logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 7

"Sino ba kasing nagbibigay ng sulat sa'yo, Lennox?" pangungulit ni Danish.
"Nakailang ulit ka na ba ha?" inis kong tanong. Kanina pa siya eh. Tanong ng tanong. Paulit ulit siya at hindi mapakali sa kakatanong.
"Eh, hindi mo ko sinasagot eh!" mulin niyang sambit.
"Hindi ko nga alam! Kulit!" nakukulitan ko ng sabi.
"Intrimitida ka!" Gigil niyang sigaw sa akin.
Umirap ako ako sa sinabi niya at sumimangot.
"Manahimik ka na lang!" asik ko sa kaniya na sinunod naman niya.
Pangatlong subject na 'to at ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa rin ang professor namin sa History.
Aish!
Dumukdok ako sa upuan ko habang wala pa ang professor namin ng biglang may padabog na nagbukas ng pinto. Nagugulat akong umayos ng upo at agad na dumapo ang tingin sa harapan.
Ganoon na lamang ang pagtataka ko kung bakit narito ang lalaking may berdeng mga mata. Natahimik ang buong klase, dahil nandito ito at tila galit.
"Professor Xavier can not attend today because there is an emergency, family problems and he wants me to replace him, this day. So behave!" ani nito. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang ngalan niya, maski yata ang mga studyante rito ay hindi rin alam ang ngalan niya.
"Miss Binvinedez, stand up," tawag nito sa pangalan ko.
Nalilito man ay ay sumunod ako. Nasulyapan ko pa ang nakakainis na ngisi ni Danish. Inirapan ko ito saka tinuon ang mga mata sa harap.
"Yes... Sir?" alanganinakong sabi. Umangat ang labi nito sa itinawag ko sa kaniya. Rumiin ang titig nito sa akin na siyang nagpakaba sa akin.
"What is the longest river in Italy?" nakangising tanong.
Bumagsak ang balikat ko. What the heck! Hindi ko napaghandaang may recitation pala ngayon...
"The longest river in Italy is Po." I proudly said. Alam ko 'yan dahil nakatungtong na 'ko sa Italy. At ang masasabi ko lang karamihan sa kanilang mga italiano ay napasobrahan ang tangos ng ilong ngunit magaganda sila at bumabagay sa kanila.
"Good," he said casually like it is the easiest questions. Which is talagang madali lang.
"Who won the superbowel in 1989?"
"San Francisco 49 ers." sagot ko.
"What is the capital of Morocco?"
"The capital of Morocco is Rabat, Sir!"
"What digit does not exist in Roman Numerals?"
History ba yan? Saka bakit ako lang ang tinatanong niya? Kwarenta kami rito tapos ako lang ang tatanungin niya! What the hell!
"Sir that's not part--"
"What's the answer!?"
Langya. Pinapahiya niya ako eh no! Saka bakit ba siya naninigaw! Nakakainit na siya ng ulo ah!
"The answer is Zero." inis kong saad.
Wala na akong pake kung siya ang aming guro sa araw na ito! Wala na ang naglalarong ngisi sa labi nito. Nakatikom ito at tila nagpipigil inis sa akin.
At siya pa ngayon ang may ganang magpigil ng inis? He is damn annoying! Tangina siya!
"What are the three kinds of plastids?"
What the?
"Sir that's not part of the History--"
"Even that's not part of the History, Answer my Question! Why? Don't you know the answer!?" bulyaw nito.
He's insulting me! At hindi 'yon tanggap ng pagkatao ko! Ni minsan wala pang sumigaw sa akin ng ganito, lalo na't sa harap ng kapwa ko mga studyante! Damn it! Ni wala akong alam para ipahiya niya ako sa mga pesteng studyanteng nandidito.
"I know the answer sir it's just---"
"Then answer me!" madiin niyang sabi.
"Sir it's not part of the History---"
"Again Miss Bievinedez, even that is not part of the History, if you know the answer of my Question, then aswer it! Hindi yung pinapahaba mo pa!"
Hindi pa ako naging emosyonal sa buong buhay ko pero ngayon parang ano mang segundo, tutulo na yung luha ko. Rinig ko rin ang bahagyang pagtawa at bulungan ng iba kong kaklase na lalong nagpainit sa ulo ko.
"Kalma! Kalma lang Lennox..." dinig kong bulong ng dalawa kong kaibigan.
"Fine! The three kinds of plastids are leucoplasts, Chloroplasts and Chromoplasts."
"Alam naman pala ang sagot, pinatagal pa!"
"Papansin nga siya bes!" rinig kong bulungan ng dalawa kong kong kaklase.
Pinigilan ko ang aking sarili na lingunin ang dalawang babaeng nagbubulungan na nasa likuran ko dahil baka mandilim ang paningin ko at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila ngayong galit na ako!
Walang pasabi akong umupo ng padabog at itinuon ang paningin sa projector na dala-dala pala nito na hindi ko napansin kanina.
Kinalabit ako ni Harriet saka binulungan.
"Galit ka...?" nag-aalinlangan nitong tanong.
Kinuutan ko siya ng noo.
"What do you think?" pigil inis kong tanong.
"Sabi ko nga, galit ka..."
Nanahimik ito at nakinig na lamang sa tinatalakay. Binuksan nito ang laptop saka niya ikinabit ang connector sa laptop at projector dahilan para lumantad sa blackboard ang susulatin namin.
Walang imik kong kinuha ang kwaderno sa bag ko at saka nagsulat.

Bình Luận Sách (155)

  • avatar
    GaniaJuan Miguel

    love this, keep going, please update the story because i love this, i'll also support you

    19/01/2022

      3
  • avatar
    flirtyani

    wala na pong part 2?

    17/06

      0
  • avatar
    Janzel May Gonzales Paderes

    waiting for part 2 pls..i love this story

    18/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất