'yo ng barong, Uncle," I chuckled. "Joke lang po, baka multuhin mo ako, e . . . Pero kung nasaan ka man ngayon, Uncle, alam kong masaya ka na r'yan. Gabayan mo kami nila Kat at Karlos, ha? Panoorin mo kami mula r'yan sa itaas, Uncle kung paano namin maabot ang mga pangarap namin. Batayan mo rin si Auntie, Uncle. Alam mo naman po . . . chicks 'yon. Baka may mag-comflirt . . . Char lang ulit, Uncle hehe."
Natigil ako sa muli kong pagpunas ng mga luha ko nang may kumalabit sa akin. Nilingon ko iyon at nakita si Karlos, naka-all black attire siya at black shades din. "F-Flor . . . uwi na raw tayo sabi ni Mama." Tumango ako sa kaniya at muling nilingon ang puntod ni Uncle para magpaalam.
"Una na po kami, Uncle– Ah! I mean . . . uwi na po kami. We love you, Uncle . . ." binalingan ko si Karlos. "Ikaw? Hindi ka ba magpapaalam . . . kay Uncle?"
Mahina siyang suminghap at umiwas siya ng tingin sa akin. "H-Hindi. Hindi naman siya tuluyang nawala, e. Kaya bakit ako magpapaalam?" tinalikuran na niya ako at naunang umalis, hinabol ko siya.
Tipid akong napangiti habang tahimik na tinitingnan ang pinsan ko. Karlos may looked cold and aloof but I know deep inside that he's a soft-hearted person. Mababaw ang luha. Ilang beses ko na ring nasaksihan ang mga patagong iyak niya noon.
Hanggang ngayon, masakit pa rin ang nangyaring trahedyang ito sa amin. I was left by my biological parents. Iniwan, pero nand'yan pa rin naman ang physical bodies nila na maaari kong makita anumang oras kung gugustuhin ko. I was broken at that time. Masakit maiwan, e. Pero itong klase "iwan" na ata ang pinakamasakit.
I could never see Uncle's flesh again. Tanging sa mga alaala at litratong naiwan niya na lamang namin siya makikita. And it hurts me thrice than how my own parents abandoned me.
This is one of the reasons why I don't want to be too attached to someone else. Nakakatakot magising sa mga susunod na araw na wala na ang taong nakasanayang mong makita . . . makasama. But I'm living in reality. I need to accept that people come and go to my life. I need to move-on. Kailangan dahil sabi ni Auntie dati na hindi mo dapat hayaang huminto ang pagtakbo ng buhay mo nang dahil sa isang taong iniwan ka. Without him or her, your life must go on turning.
Pero hindi ba pwedeng kahit saglit lang . . . kahit isang araw man lang, hayaan kong huminto sa pagtakbo ang buhay ko?
***
"What's happening to you, Miss de Mayo?"
Yumuko ako nang tanungin ako ni Sir Migs. Ito ang mga salitang ibinungad niya sa akin nang makapasok kami sa Faculty.
I heard him sigh. "You're not in your usual self. Alam kong nagdadalamhati ka pa rin sa pagkawala ng Tito mo, pero hindi ba pwedeng mag-move-on ka na? Alam kong mahirap ang sinasabi ko but please, please gather yourself together. I'm concerned for you. Kung magpapatuloy 'to ay malabong makuha mo ang pinapangarap mong scholarship. You don't want that to happen, right, Miss de Mayo?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang banggitin niya ang tungkol sa scholarship. No. Hindi 'on pwede. Nangako ako kina Auntie at Uncle na pagbubutihin ko sa pag-aaral. Dahan-dahan akong umiling sa adviser namin.
Muli ko siyang narinig na nagpakawala ng buntong-hininga. "Good to know. But let me just remind you, Miss de Mayo, medyo tumagilid na ang grades mo ngayon dahil sa isang lingo mong pag-absent. Ang dami mong na-miss na lectures and outputs. Pero . . . sa tingin ko ay magagawan ko pa naman ito ng paraan. Sa 'yo ko lang ito gagawin dahil I see so much potential in you at manghihinayang ako kung hindi mo makukuha ang scholarship. I just want an assurance na hindi mo na ako muling bibiguin, Miss de Mayo . . ."
"S-Sorry, Sir. I-I'm just . . . hurt."
"I know, Miss de Mayo. I understand you, pero sana maintindihan mo rin na kailangan mo pa ring magpatuloy."
Tumango ako sa kaniya. Alam ko. Alam kong dapat pa ring magpatuloy sa pag-ikot ang buhay ko, pero hindi iyon ang pinili ko sa mga nakaraang araw. Pinili kong makatakas sa reyalidad kahit pansamantala lang, pero hindi pala talaga pwede. Ngayong nakabalik na ako at nagising, kailangan ko nang gawin ang tama. Kailangan ko na magpatuloy.
"Sorry po talaga, Sir. I-I' promise I'll do everything that you want, Sir. H'-H'wag lang po tuluyang mawala sa akin ang scholarship."
Lumabas ako sa Faculty nang tulala. Hindi ko alam na sa loob ng isang linggo ay ganoon na ka-grabe ang nawalang raw grades sa akin. Kamuntikan na raw akong maligwak sa Honor Roll, na siyang natitira kong pag-asa para makuha ang scholarship. A week was too short for a person who had been in so much pain. Pero sa school, ang isang lingo ay halos katumbas ng isang taon. Hanggang ngayon pa nga ay parang panaginip—masamang panaginip . . . bangungot—lang ang pagkawala ni Uncle.
"Hoy! Florence! Anyare sa 'yo? Bakit gan'yan mukha mo? May masama bang ibinalita si Sir sa 'yo, ha?" nagulantang ako sa biglaang pagsulpot ni Elise sa aking gilid. Ramdam na ramdam ko ang bigay ng braso niya nang akbayan ako.
Umiling ako sa kaniya. "W-Wala naman . . . Bakit pala nandito ka? May klase pa tayo, ha?"
"Ha? Lah, s'yempre nag-aalala ako sa 'yo, 'no! Hmm . . . kinausap ka ni Sir tungkol sa grades mo, ano? Ibinagsak ka na ba? Kaya mo pa kayang ihabol 'yan sa exams? Parang hindi na, e."
Nagtagal ang titig ko kay Elise. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero ramdam ko talagang may nagbago sa kaniya. At parang iba ang dating sa akin ng huli niyang sinabi.
"H-Hindi ko alam, Elise . . ."
Nakabalik na kami sa room at bumungad sa amin ang magulong classroom. Ang mga kaklase kong lalaki ay natigil sa pagbabatuhan ng papel nang makita ako, pati ang mga maiingay kong mga babaeng kaklase ay natigil sa pagchichismisan. I heaved a sigh mentally, Mabuti naman ay nagkakaroon na ng impact kahit papaano ang presence ko sa kanila.
Dumiretso kami ni elise sa kaniya-kaniya naming upuan at hindi nagtagal ay dumating na rin si Sir Migs.
Tumikhim si Sir nang matapos naming siyang batiin. Tuwid na tuwid siyang nakatayo sa harapan naming at inilibot ang paningin bago ito huminto sa akin. I slowly gulped. Mukhang alam ko na kung saan ito patungo?
"So okay, class! Alam naman natin na may trahedyang pinagdaan si Miss de Mayo kaya siya um-absent ng isang lingo at aware naman kayo na marami siyang mga activities na hindi naipasa. To be fair . . . I am giving her a chance to comply all of those, nakausap ko na rin ang iba ni'yo pang teachers tungkol ditto at ayos lang naman sa kanila. I'm informing you para hindi kayo magtaka at maghinala na pinapaboran namin si Miss de Mayo . . ." may iilang bulungan akong narinig hindi kalayuan. Hindi malinaw ang mga salita nila pero sigurado akong tutol sila sa sinabi ni Sir.
"Hindi ba't unfair 'yon, Sir?" lakas-loob na tanong ni Jessica sa gitna ng mga bulungan.
"I don't find it unfair, Miss Ilustre. Hindi ba't mas unfair kung hindi ko bibigyan ng chance si Miss de Mayo gayong hindi naman niya ginusto ang mga nangyari?"
Natahimik si Jessica pati ang kampo niya. Bakas sa mukha niya ang inis at mas nakumpirma ko iyon nang lingunin niya ako. She gave a death glare. Akala mo, e pinapatay na niya ako sa isipan niya.
After Sir Migs announced that, he continued with his previous lesson na siyang hindi ko masundan. Though, binigyan niya naman ako ng PDF files ng lesson niya noong absent ako. I am just touched by his actions. Ang hands-on niyang teacher at ayaw niya talagang may naiiwang estudyante sa klase niya. I'm so grateful to have a teacher like him.
The bell rang indicating that the class is over. Morning class pa lang naman ang natapos kaya oras na rin para mag-lunch. Bago tuluyang lumabas si Sir Migs ay tinawag niya ako. Pinaalalahanan na pumunta sa faculty after class para masabi niya ang mga kailangan kong gawin at ipasa.
Lumapit na ako kay Elise na tahimik na naglilipit ng kaniyang gamit. Patapos na siya sa ginagawa kaya binilisan ko ang paglilipit ng sa akin. Huminga ako nang malalim, freeing myself from all of the pain I've been carrying. Ngayong nasa school ako, dapat hindi ko dinadala rito ang problema at sakit, dapat sa bahay lang 'yon. Susubukan ko ulit bumalik sa dati, 'yong happy-go-lucky lang.
"Anong kakainin mo, Elise? Egg sandwich na naman ba tayo? Try kaya natin 'yong hamburger with coleslaw? Libre ko na ito since isang lingo akong wala hahaha," pilit akong tumawa sa kaniya pero unti-unting nabura iyon nang wala man lang reaksyon si Elise sa sinabi ko.
"Huy! Okay ka lang? bakit bigla kang nanahimik? Libre na, o, tinatanggihan mo pa? Aba himala–"
"Hindi ko kailangan ng pera mo, Florence," natigilan ako sa sinabi niya. "At isa pa . . . tipirin mo na lang 'yang pera mo. Mukhang mas kakailanganin mo pa dahil wala na Uncle mo, 'di ba? Wala na nga kayong pera manglilibre ka pa."
Literal akong napanganga sa sinabi niya samantalang nakarinig naman ako ng mga kantyaw na, "Ohh! Bars!" mula sa kababaihan. Saglit ko silang nilingon at nakitang sila Jessica iyon.
"Anong problema mo, Elise?" takang tanong ko sa kaibigan. May topak ba ito? Period? Bakit biglang inatake ng mood swings?
Inirapan niya ako. "Wala naman, beshie," she said, emphasizing the last word. Para bang ang sarcastic ng dating.
Sinukbit na niya ang purble na bag sa kaniyang kanang balikat at nang akma na siyang aalis at pinigilan ko siya.
"T-Teka lang, Elise . . . galit ka ba?"
Nakataas ang kilay nitong nilingon ako. "Sa tingin mo?"
"B-Bakit? A-Anong ginawa ko?"
She smirked at me at tuluyan akong hinarap. Ramdam ko naman ang pagmamasid ng mga kaklase ko sa amin. For sure they are enjoying this show. Sino ba naman ang hindi magiging interesadong panoorin ang matagal nang magkaibigan at hindi mapaghiwalay ay nag-aaway?
Umismid sa akin si Elise. "Anong ginawa mo? Wala naman, Florence. Ah! Hindi mayro'n pala . . . Masyado kang paawa. Noong una, ginagamit mo ang kahirapan mo para mapalapit kay Jazz, s'yempre naaawa siya sa 'yo kaya kinakausap at nililibre ka niya. Wala namang kaso iyon sa akin, e kasi ano bang paki ko sa Jazz mo? Pero ngayon, Florence, nakakainis na. Ang unfair talaga, e. Bakit ginusto rin ba naming mamatay ang Uncle mo? Hindi rin naman, 'di ba? Bakit 'yong mga pinsan mo, nagawa naman nilang pumasok after ng libing? Tatay nila 'yong nawala, Florence! Pero samantalang ikaw na pamangkin lang naman ay grabe ang pag-iinarte. May paisang linggo ka pang absent na nalalaman. If I know, gusto mo lang takas an ang activities at alibi mo lang na nagdadalamhati ka para paboran ka ng mga teacher natin!" she clapped her hands. "Congrats! You're such a great actress, Florence! Pang Oscars ang ganap mo!"
Tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko sa mga salitang binitiwan niya. Ang sakit naman ng mga sinabi niya. Pero mas sumakit kasi galing mismo sa taong pinagkatiwalaan ko. Sa taong mahalaga sa akin.
"G-Ganyan ba ang . . . ang tingin mo sa akin, Elise?"
Pinalis ko ang luhang gumagapang sa pisngi ko. Nagsisimula na ring manginig ang balikat ko sap ag-iyak. All this time? Ito ang iniisip niya sa akin? Kaya ba nagbago ang pakikitungo niya sa akin? 'Yong mga sarcastic lines na sinasabi niya sa akin ay may hidden grudged?
"Oo! Ano naman ngayon, Florence? Nagagalit ka? You can't blame me! Totoo naman ang mga sinabi ko, 'di ba? Paawa ka!"
"Hindi totoo 'yan, Elise!"
"Huh! Sinungaling ka! You are using your status para magpaawa at makuha ang gusto mo!"
Kumuyom ang kamao ko, bumaba ang tingin niya roon. "O, ano? Galit ka na, Florence? Gusto mo na makipag-FO? Okay, fine! Hindi mo naman deserve magkaroon ng friend, e! No. Wala ka namang deserve sa lahat ng bagay na mayro'n ka!"
My breathing became heavier and I cried more.
"Taman a nga 'yan, Elise!" Darel butted in. Nakisali na rin sina Aaron at iba pa para awatin kami. Sina Jessica at mga alipores niya ay dumalo sa umiiyak na ring si Elise. They combed her hair and hushed her. Inaalo na akala mo ay siya ang higit na nasaktan sa amin. There wasn't physical fight involved pero ang lalim ng sugat sa puso ang natamo ko.
My best friend, my soulmate, my other half . . . ang taong inaasahan ko sanang kasangga ko sa oras na ito ay may masamang iniisip tungkol sa akin. Bakit, Elise? Anong dahilan kung bakit mo ito nagawa sa akin? Kung bakit ka nagkaroon ng ganyan mind set tungkol sa akin?
Tahimik akong umiiyak habang pinapanood sila. Jessica gazed at my way and gave me another death glare, pero mas matalim na ngayon.
"Hayaan mo na, Elise. Don't cry. You don't deserve that kind of best friend."
Napasinghap ako sa sinabi ni Jess. Lumapit naman sa akin sina Aaron, Darel at ang dalawang Joseph.
"Okay lang 'yan, President. Nagkakaroon talaga ng away sa friendship . . ." pampaubag-loob na sabi ni Darel. Ang tatlo naman ay tumango lang sa sinabi ni Darel. Ngumiti ako sa kanila at pinunasan ang mukha.
"Salamat sa konting pang-cheer-up. Na-appreciate ko . . . A-Alis muna ako, ha? Papahangin lang . . ."
Malungkot akong tinanguhan ng apat bago ako lumabas sa room. Akala ko wala na akong iiyak pa matapos ang pagkawala ni Uncle. Tulala akong naglalakad. Hindi alam kung saan pupunta hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na umaakyat sa roof deck ng Arts and Design department.
Sinalubong ako ng malakas na hangin pagkatapak ko sa landing ng roof deck. Sumabog ang maiksi kong buhok at ang bangs ko dahil doon. Lumakad ako hanggang sa marating ko ang railings. Hinawakan ko iyon na umiiyak na pinagmasdan ang kabuuan ng LSA mula rito.
Tirik ang haring araw dahil pasado alas-dose pa lang ng hapon. Mahapdi sa balat pero tiniis ko na lang. Dapat ay kumakain na ako ng egg sandwich ngayon sa canteen, e. Pero mabuti na lang din ay hindi na ako nakaramdam ng gutom. Siguro ay dahil na rin sa nangyari kanina.
Naalala ko na naman . . . This is not the first time na nag-away kami ni Elise, pero ito ang una na may nakipag-FO ang isa sa amin. Tampuhan lang noon ang nangyayari sa amin tapos maya-maya, e bati na ulit kami. Parang hindi nag-away.
Saglit akong natigil sa pag-iyak nang may marinig akong ingay na tila hinihingal sa likuran ko. Nilingon ko iyon at Nakita si Isaiah na bahagyang nakayuko at ang dalawang kamay ay nakatukod sa kaniyang mga tuhod.
"Isaiah?" tawag ko sa kaniya. Umangat naman ag tingin niya sa akin at nginitian ako sa kabila ng paghahabol sa kaniyag hininga.
"Florence . . ."
"A-Anong ginagawa mo rito?" naramdaman ko ang pagkatuyo ng mga luha ko sa aking pisngi. Mukhang nahabol na niya ang kaniyang hininga dahil unti-unti na siyang lumalapit sa akin.
"Sinundan kita."
"H-Huh? B-Bakit?"
Tipid niya akong nginitian at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpula ng kaniyang mga tainga.
"Kasi sabi ni Mama, follow my dreams daw, e . . ." hindi siya nakatinngin sa akin nang sabihin iyon.
Napatulala naman ako sa kaniya. Mahina niyang sinabi iyon pero malinaw ko namang narinig. O baka nag-iilusyon lang ako. 'Yon ba talaga ang narinig ko?
"A-Ano?" Ulitin mo nga . . . gusto kong idagdag para maliwanagan ako.
Nakakunot-noo niyang ngumuso. "W-Wala!"
Bahagyang nangunot ang noo ko. Ay?
"So . . . bakit ka nga nandito?" hindi ko mapigilang hindi magtaray sa kaniya dahil sa isinagot niya sa akin.
"Ikaw? Bakit ka nandito?"
"Pake mo ba? At saka ako ang unang nagtanong, ha?"
"Okay, fine. Sinabi ko naman na 'di ba? Sinundan kita . . . pupuntahan sana kita sa room ni'yo kaso nakita kitang paakyat dito."
Tipid na lang akong tumango sa kaniya at muli ibinalik ang tingin sa mga estudyanteng naglalakad sa baba, para na silang mga langgam sa paningin ko. Hindi. Masyado naman na iyong maliliit. Mga hantik, tama. Nalihis ang atensyon ko nang maramdaman ang presensya ni Isaiah sa aking tabi.
"Alam kong may problema ka. Ilabas mon a 'yan . . . masamang magkimkim ng nararamdaman."
Nilingon ko siya. Sinasabi niya bang umiyak ulit ako rito? Mag-breakdown? E, dahil nga sa kaniya kaya umurong ang mga luha ko, e. Inilihis ko ang paningin ko.
"Ayoko nga. Nand'yan ka, e. Mamaya nakikichismis ka lang pala."
"Loko. Hindi, 'no. Pambawi ko na ito dahil kita kita nasamahan noong . . . alam mo na."
Muling bumalik ang tingin ko sa kaniya. Oo nga. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko siya Nakita sa burol ng Uncle ko pati sa libing nito. Hindi naman masyadong close ang pamilya naming pero halos lahat ng nasa kalapit naming bahay at sa may kanto nila ay pumunta para makilamay.
Nagtagal ang titig ko sa kaniya. Mukhang naramdaman niya naman ang bigat ng mga titig ko kaya mas umiwas siya ng tingin sa akin.
Nasaan kaya siya noong mga panahon na iyon?
"A-Anong klaseng tingin 'yan? N-Nandoon ako, 'no! Hindi mo lang nakita."
"E, bakit hindi ka lumapit sa akin?"
"K-Kasi . . . kasi . . . basta! Ilabas mo na nga lang nararamdam mo."
Huminga ako nang malalim at hinigpitan ang hawak sa railing. Kainis 'to! Pinapaalala na naman 'yong mga nangyari!
"H'wag kang mahiyang isigaw 'yan. 'Di ka naman nila maririnig, e."
"Sila hindi, pero ikaw, oo."
I heard him tsk-ed. "O heto na nga, lalayo na," pinanood ko siyang lumayo sa akin ng ilang hakbang. Mga nasa tatlong hakbang lang ata iyon. Napailing ako sa kaniya.
"Sige na . . . Hindi ako makikinig."
Inirapan ko siya. Talaga lang, ha?
I deeply inhaled, para bang bumubwelo ng mga sasabihin.
"Nakakainis naman na buhay ito!" buong lakas kong sigaw, pasimple kong nilingon si Isaiah at nahuling nakatingin siya sa akin. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin sa akin at pumito, kunyari ay hindi ko nahuling tintignan ako.
"Grabe ang peaceful naman dito sa roof deck. Dito na nga ako tatambay sa susunod . . ." aniya at itinuloy ang pagpito.
Muli na lang ako napairap sa kawalan at itinuloy ang paglalabas ng hinaing sa buhay.
"Hindi na yata mauubos ang problema ko sa buhay! Lahat na lang ng mahalaga sa akin ay nawawala!" tumigil ako nang isigaw iyon. Muling nabuhay sa alaala ko ang mga masasayang pangyayari kasama ko si Uncle. "Noong u-una . . . si U-Uncle . . . fresh pa nga sa akin 'yong nangyari, e. Tapos ngayon . . . 'yong best friend ko naman. Tapos muntik na ring mawala sa aking 'yong scholarship . . ." I shallowed the lump in my throat before I continued. "Ano pa ba ang mawawala sa akin? S-Siguro nga tama si Elise, kaya nawawala ang mga mahahalaga sa akin kasi . . . kasi hindi ko d-deserve .. . " unti-unting humina ang pagsigaw ko hanggang sa naging hikbi na lang ang mga iyon.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang malalakas na hikbing gustong kumawala. Hianayaan ko ring patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko na parang waterfalls.
Ipinikit ko ang mata ko dahil sa sakit pero ilang sandal lang ay nakaramdam ako ng init na bumalot sa akin. Nagmulat ako at nasalubong ang mga mata ni Isaiah.
Kainis! Sabi niya hindi siya makikinig, e!
Humigpit ang yakap niya sa akin at inalo ako. "Shh, Florence. Deserve mo ang lahat ng mayro'n ka . . . at wala nang mawawala ulit sa 'yo, pangako 'yan."
Naiyak ako sa sinabi niya kaya hindi ko mapigilang mapayakap na rin sa kaniya. Sinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib para mapigilan ang pagkawala ng malakas kong pag-iyak. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa aking buhok at ang isang kamay niya naman ay magaang tinatapik-tapik ang likod ko.
Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa matapos ang lunch break.

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    Arabella Fernandez

    good

    18/05/2022

      0
  • avatar
    MylesCharielle

    ❤️❤️❤️

    30/03/2022

      0
  • avatar
    Lieve_gnthe

    supportttt ♥️

    18/03/2022

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất