logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 6

SHANNY'S POV
Tulad ng nakaraang araw ko sa pamamalagi sa mansyon na ito ay maaga akong bumangon upang makapaghanda na sa mangyayari ngayon. Alam ko rin na marami akong dapat gawin na sa dating mga katulong naka-assign, gusto ni Axron na ako ang gumawa ng lahat ng iyon kaya pagbibigyan ko siya. Ayokong ipakita sa kanila na mahina ako, gagawin ko ang lahat ng kaya ko, kaya alam kong malalagpasan ko rin ito.
Nagbihis na ako ng uniporme at nag-ipit nang pabilog.
Lumabas na ako ng kuwarto at laking gulat ko nang makita ko sa sala si Axron na nakabihis na at halatang katatapos lamang nitong maligo dahil ang kulay pilak niyang buhok ay lalo pang gumaganda kapag pala nabasa. Umiling ako dahil naalala ko ang nangyari sa akin noon dahil sa kaniya.
Napatingin tuloy ako sa relo ko at 5:45 pa lamang ng umaga, ang aga yata niya ngayon.
"Good morning po S-Sir,” bati ko nang makalapit ako sa sala habang nakayuko lamang.
"You're already late." Napa-angat ako ng ulo nang marinig ko iyon.
"Sir Axron, pasensya na po!" sagot ko na lang kahit hindi naman ako ganoon ka-late, nakakatakot ang lumapit sa kaniya dahil naaalala ko ang nangyari noong nakaraang gabi.
Pagkatapos ay nagsimula na akong pumunta sa kusina. Kumuha ako ng mga bawang at sibuyas upang magsangag, alam kong hindi sila masyadong pamilyar dito dahil kadalasan ay karaniwang kanin o tinapay lang ang ina-almusal nila. Pero ito lang muna ang naisipan kong lutuin, nanguha din ako ng itlog at naisipan kong lagyan ito ng sibuyas. Sinimulan ko nang lutuin ang lahat.
Hindi rin naman ako nagtagal sa pagluluto at tinignan ko muna ang relo ko, 6:45 na ng umaga. Naghanda na ako sa lamesa at nang matapos ay napagdesisyunan kong tawagin na lamang ang iba pa para hindi lumamig ang mga pagakain. Mas masarap kasi ang mainit na pagkain para mainitan din ang mga tiyan.
Nang makaabot ako sa may sala ay nandoon pa rin si Sir Axron na may binabasa sa kaniyang laptop. Lumapit pa ako nang bahagya sa kaniya.
"Sir nakahanda na po ang breakfast ninyo, maaari na po kayong pumunta sa may lamesa." Tuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita dahil kinakabahan ako sa kaniya. Habang nakayuko ay napansin kong tinignan niya ako nang maigi.
"Okay." Matapos kong marinig ang malamig niyang tinig ay tumalikod na ako.
Mabilis akong pumunta sa may hagdan upang tawagin na ang iba pa. Hindi naman na ako pinansin ni Sir Axron, siguro ay marami siyang gagawin. Pagka-akyat ko ay napalingon ako sa kuwarto na pinasukan ko noong gabi. Ang dulong kuwarto sa bandang kanan, na napag-alaman kong kay Axron, parang ginagapangan ako ng lamig kapag napapadako ako ng tingin doon. Hangga't maaari ay ayoko ng pumasok doon pero hindi ko na maiiwasan ngayon dahil ako lang ang maglilinis ng buong mansyon.
Iisa-isahin ko muna mula roon sa kuwarto ni Axron. ‘Saan kaya ang kuwarto ng iba?’ Pagkabukas ko sa pangalawang pinto ay walang tao akong nadatnan pero malinis ito na napakalawak din. Nang nasa tapat na ako ng pangatlong pintuan ay kumatok muna ako, sa pangalawang pagkatok ko ay bumukas ang pintuan, naiwan sa ere ang kamay kong muntikan ng tumama sa dibdib ni Felix. Mabuti at nahawakan niya ito, sandali? Hawak ni Felix ang kamay ko?
"Hey! Ang aga pa Shanny,” sambit niya habang nakapikit pa. Pero paano niya nahawakan agad ang kamay ko gayong nakapikit siya? Agad kong binawi ang kamay ko at tumingin sa kaniya.
"Good morning po Sir, nakahanda na po ang breakfast, maganda po sa kalusugan kung mainit pa ang pagkain." Yumuko lamang ako bilang paggalang. Nagulat ako nang hinawakan niya ang ulo ko at pinaangat ang aking tingin hanggang sa magtama ang aming paningin. Sa lapit ko sa kaniya ay hindi ko maiwasang mamangha sa angking kagwapuhan na mayroon silang magkakapatid. Napakatangkad din nila na hanggang balikat lamang ang aking paningin.
"Just a minute and I will go downstair, a'right?" saad pa niya habang pupungay-pungay pa ang mga mata niyang kay ganda.
"O-Okay po, Sir Felix." Isasara na sana niya ang pinto pero agad kong pinigilan dahil may naalala ako, pero nang dahil sa ginawa ko ay naipit ang kaliwang kamay ko sa pintuan, hindi ko maiwasang mapa-aray dahil masakit talaga.
"Shanny are you okay? Bakit mo kasi hinarang ang kamay mo? P’wede mo na lang naman akong tawagin."
Hindi ko magawang tumingin kay Sir Felix dahil panay ang paypay ko sa kamay ko, ang sakit talaga no'n ah, hala pano ko agad matatapos ang paglilinis. ‘Ugh 'di bale na, mawawala din siguro 'tong sakit maya-maya.’
"Ah S-Sir, itatanong ko lang po sana kung saang banda po ang kuwarto ng mga kapatid niyo?" Sa wakas ay nagawa kong makapagsalita.
"Are you sure, na okay 'yang kamay mo?" tanong niya ulit habang kinikilatis ng tingin ang kamay ko.
"Ayos lang po Sir," sagot ko dahil bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
"Sa fifth room si Jinro at sa seventh room naman si Levi."
"Salamat Sir," Tumango na siya at "Wait, don't forget to knock on Jinro's room, okay?" Tumango na lamang ako at sinara naman na niya ang pinto.
Sa pang-lima pa ang room ni Sir Jinro, ibig sabihin ay pagi-pagitan ang mga room kung saan sila naka-pwesto? Sa unang kuwarto si Sir Axron, sa pangatlo naman si Sir Felix, sa pang-lima naman si Sir Jinro at sa pang-pito si Sir Levi. Tama, siguro para walang abala.
Tulad ng sabi ni Sir Felix ay kumatok akong muli upang tawagin na si Sir Jinro. Sa pangatlong beses ay wala pa rin, hindi pa rin bumubukas ang pintuan. Aalis na sana ako ng biglang bumukas ito, napalingon ako kay Sir Jinro na nakabihis na. Bahagya akong natigilan dahil sa bihis niya, nakakamangha talaga.
Siguro ay may lakad sila ngayon, wala pa naman silang pasok dahil sa pagkakaalam ko ay bakasyon pa lamang. Nakasuot siya ng isang dark blue na long sleeve na tinupi hanggang siko, at itim na pantalon. Napakakisig niya at hindi ko maiwasang purihin siya kahit na may pagkamasungit siya. Tumingin siya sa akin at wala pa ring salita sa pagitan namin.
"G-Good morning po, S-Sir Jinro." Nauutal ako ng sobra dahil sa mga titig niya, talagang napaka-gwapo nilang magkakapatid lalo na sa malapitan.
"What?" bagot na tanong niya pa.
"A-Ah, S-Sir nakahanda na po ang breakfast sa b-baba." Agad kong sagot at yumuko lamang ako dahil ayokong makita ang kaniyang ekspresyon na nakapagpapakaba talaga.
"Sige." Tipid niyang tugon at nilagpasan na ako para pumunta sa hagdan.
Nilingon ko ulit siya kahit nakatalikod na siya ay talagang hindi mo masasabing wala silang itsura. Lahat sila ay parehong may angking kagwapuhan ngunit may pagkaka-iba sa mga buhok nila, na siyang matatandaan dahil sa mga magandang kulay nito.
Si Sir Levi na lamang ang kailangan kong tawagin at okay na. Nagmadali na akong pumunta sa pang-pito na kuwarto at kumatok muna ako ng isang beses. Kakatok pa lamang akong muli pero laking gulat ko nang biglaang bumukas ito at hinila ako papasok sa loob.
Hindi ako makapagsalita dahil nasa malapit si Sir Levi, hindi ko alam kung bakit pero amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango. Nakasuot siya ng puting longsleeve na nakapagpa-angat ng kan’yang kakisigan. Parang anghel, dagdag mo pa na mabait at maamo ang kan’yang mukha. ‘Ano ba, Shanny?!’
"Hey, Good morning... anong ginagawa mo sa labas ng kuwarto ko?" Ang lapit-lapit niya sa akin, lumayo ako sa kaniya upang makahinga ng maluwag.
"S-Sir Levi tatawagin ko lang po sana kayo dahil nakahanda na ang breakfast niyo." Sagot ko habang nakayuko lang, ayoko siyang tignan dahil nakakawala ng focus at nakakautal ang kanilang mga itsura.
“Sige.” Tumalikod siya sa akin at sandaling lumapit sa may kama niya kung saan nakalatag ang pang-ibabaw na polo. Nasa gilid lamang ako habang pinapanuod ang isang anghel, este si Sir Levi.
"Okay sige tara na." Tumikhim siya at nanlaki ang aking mata nang hinawakan niya ako sa balikat upang itulak nang bahagya palabas ng kuwarto. Kinabahan ako dahil baka makita kami ng iba pa niyang mga kapatid lalo na si Sir Axron at alam kong ayaw niya na lumalapit ako sa mga kapatid niya. Nauna na siyang maglakad pababa at naiwan akong tulala dahil sa kabang nararamdaman ko. Kailangan kong mag-ingat dahil ayokong mawalan ng trabaho. Hindi ko sasayangin ang ibinigay na pagkakataon ni Ma’am Senya, gusto ko na siyang
Makita dahil ang tagal na rin mula nang umalis siya rito sa mansyon.
Gusto kong patunayan sa kaniya na hindi totoo ang mga sinasabi niyang gusto ko lang kunin ang loob nila dahil sa pera. ‘Patutunayan ko ‘yan, Sir Axron.’

Bình Luận Sách (205)

  • avatar
    Paulin Elcano

    the flow of the story is good. in every scene, you can't say that it is cliche because it's not. the story is very unique and, I know for sure, in the next chapters it will be more surprising. xoxo.

    15/02/2022

      5
  • avatar
    BactolMary genina bactol

    the story is good and unique, i like it...

    12d

      0
  • avatar
    ManarangjrSherwin

    It great

    15d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất