logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 Fired

Kabanata 3
Fired
--
"Maraming salamat po," sabi ko sabay tanggap ng isang daan na pera pagkatapos kong mag-tutor sa kanyang anak.
"Walang anuman, hija. Bukas ulit," ani Aling Mila.
"Bye, ate Cassandra!" si Avery, ang tinututor ko.
"Bye!"
I went back home after that and got ready to go to the convenience store. Cashier ako roon. I have a uniform to wear and that’s already in the store. Magpapalit nalang ako roon.
Hindi na nang usisa pa sina Aling Mia at Aling Evelyn kung sino ang babaeng bumisita sa akin kanina. Tinanong lang kung kilala ko ba iyon. Sabi ko nalang na hindi. Nagkamali lang siya ng pinuntahan. Pagkatapos noon ay hindi na sila nagtanong pa.
I also don't want to tell others what's going on in my life. Wala akong balak ipagsabi na Agravante ako. Sa tingin ko naman hindi magandang ipagkalat iyon lalo na at may isang Agravante na roon. All I want now is to tell the Agravantes the truth. Hindi ko sigurado kung maniniwala sila pero sa tingin ko, hindi.
Tama si Amelia kahit papaano. Hindi basehan ang itsura para paniwalaan nila ako. Siguradong napamahal na sila sa pekeng Elizabeth. Siguradong mahirap na sa kanila ang mahiwalay sa kanya at paniwalaan ang isang tulad ko. At kahit papaano, nasasaktan ako roon.
I thought that I might have no hope because I'm sure no one will believe me. But I had to fight. I have to believe in myself. I know I can also prove later that I am an Agravante. That I am Nirvanna Elizabeth Agravante.
"Thank you, Ma'am," sabi ko sa isang customer.
Umalis siya at umupo naman ako sa isang upuan roon habang naghihintay pa ng customer na magbabayad. Hindi naman ganon kalaki ang convenience store. Sakto lang ang laki nito. There's a guard at the door, then I had another one with me, Greta, who was a little older than me. Siya ang nag aayos ng mga nagulong products roon. Tapos sa labas may mga table para kung gusto mong sa labas kumain o tumambay muna, pwede ka roon.
"Ang bata bata mo pa para magtrabaho rito. Saan ka nga ulit nag aaral?" tanong ni Greta nang mapunta siya sa may malapit sa akin, nag aayos pa rin siya.
"Sa Georgina University. Kailangan na kailangan ko kasi ng pera."
"Oh? Sa mga Agravante. Mahal roon, ah?"
"Scholar ako."
"Oh! Mabuti yan. Sabi pa nila magandang mag aral dyan at para lang daw sa mga matatalino."
I just smiled slightly and didn’t speak anymore. She continued to arrange the products and when she finished that part, she moved to the other side, a bit far from me.
Nakita kong may pumasok na customer. Mga pamilyar iyon na mga lalaki. Nagtatawanan sila at halatang galing sa practice ng kung ano. Nagtama ang mga mata namin ni Brandon at kita ko ang bahagyang pagkagulat niya na nandoon ako. Nagulat rin ako. Pero hindi ko 'yon pinahalata at nag iwas na lamang ng tingin.
This convenience store is close to the school so it's just normal for them to go here after practice. Sinundan ko ng tingin ang mga kalalakihang nagsisimula nang bumili ng tubig at pagkain nila. I stood up to prepare for their purchase.
"Oh! Hindi ba ikaw yung..." anang isang lalaki na lumapit.
Kinuha ko ang mga kinuha niya at pinatunog. Nasulyapan ko ang paglapit rin ni Brandon. Tinapik niya ang kaibigang nagsalita at may sinenyas na hindi ko malaman kung ano. Pero natahimik naman ang lalaki.
"250 pesos," sabi ko.
"You're from our school, right?" anya.
Doon palang ako nag angat ng tingin sa kanya. Pamilyar sila dahil sila yung mga kalaro ni Brandon nung unang araw ko palang sa school. Sila rin ang palagi niyang kasama.
"Yes," I said.
"I'm Franz. You are?" naglahad siya ng kamay.
Nag ungulan ang mga kasamahan nila dahil sa sinabi noong Franz. I saw Brandon's cold gaze behind him. He didn’t go along with the scream.
"Bro, ano yan? Chics na naman?" anang isa.
"Tumigil nga kayo! Nagpapakilala lang ako," ani Franz.
"Cassandra," tinanggap ko ang kamay niyang kanina pa naka angat. Bumitiw ako agad.
They cheered again because of that. Nilagay ko sa tray ang mga binili noong Franz at binigay na sa kanya. Ang sabi kasi nila dito sila kakain.
Brandon cleared his throat. Franz turned to him because of that. Nagkatinginan sila. One look and Franz immediately grinned and stepped aside even though he obviously had more to say to me.
Brandon walked over and placed the water and cup noodles in front of me. Pinatunog ko agad iyon. Ramdam ko ang titig niya sa akin ngunit hindi na ako muling sumulyap sa kanya.
"150 pesos," sabi ko.
Nagbigay siya ng five hundred. Kinuha ko iyon at susuklian na sana siya nang nagsalita siya.
"Keep the change," iyon lang at kinuha na niya ang tubig na binili niya. Umalis siya sa harapan ko.
Napakurap kurap ako sa gulat. I followed him with my gaze. He went to where Franz was and sat down in front of him. I recovered and just sighed. Ayos na rin. Atleast I received a tip.
Kinuha ko ang cup noodles niya at nag init ng tubig para roon.
His friend finished buying and they all sat down at the table where Brandon and Franz were. I finished heating the water. Nilagay ko ang mainit na tubig sa kanyang cup noodles at nang natapos, dinala iyon sa table nila.
Nilapag ko sa harapan ni Brandon ang kanyang noodles at sinamahan ko na rin ng tinidor. I could feel his gaze as I lowered the noodles. His friends were laughing so they didn't notice his stare at me.
"Enjoy, Sir," I said politely and went back to my cashier.
Pero bago pa ako makabalik ay nagsalita na si Brandon. Doon palang natigilan ang mga kaibigan niya sa tawanan at napatingin sa aming dalawa.
"Kailan ka pa nagsimulang magtrabaho rito?" tanong niya.
For some reason, my heart slightly pounded. Hinarap ko siya.
"Nito lang, Sir," sagot ko.
"Kailan?"
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang tanungin ito.
"Nakalimutan ko na po. Pero bago lang magpasukan."
He raised an eyebrow and nodded. I turned around immediately after that. Narinig ko ang kaunting tukso ng mga kaibigan niya sa kanya pero hindi naman nagtagal iyon. Nag iba rin ang usapan nila siguro dahil sinaway ni Brandon.
Naupo ako sa upuan. Nasulyapan ko ang nanunuksong tingin ni Greta sa akin. Nag aayos pa rin siya ng mga products. Nagtaas ako ng isang kilay bilang pagtatanong. Umiling siya at ngumisi. Siguro narinig niya ang pagkausap sa akin ng mga lalaki sa table sa harapan.
Napatingin ulit ako sa table sa harapan. Nagtama agad ang mga mata namin ni Brandon. Kumakain na siya ngayon pero nakatingin pa rin sa akin. I averted my eyes and just distracted myself on my phone. Pero wala naman akong magawa roon kaya binaba ko nalang ulit. Sumulyap ulit ako kay Brandon pero hindi na siya nakatingin. Kumakain siya at nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya.
May pumasok ulit sa pinto. Napatingin ako roon. Pumasok ang tatlong babae at isa sa kanila, hindi ko inaasahan na makikita rito. Elizabeth Agravante immediately smiled when she saw the men at the table. The two with her who were maybe her friends smiled as well. The men at the table shouted.
"Hi!" maarteng bati ni Elizabeth.
Hindi niya ako nakita. Bukod kasi sa nakaupo ako, nakatutok rin agad ang atensyon niya sa mga lalaki. I tilted my head. My eyes narrowed as I saw her approach Brandon. Hinawakan niya ito sa balikat.
"Hi!" she sweetly smiled when Brandon turned to her.
"Hi," si Brandon at pagkatapos sumulyap sa akin.
Nag iwas ako ng tingin.
"Sabi ko na nandito kayo! Can we sit with you, guys?"
"Sure!"
Naupo sila sa mga tabi ng mga lalaking gusto nila. Tumabi naman si Elizabeth kay Brandon. Tumayo ang katabi ni Brandon at lumipat sa kabila para lang makaupo si Elizabeth sa tabi niya. Umirap ako.
Audrey is right. She's different from the Agravantes. Well... she's not really an Agravante.
They talked for a while and laughed at their table. It's a bit noisy because of them. Brandon's gaze was fixed on me but I wasn't glancing at him. I could only see him out of the corner of my eyes but I didn't look at him completely.
I looked at the time on my wrist watch. Alas otso palang ng gabi at mamaya pang eleven ang out ko. I sighed. I can't complain just because of the customers who are here.
Tumayo ang tatlong babae pagkatapos ng halos kalahating oras. They went around the whole store to maybe buy food. That's when I caught a glimpse of Brandon's eyes. He's watching me very carefully. I wanted to raise an eyebrow to ask why he was looking at me but I just looked away.
Unang nakakuha ng pagkain na kakainin si Elizabeth. I can't believe I'm calling her with my name. I don’t know if I’ll still be able to use that name by the time it becomes mine.
She was shocked when she saw me. I stood up and looked at her coldly. She recovered from the shock at me and smiled. Lumapit siya at nilagay ang mga kinuha niyang pagkain.
"So you're working here..." anya, halatang nanunuya.
Hindi ko siya sinagot. Pinatunog ko lang ang mga pagkain niya.
"Ganon ka pala kahirap para magtrabaho. Kawawa ka naman..."
Hindi pa rin ako sumagot.
"Bakit kasi hindi mo nalang tinanggap ang pera na binibigay ni Mommy para hindi ka na nahihirapan ng ganito."
Natapos ako sa pagpapatunog sa mga pagkain niya at tinignan na ang presyo.
"Kung sana umalis ka nalang at nagpaka layo layo kasama ang pera--"
"300 pesos," putol ko.
Umawang ang bibig niya sa pagkapahiya. Tinignan ko siya. Nakita ko ang pagdaan ng iritasyon sa kanyang mukha pero nawala rin agad at pilit na tumawa.
"Here..." may panunuya pa rin sa kanyang boses nang iabot ang credit card niya.
Kinuha ko iyon. My heart ached when I touched her credit card. Wala akong pakialam sa pera pero kapag naiisip ko na dapat ay sa akin ang lahat ng ito, nasasaktan ako.
Pero hindi ko pinahalata iyon sa mukha ko. I know she's watching my reaction but I showed her nothing but a cold look. I returned her card when I finished. I didn’t hand it to her, I just put it down because I don't want to touch her hand. Napansin niya iyon kaya bahagya siyang natawa pero kita ko ang iritasyon.
"Matayog talaga ang pride mo, noh? Bakit ba hindi ka nalang umalis?"
Hindi ako sumagot. Padabog kong nilagay ang tray sa harapan niya dahilan ng pagtingin ng lahat sa amin, maski ang bodyguard sa may pintuan. Mariin at malamig kong tinignan si Elizabeth. Kita ko ang pagkakagulat niya at ang pagtingin niya sa likuran kung nasaan ang mga lalaki. Nakatingin na silang lahat sa amin. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Brandon.
"Ito na ang binili mo. Kukunin mo ba o hindi?" inip kong tanong dahil kanina pa siya nakatayo sa harapan ko.
Nagtiim bagang siya at matalim akong tinignan. Hindi ako nagpatalo. Matalim ko rin siyang tinignan. Tumayo si Brandon at lumapit sa amin nang napansin na ang tensyon sa aming dalawa. Napatayo rin ang iba niyang kasamahan pero hindi naman lumapit para maki-chismis.
"What's happening here?" ang baritonong boses ni Brandon ang nagpatingin kay Elizabeth.
"Brandon! She's rude! I'm not doing anything wrong pero inaaway niya ako," parang batang sumbong ni Elizabeth.
What the hell? I can't believe this!
Umirap ako at muling inusog ang tray. "Kukunin mo ba to o hindi?"
Matalim akong nilingon ni Elizabeth pero nagsusumbong na bumaling kay Brandon, nanghihingi ng tulong.
"See? She's rude! Dapat kang matanggal!"
Lumapit si Greta nang nakitang lumalaki na ang gulo. Siya ang store manager namin rito. Ang guard rin sa may pinto ay nagtungo na sa amin.
"Ah, excuse me, Ma'am? Is there a problem?" Greta politely asked.
"Are you the store manager? Your cashier was being rude!"
"Stop it, Eli. That's enough," si Brandon.
Eli?
"I'm sorry, Ma'am. Ako nalang po--"
"Bakit ka nagso-sorry sa kanya? I'm not doing anything wrong," mariin kong sambit kay Greta.
Tinignan niya ako. "Cassandra."
Nag iwas ako ng tingin sa iritasyon.
"Anong you're not doing anything wrong? Ikaw itong bigla nalang naiirita! What? Naiinggit ka ba dahil mayaman ako at ikaw hindi?!" Elizabeth spat.
"Elizabeth! Stop it!" parang kulog ang boses ni Brandon.
"Bakit? Kinakampihan mo ang babaeng ito? Siya ang mali rito! Naiinggit siya sa akin that's why she's being rude! Nanggaling kasi sa mahirap! Mahirap pa sa daga--'
"I said stop it!" sa lakas ng boses ni Brandon ay natahimik ang lahat.
Pati ako bahagyang nagulat. Mabilis ang paghinga ni Elizabeth habang nakatingin kay Brandon. Halatang naiiyak na rin siya. But Brandon ignored her and just turned to me. Nagpuntahan na ang mga kaibigan ni Brandon dahil pati si Brandon galit na rin. Ang dalawang babaeng kaibigan ni Elizabeth ay lumapit sa kanya.
"I'm sorry. Ako na ang bahala sa kanya," si Brandon at hinila palabas si Elizabeth.
Sinundan ko sila ng tingin. Nagtiim bagang ako. Napatingin sa akin ang dalawang babaeng kasama ni Elizabeth at nang mamaliit akong tinignan mula ulo hanggang paa. Nagkatinginan naman ang mga lalaking kasama ni Brandon tapos napatingin sa akin.
"Ano ba kasi talaga ang nangyari, Cassandra?" ang boss naming babae na si Ma'am Maureen.
Huminga ako ng malalim at yumuko. Wala naman akong ibang ginagawa sa babaeng iyon. Siya ang kung ano ano ang sinasabi kaya hindi ko na rin napigilan ang bibig ko. Kung sana ay nanahimik nalang siya edi sana walang nangyaring ganito.
Alam ko naman na may kasalanan rin ako. Dapat hindi ko na pinatulan. Sadyang hindi ko lang talaga kayang hayaan nalang ang mga taong ganon ganonin lang ako.
"Cassandra, I'm not mad at you. Alam ko na rin kasi ang ugali ng Agravante na iyon kaya alam kong hindi ikaw ang nauna. I just want to know what happened. What did she do to you?"
Hindi ako sumagot. Kung ano man ang sinabi sa akin ng babaeng iyon, sa aming dalawa nalang yon.
"I'm sorry, Ma'am. Hindi na po mauulit," iyon lang ang sinabi ko.
She sighed at alam agad niya na hindi ko sasabihin sa kanya kung ano man ang nangyari.
"Nagrereklamo ang Agravante na iyon. Gusto kang ipatanggal."
Hindi ako nakapag salita.
"Masyasong makapangyarihan ang mga Agravante, siguro naman alam mo na yan? Kilalang kilala sila rito kaya siguradong kilala mo na sila."
Matatanggal ba ako rito, kung ganon?
"I'm sorry, Cassandra. Bago ka palang rito pero kailangan na kitang--"
Handa na ako sa sasabihin niya pero natigil siya sa pagsasalita nang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Pumasok roon si Greta na nagmamadali.
"Ma'am!" she called habang hinihingal pa.
"Greta... what is it?" ani Ma'am Maureen.
"Si Louissa Agravante, nasa labas po!"
Nagulat ako roon. Tumayo si Ma'am Maureen at umalis sa table niya.
"Bakit daw?"
"Gusto daw po niya kayong makausap at pati na rin ikaw... Cassandra."
What?
Nagkatinginan kami ni Ma'am Maureen. Tumango siya sa akin at alam kong gusto niyang pumunta rin ako sa labas. I sighed and followed her. Ano naman kaya ang ginagawa ni Louissa Agravante rito? Nalaman niya ba ang nangyari? Nagsumbong ba sa kanya si Elizabeth?
Paglabas namin ay nandoon nga si Louissa Agravante. She's wearing a white off shoulder dress. Nakahalukipkip siya habang nakatayo sa tabi ng nakabusangot na si Elizabeth. Brandon was also there but his friends were gone. Sila nalang tatlo ang nandoon.
Nagkatinginan kami ni Brandon. Kagaya ni Louissa, nakatayo rin siya at nakahalukipkip. But he was on the other side of the table, watching me seriously.
"Good evening, Louissa Agravante. I heard you want to talk to me," si Ma'am Maureen.
"Yes. Can I talk to you for a second? And also Cassandra..." tinignan niya ako.
Iyon na naman ang titig niya na para bang may tinitignang mabuti sa akin.
"Sure. What is it?" si Ma'am Maureen.
"I just want you to know that you don't have to fire Cassandra anymore. Hindi na rin magrereklamo si Elizabeth," nilingon niya ang babaeng nakaupo.
Humalukipkip at umirap lang si Elizabeth.
"Ayaw na naming palakihin ang gulo na ito. Tita Amelia said she should just let this go."
Tita Amelia? She knows her?
"I apologize for the trouble, Cassandra," baling niya sa akin.
"I-It's okay..." sagot ko dahil hindi ako makapaniwala na siya ang nagso-sorry.
"Oh! That's great! Cassandra," nilingon ako ni Ma'am Maureen.
"Thank you," I said to Louissa.
Tumango siya at ilang sandali pa akong tinitigan bago binalingan si Elizabeth na nanatiling nakaupo.
"Let's go," malamig niyang sambit.
Tumayo si Elizabeth. Isang irap ang ginawad niya sa akin bago lumabas ng store. I sighed. Nilingon ko si Louissa na nanatili sa kinatatayuan niya.
"I'm sorry again for the trouble, Ma'am, Cassandra and Brandon," nilingon niya si Brandon.
"No problem," si Brandon.
She nodded. She formally said goodbye to us before leaving the store. Muli, isang titig ang ginawad niya sa akin bago tumalikod at umalis. Nakahinga ako ng maluwag. I thought I was going to be fired.
Pero... kilala niya si Amelia Mendez?

Bình Luận Sách (109)

  • avatar
    Asteria_luna

    Hi! I finished reading your story in just one day, it's a piece of art! I can't help it, crush ko na ata si Brandon😭😭

    09/02/2022

      0
  • avatar
    David Montañez

    nice 👍👍

    20/08

      0
  • avatar
    CruzCassandra

    good

    29/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất