logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER FOUR : The Youngest Trust

"Sir napapaligiran na tayo!" rinig kong sigaw ng isa nilang kasama dahilan para buksan ko ang mga mata ko.
Nagkagulo na ang mga tao dahil sa pagkabasag ng isang glass wall kanina. Habang ako ay hindi alam ang gagawin, pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw dahil sa putok ng baril na yon. Eury wasn't shot at wala na ang baril na hawak nung lalaki kanina. Maybe iyon ang binaril ng hindi ko alam kung sino, pero iyon ang dahilan kaya nabasag ang glass wall kanina.
"F*ck. All this time your reaper just watching us!" baling niya sa'kin habang masama ang tingin.
"Sir we need to escape. Nandito ang lahat na magpinsan. Wala tayong laban sa mga yon!" tawag ng isang tauhan niya sakanya.
"D*mn it. I'll kill you the next time we meet again." galit niyang saad bago sila tumakbo paalis at dumaan sa likuran ng bar. Nagmadali akong tumakbo papunta kay Eury nung mawala sila. Umiiyak ko siyang niyakap.
Isa-isa ring pumasok ang mga taong hindi ko kilala. Hinabol nila agad ang mga lalaking tumakas kanina.
"Aris! F*ck." rinig kong tawag sa'kin ni Axell na nakapasok na kasunod si Vam pero hindi ko siya pinansin. Nanginginig parin akong umiiyak sa gilid ni Eury. Parang nawala na nang tuluyan ang boses ko.
Eury almost died because of me!
"Ang iba nating pinsan ay tumulong sa paghabol, tara na. Iuuwi ka na namin." sabi ni Vam bago lumapit sa pwesto namin ni Eury nang dahan-dahan. Binuhat niya kaagad si Eury. Dahan-dahan akong tumayo para harapin si Axell pero naagaw nang atensyon ko ang galit na pumasok na si Luan. Mabilis siyang nakarating sa harap ko.
"Why can't you understand things, Amaris?!" galit niyang sigaw sa'kin habang mahigpit ang hawak sa braso ko. I flinched the moment I felt the pain because of how the way he grab my arm.
"Luanel you're hurting her." saway ni Axell sakanya pero parang wala siyang narinig.
"She's too f*cking hard headed, Ax!" galit na sigaw niya habang galit na nakatingin sa'kin. Doon lang bumalik lahat ng takot na naramdaman ko.
Sunod-sunod na bumuhos ang luha ko at sa hindi malamang dahilan ay niyakap ko siya. I cried in his arm. Nagulat siya sa ginawa ko at natahimik pero kalaunan ay naramdaman ko na ang kamay niyang hinahaplos ang likuran ko para pakalmahin ako.
"Sisiguradohin kong wala akong ititira sakanila." rinig kong galit na bulong niya bago ako yakapin ng mahigpit at bigyan ng isang masuyong halik sa buhok.
Hinayaan kong kumalma ang sarili ko sa bisig ng kapatid ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon kahit na kami nalang ang naiwan sa loob ng bar.
"Luan handa na ang sasakyan," rinig kong tawag ni Joss na kakapasok lang. Tiningala ko si Luan habang nakayakap parin, masuyo niya akong tiningnan. The first time I saw him so calm around me.
"Are you okay now?" tanong niya. Marahan akong tumango bilang sagot. I wanted to explain bakit ko ginawa yong yakap kanina pero hindi ko rin alam kung ano ang idadahilan ko dahil nabigla lang din ako.
"Let's go." agad na saad niya bago bumitaw sa yakap at tatalikod na sana pero napatigil siya nung mahigpit akong humawak sa laylayan ng suot niya. Nagtataka niya akong nilingon dahil sa ginawa ko.
"I'm s-scared.." mahinang sagot ko. I saw how his jaw clinched before he hugged me again.
"Shh, I'm here. No one can hurt you." bulong niya. Sa hindi malamang dahilan ay kusang gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Na tila lahat ng sasabihin niya ay paniniwalaan ko. Marahan niya akong hinawakan sa beywang habang inalalayan palabas ng bar para makabalik na kami sa dorm ko.
Dalawang linggo ang lumipas at sa mga araw nayon ay wala kaming masyadong ginawa. Madalas akong lutang dahil sa trauma na natamo ko. Papalit-palit sa pagbabantay sa'kin ang mga pinsan ko na hindi ko na tinutulan. Tinanggap ko na na may mali ako. Mali na hindi ko pakinggan ang totoo nilang rason kung bakit nila ako pinoprotektahan but joining the mafia is still not good according to them. Pinilit nila akong umatras kaya pumayag ako at ngayon ko kakausapin si dad tungkol don.
Si Luan naman ay hindi ko narin nakaka-away. We became more closer to the point na kapag natatakot ako dahil sa trauma sa nangyari ay siya lang ang makakakalma sa'kin. Pumapayag akong mga pinsan ko ang tagabantay ko sa tuwing umaga pero hindi ako napapalagay kung hindi si Luan ang nasa paligid ko kapag gabi. Masyado akong naging paranoid dahil sa nangyari. Alam narin nila ang tungkol sa nangyari doon sa kagubatan at sa mga lalaking humarang sa'kin kung saan ako nakakuha ng mga impormasyon. Luan was mad pero hindi iyon naging dahilan para sa'kin ibuntong ang galit niya. He became more protective.
"Hey there young lady," masayang bati sa'kin ni Eury nung abotan niya akong kumakain sa cafeteria. Hindi ko kasama ang isa sa pinsan ko kaya baka siya ang sasama sa'kin ngayon.
Napansin ko narin ang pagbabago ng ugali ko. Mas naging open ako kay Eury, Luan at sa mga pinsan ko tho minsan ay umiiral parin ang katigasan ng ulo ko
"Hi," bati ko pabalik kay Eury saka inalok siya ng pagkain. Masaya niya iyong tinanggap at nagsimula nang kumain.
"Dahan-dahan Eury," saway ko bago kami parehong nagtawanan.
"So anong gusto mong gawin today after school?" she asked na agad na nagpakunot ng noo ko.
"Ikaw ang kasama ko whole day? Where are my cousins, Eu?" nagtatakang tanong ko. Sumimangot siya agad dahil sa sinabi ko.
"Ouch ha, parang ayaw mo naman akong kasama Aris." may tampong sabi niya at nagcross-armed pa.
"Hahahaha hindi naman, I was just wondering kung bakit hindi nila ako masasamahan." sagot ko sakanya. Umakto pa siyang nag-iisip bago tumawa dahil nakita niyang nainip na ako agad sa paghihintay.
"They just told me they're busy so I need to look after you." sagot niya agad.
"Talagang gusto pang nakikitang naasar ako no." reklamo ko habang nagmamake face sakanya.
"Hahahaha ang cute mo kasi non. Oh btw Luan went to the airport earlier."
"What?!" sigaw ko kasabay nang pagtayo ko dahil sa gulat. She should have told me earlier. At saan naman pupunta yon? Why didn't he tell me?
"Calm down Aris hahahah, hey hey sit down." saway sa'kin ni Eury na sinamaan ko lang ng tingin. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa pagsuko.
"Okay. Okay, don't overreact. Hindi naman siya aalis ng bansa," nakahinga agad ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. I swear I'll follow him instantly and no one can stop me.
"Of course hindi siya pwedeng umalis ng hindi ako kasama, Eury!"
Napailing si Eury dahil sa sinabi ko at agad na ininom ang coke in can ko. Iyon din ang isa sa nagbago sa lahat. Hindi lang kami basta-basta naging close ni Luan, umabot kami sa point na hindi na kami maipaglalayo. Because I felt safe with him and he wanted to make sure my safety on his own since I'm his younger sister na dati pa niyang gustong proteksyonan.
"He won't leave, Amaris. May sinundo lang siya,"
Kinunotan ko ng noo si Eury dahil sa sinabi niya. And who would that be? Wala namang okasyon o misyon si Luan after nong may mangyari sa'kin ha? Who's coming?
"I'll call h - - "
"I'm here young lady," agad akong napalingon sa kararating lang na si Luan na pinutol ang sasabihin ko. Wala kang makikitang ekspresyon sakanya pero hindi rin naman siya galit o ano. Nasanay na ring akong ganyan siya.
"I guess hindi talaga kita makakasama ng buong araw, I have to go." paalam ni Eury bago nagmadaling umalis nang hindi manlang hinihintay ang sagot ko. Nilingon ko si Luan na kakaupo lang sa tabi ko.
"Hey," bati niya. Pinasadahan ko siya ng tingin na ikinataka niya.
"Why?"
Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
"Hey hey, what's wrong?" natatawang tanong niya. Hindi nakatakas sa tingin ko ang ilang babaeng nahumaling agad dahil sa biglang pagngiti ng kapatid ko. Lalo lang uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya kaya tumayo ako agad para iwan siya.
I don't share what's mine. Akin muna ang kapatid ko dahil matagal din kaming naging magkaaway. Marami akong nasayang na panahon at babawiin namin iyon ngayon.
"Ari wait!" tawag niya sa'kin pero hindi ko siya pinansin at tuluyang lumabas ng cafeteria. Alam kong nakasunod parin siya kaya hindi ko sinubukang huminto hanggang sa marating namin ang walang taong hallway. Doon niya ako naabutan at nahawakan ang braso ko bago ako hilahin paharap sakanya. Siya na ngayon ang nakataas ang kilay.
"What?" pagsusungit ko.
"What's wrong with you?" tanong niya na pilit iniintindi kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko kanina.
"Tell me, Lu. Did you just lie to Eury? Hindi ka nagpunta ng airport. Have you been in a date? Masyadong maayos ang get up mo today compared these past few days." pang-aalaska ko sakanya na ikinangisi niya at saka napailing.
"Just when did you start checking me out?" manghang tanong niya na lalo kong ikinasama ng tingin sakanya.
"Luanel ano ba," saway ko sakanya. Tumawa lang siya bago namulsa.
"Let's go home," sagot niya na lalong ikinainis ko. He didn't answer my question! Urgh! Wala akong nagawa kundi sumunod dahil hinila na niya ako. Wala rin naman akong pakialam kung mag cut kami, una ay sanay akong mag-aral mag-isa. Self-study. Pangalawa ay ayoko rin naman makinig sa klase like Eury na hanggang ngayon ay natutulog parin lagi sa klase.
Tahimik ako sa buong byahe namin hanggang sa makauwi sa bahay. Laking gulat ko nong lalo lang dumoble ang security sa mansyon. Maraming sasakyan rin ang nakaparada sa grahe. Puno nang pagtataka kong binalingan ng tingin si Luan na tahimik na nagmamaneho.
"Who's here?" tanong ko habang pinaparada na niya ang sasakyan.
"Lolo and lola," tipid na sagot niya kasabay nang paghinto ng sasakyan. Laglag panga ko siyang tiningnan na ngayon ay nakangiti na.
"Yes Amaris Deva Vallerion. Hindi ako nakipag-date and never will. Sinundo ko lang ang pinakamamahal na magulang ni dad."
Inirapan ko lang siya dahil sa sinabi niya at agad na bumaba sa sasakyan. Narinig ko siyang tumatawa palabas ng kotse pero hindi ko na iyon pinansin at maaasar lang ako. Nagmadali akong pumasok sa bahay at nagpunta sa sala, doon ay kompleto ang buong pamilya nang abutan ko.
"Our princess," tawag sa'kin ni lolo nung mapansing nandito na ako. Sabay silang napatingin sa'kin.
"Apo," tawag ni lola na siyang nag-alaga sa'kin mula nung ihatid ako sa hacienda. Ngumiti ako saka siya tinakbo para yakapin.
"Lola! I miss you!" masayang sabi ko bago siya bigyan ng maraming halik na ikinatawa nila.
"Aris is too clingy to her grandma," komento ni tita Hallea, asawa ni tito Max. Nim and Czed's mother.
"Lumaking lola e," sang-ayon ni tita Fea, tito Tan's wife. Vam and Zyan's mom.
Narinig kong tumawa nang mahina si tita Jina na asawa ni tito Sid at ina nina Axell at Joss, katabi niya si mommy na tumawa rin.
"We brought something for you," agad na sabi sa'kin ni lolo kaya nabaling ang atensyon ko sakanya. He's usually strict but sometimes nagiging sweet din naman siya sa'ming magpipinsan.
Baka isa sa mga favorite collections ko ng idolo kong superhero nung bata pa ako.
"Talaga lo?" excited na tanong ko. Nilingon ko si Luan nakakapasok lang. Ngumiti ito sa'kin bago umakyat sa kwarto niya, sumunod din sakanya lahat ng pinsan namin. Boys things.
"Yes princess, nasa kwarto mo na. Check it." nakangiting sabi ni lolo.
"Thank you po, lo!" masayang sabi ko.
Inubos namin ang oras magkwentohan habang si lolo ay lumabas sa veranda kasama ang nga tito ko at si dad para mag-usap. Ang mga pinsan ko naman ay hindi pa bumaba ang sabi ng isang maid ay naglalaro ang mga ito sa game room.
"We'll spend the night here." rinig kong sabi ni tita Jina kay mommy sa kalagitnaan ng pagkikwentohan namin. Natuon sakanya ang atensyon namin.
"Pupunta kami ng pamilya sa bahay ng parents ko tomorrow, gusto nilang makita ang magkapatid." agad na dugtong ni tita. Naintindihan ko naman ang parents ni tita, madalang lang nila makita si Axell at Joss dahil busy ang mga ito sa misyon at pag-aaral but tita's parents are clueless about the mafia part.
"We're going to a vacation too," anunsyo ni tita Hallea.
"Oh is that so? Kukunti lang pala kami dito," sagot ni mommy.
"I'm really sorry mama, masyadong busy si Max kaya ang mga anak ko na ang papasamahin ko sa vacation trip na binigay niya sa'kin."
Ngumiti lang si lola at tumango.
"Mas mabuti naring ang dalawa ang kasama mo Hal, they can protect you too. Magkakaroon din kayo ng mother and sons moments," masayang sabi ni lola.
Tuloy-tuloy pa ang naging kasiyahan namin hanggang sa maghaponan at tinawag na sina dad at sina Luan para bumaba. Tahimik na natapos ang haponan hanggang sa nagpaalam sina tita at si lola na umakyat na para magpahinga. Ang mga pinsan ko naman ay nagpaalam na mag iinoman sa may pool. Naiwan ako, si Luan at ang mga tito namin kasama si lolo sa hapag para mag-usap.
"Amaris, I heard you made a deal with your dad." baling sa'kin ni lolo. Tahimik lang sa tabi ko si Luan habang ang ibang tito ko ay busy sa pagbabasa ng newspaper, si dad naman ay naghihintay lang sa mga mangyayari. Tinanguan ko si lolo. He's the mafia boss kaya hindi ako makakatakas sakanya.
"What's the matter? Bakit nakikitaan kita ng pagdadalawang-isip?" mapanuring tanong niya. Nilingon ko si Luan na naramdaman kong hinaplos ang likod ko kaya nagkaroon agad akong lakas ng loob.
"Lo gusto ko pong bawiin ang ginawa kong deal na iyon, I'm willing to do anything basta po ay payagan niyo akong umatras. Ayoko na po. Hindi na po ako sasali. Hahayaan ko nang protektahan ako ni Luan." pakiusap ko sakanya.
Hindi biro ang magiging parusa kung sakaling magalit si lolo sa pagiging duwag ko na gampanan ang desisyon ko. Maaaring hindi siya papayag na bawiin ko iyon.
"Amaris," tawag sa'kin ni lolo. Dahan-dahan kong itinuon ulit sakanya ang atensyon ko. Mahigpit narin ang hawak ko sa kamay ni Luan na hinayaan niya lang.
"Lo please.., alam kong hindi pwedeng ganon nalang. Alam kong hindi ganon kadali ang ginawa ko and I regretted it. Hinayaan kong madala ako sa kuryusidad ko. I...I just want to prove you guys that I'm strong enough to deal them, " pakiusap ko pero ngumiti lamang siya na ikinataka ko. Natigilan ako.
"Lo bakit? May mali po ba sa sinabi ko?" nagtatakang tanong ko ngunit umiling lang siya.
"Your brother handled that already, Amaris. You're free." nakangiti niyang sagot.

Bình Luận Sách (33)

  • avatar
    AfreenaNadhrah

    good

    21/12

      0
  • avatar
    Denishia Versoza

    thankyou

    17/05/2025

      0
  • avatar
    Jhon Angutas

    maganda

    19/01/2025

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất