logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Venus,
Isang buwan ang nakalipas at naging tahimik naman ang mga buhay namin. Wala nang nanggugulo, at halos lahat ay busy narin dahil may mga pasok at may trabaho naman ang iba.
"Training Room!" sambit sa 'kin ni Marcus at naunang maglakad patungo roon. Napairap nalang ako at tamad na sumunod sa kaniya. Nang gumaling ang sugat ko ay agad akong bumalik sa training.
Sa nangyari ba naman sa 'kin sa mall, I realize that I still have a lot to learn about martial arts and how to protect myself from danger.
"Queen, ready ka na ba?" nakangising tanong sa 'kin ni Dos nang makasalubong ko ito. Hindi parin talaga nagbabago ang ugaling niyang iyon.
"Yabang, ah, kapag ikaw natalo ni Queen!" saad naman ni Uno sa kaniya. Ngayon ulit kasi kami maglalaban ni Dos at sisiguraduhin kong makakabawi ako sa ginawa niya sa 'kin nu'ng nakaraan. I'll break every bones of him, I swear!
"Halina kayo," tawag sa 'min ni Singko. Nakipagngisian lang ako kay Dos at tuluyang pumasok ng training room. To be honest, wala naman talaga akong laban sa kaniya. But, I need to prove something, hindi lang kay Marcus.
Agad na pumuwesto si Dos sa boxing room at nag-stretching. I was there, standing still. Naka-crossed arm pa ako, pinapanood siya.
"Huwag kang magrelax lang d'yan dahil kapag natalo ka, hindi ka makakausad sa next stage," sambit ng lalaking nasa gilid ko.
Ningisian ko naman ito. "Wala ka bang tiwala sa 'kin?" tanong ko ngunit walang emosyon lang siyang tumingin sa 'kin. "Tss, simulan na natin Dos!" pag-iiba ko at saka pumuwesto.
Kaya mo 'to Venus... Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Mabilis na umatake sa 'kin si Dos, mabuti na lamang ay agad akong nakaiwas. Muli pa itong lumapit sa 'kin at nagpakawala ng suntok.
"Sorry for this, Queen," saad nito at sinuntok ako na siyang tumama sa kaliwang pisngi ko. Inis akong tumingin sa kaniya at gumanti ng suntok hanggang sa tamaan ko ito sa ilong niya na ikinaatras niya.
"What the hell, man! Dumudugo ang ilong mo!" natatawang sabi sa kaniya ni Tres na nanonood din sa 'ming dalawa. Napangisi ako, mukhang effective ang ginawang training sa 'kin ni Tres noong nakaraang araw. Malakas na akong sumuntok. Pero hindi iyon sapat, alam kong hinahayaan lang ako ni Dos na makaganti sa kaniya. Sa bilis ng mga galaw niya, mukhang hindi ko siya tatamaan sa mukha kahit isang beses.
Muli naman itong umatake na siyang ikinatumba ko. Agad itong pumatong sa 'kin kaya mabilis akong sumuntok pabalik at ako ngayon ang nasa ibabaw niya. Para na naman kaming mag-asawang nagkakapisikalan. Ngayon, tuition fee naman ang pinag-aawayan namin.
"Sumuko ka na, Dos," bulong ko rito ngunit ningisian lang niya ako. Mabilis niyang dinaganan ang binti ko at sinuntok ako sa kaliwang braso.
Malakas akong napadaing sa sakit nang palipitin niya ang braso ko. "Alam mong hindi ako sanay na natatalo, Queen."
Nagkatinginan kami ni Dos nang may marinig kaming tunog. Mabilis kaming naghiwalay at nag-unahan sa pagkuha ng espada. Oo, espada at hindi kutsilyo. Kada limang minuto kasi ay may lalabas na item na maari naming gamiting dalawa, pero magagamit lang namin iyon sa loob ng tatlong minuto.
"Brace yourself, Queen," he warned me and smiled in an annoyingly conceited way.
Thank God, the original training room was wide enough for the two of us to fight and not hurt others. Dos rushed at me. He dipped and weaved right as he was about to reach me and slashed downwards with the sword.
"Don't hold back or I am going to slice you in half," he muttered, giving me a wink.
I bit my lips to stop myself from laughing and tried my very best to look serious. Uno once told me that Dos can deceive anyone by his talks or jokes. He then will give his opponent a wink.
I sidestepped to the right just enough and the blade passed a hair's breadth from my face. Quickly, before Dos could respond with a follow-up, I swiftly punched him, knocking the wind out of him, and stunning Dos for a brief moment.
I smirked, ngunit napasobra yata ako dahil hindi ko napansin ang mabilis na pagsugod sa 'kin ni Dos. Nabitawan ko ang espadang hawak ko nang bigyan niya ako ng simple sidekick on my stomach, doubling me over.
"Too early for celebration, Queen." He then attacked me.
My eyes widened as I looked down at one of my hands and noticed one of my nails bleeding. "H-Hey, what did you do?!"
"That had to hurt, Queen. My bad," Dos muttered, forming a smirk.
I gave her a sharp look. "You freaking broke my nails, you freaking asshole!" I exclaimed in frustration.
Nang makarinig ulit kami ng signal ay mabilis naming inilayo ang mga espada. Kinuha kaagad iyon ni Uno at Tres, nakatingin parin sa 'min.
"I'm sorry, pero hindi ako magpapatalo sa 'yo, Queen." Muling sumugod sa 'kin si Dos. Nawalan ako ng balanse kaya kinuha niya ang pagkakataong iyon para makalamang sa 'kin.
"Hindi mo ba naisip na uulit lang tayo sa umpisa kapag hindi ka nagpaubaya?" I asked him. Bumawi ako ng suntok at tinamaan ang baba niya. Ako na ngayon ang nasa ibabaw niya.
Alam kong hinding-hindi ito magpapatalo. Kilala siya bilang pinakamagaling sa larangan ng pakikipaglaban at wala pang nakakatalo sa kaniya maliban kay Marcus.
Muli itong nagpakawala ng suntok na tumama sa labi ko. "Argh! Ang kulit mo talaga!" Inis kong hinarap ito at mabilis na sinugod. "What do you want, Dos?" tanong ko rito at sinuntok siya. A groan escaped his lips as the pain from my attack started setting in.
Hindi naman ito sumagot at malakas akong tinulak. Susuntok na sana ito nang iharang ko ang palad ko at nagsalita.
"Ipagluluto kita ng adobo!" mabilis kong saad na siyang ikinahinto niya.
A long pause deafening silence resonated in the whole room as if time itself was holding its breath. Marcus and the others watching the fight were so enthralled, watching for our next move.
Napakurap-kurap ang mga mata ni Dos. "S-Suntukin mo na 'ko, Queen," he finally gave up. "Basta may—"
Hindi ko na siya pinatapos at malakas na sinuntok dahilan para siya ang matumba. Para 'yan sa sugat at pasa na natamo ko ngayong araw, Dos. Nakangisi akong tumayo at tiningnan ito. "Madali ka naman palang kausap."
"Tumayo ka riyan, Dos!" utos sa kaniya ni Marcus ngunit umiling lang ito at itinaas ang dalawang kamay.
"Ayoko na Master, ayoko na!"
Palihim akong tumingin kay Uno na nakangisi sa 'kin at kumindat pa. Natawa naman ako ng maalala ko ang usapan namin kanina.
"Queen, sigurado ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
Tumango ako rito at ngumiti. "Madami naman na akong natutunan kay Dos at Tres," sagot ko.
"Pero Queen, kilala mo si Dos hindi 'yon nagpapatalo."
"Hindi naman niya siguro ako papatayin, Uno," natatawa ko pang saad dito.
"Pero Queen, nag-aalala lang ako. uulit ka kasi sa simula kapag natalo ka ni Dos," anitya na talagang ikinagulat ko.
"Uulit? Bakit uulit pa?!"
"Iyon ang narinig ko sa usapan ni Dos at Master, Queen."
Tumayo ako at nilapitan ito. "Anong gagawin ko? Ayokong umulit sa umpisa!"
Kumunot ang noo ko nang bigla itong ngumisi sa 'kin. "Isa lang naman ang kahinaan ni Dos, Queen."
"Ano naman 'yon?"
"Sanay ka ba magluto ng adobo, Queen?" tanong nito na ipinagtaka ko. Ano namang meron sa adobo?
Kahit nagtataka ay tumango na lamang ako rito. May binulong ito sa'kin na siyang ikinangisi ko. "Pft! Sige, salamat Uno."
"Ang galing mo, Queen!" bati sa 'kin ni Tres.
"Hindi ako makapaniwala, Queen," saad naman ni Singko at pinuntahan si Dos. "Natalo mo 'tong mokong na 'to."
"Nice," Kwatro simply said.
Ningitian ko na lang sila hanggang sa unti-unti na akong bumagsak at napaupo. Damn. Ngayon ko lang naramdaman 'yung sakit. May daplis ako sa braso at daliri ko. Pumutok din ang labi ko at namamanhid ang mga braso't binti ko. Mabuti nalang talaga at mas pinuntirya ni Dos ang katawan ko kaysa sa mukha ko.
He clicked his tongue. "Linisin muna natin 'yang sugat mo. Let's go," he said, gestured me to follow him, turned his back against us, and walked away.
"Queen, tawag ka na ni Master—"
I raised my hand to stop Uno, and he did. Napahiga ako, hinahabol ang hininga ko at pumikit. Hindi ko yata kakayaning tumayo ulit.
"I said, let's go," Marcus seriously said, staring at me. Itinaas ko ang kamay ko at muling huminga ng malalim.
Napasigaw ako nang bigla nalang niya akong buhatin. Tila bumuhat siya ng isang sakong bigas. Gusto kong mag-complain ngunit wala na akong lakas kaya hinayaan ko na lamang siya.
At habang ginagamot niya ang sugat ko ay agad akong tumawag sa kusina. "Hello, Red, pakisabi naman kay Tres na ako muna ang magluluto ngayon," I commanded as soon as Red answered the phone. Napahinto pa ako nang mapansing nakatitig sa akin ang monster-este master. "W-What?"
"You cook?" tanong nito na ikinatawa ko ng mahina. I learned to cook because my mother used to teach me. At noong nawala siya, ako na ang nagluluto para sa 'kin.
I smiled. "Oo naman, anong gusto mo?"
"Can you cook adobo for us?" tanong nito kaya mas lalo akong natawa. Huwag niyang sabihing paborito nilang lahat 'yon. "It's our favorite."
I looked at him, my eyes were in nothing but pure shock. "S-Seryoso nga?" tanong ko. Tumango lang ito at nagpatuloy sa ginagawa niya. Nakangiting napailing ako at pinanood itong ginagamot ako mga sugat ko.
"Honestly, I used that adobo card to Dos," I confessed. Marcus shot me a piercing glare kaya napangiwi ako. "I have no choice."
"Tss. Tinuturuan ka naman nila, ah?"
"Madamot magturo si Dos ng mga technique," nakangusong sambit ko. "Dapat ikaw ang magturo sa 'kin, ikaw lang naman ang nakatalo sa kaniya."
We maintained eye contact for a few seconds until a playfully smile curved on his lips. "Okay... I will."
In a snap, my face brightened up. "Seryoso 'yan?"
Marcus nodded as he held my hand, examining my wounds. "Does it hurt?"
"Hindi na," nakangiting sagot ko. Kumunot ang noo niya sa 'kin at mahinang natawa.
"You're happy, aren't you?" Tumangu-tango lang ako. "Tuturuan kita basta may adobo."
"Okay, Adobo for the whole Deemons!"
* * *
"Ano masarap ba?" tanong ko nang tikman nila ang niluto ko. Napakagat ako ng ibabang labi ko nang magkatinginan sila. Hindi sila sumagot, mukhang hindi nila nagustuhan. "A-Ah, h-huwag niyo nang kainin, itatapon ko nalang kung hindi masarap—"
"'Wagggg!" they halted me.
"'Wag, Queen, ang sarap!" saad naman ni Uno habang may manok pa sa bibig.
Ibinaba ko naman ang hawak kong kaldero. "Sure kayo? Bakit hindi kayo nagsalita kanina?" paninigurado ko pa. Ngayon lang kasi ako nagluto para sa kanila. Isa pa, matagal narin noong huli kong ginawa ito.
"Speechless kami, Queen," saad naman ni Tres at hinila ako ng upuan. "Kumain na kayo, Queen. Tatawagin ko lang si Master."
Naupo naman na ako at kumuha ng plato namin ni Marcus bago nagsandok ng ulam. "Magugustuhan kaya niya 'to?" tanong ko sa mga kasamahan namin.
Tumangu-tango naman sila. May kasama pa ngang pag-thumbs ups ang ilan. "Oo naman, Queen!" sagot pa ni Red.
Pumasok na sa kusina si Marcus kasama si Tres. Agad itong naupo sa tabi ko. "Let's eat."
Pinagmasdan ko pa siya habang tinitikman ang niluto ko. "Ano, masarap ba?"
Tumingin lang ito sa 'kin at sa plato ko. "Ayaw mo pang kumain?" tanong pa niya at nilagyan ng kanin ang plato ko. Napanguso ako. Bakit ayaw niyang sabihin kung masarap o hindi? "Kumain ka na, hindi ko sinabing mag-ala pato ka riyan."
Inirapan ko lang siya at mabilis na sumubo. Nakakainis siya kahit kailan!
"It's delicious. Magaling ka palang magluto," bulong nito habang kumakain ng manok.
My eyes widened as I turned to him. "T-Talaga, masarap? Thank youuu!" tuwang-tuwang sagot ko at napayakap dito.
Agad akong napabitaw nang ma-realize ko ang ginawa ko. Mabilis akong sumubo at hindi pinansin ang masasamang tingin ni Marcus sa 'kin. Nakagawa na naman ako ng katangahan ngayong araw.
Ano ka ba naman Venus! Bakit mo ginawa 'yon?!
"Ayieee!"
"Shut up!"
"Shut up!"
Sabay na saway namin na mas lalo nilang ikinatawa. Tiningnan ko naman sila ng masama kaya agad din silang natahimik at sumubo ng pagkain. Tsk!
"Siya nga pala," Tres spoke. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. "May bumabangon sa inyo tuwing madaling araw at kumukuha ng pagkain sa ref."
My eyes slowly widened, my heart was racing inside. And when Marcus met my eyes, his brows furrowed.
"What's with your reaction?" he asked me.
I repeatedly shook my head. "Hindi ako 'yon, ah!" defensive kong sabi. Natawa naman ang iba habang tumatangu-tango naman si Marcus at ang limang lider ng Deemons.
"Actually, may narinig din ako noong isang araw. Hindi ko nalang pinansin dahil anong oras na, pero sure akong sa kusina iyon nanggaling," said by Kwarto. Iyon na yata ang pinakamahaba niyang sinabi.
"Ako rin noong nakaraang linggo yata," ani Dos, nakatitig sa kisame. Sabay-sabay silang napatingin sa gawi ko.
"W-What? Hindi nga sabi ako 'yon," sambit ko at nagpatuloy sa pagkain, pinakikiramdaman ang mga reaksyon nila. Hindi rin nakatakas sa 'kin ang pagpipigil ni Marcus ng mga ngiti niya. "Mamatay na 'yung nang-aakusa sa 'kin."
"Wala namang nang-aakusa sa 'yo, Queen," sagot ni Dos nang hindi tumitingin sa gawi ko. Panay ang kain niya, sinusulit ang adobong niluto ko. Para naman kasi talaga sa kaniya iyon dahil pinanalo niya ako.
"Siguro naman mahihiya na kung sino man iyon," ani Tres, seryosong-seryosong kumakain ng manok. "Kapag nahuli ko kayo, ewan ko nalang."
"Matatakot na 'yon, boss." Napatingin ako sa nagsalita, si Green pala. Nang magtama ang paningin namin ay bigla na lamang akong natawa. "Anong nakakatawa, Queen?" he asked, looking offended.
I slowly shook my head. "W-Wala lang," sagot ko, kinakagat ang labi para pigilan ang tawa.
"Bakit hindi nalang natin i-check sa cctv? O kaya maglagay tayo ng secret cam sa ref!" sustensyon ni Red.
"There's no need to do that," Marcus disagreed. "Let the culprit confess to us."
"Tama si Master," Tres agreed. "Magagamit din naman natin 'yung kuha ng cctv kapag nahuli na siya pero nagde-deny pa."
I gulped. "S-Siguro naman titigil na siya," sambit ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Oo nga pala, Queen," Napatingin naman ako kay Dos. "Kailangan mong sumulat ng death wish at letter."
My eyes slowly widened. "D-Death wish at letter?!" I exclaimed, shocked.
"Lahat kami ay nagsusulat no'n, Queen," ani Tres, naka-focus parin sa pagkain niya.
"Para kapag namatay kami, malalaman ng pamilya namin. Tutuparin din ng grupo ang death wish mo," dagdag naman ni Uno sa sinasabi nila.
"P-Pero... 'di ba wala ng pamilya ang iba sa inyo?" I then gulped. "P-Paano 'yon?"
"Sa kamag-anak, Queen," ani Black at tinuro si Austin. "Ang wish niya ay ibigay ang bangkay niya sa nanay niya. Parang madali pero hindi."
Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Nawawala kasi ang nanay niya," he followed and pointed at Blue. "Siya naman ay nag-wish ng 1Million para sa pamilya niya."
I nodded understandingly before looking at Marcus. He was looking at me too. "K-Kailangan ko talagang sumulat?" I asked him. "I mean, wala naman na akong pamilya. I-Ibigay niyo man 'yon sa madastra ko, matutuwa lang 'yon. Gusto ko naman na may umiyak sa 'kin."
Natawa silang lahat.
"What? I'm telling the truth though." I shook my head for the nth time and sighed hard. "At kung may death wish man ako, sana maghirap ang madastra kong 'yon at ang impakta niyang anak. O kaya walang ! Million kapag hindi sila lumuha ng dugo."
Muli silang nagtawanan.
"Laki ng galit natin, ah!" pang-aasar ni Dos at muling tumawa. Tawa nila ni Uno ang nangingibabaw.
"Mas malaki pa sa bahay ni Marcus."
We laughed even more until someone cleared his throat. Lahat kami ay napatingin kay Marcus, tinititigan ang ginagawa niyang pagsubo.
He then turned to me after wiping his mouth with a napkin. "Forget about the death wish and letter," he said, looking deeply into my eyes.
"Pero paano 'yung pamilya niya, Master? Kasama sa kasunduan natin na ipapaalam natin sa mga—"
"Simple, I'll make sure she doesn't die while she's still here with us."
* * * * *
Inis akong nagpagulong-gulong sa kama ko. Kinapa ko ang cellphone ko ngunit ibang cellphone ang nakuha ko. Kumunot ang noo ko, cellphone ito ni Marcus, ah? Napailing nalang ako at naupo. Binuksan ko ang cellphone niya at tiningnan ang oras.
Damn, mag-aalas tres palang ng madaling araw. Bakit ang bagal ng oras?
Ibinaba ko ang cellphone ni Marcus at muling nagpagulong-gulong sa kama. Muntikan pa akong mahulog nang muling tumunog ang tiyan ko.
"Argh! Gutom na gutom na ako." I groaned and pulled my hair using my two hands in frustration.
Kasalanan ito ni Tres... nilang lahat. Masama bang kumain kapag madaling araw?
Yes, I admit, ako ang tinutukoy nila. Ayokong umamin dahil alam kong may parusa sila. Hindi man nila ako parusahan, pagtatawanan at aasarin naman nila ako. Doon pa naman sila magagaling. Doon sila nagkakasundo.
I stood up from my bed and sighed hard. I can't take it anymore, kailangan ko na talagang kumain o kahit uminom man lang ng chocolatemilk!
Unti-unti akong naglakad palapit sa pinto at dahan-dahang binuksan iyon, hindi gumagawa ng anumang tunog. At nang tuluyan akong lumabas, siniguro ko munang tulog na ang mga tao rito bago bumaba ng hagdan. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang makarating ako sa kusina. May naiwan pa roong can beer. Did I mention that they has a voice operated beer dispenser?
Tinungo ko ang dalawang magkaibang refrigerator ng Deemons. Matapos kong makakuha ng slice ng cake sa isa ay agad kong tinungo ang pangalawang refrigerator. By knocking twice on the glass of that distinctive window on the fridge's door, you'll be shown what's inside the fridge. Tulad nalang ng nakikita ko ngayon. Napangiti pa ako nang makita ko ang favorite kong flavor ng mogu-mogu.
Matapos kong makakuha ng pagkain, hindi tulad ng nakasanayan kong mag-i-stay muna sa kusina ay agad kong inilagay iyon sa isang tray. Napagdesisyunan kong sa kwarto nalang kumain para walang makahuli sa 'kin, pero hindi ko pa tuluyang nabubuhat ang tray nang may makita akong kakaibang nilalang sa sliding door ng kusina.
The smile on my face faded and I felt my heart racing inside as anxiety started to rise in me. My eyes widened slowly.
Sh*t!
I covered my mouth and tried my very best not to scream. A freaking white lady suddenly appeared next to the sliding door. A while ago, she was looking in a different direction now it's on me. Her long, thick hair covers her face except for her left eye. I felt goosebumps all over my body when our eyes met.
Damn.
I clutched on my chest when I saw her creepy smile. Bigla nalang siyang may inilabas na kutsilyo, nakatingin at nakangiti parin sa 'kin. I wanna run but I just can't move as if I got frozen.
"AHHHHHH!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko nang magsimulang maglakad papalapit sa 'kin 'yung multo. Wala na akong pakialam kung magising ko sila at mahuli nila ako. Mas mahalaga sa 'kin ang buhay ko.
I felt my legs were about to disown me. I was covering my mouth because I was cursing hard. Hindi ako naniniwala sa multo pero sa nakikita ko ngayon, hindi ko na alam!
"MULTOOOOOOOOO!"
***
The Lost Princess Series II
by: thesweetest_thing

Bình Luận Sách (49)

  • avatar
    Ronielyn Arguelles

    it's so very nice story, 😊 I like it🥰

    27/07

      0
  • avatar
    mark angelo

    Angelo

    08/07

      0
  • avatar
    DudoyanJessie

    so beautiful story

    08/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất