logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

TWIN REVEAL 4.2

(Continuation)
Napalunok ako. Alam kaya ni sir na ako 'yon?
"I cannot disclose any information that is not confirmed yet. Hintayin niyo nalang na i-announce 'yan ng tradesman. But according to Jacob , hindi siya ang pumalo sa ulo ni Jackson kaya hindi siya maaring akusahan ng offense dahil sa pag-violate nito ng rules sa school. Kung sino ang may gawa no'n ay 'yon pa ang aalamin. Everyone is doing their job and they already started the investigation. The dean and other officers are asking for your cooperation. It would be best to not start any troubles again...lalo na ang mga trouble makers dito sa loob ng klase 'ko...malinaw Mr. Salazar?" Binalingan ni sir ang grupo ni Efron.
"Yes sir,"nakangising anito na nakalolokong tumingin sa 'kin.
Nag-alis nalang ako ng tingin 'tsaka humarap ulit sa unahan.
"Well that's all, let's start our first discussion for today." Nagsimula ngang magdiscuss si sir.
Tahimik akong nagtatake-notes habang nag susulat si sir sa white board nang sikuhin ako ni Lerwick.
"Ha?"tanong 'ko, umusog siya papalapit sa 'kin para bumulong.
"Umuwi ka no'ng gabing 'yon?"bulong niya, natahimik akong sinalubong ang tingin niya. 
Hindi agad ako nakasagot. Hindi 'ko alam kung sasabihin 'ko ba sa kan'ya na kasali ako ro'n sa insidente pero naalala 'kong sinabi nga pala ni sir Jayson na kailangang pribado lang ang pagkakakilanlan 'ko kahit na mukha'ng mabait naman itong si Lerwick.
"Ah..ano..."napatingin kaming lahat sa unahan nang tumunog ang bell. Naipagpasalamat 'ko iyon kaya agad 'kong niligpit ang mga gamit 'ko nang magsalita si sir.
"Okay, let's continue this tomorrow, you may go now."
"Yess!!!"agad na nagsialisan ang mga kaklase 'ko kaya tumayo narrin ako.
Nararamdaman 'kong sumunod si Lerwick kaya ipinagdarasal 'kong sana ay hindi na niya iyon itanong pa.
"Ms. Montero?" Napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahang nilingon si sir.
"Po?"tanong 'ko. Pigil 'ko ang sariling lingunin si Lerwick.
"Can I have you for a minute?"
"Ah, sure po." Pilit na ang ngiti 'kong sagot na alanganin ngumiti kay Lerwick.
"Antayin kita sa hallway,"bulong niya na mabilis na tumalikod. Gusto 'ko pa sanang itanong kung bakit niya 'ko hihintayin pero nauna na siyang lumabas. Binalingan 'ko na lamang si sirr at ngumiti rito.
"Ano po 'yon, sir?"
"I just wanted to know if you returned the books properly the same night before the incident." 
"Ah...ano po..sir..."
Hindi 'ko inaasahang itatanong iyon ni sir, hindi 'ko na tuloy alam ang isasagot 'ko.
Hinintay niyang makalabas ang ibang estudyante bago niya ulit ako tiningnan.
"Anyways, that's not really my concern, alam 'kong ikaw ang tumulong sa kapatid 'ko...I just want to thank you personally dahil kung hindi dahil sa'yo baka kung ano na ang masamang nangyari sa pasaway 'kong kapatid." Nakangiti niyang sabi at nakahinga naman ako ng maluwag.
"Wala po 'yon," sa halip na sagot 'ko.
"No, hindi 'yon wala, you saved a life even though it means nothing to the person who owns it." Pilit na ang ngiting aniya.
"But other than that, we also want to invite you in Dean's office for the open investigation."
"Po?"
"To give your statement Ms. Montero as the only witness, you're going to discuss it with the Dean and the few things in the scene, since ikaw ang naroon maybe we can hear your thoughts. It would help to solve some cases especially to stop and capture the one who initiates the trouble."
Napayuko akong tumango.
"Don't worry, we won't impart your identity since this is confidential, we knew how influential the person behind this, kahit na mayro'n na kaming lead do'n...ang mga brat 'kong kapatid...but still, kapag malaman nila kung sino ka there would be a chance na madamay ka sa gulo, and that is to stop our investigation and your statement..."
Napaamang ako sa sinabi niya. Kung tutuusin hindi 'ko naman talaga nakita kung sino ang gumawa...kaya wala rin akong maitutulong. 
"Ah sir..."
"The Project Club will help us about this, may binuo na kaming team para ro'n since mga SBH at former Gang ang kalaban natin, they will also take care of your securement so nothing you should worry about."
"Uhm sir..."
"Iwasan mo rin ang mapag-isa, mas mabuting may kasama ka palagi Ms. Montero."
"Ah sir.."
"And yes, you can come with me later after the class, you should meet my brother, he would gladly pledge his gratitude for saving his life, see you." Nakangiti niyang tinapik ang balikat 'ko at 'tsaka tumalikod.
Napabuntong-hininga 'kong tiningnan ang paglayo niya. 
Pinipigilan niya ba talaga akong magsalita? o hindi niya lang talaga napansin iyon? 
Pinalobo 'ko na lang ang bibig 'tsaka lumabas at sumunod.
"'Sup?" Nagigitla akong napalingon sa kaliwa 'ko at nakita si Lerwick na nakasandal sa pader habang nakapamulsa at nakatingin sa 'kin.
Ito ba ang sinasabi niyang hihintayin niya 'ko?
"Ikaw pala..."tanging na sabi 'ko.
"Gan'yan ka ba magulat?"kunot-noong tanong niya.
Awtomatikong nagsalubong ang kilay 'ko."Ha?"
"Tch, anyway let's go." Nauna na siyang maglakad kaya natigilan muna ako.
"Iwasan mo rin ang mapag-isa, mas mabuting may kasama ka palagi Ms. Montero".
Naalala 'ko ang sinabi ni sir kaya siguro mas okay nalang din na may kasama ako, kahit na medyo alanganin kasi lalaki si Lerwick, wala rin naman akong magagawa dahil wala naman akong babaeng kaklase...
Bakit kaya?
"Hey, hina!"
Muli akong napalingon sa kan'ya. "Andiyan na!"dali-dali akong sumabay at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Ano ba ang pinag-usapan ninyo ni sir Jayson at malalim ata ang iniisip mo?"biglang tanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin.
Nakagat 'ko ang labi bago uli sinalubong ang tingin niya."T-tinanong lang niya kung naibalik 'ko ng maayos ang mga libro no'ng nakaraan."
"You went to the library?"Tumigil siya sa paglalakad at nagugulat na tinatanong iyon.
"Ahmm..."
Naku, baka tanungin niya na kung naroon ba'ko sa pangyayari.
"Oo, inutusan kasi ako ni sir na ibalik ang mga libro noon," nakabuntong-hiningang sagot 'ko.
Ilang beses 'kong hiniling na sana ay hindi na siya magtanong pa.
Nang tingnan 'ko siya uli ay nakatitig lang siya sa 'kin, 'tsaka 'ko nakita ang malalim niyang pagbuntong-hininga. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na siyang ibang sinabi. 
Nang magpatuloy uli kami ay siya namang paghinto ko. Napansin 'ko kasing hindi naman kami papunta sa susunod naming klase.
"Lerwick..."nilingon 'ko ulit siya na awtomatiko ring huminto. "Hindi ba sa susunod na floor ang next class na 'tin?bakit bumababa tayo?"takang-tanong 'ko.
Tinanaw niya muna ang paibabang hagdan bago tumingin uli sa 'kin."Vacant tayo ngayon dahil nga sa incident, they're organizing the place since gagawin iyong Project Club."
"Ahh..."napatango ako. Nabanggit nga iyon ni Sir Jayson kanina.
"So let's just take our lunch break,"biglang sabi niya.
"Hindi ba parang maaga pa?"kunot-noong tanong 'ko.
"Then early lunch break."
Napangiwi akong lumabi. "E', mayro'n kasi akong kasabay mamaya, mauna ka na kaya?" Nagbabaka-sakaling tanong 'ko.
Mabilis na nagsalubong ang kilay niya."You're not coming?"
Kagat 'ko ang labing tumango."Hihintayin 'ko pa kasi ang kaibigan ko e', nagkasundo kaming sabay na kakain,"marahan 'kong pagtanggi.
Tumaas ang kilay niya saka tumingin sa labas."But you're not allowed to stay alone." 
"Ha? pa'no mo nalaman?"Nanlalaki ang matang tanong 'ko .
Ngumisi siya bago ulit tumingin sa 'kin. "Kasi baka may mambully na naman sa'yo."
"Ah..."hindi 'ko alam pero duda ako sa isinagot niya.
Kanina na nasa labas siya ng classroom namin, nakinig kaya niya ang pag-uusap namin ni Sir Jayson?
"So I'll go with you, we can wait for your friend. I'm sure she'll be happy to have lunch with me," may kumpiyansang anito. Tumango nalang ako at ngumiti.
"Saan na pala tayo ngayon pupunta?"tanong 'ko uli, kasalukuyan na kaming naglalakad pababa ng hagdan.
"Sa canteen of course..."
Napahinto uli ako. "Puwede bang sa may batibot nalang tayo maghintay?mahiyain kasi ang friend 'ko e...ayaw niya sa mataong lugar."
Ang alam 'ko nagpapanggap lang si Kara para makapasok, baka mahuli siya kapag maraming nakakita sa kaniya, baka may makakilala pa sa kaniya at mahuli siya.
"Okay, siguro ka bang tao 'yang kaibigan mo?"naniningkit niyang tanong.
Natawa ako ng bahagya."Oo naman."
"Okay.""
Napipilitan akong ngumiti.
Tahimik kaming naupo sa batibot nang marating namin ang lugar na iyon...katulad ng inaasahan 'ko... kakaunti lang ang mga tao roon kaya kakaunti lang ang nakakapansin...sa tingin 'ko...ang mga katulad 'ko lang sigurong may dalang baon ang nag-iistay do'n at ang mga taong ayaw masyado ng maiingay.
Napalingon ako kay Lerwick nang tumunog ang cellphone niya.
"What?"
"Where are you?"
"Sa labas, bakit?"
"Ano ginagawa mo d'yan?"
"Umuupo, bakit?"
"Lol, may nakikita akong chicks na kasama mo, gago sino 'yan?"
"Paki mo?gago!bakit ba?"
"'Di ka sasabay sa 'min?"
"'Di na, may kasabay ako."
"Yucks!gago!sinosolo mo lang yata 'yan e."
"I'm not like you pissant."
"Aym nat layk yow pesant, pakyow!" huling sabi bago niya pinatay ang linya.
Kahit ayokong makinig, kusa 'kong naririnig ang usapan nila lalo pa't tahimik lang ang paligid.
"Uhm...hindi ba magagalit ang mga kaibigan mo na hindi ka sumabay sa kanila?" Hindi 'ko mapigilang magtanong. Nagugulat niya 'kong nilingon.
"Pasensya na, kahit ayokong makinig sa usapan ninyo malakas talaga ang pandinig ko e," tabingi ang ngiting saad 'ko.
"Ah," tumango-tango siya. "Don't mind them." Pilit siyang ngumiti kaya tumango nalang ako.
"By the way..."muling pagbasag niya sa katahimikan.
Napalingon ako sa kan'ya. "About what you said earlier, is it true?hindi ka pa nagalit kahit kailan?"
"Ha?"
"About the arguments between you and Drake,"patuloy niya.
Hindi 'ko inaasahang babanggitin niya ang tungkol do'n. 
Tumango ako at tipid na ngumiti."Oo,"sagot 'ko."Hindi ko pa nararanasan 'yon..."
"Really?"inaasahan 'ko nang malilito siya kaya napatingin uli ako sa kan'ya.
Hindi 'ko inaasahang matatawa ako sa ekspresyon ng mukha niya, magkasalubong ang kilay at kakaiba ang tingin sa 'kin, na para bang hindi ako pang karaniwan sa paningin niya.
"Nakakaramdam naman ako ng takot, pero 'yong galit...hindi 'ko pa nararamdaman 'yon..."patuloy 'ko.
"So, hindi ka talaga magagalit kapag gahasain kita ngayon?"nawala ang ngiti 'ko at namilog ang matang tumingin sa kan'ya.
Matapos ang naging reaksiyon 'ko ay bigla siyang tumawa ng malakas. "Just kidding." Hindi ako makasabay sa kan'ya dahil hindi naman 'yon nakakatawa.
"Wait...baka naman galit ka na niyan?"muling tanong niya nang hindi ako makisabay sa pagtawa niya.
Bumuntong-hininga nalang ako at tiningnan siya habang tumatawa...hindi 'ko inaasahang do'n ako mapapangiti...sa paraan ng pagtawa niya na parang ngayon lang siya ulit nakatawa ng malakas.
Naisip 'kong...minsan nakakahawa talaga ang tawa ng ibang tao.
"What?"tanong niya nang mapatitig ako sa kan'ya.
"Wala, naisip ko lang.. minsan mas masarap tumawa kapag nakakakita ka ng mga taong masaya...kaysa tumawa sa mga biro na alam mong sinadya mo ring sabihin at ginawang biro lang kahit na gusto mo ring gawin..."
Nahinto siya saglit saka tumingin sa 'kin."Wait, I didn't mean that..."
"Alam 'ko,"mabilis na sagot 'ko.
"Pero naisip 'ko lang...sabi kasi nila...jokes are half meant...'di mo naman sasabihin 'yon kung hindi mo naisip 'di ba?"
Napakunot ang noo niya. "Baka naman gan'yan ka na magalit."
"Hindi ako nagagalit,"mariing tanggi 'ko. "Lagi 'ko lang iniisip ang lahat ng bagay na napapansin 'ko at kung ano ang rason kung bakit ginagawa 'yon ng tao, katulad ng ginawa ni Efron sa 'kin kanina," muling pagkukuwento ko. 
"Kaysa ang magalit, mas inuuna 'kong intindihin kung bakit ginawa niya ang bagay na 'yon...at nalaman 'ko nga...dahil may gusto siyang patunayan..."
"So what did you conclude about what I've said?"tanong niya.
"Para sa 'kin? simple lang...gusto mong malaman kung ano ang magiging reaksyon 'ko," diresto ang tingin 'kong sagot sa kan'ya.
"Alam 'ko namang hindi mo 'yon gagawin...pero the fact na mas pinili mong sabihin iyon kaysa ang mag-isip ng ibang bagay, mas naisip mo pa ang ideyang 'yon. Alam mo kasi, babae ako, kung sa parte 'ko masamang biro 'yon hindi ba lalo pa't lalaki ka?dahil sa sinabi mo...puwedeng maging iba ang dating no'n sa iba..."nakangiti akong tumingin sa kan'ya.
"'Yon lang naman ang sa palagay 'ko,"patuloy 'ko.
"So...you're saying na na offend kita?"
"Hindi..."umiling ako. "Iniisip 'ko lang ang eksenang 'yon kung narinig 'ko sa iba...kung iisipin mo kasi mali ang magbiro ng gano'n..."
Natahimik siya bago bumuntong-hininga. Pilit na ang ngiti niya nang malingunan uli ako."Okay, I'm sorry, pero sigurado ka 'di ka galit?"ngumiti ako 'tsaka umiling.
"You know what...I like your personality Hina...it's really rare to find someone like you nowadays." Hindi 'ko inaasahan ang sunod na sasabihin niya.
"Hindi mo naman kailangang maghanap...puwede ka namang maging gano'n kung gugustuhin mo, basta uunahin mong unawain ang isang tao...bago mo husgahan at kasuklaman..."
Nag-iwas siya ng tingin matapos ang huling sinabi 'ko. "But you see...it's not easy to do it, especially when you experienced dark times in your whole existence,"seryosong patuloy niya.
"Bakit? Naranasan mo rin ba 'yon?"tanong 'ko, muli siyang napatingin sa 'kin. 
Hindi siya nagsalita at nag-iwas lang ng tingin.
Napabuntong-hininga uli ako bago nagsalita."Lahat naman ata oo...pero mayro'n tayong tinatawag na mas masakit sa pinakamasakit, tama ba?" Naramdaman 'kong lumingon siya kaya muli akong nagpatuloy.
"Kaya hindi na'tin puwedeng ipagkumpara ang sakit na nararamdaman natin sa ibang tao dahil mag-kakaiba tayo ng pinagdadaanan, hindi mo puwedeng pangunahan ang nararamdaman nila dahil sila lang ang nakakaalam no'n kung gaano kahirap at kasakit...pero ang ibang taong nakakakita no'n...may magagawa naman sila... 'yon ay ang intindihin ka at samahan ka hanggang sa maging okay ka, kaya sa mundong napupuno na ng galit at pagkamuhi ang lahat...pag-unawa ang kailangan nating gawin para paunti-unti...maghilom silang lahat..."diresto 'ko uli siyang nilingon. 
"Sasabihin ko sa'yo, walang bagay na madali, dahil lahat ng tao ay nakatakdang maghirap bago maabot ang tagumpay at kasiyahan sa hinaharap, walang madali...kahit na ang pag-intindi...dahil sa oras na pinili mong intindihin ang lahat ng tao ... lahat ng sakit at hirap na nararanasan at nararamdaman nila...lahat 'yon ay tinatanggap mo at sinasalo...dahil kailangan mo silang intindihin..."bumuntong-hininga ako matapos magsalita 'tsaka tumingin sa paligid.
"Alam mo naniniwala ako...kung nakakaramdam ka man ng sakit at hirap ngayon...malalagpasan mo rin 'yon... dahil hindi puwedeng puro paghihirap nalang ang maranasan natin dito sa mundo, lagi nating tatandaan na pagkatapos ng hirap...ay may tagumpay at kasiyahan. Kung hindi ka pa masaya... ibig-sabihin hindi pa tapos ang paghihirap mo...kailangan mong magtiwala sa proseso...'wag ka lang bibitaw kay bro." Nakangiti 'kong pagtatapos, paunti-unti ay napangiti naman siya.
"How could you tell such things na parang bang hindi ka nakaranas ng hirap sa buhay mo?"tumitig siya sa mga mata 'ko.
Hindi 'ko magawang suklian iyon ng ngiti habang inaalala ang mga pinagdaanan 'ko. "Syempre naranasan ko rin 'yon, pero hindi 'ko kasi binibilang at tinataya ang hirap na naranasan 'ko...lahat 'yon...isinasapuso 'ko. Para sa 'kin, ang makaranas ng hirap ay isang napakahabang finish line...mahirap at nakakapagod ang tumakbo...pero alam mong may finish line rin sa dulo...kapag maabot mo 'yon...nariyan ang tuwa at tagumpay sa puso mo... kailangan 'wag lang tayong susuko...."nanatili kaming tahimik matapos 'kong magsalita.
Sa isip 'ko ay sana lahat ng tao ay maisip ang bagay na 'yon...gusto 'kong tumulong para 'wag silang sumuko sa lahat ng hamon sa buhay...
"Siya nga pala...bakit pala walang girls sa klase natin?no'ng una 'kong pagpasok do'n akala 'ko na mali lang ako ng room." Natawa siya sa sinabi 'ko saka tumingin sa 'kin.
"Kasi hindi nila natitiis 'yong ginagawa ni Drake at 'yong mga kaibigan niya sa mga babae naming kaklase...katulad ng ginawa nila sa'yo, kaya nga ang sabi ni Sir Jasyon no'ng first meeting natin ay ikaw ang pinakahuling papasok do'n...kaya ka nga niya tinanong kung bakit napili mong do'n pumasok."
"Ahh..."
"At kaya ka rin pinag-iinitan ni Drake dahil ikaw palang ang nakakalagpas sa mga pranks niya. I don't know, but she hates having girls around." Napa-isip din ako kung bakit kaya. 
No'ng una palang, naisip 'ko na talaga na may dahilan siya kung bakit niya ginagawa sa 'kin 'yon, at alam 'kong may kinalaman 'yon sa kasarian 'ko lalo pa't napansin 'kong ako lang ang babae sa room namin at bigla siyang nagalit no'ng banggitin 'ko ang bagay patungkol sa nobya niya.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang mayro'ng tumawag sa 'kin. Agad akong tumayo at nilingon ang paparating na si Kara.
"And'yan na ang kaibigan 'ko,"baling 'ko kay Lerwick.
"Okay."
Nauna akong tumayo at sinalubong si Kara na papalapit na.
"Ah Kara, may kasama ako...sasamahan din niya tayo."
Mabilis na nagsalubong ang kilay niya." Sino?"
"Ah ano...si...
"Leigh?"
"Lerwick?"
Halos magkasabay nilang usal, nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"What are you doing here?"
"Anong ginagawa mo rito?"magkasabay uli sila.
"Magkakilala kayo?"naguguluhan 'kong tanong.
"Yes!"sabay uli nilang sagot.
"O-okay."
"Siya 'yong sinasabi 'kong kakambal na hindi makagraduate dahil puro kalokohan ang inaatupag." Magkakrus ang brasong patuloy ni Kara na masama ang tingin kay Lerwick.
"Tch, what are you doing here?sinusundan mo na naman si Calvin?"
"Hoy excuse me ah!'di mo ba narinig?magsasabay kaming maglunch, 'di ko nga alam kung bakit napasali ka e,"mataray na sagot ni Kara at napabuntong-hininga naman ako.
"Pasensya na Kara, isinama 'ko siya,"singit 'ko.
"Oh teka nga!paano ka naman napasama sa kapatid 'kong 'to?'di mo ba alam na gangster 'yan?"baling sa 'kin ni Kara, napakunot-noo ako. 
"Kara?"singit ni Lerwick. Nagugulat naman akong napalingon sa kan'ya. 
"Kasi...kaklase 'ko siya...ano Kara..."
"Ano?"hindi 'ko na natapos ang sasabihin 'ko. "Kaklase mo 'tong unggoy na kakambal 'ko?"
"Mas mukha 'kang unggoy." Hindi 'ko inaasahang makikipatalo si Lerwick.
"Ede pareho tayo!" Napapikit nalang ako.
Mas malala pala 'tong dalawang 'to kaysa kay Miss Gazon.
To be continued...

Bình Luận Sách (98)

  • avatar
    Arvin Santos Sordoncillo

    5.0

    07/08

      0
  • avatar
    Nhora Gonzales

    maganda ang kwento mayroon matutunan ang nag babasa

    07/08

      0
  • avatar
    fiberhomejhully

    awesome

    07/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất