logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 16

CHAPTER 16
PHOEBE'S POV
PINILIT KONG ngumiti kahit na ang gusto kong gawin ay ang magmukmok sa isang gilid at umiyak nang umiyak. Pakiramdam ko ay niloko ako, trinaydor. Pero alam ko naman na wala akong karapatan na maramdaman iyon dahil sa aming dalawa ni Charity, ako ang nanloko at nangtraydor. Kung tutuusin ay sa kaniya naman talaga si Keyden pero habang nakatingin ako sa dalawang taong sinira ko ang buhay... Pakiramdam ko ay sobrang liit ko. Talo na ako. Magkasama na ulit sila. Tapos na.
"S-sorry, nakaistorbo ata ako." Paumanhin ko at hindi ko inaasahan na kahit na anong pigil ko ay kusa paring tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko nang mapatingin ako sa mata ni Keyden.
Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya magawa. Siguro gusto niyang umalis ako kasi nagkakasolohan sila ng totoo niyang mahal. Nasira ko ata ang moment nila. Siguro nga wala lang yung patawag-tawag niya sa akin ng baby, iyong halik niya at iyong nangyari sa amin. Ngumiti nalang din ako sa kaniya bago tumalikod at nagsimulang humakbang paalis. Totoo pala ang yung kasabihan na kapag hindi mo kayang i-voice out ang sakit na nararamdaman mo, ang mga mata mo na ang magsasalita para sa'yo.
Sa mga pagkakataong ganito, mas mabuti nang manatili kang tahimik. Mabuti nang umalis nalang kasi alam kong talo din naman ako kaya anong use ng paglaban kung ang taong gusto kong makasama sa pagsuong sa gyera ay iba ang pinoprotektahan? Nang makarating ako sa elevator ay pipindutin ko na sana ang button para bumukas iyon nang may kamay na humawak sa braso ko at ipinaharap ako sa kaniya.
Hindi ko inaasahan na makita si Keyden na hinihingal at kitang-kita ang takot sa mga mata nito. Ngumiti naman ako dito kahit ang gusto kong gawin ay itulak ito palayo sa akin at tumakbo. Tumakbo palayo sa lalaking nakatayo sa harapan ko na paulit-ulit akong sinasaktan pero hindi parin ako nagsasawang mahalin. Palayo sa lalaking ito na ilang ulit pinaasa ang puso ko pero ilang beses din akong sinaktan.
"M-may kailangan ka ba?" Mahinahon kong tanong. Ayokong isipin niya na apektado ako. Ayokong ma-guilty siya dahil iyong ginawa niyang paghalik kay Charity ay ginawa niya din sa akin. Ayokong isipin niya na nahulog naman ako sa ka-sweetan niya sa akin. Ayokong mag-isip siya ng kahit anong tungkol sa aki. Si Charity nalang dapat ang priority nito. Walang Phoebe. Walang ako. Walang Keyden at Phoebe.
"Let me explain, Phoebe." Sambit nito habang matiim ang titig sa akin halata din ang pagkataranta dito. Ngumiti naman agad ako para hindi nito makita ang sakit sa mata ko. Dito naman ako sanay eh. Ang itago ang nararamdaman ko. Ang itago ang lahat ng sakit na naramdaman ko at patuloy kong nararamdaman. Nasaan na iyong baby na tawag niya sa akin? Hanggang doon nalang ba iyon? Hindi ko tuloy alam kung magsisisi ba ako na pumunta-punta pa ako dito. Pakiramdam ko ay napakaliit ko. Pilit pinagsisiksikan ang sarili sa taong pilit lumalayo sa akin. Sa taong una palang ay pinamukha na sa akin na hindi ako ang mahal.
"No need. Hindi mo kailangan gawin iyon, Keyden. Sige bumalik ka na kay Charity. Sige ka, baka magselos iyon!" Biro ko dito tyaka ngumiti nang nanunudyo kahit gustong-gusto ko nang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mukha namang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko dahil biglang nagdilim ang paningin nito at nagtagis ang bagang.
"Pinamimigay mo ako? Ganun nalang iyon? Edi ano pala iyong nangyari sa atin? Laro?" Sarkastiko nitong sumbat sa akin. Parang mas lalong sumikip ang dibdib ko nang maalala ang nangyari sa amin. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko tyaka ngumiti sa kaniya nang pilit bago sumagot, "Mapusok ka at marupok naman ako kaya nangyari iyon. Pasensya na, pagkakamali ang nangyari sa atin. Pagkakamaling hindi dapat nangyari at hindi na dapat maulit pa." Sabi ko bago pinindot ang button ng elevator tyaka iniwan si Keyden na tulala.
This is for the best.
Nang sumara ang pinto ng elevator ay tyaka ko hinayaang mahulog ang mga luha na pilit kong pinipigilan kanina. Bumuhos lahat ng sakit. Ganito pala iyon. Iyong pakiramdam na inilipad ka nang sobrang taas dahil sa kasiyahan at bigla kang inihulog nang walang sumasalo. Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. Walang kakampi at walang masasandalan. Kapag ganito ay si Charity ang tinatakbuhan ko pero hindi pwede. Alam kong hindi na pwede.
Agad akong lumabas nang bumukas ang elevator at dumiretso ng lakad kung saan ko iniwan ang kotse ko. Wala akong pakielam kung pinagtitinginan ako dahil puno ng luha ang mukha ko. Nang makasakay sa kotse ay agad akong umalis sa lugar na iyon. Gusto kong mapag-isa. Ayoko munang umuwi dahil pakiramdam ko ay maso-suffocate lang ako dahil kahit na ilang araw palang ay napakadami nang ala-ala ang bahay na iyon. Mula sa kusina papunta sa kwarto. Lahat iyon ay may ala-ala namin ni Keyden at patuloy lang akong masasaktan kung maaalala ko lahat iyon. Delikado ang puso ko kapag ipinagpatuloy ko ang pananakit sa sarili ko.
Nakakamangha nga na sa dami ng iniyak at sakit na pinagdaanan ko ay hindi parin bumibigay ang puso ko. Ayoko nang sagarin pa dahil baka mapano ako. Hindi pa ako handang iwan ang ama ko.
Habang nagmamaneho ay nag-iisip ako kung saan ako puwedeng pumunta at puwede akong mapag-isa ay pinapakalma ko ang puso ko na nagsisimula na namang manakit at nagsisimula na naman manikip ang paghinga ko pero ilang minuto na ay hindi parin matigil ang pananakit at mas lalo lamang ako nahirapan huminga kaya wala akong nagawa kundi itabi ang sasakyan ko para huminga nang malalim at pakalmahin ang puso ko habang paulit-ulit na nagdadasal na 'wag muna akong kunin.
Kinakabahan ako. Ayoko pa. Hindi pa pwede. 'Wag muna!
Naiiyak na ako nang mapatingin ako sa bintana ng kotse ko nang may kumatok doon at doon ko lang narealize na nandito pala ako sa park na malapit sa ospital na pinagdalhan sa akin noon ni Keyden at ang kumakatok sa pinto ay si Andrei na bakas sa gwapong mukha ang pag-aalala.
Kahit hindi pa ayos ang pakiramdam ko ay pinilit kong ayusin ang itsura ko at sinigurado ko na hindi mahahalatang may dinaramdam ako tyaka ko ibinaba ang bintana. Nang magtama ang mata namin ay agad akong ngumiti nang maluwang upang itago ang paninikip ng dibdib ko. Mukhang nagulat naman ito nang makita ako ang sakay ng kotseng ito.
"Uy, Andrei! Kamusta? Naalala mo pa ba ako?" Magiliw kong bati at agad namang umaliwalas ang mukha ng binata.
"How can I forget you? Akala ko kung sino ang laman ng sasakyan na 'to at ilang minuto na pero hindi parin lumalabas. Akala ko kung ano na nangyari tapos ikaw pala ang laman. Destiny nga naman." Sabi nito pero hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi nito.
Imbes na usisain ang huli nitong sinabi ay ngumiti nalang ako at piping nagpasalamat nang unti-unti ay gumaan ang pakiramdam ko at nakahinga na ako nang matiwasay. Kinabahan talaga ako. Akala ko katapusan ko na at hindi man lang ako nakapag-paalam sa ama ko at hindi manlang ako nakahingi ng tawad kila Keyden at Charity sa pang-gugulo ko sa kanilang dalawa.
Gusto ko, kapag namatay ako, ayos na lahat. Wala na dapat problema at dapat malayo ako sa lahat. Ayokong makita nila kung paano ako unti-unting nawawalan ng buhay. Nakakatakot isipin na iiwan ko sila pero wala akong magagawa. Sa klase ng puso na meron ako, alam kong hindi magtatagal ay kailangan ko na din magpaalam.
Nawala ako sa iniisip ko nang biglang magsalita si Andrei, "Phoebe, nga pala, bakit mag-isa ka lang? Asan ang asawa mo?" Tanong ni Andrei habang nakatayo parin sa tabi ng kotse ko at dahil nakakahiya naman na nag-uusap kami tapos ako ay nasa loob ng sasakyan at nasa labas naman siya ay bumaba muna ako ng kotse bago sinagot ang tanong niya, "Mag-isa lang ako. Galing kasi ako sa opisina ni Keyden para magbigay ng lunch kaso hindi ko naibigay." Sagot ko tyaka tipid na ngumiti. Mukha naman nahalata nito na ayokong pag-usapan iyon kaya iniba nito ang topic.
"Tutal ay nandito ka na naman, gusto mo food trip tayo? Libre ko." Aya nito at mukha itong bata na excited makipaglaro.
Alam ko na dapat akong tumanggi dahil masama sa akin ang mga pagkain na street foods pero hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at namalayan ko nalang ang sarili ko na nagpapahila kay Andrei papunta sa isang stall.
-END OF CHAPTER 16-

Bình Luận Sách (84)

  • avatar
    Abegail Armenta Lacre

    I just read the last chapter and I can't believe the ending! it's so tragic. my heart is hurting just thinking about it. I can't believe they did'nt get their happy ending they both deserve. Where the fate take the choice from them. As painful as possible, which is on conclusion makes Keyden heartbroken

    13/02/2022

      2
  • avatar
    PantherWaLks

    🥰🥰🥰

    14d

      0
  • avatar
    AndingMorjanna

    gandaa ng story

    10/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất