logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

SHANNY'S POV
Ang pakikipag-sapalaran ko sa Maynila upang maghanap ng trabaho ay hindi ganoon kahirap, dahil may trabaho akong nakuha na hindi ko akalain na darating sa isang aksidente. Pero gaya ng pagkakaroon ko ng biglaang trabaho ay ganoon din pala kabilis mawawala nang dahil sa isang salita lamang na nanggaling sa taong malamig pa yata sa semento.
“Ano pang hinihintay mo? Leave this house or I will drag you out?!” malakas na mga salita mula kay Axron ang namumukod-tanging naririnig ko ngayon. Tumayo na siya at seryoso akong tinignan.
“Ax!” Si Levi na napatayo na rin.
“Stay out of this, Levi!” Nilingon ni Axron si Levi at mistulang pareho silang naglalabanan sa pamamagitan ng tingin.
“Hey! Hey bro! Calm down. She's hired by our mother, so we can't just fire her.” Tumayo na rin si Felix at pumagitna na sa dalawa na mistulang hindi makapatid sa titigang nagaganap, parang hindi sila close sa isa't isa.MBahagya akong napaatras nang tumayo si Sir Jinro at papalapit sa akin.
“Hey, hindi ka pa man nagsisimula ay naging dahilan ka na ng pag-aaway ng mga kuya ko. I think... you better go now,” seryoso at may diin ang bawat salita na ibinabato sa akin ni Jinro. Kasabay pa ng malamig na titig na tulad ng sa kuya Axron niya.
“H-Hindi ako aalis!” Hindi ko alam kung bakit napalakas ang boses ko kaya napalingon silang apat sa akin.
Matalim na tingin mula kay Axron ang sumalubong sa akin pagkatapos ay nagsimula na siyang umakyat sa hagdanan. Ganoon din si Sir Jinro na rinig ko ang pagpitik niya ng mga daliri.
“Shanny? Are you alright?” Si Levi na bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Tumango lamang ako.
“Don't mind them, you will continue to work here, okay?” Si Felix na talagang nakaka-pagbigay ng panatag sa loob.
“S-Salamat po S-Sir, may ipapagawa po ba kayo sa akin?” Tinignan ko silang dalawa dahil umpisa na ng trabaho ko. Nagtinginan lamang sila na parang hindi rin alam ang sasabihin.
“U-Uhm, sige lilinisin ko na lang po muna ang mga kuwarto niyo.” Mabilis akong tumalikod at nagtungo sa kuwarto ng mga panlinis.
Kinuha ko ang walis, mga basahan at ang de-gulong na pinaglalagyan nito, napag-alaman ko rin na sa may elevator dadaan upang madala ang de-gulong na lalagyanan. Talaga pa lang sosyalin dito, samantalang kami noon sa bahay ay yung mga kawayan na pinagpapako lamang ni Lolo ang hagdan namin, dito ay talagang malaki ang pagkaka-iba.
Hindi ko alam kung saan ang bawat kuwarto nila kaya ang dulong kuwarto sa bandang kanan muna ang bubuksan ko. Walong kuwarto ang narito sa ikalawa na palapag kaya nakakalito talaga. Apat ang sa kaliwa at ganoon rin sa kanan na siyang pinagi-gitnaan ng engrandeng hagdan. Nang makalapit ako sa pintuan ay tumigil muna ako upang kumatok, nakaka-tatlong katok na ako ay wala pa rin, hindi pa rin ito nabubukas.
Pumasok na lamang akong tahimik, muli ay namangha ang aking mga mata sa nakita dahil sa napaka-laking espasyo ang mayroon ang kuwartong ito. Kulay dark blue, gold at itim ang karaniwang kulay na makikita rito, bagamat ganoon ang kulay kumpara sa iba na ang nais ay puti upang maaliwalas, ito ay ibang-iba talaga. Napakaganda may sariling TV set at malaking kama na kulay dark blue pa rin, sa bandang dulo ay may veranda na kung saan tiyak akong maganda ang pwesto upang makita ang mga bituin.
Nagsimula na akong punasan ang mga gamit, maingat ko lamang na hinahawakan ito upang maiwasan ang disgrasya. Hindi ko alam kung kanino kuwarto itong nililinisan ko dahil wala namang tao.
Maya't maya ay winalis ko na rin ang sahig at nang malapit na akong matapos ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo, hindi ko batid kung bakit pero biglaan lamang ito. Baka na nabigla lamang ako sa trabaho. Napalingon ako sa bandang pintuan dahil tapos naman na akong maglinis.
Laking gulat ko nang biglang nasa may pintuan nakapuwesto si Sir Axron at mataman akong tinitignan. Nakasandal lamang siya sa pinto na malamig ang mga titig na ibinibigay sa akin. Kinilabutan ako sa paraan ng kaniyang titig!
“Bakit ka pumasok dito?” Dahan-dahan siyang humakbang at ganoon din ang pag-atras ko. “Ang ayoko sa lahat ay ang mga taong hindi nagpapaalam ng maayos bago pumasok sa kuwarto ko...” Nakakatakot ang boses niya na nakadagdag pa sa sakit ng ulo ko. Hindi ko maintindihan pero wala naman akong sakit, ang sakit-sakit na ng ulo ko parang pinupukpok ako ng martilyo.
“Alam kong nagpapanggap ka lamang upang makuha ang loob naming magka-kapatid... pero hindi mo magagawa iyon.” Ano bang sinasabi niya? Parang siya ang may gawa ng pananakit ng ulo ko o guni-guni ko lang?
Sa sobrang sakit ay napaluhod ako sa sahig at halos hindi ako magkanda-ugaga sa paghawak sa ulo ko na talagang hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari.
“M-Maawa po kayo, p-please!” Nagmamakaawa na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
Parang pinipiga ang ulo ko sa sakit. Nakakapagtaka kung bakit. Pilit kong pinipigilan ang magpakita ng kung ano pang emosyon upang lubayan niya na ako.
“Don't lie, just tell me the truth.” Napalingon ako sa kaniya na nakatayo lamang ilang espasyo mula sa akin. Humakbang siya papalapit sa akin at gusto ko mang humakbang palayo ay hindi ko magawa. Kahit nahihirapan ay pinilit kong tumayo, umatras ako nang umatras hanggang sa naramdaman ko ang malamig na bagay sa aking likuran, wala na akong maatrasan pa. Lumapit pa siya hanggang sa nasa may leeg niya na ang aking paningin. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa lapit niya at sa sakit ng aking ulo ay hindi ko alam kung paano ako makakaalis.
“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, w-wala a-akong a-alam, p-pakiusap itigil mo na 'to.” Naramdaman ko ang mainit na tubig sa magkabila kong pisngi at siguro nga totoo ang sabi nila na kapag malapit ka nang mawala sa mundo ay muling magbabalik sa isipan ang mga masasayang alaala.
“Stop lying! You are just pretending, aren't you?” Yumuko siya sa tapat ng aking tenga, at sa pagbulong niya sa hindi ko maintindihan na sinasabi niya ay lalo akong nanlamig sa kinatatayuan. May diin na sa lahat ng sinasabi niya dahil na rin sa bakas ang inis niya sa akin.
“W-Wala nga akong alam, itigil mo na 'to, n-nakiki-usap a-ako!” Kaunti na lamang ay baka mamilipit na ako sa sahig dahil hindi ko alam kung paano matitigil ang pananakit ng ulo ko. Napaatras siya nang bahagya at tinitignan lamang ang bawat kilos ko.
Naitukod ko ang aking kamay upang hindi ako tuluyang mapahiga, napayuko na lang ako habang nakahawak sa aking ulo.
Muli ay napapikit na lamang ako, naramdaman ko na parang may tumutulo sa aking ilong, kahit na nahihirapan ako ay pinilit kong abutin ito. Napag-alaman kong pulang likido... nagdurugo ang aking ilong sa sakit na nararamdaman.
Ito na siguro ang panahon na muli kaming magkakasama-sama nila Lolo at Lola. Napasinghap ako dahil sa alaala namin noong narito pa sila, ang mga pangarap namin na sana ay gusto kong tuparin. Ngunit hindi ko na siguro maipagpapatuloy pa 'yon.
‘Lo, La... patawad kung hindi ko maitutuloy ang pangarap natin.’
Muli akong tumingin kay Axron na hindi ko alam pero may nakita akong pag-aalala sa kaniyang ekspresyon, ngunit baka guni-guni ko na lamang iyon, dahil malabo. Parang may gumugulo sa isip niya nang makita ang sitwasyon ko.
Nanlalabo na ang aking paningin dahil na rin panay ang tulo ng aking luha. At sa pangalawang pagkakataon ay muli kong naramdaman na... na mag-isa na lamang ako, na ako lamang ang makatutulong sa sarili ko. Unti-unti akong nilamon ng kadiliman hanggang sa hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid.
‘Lola, Lolo magkasama na po tayong muli.’

Bình Luận Sách (205)

  • avatar
    Paulin Elcano

    the flow of the story is good. in every scene, you can't say that it is cliche because it's not. the story is very unique and, I know for sure, in the next chapters it will be more surprising. xoxo.

    15/02/2022

      5
  • avatar
    BactolMary genina bactol

    the story is good and unique, i like it...

    12d

      0
  • avatar
    ManarangjrSherwin

    It great

    15d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất