logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

"Three hours pa ang itatagal ng byahe natin. Matulog ka muna."
Mula sa labas ng bintana ay napatingin ako kay Joshua. He's wearing a black denim jacket and a inner hoodie sweater, partner with maong jeans and black boots, same as mine but a male version of it. 
Kasalukuyan na namin nilalakbay ang kahabaan ng NLEX. Nakakahiya naman kung matutulog ako. I need to entertain him at least, para din hindi siya antukin.
"I'm good. Hindi pa naman ako inaantok." sabi ko at lumingon sa mga kasama.
Tulog sina Henry at Owen sa likod habang si Jake naman ay nanatiling gising at nakatingin lang sa labas ng bintana. 
Pasimple akong tumingin kay Derrick. He's now sleeping hugging his backpack. Nadepina lalo ang haba ng kaniyang pilik mata ngayon payapa siyang nakapikit. Ang ilong nyang matangos ang syang nag pa ganda lalo sa kaniyang mukha. He has this soft feature. Jake has an angelic face na saliwa sa ugali pero si Derrick? Siya yung taong pag ginawan mo ng masama ay siya pa ang mag so-sorry sa'yo. 
He's wearing a pastel brown oversized sweater terno with fated jeans. His hair is a little bit messy but its look perfect on him.
Napa-ayos ako ng upo ng bigla syang gumalaw. 
"Gusto mo makinig ng music?" prisinta ni Joshua.
"Okay lang?"
Tumango sya. "Oo naman, i-connect mo nalang yung playlist mo."
At gaya ng sabi niya ay iki-nonek ko nga ang playlist ko sa dashboard. 
Nilakas ko ang volume sa eksaktong lakas lang na hindi magigising ang mga natutulog. Its now playing their one of their self-produce masterpiece.
Nakita ko ang pag ngiti at pag kagat ng pang-ibabang labi ni Joshua.
"One of my favorite." aniya.
"Parehas tayo." natatawa kong tugon.
Hindi ko alam kung ano ang pwede naming pag usapan. Tanging ang tugtog lang kasi ang nag bibigay ingay sa amin. 
"Buti pumayag si Mom na gamitin ang rest house para sa outting na 'to." he said. Engaging a topic.
"Bakit nasaan sila?"
Ayoko mag tunog usisero pero kailangan ko mapahaba tong topic namin para may pag usapan naman kami.
"Bumalik sa L.A, doon mag pa-Pasko." nadaanan ng bahid ng lungkot ang mata nya pero nawala din agad 'yon
Mag-isa lang siya sa Pasko kung wala itong outting na ito kung ganoon. 
Born and raised sa L.A pero nung tumungtong siya ng High school ay lumipat na sila dito sa Pilipinas para dito ipag patuloy ang pag-aaral. Nung nag collage ay doon na siya na-discover at nakabilang sa grupong SYZYGY.
I know their backgroud, alright. Hindi dahil sa kapatid ako ni Jake, well, bukod doon, of course. 
"Bakit mo nga pala naisipan na isama ako?" pag iiba ko ng topic.
Itinaas ko ang binti ko at inilagay iyon sa ilalim ng isa ko pang binti para makaharap sa kaniya. Ang ulo ko ay nakahilig na sa backrest. Napatingin siya sa ginawa ko bago sumagot.
"Naisip ko na mas masaya kung isasama ka namin, para sabay-sabay nadin nating salubungin ang Pasko." 
"Nabanggit nga ni Henry na maganda daw doon sa rest house niyo. Nakapunta na sila doon?"
"Yes, nakapunta na sya doon pero siya lang mag isa. Inimbitahan siya ng Mom ko."
Kung iisipin, sa tagal ko na silang kilala, ito palang ang unang beses na makakasama ako sa kanila sa outting. Madalas kasi may kasama silang staff kaya hindi ako pwede sumama, ngayon lang ata sila nakalabas na walang ibang kasama kung hindi ako lang. 
Nakaramdam ako ng kakaiba dahil sa ideyang mag pa-Pasko ako kasama sila.
Nag play ang isang kanta na sina Daniel, Adam, Henry at Jackson ang kumanta. Para bang hinehele ako 'non kaya kahit anong pilit kong labanan ang antok ay hindi ko na nakayanan.
Naramdaman ko na huminto ang van pero dahil sa antok ay hindi na ako nag atubuling dumilat. 
"Hindi ba natin gigisingin si Jin?" boses ni Derrick ang narinig ko.
"Wala yang tulog, hayaan nalang natin. Mag take-out ka nalang Henry para sa kanya."
"Ibababa ko lang tong bintana, susunod ako." 
Nag tagumpay ang antok sa aking sistema. Kaya nang umuga ang Van ay agad ulit akong nakatulog.
I don't know where are we right now pero alam ko na wala pa kami sa destinasyon.
Dalawang kalabog ang nag pa gising sa akin. Malamyos na sinag ng araw ang nag pamulat sakin lalo. Maliwanag na pala. Dahan-dahan kong binaba ang paa ko na namanhid dahil sa ayos ng upo ko. Nakaramdam ako ng kirot.
"Aray.." mahinang daing ko at tyaka hinilot ang binti.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nakakahiya kay Joshua.
"Gising kana pala.." nakapikit ang isang mata nang tumingin ako kay Joshua, pero nung makita kung sino ang nasa driver seat ay para bang nabuhayan ako ng dugo. "Nag take-out nalang kami para sa'yo. Hindi ka na namin ginising,e" 
Derrick is now seating beside me. Nag palit sila ni Joshua!
"T-Thank you..." 
Pasimple kong chineck ang mukha ko bago ko tanggapin ang pagkain na nasa paper bag.
Tatlong clubhouse sandwish ang nasa loob ng paper bag. Sa itchura palang ng mga sandwish ay mukhang hindi ko 'yon mauubos. Tatlo? Seryoso?
"Hindi ko alam kung anong gusto mo." boses ni Henry kaya napatingin ako sa likod. "Sabi ng kapatid mo hindi ka daw nag b-breakfast kaya hindi ko alam kung anong bibilhin ko.. binilhan nalang kita ng sandwish baka sakaling magutom ka sa byahe." nawala ang mata niya ng ngumiti siya.
"It's fine, Henry, kakainin ko 'to" sabi ko at angat sa paper bag "Thanks!"
"Sigurado ka na kaya mo na, Rick" tanong ni Joshua, bahagyang sumilip sa pagitan namin ni Derrick kaya umayos ako ng upo.
"Oo naman, no." si Derrick habang inaayos yung sealt belt nya. "Alangan na hayaan kita mag maneho hanggang sa dumating tayo doon."
Marunong din mag maneho si Jake kaya hindi ko alam kung bakit hinayaan nya na ang mas naka-babata sa kaniya ang mag prisinta kung kaya niya naman. O baka naman nag prisinta naman siya but Derrick insist and he want to take incharge instead, I don't know. 
"Malapit na daw doon sina Jackson" ani Owen. Humalukipkip at tyaka sumandal ulit sa balikat ni Henry 
"Good, then let's go!" 
Pinaandar na ni Derrick ang van at nag simula na ulit baybayan ang daan. Binuksan ko naman ang paper bag at kumuha ng isang club house sandwish.
"Grabe! Na-eexcite na ako. Gusto ko na agad makarating doon!" maligayang wika ni Derrick.
"Yah! Wag mong gawing sport's car tong Van ha!" ani Jake sabay turo sa amin.
"Kala mo sakin? Maingat ako at may babae tayong kasama! Bawal ma-excite?"
Napalaki ang kagat ko sa sandwish nang marinig ko yon mula kay Derrick. 
"Ah so, kung hindi natin kasama si Yunjin talagang papaharurutin mo tong van?" 
Natawa nalang si Derrick sa sinabi ni Owen. Ako naman ay inabala ang sarili sa pag kain ng club house sandwish. Kung noong una ay baka hindi ko pa maubos tong tatlo, baka ngayon sa kabang nararamdaman ko ay baka maubos ko to ng hindi namamalayan!
Hindi ko alam kung paano ako kakalma ngayong nasa tabi ko sya. 
Wala sa sariling napatingin ako sa rearview mirror. Para bang nakakita ako ng multo ng mag tama ang tingin namin ni Jake na agad din naman niyang iniwas.
"Ano pala ang plano mo dapat ngayong bakasyon nyo?" tanong ni Derrick.
"Usual lang, baka sa bahay lang ako kung hindi nyo ako sinama."
"Mag-isa sa Pasko?" tanong niya, hindi makapaniwala. "Buti nalang pala.."
"Paano, laging iniiwan nitong kapatid niya tuwing Pasko." I heard Jake hissed at Henry.
"E, ikaw? Okay lang na hindi mo kasama ang pamilya mo sa pasko?" 
Nakita ko ang lungkot sa ngiti ni Derrick. "Kailangan tong outting na 'to, e. Baka mag karoon din ako ng idea sa susunod na comeback..lalo na at hindi bumenta ang mga kanta namin. Siguro, freshen up narin, lalo kay Owen. Sya yung mas nape-pressure ngayon."
Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon dahil halos lahat ng gawa nila ay magaganda. Nabibingi na ba ang mga tao ngayon? Bakit mas gusto nila pakinggan yung mga kantang may pang hahalay sa babae kaysa sa kantang may saysay naman ang meaning? 
Isang oras at kalahati ang ginugol namin sa byahe dahil sa bahagyang traffic. Nag k-kwentuhan na ang iba sa likod tungkol sa mga balak nilang gawin pag dating namin sa rest house habang ako ay hindi ko na alam kung ano pang pwede naming pag usapan. Mag patugtog nalang kaya ako?
Pero mukhang pareho kami ng iniisip kaya sabay naming pinindot ang buton. Para bang may kuryente sa mga daliri namin kaya sabay namin iyon binawi.
"Ikaw na.." 
Sabay naming sinabi kaya nag katinginan kami saglit. Nang napag tanto namin iyon ay pareho nalang kaming natawa.
Nawala gaano ang kaba ko. Siguro ay isasantabi ko muna itong nararamdaman at maging normal nalang muna. Tutal, mas kailangan nila itong bakasyon na 'to kumpara sa akin na nasabit lang. 

Bình Luận Sách (64)

  • avatar
    Ma Sarah Mabini Ebit

    nakaka excite na habang tumatagal sa pagbabasa 😊

    11/08

      0
  • avatar
    Amero Mauna

    ok 👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍

    13/07

      0
  • avatar
    Xavier Zantua

    super ganda nang story sana mag ka next chapter na

    01/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất